XX. Zettai

Gra Graduate na Ako!

 

8pm. start na ng bonfire. Umupo na ulit kami pero this time katabi ko na si Irene.

 

“Parang nung first day...di pa kayo magkakakilala ah. Ngayon end na ng internship niyo. Thank you sa mga ginawa niyo at efforts niyo dahil success ang 3 day event natin!” panimula ni Maam Park. sumigaw muli kami.

 

“iiyak na yan! iiyak na yan!” pabiro naming sinabi sabay sabay.

 

“Ayun lang masasabi ko...Thank you sa mga kasama ko ditong nagguide para sa mga intern natin. Thank you rin sa mga interns…..gra graduate na kayo! yehey! patikim pa lang ‘to sa real world pero wag kayong matatakot ha sa simula lang yun. Ibibigay ko na floor kay Irene.” sabi niya.

 

Tumayo naman si Irene at ngumiti sakin. “Thank you sa inyo lahat kung wala kayo…..lalo na si Maam Park at sa mga tumulong samin hindi natin ‘to mabubuo ‘tong event na ‘to. Thank you sa mga interns...kay assistant Tzuyu and sa photog leader….Si Seulgi. Ayun lang din talaga masasabi ko.” at sumigaw ulit kami. finally!!!!!!

 

“Si photog leader naman speech!!!!!!” sigaw ni Chaeyoung. tumingin naman ako sa kanya ng masama at tumawa lang siya.

 

“Oo nga!!!” sabay sabay nilang sinabi.

 

“Tumayo ka na dyan Seulgi. pabebe ka na naman!” pang aasar ni Wendy.

 

“Thank you.” tumingin ako kay Irene.

 

“awts gege sa kanya lang.” sambit ni Sana.

 

“teka lang kasi! hahahaha so ayun….thank you thank you thank you kasi pinagkatiwalaan niyo ako as a leader….tsaka…..hala! di ako nakapili ng assistant! so kayo na lang lahat kasi y’all deserve it. Talagang todo effort tayo matapos ‘tong event na ‘to. Thank you Maam Park at sa lahat ng nagguide samin! di namin ‘to makakalimutan!” wika ko…

 

At….tuluyan na nga nagstart ang celebration!!!!!! Nakakain na rin kami, may mga kumakanta ulit…….daming pagkain shet kumulo tiyan ko….pabaon kaya ako if may sobra??

 

Pagkatapos ko kumuha ng pagkain lumapit ako kay Maam Park…

 

“Maam, pwede po ba magbaon if di naubos pagkain?” tanong ko pabiro.

 

“Para sayo sige. Hanap ka ng tupperware mo.” natatawang sabi ni Maam.

 

“Charot lang! Mauubos namin yan for sure. Tatakaw nila oh.” turo ko.

 

Napatingin naman si sa plato ko….”Mukha nga, Seulgi. Ikaw pa lang eh.”

 

Ngumusi na lang naman ako hehehe….

 

Pagkatapos ko kumain...umalis naman muna ako kasi hahanapin ko yung aso…..baka di ko na siya maabutan bukas eh. Naglakad na ako papunta sa kabilang direksyon. Hinanap ko na ulit yung aso sa fave spot namin kaso wala siya. Gabi na naman kasi parang tanga naman hahahaha. Kaya solo na lang akong humiga.

 

“hmmmmm hmm hmmm” kanta ko.

 

Bigla naman may dumagan sakin...duh sino pa ba!

 

“bat ka nandito? hinahanap ka nila Wendy may pa smores sila.” banggit ni Irene.

 

“hinanap ko lang yung aso….kaso wala.” sagot ko.

 

Umalis na naman siya sa pagkakadagan sakin…at humiga katabi ko pero nakaharap pa rin sakin.

 

“San na kiss ko?” tanong niya.

 

H word. HAHAHAHA 

 

“Crush na crush mo ata ako?” tanong ko pabalik.

 

“Wag feeler, sabi mo kasi eh!” sagot niya,

 

Fine! humarap rin ako sa kanya….

 

“Sure ka?” tanong ko..

