IV. Deserve

Gra Graduate na Ako!

 

Nakapunta na rin kami sa wakas sa kwarto! pabibo kasi ‘tong dalawa eh. Buti naman napansin ni Tzuyu na pagod na ako kaya pinaalis na kami.

 

Habang naghihilamos ako etong dalawang chismosa iniintriga ako! sunod sunod tanong. Ano to?


 

“Kala mo nakalimutan namin ha! Spill!” sigaw na sabi ni Sana.

 

“Gago ang awkward talaga kanina” sabi ni Wendy habang nakatayo malapit sa pintuan ng cr.

 

“eh basta nga friends kami” 

 

“eh bakit nga ganun ka awkward kung friends lang?”  sabi ni sana.

 

“dali na kasi eto parang ano eh past is past na naman” sabi ni Wendy.

 

oo nga naman....past is past.....okay sige go wala na rin naman mawawala sakin diba?


 

“So ayun nga shs classmates. naging crush ko siya. umamin ako. nareject ako. weird pero lumayo siya sakin tapos ang sungit niya. end.” mabilis kong sinabi.

 

“kaya naman pala......eh baka crush ka din naman kaso di lang niya matanggap na ikaw pa naging crush nun?” Pag-iisip ni Sana.

 

“No offense ha, pero feeling ko nga ganun.” sinabi ni Wendy.

 

“Condolence, Seulgi” sabay sabi nung dalawa at biglang nagtawanan. ‘Charot! HAHAHAHA”

 

“walangya kayo! HAHAHAH pero goods na naman ako” wika ko.

 

“susususus! parang may feelings ka pa rin eh!” Pang aasar ni Sana.

 

“Shunga! 4 years na yun!”

 

“Eh ano naman? di naman nasusukat ang pagmamahal”

 

Nagsigawan na nga po ang dalawa. hay.

 

Hagisan ko nga ng tubig HAHAHAHA.

 

“ay puta ka Seulgi!!!!” sabi ni Wendy.

.

.

.

.

.

.

Nakahiga na kami at etong si Sana at Wendy nagccompetition na sa snoring contest jusko po! ako tong antukin pero ngayon hindi.

 

Ngayon ko lang rin naalala na sa Pampanga internship ko......pero duh ang lawak ng Pampanga????? bakit ngayon pa ako sinumpa sabi ko maeenjoy ko tong internship ko eh.

 

kung tatanungin niyo ako kung nahurt ako? slight. 

 

pero kung tatanungin niyo kung bat siya yung masungit sakin? Di ko rin alam. Simula nung umamin ako sa kanya ganun na lang bigla eh. okay lang naman sakin pero the way na iniwasan niya ako at sinungitan? ouch.


 

biruin mo kasi dami ko pwede mameet siya pa? pero buti nakita ko ulit siya. weird ko naman.

 

hindi pa rin siya nagbabago. Irene na Irene pa rin hay.



 

Nakalimutan namin magalarm! Bigla akong bumalikwas sa higaan at tiningnan ang phone ko, 7:30. Tumingin ako sa paligid….hayop nagreready na yung dalawa!

 

“Bakit di niyo ako ginising?” sabi ko habang nagpapanic. First day na first day ng internship late. Inassign din ako na as leader tapos ganto? Wala na patay na ako kay Irene.

 

“Gago Seulgi, kaninang madaling araw nanginginig ka tapos ang init mo pa. Pahinga ka na lang muna sabihin na lang namin ni Wendy” pagaalalang sinabi ni Sana.

 

“Huh okay lang ako, tingnan niyo nga bumangon pa ako oh ha!” pilit kong sabi pero nararamdaman ko talaga na medyo masama pakiramdam ko.

 

“Tanga ka talaga! Halata sa itsura mo oh” nanay na tono ni Wendy. Hala.

 

“Patay kasi ako kay Irene….leader pa naman ako tapos first day” sinabi ko.

 

“Eh kesa naman lumala yan. Sabihin na lang namin promise wag ka magalala. If maayos na pakiramdam mo mamaya edi pumunta ka na okay?” sabi ni Sana.

 

“Sige. Salamat ha basta kapag naging dragon yang si Irene kayo susumbong ko ha!” sabi ko ng patawa.

 

“Oh sige na alis na kami! Balik kami dito mamaya para check ka ha ‘wag kang makulit” wika ni Wendy. “Nandyan na din gamot mo inumin mo!”

 

Panigurado magsusungit lalo ‘tong si Irene sakin!

 

Irene- 2

Seulgi - 0

 

Pinagdalhan naman nila ako ng breakfast. Buti naman kumukulo na tiyan ko eh.

 

“Nasabi na namin kay Maam Park. Pahinga ka na daw whole day siya na lang daw magsasabi kay Irene.” sabi ni Sana.

 

“Sino si Maam Park?” sabi ko.

 

“Si Maam Coor! Ayan di nakikinig charot kanina lang din namin nalaman eh” sabi ni Wendy

 

“Buti naman may magtatanggol sakin!” patawa kong sinabi.

 

“Mukha naman mabait si Irene ah.” wika ni Wendy.

 

“Sainyo Oo, Sakin Ewan.” sagot ko.

 

“Grabe parang di naman ampalaya ulam natin!” patawang sabi ni Sana.

 

“Sige na ulit pahinga ka na ulit dyan.” 

 

“Sarap ng buhay ko dito pahiga-higa lang” sarkastikong sabi ko.

 

“Okay narecord ko yun pakita ko kay Irene.” sabi ni Sana

 

“Huy gago joke lang!” nagpeke abong umuubo hahahaha.

 

Dinalhan rin nila ako ng lunch at Dinner.

 

Infairness masarap mga ulam nila ha!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
For now....paalam na muna! :)

Comments

You must be logged in to comment
iamSoshiLover #1
Chapter 22: been looking for the sequel turned out di na siya nahahanap? niways, thank you for this story, otor. ganda ng pagkakasulat. u da best 👊
Moksy23
#2
Sequel po author (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)
nicamyoui
#3
Chapter 21: Sequel ung di bitin hahaha ung sure na si irene! Hina naman pala neto ni irene tsktsk
iana013
#4
Chapter 21: Bitin... ヽ((◎д◎))ゝ more!! More!!
(╯ರ ~ ರ)╯︵ ┻━┻ kekekeke
gomtokki_23
#5
Chapter 20: eh???
2014605911
#6
Chapter 21: Kung lalagyan pa ito ng sequel or epilogue please yung joyful reunion na nila. A short piece. Not another open-ended scene. In fairness though, hopeful nga talaga yung tone nung story sa huli 👌. Kinda bittersweet nga lang kasi hindi rin naman pala ready si Irene. Definitely rooting for them to get together already if ever na may kasunod nga.
eunxiaoxlove #7
Chapter 21: Sequel :)
Tiny_Angel14 #8
Chapter 21: Author, SEQUEL PLEASE!!!!
gomtokki_23
#9
Chapter 19: bawal po ang kiss pag walang label hihi
Jihnjihn #10
Chapter 19: Harot naman pala irene. Hahahaha