XIII. *Emojing Nakatayo*

Gra Graduate na Ako!

 

Nakauwi na kami ng 11pm. Nakakapagod pero masaya pinagdrive na ulit kami ng ate ni Irene kasi wala na masyado masakyan tapos si Irene takot na magcommute. 

 

Huwag niyo na akong tanungin ulit kung bakit walang usap sa sasakyan pauwi….tulog kasi ako nun…ginising na nila ako nung nakabalik na kami.

 

“Pagod na pagod yang kasama niyo ah?” sabi ni ate Tiffany.

 

“Ganyan naman po talaga yan, kahit walang gawa napapagod.” explain ni Wendy.

 

At dahil di nila ako magising gising agad….binuksan nila yung pinto sa side ko para mahulog ako.

 

“!” sigaw ko. Sinalo naman ako ni Wendy at Sana at hinila ng tuluyan tumayo naman agad ako. “Pasensya na po. Thank you po. Ingat po. Goodnight po.” mabilis kong sabi.

 

“Irene pasok ka muna saglit dito” sabi ng ate niya.

 

Hinintay naman namin si Irene syempre alangan naman iwan na lang namin diba thats bastos! Pagbaba niya ulit ng sasakyan namumula pisngi ni Irene at tumingin sakin.

 

“Tara na.” ayun lang ang mga nasabi niya.

.

.

.

.

.

.

.

Nang nakabalik na kami sa kwarto. Wala na ulit antok ko sana kasi binuhat na lang nila ako! Char demanding.

 

“Pst, Seulgi check mo gc natin.” sabi ni Wendy

 

Gc: cuties na photographers

 

Wendy: (sent a photo)

Seen

 

“Candid ko yan sa inyo! Pwede na ata akong wedding photographer?” dugtong ni Wendy.

 

“Gaga. walang wedding wedding…..honeymoon agad!” pabiro kong sinabi.

 

Natawa naman si Wendy at hinagis ang unan papunta sakin.

 

Biglang lumabas si Sana sa cr…”May sasabihin kami ni Wendy…”

 

“Ay oo nga buti naalala mo.” sabi ni Wendy.

 

Di ko mawari yung expression nila….

 

“So….. HAHAHAHA gagi may crush yan sayo si Irene. Grabe sa maikling time na nagcr ka kwinento ni Irene shs life niyo! Alalang-alala niya lahat eh.” banggit ni Sana.

 

“Umaksyon ka na. Walang ‘too late’ kay Irene.” singit ni Wendy.

 

“Please. Napagusapan na natin ‘to hahahaha wala yun gusto sakin. Bakit niya ako irereject if gusto niya ako?” wika ko.

 

“Hala tanga neto! Narinig mo ba sinabi ni Irene kanina?” tanong ni Sana.

 

“Oo.” “Oh see alam mo pala eh.”

 

“Eh, bala kayo dyan tutulog na ulit ako.” sabi ko at umayos na ako sa pwesto ko.

 

“Bahala ka rin dyan. Natakot ka na lang naman kasi nga nareject ka lang isang beses aayaw ka na.” sermon ni Wendy habang papunta sa cr.

.

.

.

.

.

May kumatok sa pinto namin nagkatinginan naman kami ni Sana. “Seulgi check mo kung sino.” pabulong niyang sabi.

 

“Gegu yoko baka kung sino pa yan. Anong oras na may kakatakot pa???” sagot ko pabalik.

 

Muling kumatok ng dalawa pang beses. Nagtaklob na ako sa ilalim ng kumot ko tatlong beses na kumatok eh! Tumalon naman si Sana sakin para makisiksik.

 

Sumilip si Wendy. “Parang mga tanga ‘to! Check niyo kung sino!” sigaw niyang sabi.

“KANG SEULGI!!!!” you guess it. Si Irene na naman. Bigla naman ako tinulak ni Sana sa kama.

 

“ARAY!” napasigaw naman ako.

 

“SEULGI??” tanong ni Irene at nagkakatok na naman. Bumangon na ako sa sahig at binuksan yung pinto.

 

“Hello okay ka lang ba?” tanong kong medyo nagaalala kay Irene.

 

“Uh, oo pwede ka ba makausap saglit lang as in.” sagot niya.

 

“Okay okay.” at lumabas na ako sa pinto at sinaraduhan. “Bakit?”

 

“Uhm…..” nagtip toe siya at bigla niya akong kiniss sa cheeks. “Thank you!” sabay takbo papalayo.

 

Alam niyo yung emoji na nakatayo lang??? Ganun lang nangyari sakin… what the ?????

 

Binuksan ko na ulit ang pinto at nilock ang kwarto. “So….anong meron kay Irene?” tanong ni Sana.