 

“Sigurado….” ngumiti kami parehas 

 

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko…..tapos eskimo kiss hehehe etong si Irene walang kontrol sa sarili bigla niyang diniretso! Kiniss niya ako sa lips agad agad! HAHAHAH 

 

“Tagal kong hinintay yun.” banggit niya.

 

di ba dapat ako magsasabi niyan….or naunanan niya lang ako….

 

“talaga lang ha?” sabi ko kaya kiniss ko ulit siya.

 

Alam niyo na naman mga sumunod na nangyari! ilang minutes lang yung momol wag kayong ano dyan! mahuli pa kami eh.

 

“Seulgi….” sabi ni Irene. “gusto kita…..”

 

Parang may gusto pa siyang idagdag kaya hinayaan ko lang siya..

 

“kaso…”

 

“kaso?” biglang kumabog dibdib ko…

 

“Natatakot pa rin ako.” dagdag niya. “pero please dont take it the wrong way na parang pinaasa lang kita….”

 

“Ah.” ayun lang mga nasabi ko at bumangon na rin.

 

Bumangon rin naman siya at hinawakan braso ko. “Seulgi, please alam ko ayaw mo ng confrontation pero di ‘to magiging okay if di ako naging honest sayo.” wika niya.

 

“....eh bat mo pa ginawa yun lahat? in the end kahit naman magexplain ka…..parang pinaasa mo lang rin ako eh.”

 

“di sa ganun Seulgi okay? basta ewan ko naprepressure kasi ako..sa sarili ko….sa lahat... di ko alam...Sigurado naman ako sa nararamdaman ko for you...natatakot lang ako na mali magawa ko…” explain niya.

 

Sa totoo lang, di ako galit kay Irene or sakin...Ewan nagexpect na naman ba ako masyado? I mean ayun rin naman ayoko mabigla...pero im willing naman na irisk yun kasi gustong gusto ko siya…..

 

“Sana…..una pa lang sinabi mo na, nagexpect na naman ako eh hahahaha” wika ko. “Kinain mo lang rin mga salita mo…” mahinahon kong sabi. 

 

“Seulgi...please...”

 

“Okay lang, Joohyun.” tuluyan na akong tumayo. “So….goodnight. See you tomorrow.” hinabol ko na sila Wendy na papasok...di na ako tumingin pabalik, masakit eh.

 

Umakto ako ng parang walang nangyari. yup tama si Irene. Ayoko ng confrontation. Ayoko lang na nabibigla ako sa mga bagay bagay. “Pst hoy!” sigaw ko sa kanilang dalawa.

 

“San ka galing teh? kanina ka pa namin hinahanap. May smores eh!” sabi ni Sana.

 

“Nagikot ikot lang.” sana di nila mahalata.

 

“Oh eto ginawan ka namin ng smores.” abot ni Wendy sakin.

 

“San na sila Tzuyu at Joy?” tanong ko.

 

“Nandun pa sabi namin una na kami.” sagot ni Sana.

 

“Si Irene?”

 

“Ah.  ano nasa ano….sabi ko una na rin ako hehe.” sambit ko. “pupunta ba si Joy mamaya sa kwarto?”

 

“Stay na daw muna siya sa room.”

 

Tumambay na kami sa kwarto kasi karamihan ay pagod na rin. Nakahiga lang ako at nagsscroll sa phone ng twitter….may kumatok sa pinto sinagot naman ni Wendy. Nagtulog tulugan naman ako kasi kilala ko na agad kung sino yan.

 

“hello! uh, gising pa ba si seulgi?” tanong ni Irene.

 

“uh….tulog na eh.” sagot ni Wendy.

 

“Ah….sige sige goodnight.”  sambit ni Irene.

 

Sinara naman ni Wendy ang pinto at pumunta sakin…”Alam ko gising ka pa dyan hayop ka…” pabulong niyang sinabi.

 

Ngumiti lang naman ako. “Okay lang ba kayo?” tanong ni Wendy.

 

Di ko sinagot. nakapikit pa rin ako. “Nako Seulgi. Walang mangyayari kung ‘di pag uusapan.” at humiga na ulit siya sa kama niya.

.

.

.

.

Naramdaman ko ng tulog yung dalawa. Chineck ko na ulit phone ko 12am na. Di ako makatulog...kaya nanood na lang ako ng mga youtube videos.

