XIV. Seulgi alyas 'Manhid'

Gra Graduate na Ako!

 

Day 1 na ng Event

 

Nung isang araw after ni Irene umiyak sinabi ko na agad sa kanya na itrtry ko ulit makipag usap dun sa isang sponsor na nakuha ko kung meron pa siyang pwedeng isuggest samin. Ayun meron naman! (Wag na lang natin sabihin na kamag-anak namin yung isang sponsor kaya natulungan agad kami hehe)

 

Di ko rin pala nasabi kung ano talaga event namin. Simple lang naman; 3 days workshop siya. Madaming choices na pwede mong subukan para makatulong kung balak mag maliit na business. Open rin siya sa lahat at walang fee. Pinaka importante sa lahat libre pagkain! Kaya naman Day 1 pa lang madami na ang tao.

 

Ngayon, kaming mga photographers namana ng busy. Punta dito, punta doon. Kuha dito, kuha doon ng mga litrato. Di ko ineexpect na ganto kadami makakapunta pero okay lang hard work pays off kumbaga.

 

Hiwa-hiwalay na muna kami para madami kaming makuha na picture. Pagpatak ng 12nn...break time ng lahat pati kami pero nagdistribute muna ulit kami ng pagkain para mapabilis. Pagkatapos ay kumuha na rin kami ng pagkain at nagsama sama sa iisang table ang mga photographer interns. Katabi ko si Sana at Wendy.

 

“Seulgi, may nagtatanong kung ano daw pangalan mo.” sabi ni Sana.

 

“Bakit daw?” tanong ko.

 

“Uhm duh?” sagot ni Sana.

 

“....duh???” wala akong nagegets. “Ah! Ihhire ba nila ako na photographer?”

 

Napa facepalm na lang si Wendy. “Hayaan mo na Sana pagbigyan natin gutom na eh.”

 

Tumango naman ako habang ngumunguya.

 

“Ibig sabihin nun Seulgi, interesado sayo yung tao. Manhid na nga tanga pa.” sabi ni Joy.

 

Tumingin naman ako kay Joy at tumawa. “Ah okay.”

 

“Naks loyal naman pala!” pang aasar ni Joy.

 

“Naman! I have died everyday waiting for you darling dont be afraid i have loved you for a thousand years i'll love you for a thousand more.~”

 

Nagpalakpakan naman sila sakin. 

 

“Thank you! Thank you!” sabi ko habang kumakaway na pang miss universe.

 

“Wow, wedding singer ang biritan!” sabi ni Chaeyoung.

 

“Pano ako magiging wedding singer kung ako yung nasa altar??” biro ko.

 

Nagsigawan naman sila at nagtinginan ang ilang tao.

 

“Sino naman may balak pakasal sayo? Ew.” sabat ni Chaeyoung.

 

“Char lang! Wedding photographer na lang ako baka ako pa unang maiyak sa ikakasal habang kumakanta ako eh.” sabi ko.

 

“Four years and counting?” tanong sakin ni Wendy.

 

“Four years and counting….” sabay ngiti ko.

.

.

.

.

.

.

Sakit na ng mata ko! Kanina rin may lumapit na lalaki sakin siya ata tinutukoy ni Sana.


 

“Hello, galing mo naman magpicture.” sabi nung lalaki. Eh di pa nga niya nakikita mga pictures ko???

 

“Salamat! Need mo ba ng help?” tanong ko ng maayos.

 

“Uhm...paano….paano mag apply as jowa sayo?” ano ba ‘to bulok na pick up line!

 

“Hahahaha studies first ako eh sorry.” hiya kong sabi.

 

“Ano bang name mo?” tanong ni kuya.

 

“Ha….” sambit ko. Tumingin naman siya sakin na excited HA HA HA.

 

“Ha…...mbuger. Libre po mamaya ang meryenda. Sige na po.” 

 

“Parang ewan naman ‘to dali na pangalan lang eh.” pilit niya.