 

“Uh wala naman! Sige guys goodnight sweet dreams!!” ngiti ko at biglang tumalon papahiga sa kama.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Mantikang Seulgi gising!” hampas sakin ng unan ni Sana.

 

Sweet dreams nga naman pala talaga…..kasi panaginip ko lang pala yun.

 

“Epal ka naman eh! Ganda ganda ng panaginip ko.” sabi kong inis.

 

“Mamili ka yang panaginip mo o maging dragon sayo ni Irene??” tanong ni Sana. “Bilisan mo kumilos ilang araw na lang start na ng event natin eh.”

 

Bigla kong balikwas. “Gago oo nga! bakit di niyo na naman ako ginising?!” karipas ko sa banyo.

 

“Wag ka ng maligo!” sabi ni Wendy.

 

“Magwwash lang ako!!” sabi ko. “Mauna na kayo para hindi mahalata!”

 

“Sige bilisan mo ha, baka biglang maging dragon sayo si Irene eh bumabait na nga sayo.” sabi ni Wendy.

.

.

.

.

.

.

.

Tumatakbo na ako sa hallway wala na ngang ligo pagpapawisan pa agad!

 

“Seulgi!” sigaw ni Tzuyu. Nandun pala siya sa hallway.

 

Bigla akong napatigil at natapilok. Di ko napansin na kasalubong ko pala si Irene ayun nabangga ko siya.

 

patay…..”Anak ng!” sigaw ni Irene. natapon yung orange juice niya at nabasa ang kanyang papel na dala dala.

 

“Oh , sorry sorry Irene di ko sinasadya.” sabay kong kuha yung mga papel at pinagpagan para masalba.

 

“Ano ba yan, Seulgi! bakit di ka kasi tumitingin sa daan!” inis na sinabi ni Irene.

 

“Sorry talaga di ko sinasadya.” sabi kong takot….

 

Tumakbo naman si Tzuyu samin at tumulong na rin. “Sorry, Irene tinawag ko kasi si Seulgi kaya di niya napansin.”

 

Dali dali naman si Irene kinuha sakin yung mga papel at tumayo na rin. “Usap tayo mamaya, Kang Seulgi.”

 

“Sorry na talaga kahit ano gagawin ko promise. tutulungan kita.” sabi ko.

 

“Sabi mo yan. Mamaya.” at umalis na siya.

 

“Pasensya na Seulgi ha.” wika ni Tzuyu.

 

“Hindi okay lang kasalanan ko rin naman.” sabi ko.

 

“Okay ka lang ba? Stress ngayon si Irene eh kasi may isang sponsor na nagback out.” explain ni Tzuyu.

 

“Yup. okay lang. Gusto niyo tulungan ko ulit kayo?” tanong ko.

 

“Kausapin mo na lang si Irene mamaya. hahahaha goodluck” banggit ni Tzuyu.

 

ako tinatakot neto. “tara na, magsstart pa lang halos lahat gumawa.”

 

Pagpunta ko sa hall nagsstart na nga sila gumawa. 

 

“Sakto! Seulgi samahan mo si Mina kumuha nung mga gamit puntahan niyo si Irene.” sabi ni Joy.

 

“Oh eh bat ako??” 

 

“Tanga leader ka namin diba”

 

Oo nga naman…..pahiya na naman ako shet.

 

“Tara na Mina hahahaha.” alanganin kong sinabi at naglakad na kami papunta sa hallway.

 

“Alam namin. Bad mood sa Irene kaya ikaw sinama ko para panangga ko.” wika ni Mina.

 

“Walangya naman ‘to! nabangga ko na nga kanina eh.” rason ko sa kanya.

 

“Katakot noh parang dragon!” pabiro kong sabi.

 

“kapag narinig ka nyan ha…” tawa ni Mina.

 

“Eh ano naman totoo naman na para siyang dra-“ may sumingit

 

“Sinong dragon, Seulgi?” sambit ni Irene.

 

“Ah wala! nagkkwento lang si Mina tungkol sa Shrek kasi nanood sila tapos may kahawig daw yung dragon.” palusot ko.

 

“Ako kamukha nung dragon ganun?” tanong ni Irene na pasungit.

 

“Hindi hindi ano ka ba! masyado naman maganda yung dragon if kamukha mo swerte ni Donkey.” muli kong palusot.

 

“Ikaw si Donkey?” pabiro ni Mina.

 

*chuckles im in danger* ha ha ha ha 

 

“Hindi ako si Lord Farquaad.” sagot ko.

 

“Pakikuha na lang yung dalawang box tapos ilagay niyo na sa isang stall, alam na nila gagawin dyan mamaya. Salamat.” mukha naman huminahon na siya….

 

“Ako na dyan muna Seulgi kaya ko naman parehas na box.” sabi ni Mina.