 

May kumatok ulit ng mahina. Taena anong oras na natatakot na naman ako! chineck ko oras 2am?!?!?!?!?!

 

“Hello? Si Tzuyu ‘to.” banggit niya.

 

Bumangon ako at binuksan ang pinto kasi baka emergency…”Seulgi….” at tumingin sa gilid. Si Irene. “ayaw niya pumasok ng kwarto. hihintayin ka daw niya kasi baka daw makaalis kayo.” dagdag ni Tzuyu. “Sorry….di ko na kasi alam gagawin ko. Matigas talaga ulo eh tsaka kung ano man nangyari, sana maintindihan niyo isat isa.”

 

“Sorry Tzuyu, Sige ano uhm matulog ka na muna sa kama ko...or kay Sana. Kausapin ko na lang siya.” wika ko.

 

“Sige, sorry Seulgi. ikaw lang hinahanap niya eh.” pumasok na siya sa kwarto namin.

 

“Tzuyu….wag mo na lang muna sabihin kila Wendy.” habol kong sinabi at thumbs up siya.

 

Nagbuntong hininga naman ako habang papunta kay Irene.

 

“Irene. Matulog ka na, please?” sabi ko ng mahinahon.

 

“Seul….” niyakap niya ako. umiyak na siya, “i-i-can….explain naman.”

 

“shhh, tumahan ka na muna.” ayaw niyang gumalaw. kaya binuhat ko na lang siya papunta sa kwarto nila.

 

“Tahan na…” muli kong sinabi habang nakahiga na kami.

 

Di pa rin siya tumigil kakaiyak.

 

“Seulgi...please please please.” lalo niya hinigpitan yakap niya sakin.

 

“Nandito pa rin naman ako ah.” explain ko.

 

“Gusto...kita, Seulgi.” sabi niya.

 

“Kaso may kaso, Irene.” dagdag ko. “pero wag ka magalala naiintindihan ko. whenever you are ready. nandito ako. biruin mo 4 years akong umaasa….and counting!” trinatry ko lang ilighten yung mood para tumigil na siya umiyak.

 

“Promise?” tanong niya.

 

“Sigurado.” sagot ko. “Sana soon kung magkikita ulit tayo, ready ka na talaga.”

 

“Promise. Sa susunod na magkita tayo.” sambit niya. Buti naman medyo kumalma na siya. “Lagi mo tatandaan na gusto kita ha kahit anong mangyari.”

 

“May panghahawakan na ba talaga ako?” tanong ko.

 

“Dati pa naman. Di ko lang agad sayo naparamdam…..dami kong beses gusto ipakita sayo. Ilan beses ako naglakas loob na umamin pero wala eh….nabigay ko sayo nung shs….pagsusungit at lumayo ako sayo. Im sorry kung napafeel ko sayo yun di ko lang talaga alam gagawin...”


 

“Singa ka na muna. Mamaya di ka dyan makahinga…” 

 

Nakatulog na din kami pareho.

.

.

.

.

.

.

Bandang 10am naalimpungatan ako...Tiningnan ko si Irene tulog pero pahikbi hikbi at may pumapatak pa rin na mga luha. Pinahid ko ang mga luha niya at hinalikan ko siya….lalo siyang lumuha at hinigpitan ang yakap sakin.

 

Masakit ginawa niya pero...at the same time ang saya ko kasi after all these years di naman pala talaga unrequited love ‘to. Parehas kami ng nararamdaman nahuli lang siyang sabihin sakin. Di ko rin kayang ilet go ‘to, tagal ko ‘tong hinintay din…


 

“anong oras kayo aalis?” tanong niya.

 

“Bakit excited ka na ba makauwi ako?” pabiro kong tanong.

 

I guess…..bad joke. Umiyak na naman.

 

Pinatahan ko na ulit siya, “Shhh joke lang. Hapon pa alis namin.”

 

“anong oras?” tanong niya muli.

 

“5pm.” 

 

“Pwede bang...dito na muna tayo?” paki usap niya, “kahit gutom ka na.”

 

Natawa naman ako. “Sige.”