 

“Pasensya na po. Workshop po ‘tong pinuntahan niyo, hindi party.” at umalis na ako papunta sa labas.

 

Sa labas na muna ako kukuha ng mga litrato nakaka suffocate na rin sa loob. Bawat stall sa labas pinupuntahan ko para magpicture ng konti…sa last na stall nakita ko si Irene nagtrtry na rin magturo kung paano magcarve kaya naman pinicturan ko rin siya. I mean sila! Hehe. Habang nakafocus ako sa pagpipicture bigla siyang napatingin sa camera at nagsmile…...alam niyo yung moment na yung pagharap sakin ni Irene nag slow mo yung moment. Fine, cliche na kung cliche di rin naman kasi ako naniniwala sa ganun pero ewan ko na lang ngayon….

 

“Tangina Seulgi umayos ka.” bulong ko sa sarili ko. Bilis ng tibok ng puso ko. “Umayos ka wag kang pahalata. Cool lang Seulgi, Cool.”

 

“Seulgi!” tawag ni Irene habang kumakaway.

 

Lumapit naman ako sa kanya. “Picturan ko kayo!” sabi ko.

 

“Try mo rin magcarve naalala mo ba nung grade 12 pinagawa tayo ng ganto. Sayo flower, sakin aso” sambit niya sakin. “Tingnan mo na gawa ko ngayon oh!”

 

Teka nga paano niya nalalaman yung mga ganun eh umiwas na siya sakin nung time na yun??? Naalala ko yung sa kanya na aso kasi alam ko favorite niya rin aso.

 

“....Penguin? Ang cute naman.” sabi ko.

 

“Para sayo ‘to. Thank you gift lang sa pagcomfort sakin nung minsan.” ngiti niya. “Gawan mo rin ako!”

 

“Thank you! pero ikaw na rin gumawa sayo hahahha” sabi ko. Nagsimangot naman siya. Ako Irene sinasabi ko kapag di ako nakapigil.

 

“Ang KJ! Remembrance nga natin eh.” sabi ni Irene.

 

“Eto di mabiro, ano gusto mo icarve ko?” tanong ko.

 

“Dragon..” pang aasar niya.

 

“So....bale mukha mo ganun ba?” pang aasar ko pabalik. "hirap icarve ng mukha mo masyadong perfect di kaya ng powers ko."

 

“Galing naman bumanat! banatin ko yang buto mo?" sabi niya. "Okay, edi kahit anong trip mo….”

 

“Trip mo na rin? Ikaw ha nakakahalata na ako. yiee” pang aasar ko.

 

Pinaghahampas niya ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
For now....paalam na muna! :)

Comments

You must be logged in to comment
iamSoshiLover #1
Chapter 22: been looking for the sequel turned out di na siya nahahanap? niways, thank you for this story, otor. ganda ng pagkakasulat. u da best 👊
Moksy23
#2
Sequel po author (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)
nicamyoui
#3
Chapter 21: Sequel ung di bitin hahaha ung sure na si irene! Hina naman pala neto ni irene tsktsk
iana013
#4
Chapter 21: Bitin... ヽ((◎д◎))ゝ more!! More!!
(╯ರ ~ ರ)╯︵ ┻━┻ kekekeke
gomtokki_23
#5
Chapter 20: eh???
2014605911
#6
Chapter 21: Kung lalagyan pa ito ng sequel or epilogue please yung joyful reunion na nila. A short piece. Not another open-ended scene. In fairness though, hopeful nga talaga yung tone nung story sa huli 👌. Kinda bittersweet nga lang kasi hindi rin naman pala ready si Irene. Definitely rooting for them to get together already if ever na may kasunod nga.
eunxiaoxlove #7
Chapter 21: Sequel :)
Tiny_Angel14 #8
Chapter 21: Author, SEQUEL PLEASE!!!!
gomtokki_23
#9
Chapter 19: bawal po ang kiss pag walang label hihi
Jihnjihn #10
Chapter 19: Harot naman pala irene. Hahahaha