 

“Parang ewan ‘to sabay tayo pumunta dito, sabay rin tayong aalis syempre.” rason ko kay Mina.

 

Si Irene pumunta sa dulo at nagcheck na ulit ng mga gamit….

 

lumapit sakin si Mina at bumulong. “Tulungan mo na, mahinahon na naman.”

 

“Eh, yoko natatakot ako baka masipa ako.” pabulong kong sinabi. Tumitig lang naman sakin si Mina….Fine!

 

“Okay sige basta kapag di niyo na ako nasilayan. Hanapin niyo katawan ko isa isa sa box ha!” pabiro ko.

 

Umirap si Mina at tuluyan ng umalis. Inobserbahan ko naman si Irene habang nagccheck ng gamit at napansin kong natapunan rin pala siya ng juice niya…

 

“Pst, sorry sa kanina ha di rin kasi kita nakita tapos natapilok pa ako.” explain ko sa kanya.

 

“Okay lang.” sagot ni Irene.

 

back to zero na naman ba tayo. oh nooo.

 

“Teka may kuhain lang ako mabilis lang.” sambit ko.

 

Tumakbo ako papunta sa kwarto namin at kumuha ng t-shirt ko para ipahiram sa kanya kasi nga natapunan siya. lagkit kaya ng orange juice! Nang makabalik na ako nakita kong nakatungo lang si Irene at parang…...umiiyak? Dahan dahan naman ako pumunta sa kanya….

 

“Joohyun. Anong nangyari?” pag aalala ko. nagulat naman siya umayos ng tayo at pinahid ang kanyang luha.

 

“Wala.” tipid niyang sinabi.

 

“Pwede naman ako tumulong or makinig kung ano man yan.” mahinahon kong sinabi.

 

Tumingin siya sakin at kita ko na namumuo na naman ang kanyang luha sa gilid ng mata niya. Bigla na rin niya akong niyakap at humagulgol. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero niyakap ko siya pabalik.

 

“may...may...nagback out...na sponsor kaninang umaga...kung kelan malapit na yung event.” hikbi niyang sinabi.

 

“Nasabi nga sakin ni Tzuyu...kaya bad mood ka daw…” sabi ko.”Wag ka magaalala we’ll find a way.”

 

Mga ilang minuto bago tumahan na si Irene.

 

“Brrrr! okay! Okay na ulit ako. moment of weakness lang.” piglas sakin ni Irene sa yakap. "tagal mo din kasi pumunta kanina sa hall."

 

Taena talaga???? HAHAHAHA 

 

“.........may regla ka ba????” tanong kong seryoso,

 

“Pakyu!” at ngumiti na ulit siya. “pero thank you na nagstay ka feeling ko ikaw lang makakaintindi sakin ngayon kasi magkakilala tayo somehow.”

 

“that's what friends are for!” sabi ko.

 

“Friends?”

 

“edi old classmates!” 

 

“By the way, eto tshirt magpalit ka na lagkit lagkit ng orang juice eh!” habang inaabot ko yung shirt.

 

“DITO????? NO WAY!!!!” sigaw ni Irene.

 

“Ang feeler naman amputek! sa cr malamang!” obvious kong pagkakasabi. Binigay niya yung mga papel sakin at kinuha yung tshirt na hawak ko. “Malay mo…” at kumindat habang papunta sa cr.


 

Here lies: Kang Seulgi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
For now....paalam na muna! :)

Comments

You must be logged in to comment
iamSoshiLover #1
Chapter 22: been looking for the sequel turned out di na siya nahahanap? niways, thank you for this story, otor. ganda ng pagkakasulat. u da best 👊
Moksy23
#2
Sequel po author (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)
nicamyoui
#3
Chapter 21: Sequel ung di bitin hahaha ung sure na si irene! Hina naman pala neto ni irene tsktsk
iana013
#4
Chapter 21: Bitin... ヽ((◎д◎))ゝ more!! More!!
(╯ರ ~ ರ)╯︵ ┻━┻ kekekeke
gomtokki_23
#5
Chapter 20: eh???
2014605911
#6
Chapter 21: Kung lalagyan pa ito ng sequel or epilogue please yung joyful reunion na nila. A short piece. Not another open-ended scene. In fairness though, hopeful nga talaga yung tone nung story sa huli 👌. Kinda bittersweet nga lang kasi hindi rin naman pala ready si Irene. Definitely rooting for them to get together already if ever na may kasunod nga.
eunxiaoxlove #7
Chapter 21: Sequel :)
Tiny_Angel14 #8
Chapter 21: Author, SEQUEL PLEASE!!!!
gomtokki_23
#9
Chapter 19: bawal po ang kiss pag walang label hihi
Jihnjihn #10
Chapter 19: Harot naman pala irene. Hahahaha