 

Kumatok naman si Tzuyu nung tanghali at binigyan kami ng pagkain. 

 

“Dyan na kayo kumain. Di ka makakain niyan. di ka papaalisin.” sabi ni Tzuyu.

 

“Thank you. Okay na rin naman siya kaso iyak ng iyak.” sabi ko.

 

“Gusto ka talaga nyan…” sambit ni Tzuyu.

 

“Kaso palaging may kaso Tzuyu eh. hahahaha.” dagdag ko.

 

tumango naman siya, “naiintindihan ko. Sa 3 years ko yang kakilala, gusto niya palagi siyang sure sarili ayaw niya kasi may maapektuhan in the long run. Ngayon ko lang rin yan nakita ganyang umiyak.” kwento ni Tzuyu.

 

“Maghihintay na lang ulit ako Tzuyu,,,” sabi ko.

 

“Di naman sa ano….happy ako para sa inyo lalo na sa paghihintay mo sa kanya pero dapat di pilit ha dapat willing ka magwait.”

 

“Sigurado naman ako sa kanya.” sabi ko. “Tzuyu, pasensya na.”

 

“Wala yun para sa inyong dalawa. Sinabi ko na rin pala kila Wendy para maintindihan nila.”

 

Nagpaalam na kami sa isat isa ni Tzuyu at kumain na kami ni Irene. Tahimik kaming kumain. Walang kumikibo. ako ang unang natapos kumain at tumayo na ako.

 

“San ka pupunta?” tanong niya.

 

“Maliligo lang...gusto mong sabay tayo ganun?” biro ko.

 

Umirap naman siya.  

 

“Kuha lang pala muna ako ng damit ko.” sabi ko.

 

“Bilisan mo ha….” sambit niya.

 

Kinuha ko naman agad gamit ko at bumalik.

 

“Mamimiss kita.” wika ni Irene habang papasok na ako sa liguan lumapit naman ako sa kanya at kiniss.

 

“Dapat lang!” sambit ko. 

 

Pagkatapos ko maligo ay sumunod na rin siya. Humiga na lang ulit kami.


 

2:30pm. 

 

“Irene, ayos lang ako ng gamit.” wika ko.

 

“Sige sige. magaayos na rin ako pati kay Tzuyu.” sagot niya.

 

Tuluyan na nga kaming bumangon. Umalis na muna ako.


 

3:05 natapos na ako magayos ng gamit.

 

“Ready ka na ba????” sabi ni Sana.

 

“Naman! makikita ko na ulit aso ko.” sagot ko.

 

Alam ko na alam nila pero hinayaan na lang muna nila ako.

 

“Parang ang bilis na ang bagal ng internship noh?” kwento ni Wendy.

 

“Oo nga eh….” sabi ni Sana.

 

“Ano na plano niyo ni Tzuyu?” pang aasar ni Wendy.

 

“Edi maguusap! basta kung anong meron at least meron nangyari.” explain ni Sana.

 

“Kala ko ba close lang ha? HAHAHAH” sabat ko.

 

“Tanga close nga! inch by inch were moving closerrr” kanta ni Sana.

 

Harot!!

 

“Balik na muna ako sa kwarto nila Irene!” 

 

Ngumiti lang sila. “Okay! ayusin niyo yan.”





 

“Knock knock.” 

 

Bilis buksan ng pinto! hahahaha

 

“Hiiiii.” sabi ko. Niyakap niya na lang ulit ako. 

 

“Seulgi…..”

 

“Bakit?”

 

Tumingin siya sakin at hinalikan niya ulit ako sa buong mukha. Sinong di kikiligin dito...pero hanggang dito na lang muna.

 

“Ano gusto mo gawin?” tanong ko.

 

“Nood na lang tayo.” sagot niya.

 

“Anong papanoorin natin?” tanong ko ulit.

 

“Before Sunset.”

 

Gusto ata talaga neto maiyak! 

 

“Celine: So, I want to try something.

Jesse: What?

Celine: [hugs him] I want to see if you stay together or if you dissolve into molecules.

Jesse: How am I doing?

Celine: Still here.

Jesse: Good, I like being here.”

 

Ramdam ko na tumingin siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

 

“Good, I like being here.” ginaya ko linya ni Jesse.

 

“shhh!” banta niya sakin.

 

May kumatok...chineck ko ang phone ko. Malapit na mag5pm

 

“Celine: oh, baby you’re gonna miss that plane.

Jesse: I know.”

 

Nagkatinginan na lang kami.

 

“Seulgi! Irene! magaayos na daw. Alis na ako ha.”

 

“Okay!” sigaw namin parehas.


 

“2 minutes.” pakiusap niya sakin.

 

“Okay. 2 minutes.”

.

.

.

.

.

.

Naglalakad na kami sa hallway bitbit na namin ang gamit nilang dalawa ni Tzuyu. Nauna na sila Wendy at Sana, sabi sakin ni Tzuyu dinala na daw ang gamit ko.

 

“Bagalan mo naman maglakad.” sabi ni Irene.

 

Pinipigilan kong tumawa kasi naiimagine ko yung video ni Shawn Mendes at Camila Cabello HAHAHAHA.

 

“Mabagal na ‘to.”


 

Sa wakas! Nakarating din kami sa labas. Grabe kasi paglakad ni madam ang bagal bagal.

 

“Kung nadouble check niyo na daw gamit niyo?” tanong ni Mina.

 

“Yupz. Triple pa hehe.”

 

“Punta ka na Seulgi sa bus. Maghhead count na din daw eh.” dagdag ni Mina. Humarap siya kay Irene at nagthank you at paalam.

 

Iniwan muna namin sa gilid gamit nila kasi susunduin sila ng ate niya. Naglakad na rin kami papalapit sa bus.


 

“Bye bye….for now?” sambit ko.

 

Nakatingin lang naman sakin si Irene. Namumuo na naman mga luha niya sa gilid ng kanyang mata.

 

Oo na. Naiiyak na rin naman talaga ako. Magaling lang ako magpigil…

 

Hinug niya ulit ako. “I love you, Seulgi pero not now….” bulong niya.

 

“Ouch. sana di mo na muna yan sinabi.” konting pigil pa ng iyak Seulgi.

 

Kiniss ko siya sa noo. “Maghihintay ako.”

 

Kumatok na naman sa salamin si Wendy at nagsenyas na aalis na talaga. Bumitaw na kami ng yakap sa isa’t isa.

 

“Eto na talaga.” sabi ko.

 

Walang salita si Irene. That’s my cue.

 

Paakyat na ako sa bus. Bumaling ako ng tingin ng Irene nakatayo lang siya at kasama na niya si Tzuyu.

 

Kumaway ako para magpaalam na.

 

Naglalakad na ako sa bus aisle. “Ayun lang….?” tanong ni Sana.

 

Wait…..tumakbo ako para bumaba ulit lumapit kay Irene. For now….last kiss.

 

“Gusto ko lang sabihin na….sana…..next year….makapunta ka sa graduation.” sambit ko.

 

Ngumiti naman siya. “Promise. This don't have to be over. Magsisimula pa lang tayo, Seulgi.” hinawakan niya yung mukha ko at kiniss ako.

 

“Tsaka eto yung tinahi nating bear. Thank you. I….I  love you, Joohyun.” inabot ko sa kanya.

 

Bumalik na ulit ako sa bus at umupo. Hindi naman muna nila ako kinausap. Nakatingin lang sila sa bintana nagpapaalam kila Tzuyu at Irene. Ayokong tumingin, wag kang titingin, baka umatras ako…..

 

Maya maya ay umandar na ang bus…..pumatak na rin ang luha ko….

 

“Okay lang yan, Seulgi. Magkikita kayo.” at niyakap ako nilang tatlo nila Sana, Wendy at Joy.

 

“Wag nga kayo! Naiiyak ako kasi tapos na internship ibig sabihin…..” 

 

“Gra graduate na tayo!”

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

9:30pm

 

Nakarating na kami sa Manila. Madami na rin nagaabang para sunduin mga anak nila. Bumaba na kami at kinuha gamit isa isa. 

 

“Pwede ko kayo ihatid if ever.” sabi ko.

 

“Okay lang, malapit na rin naman susundo sakin.” sagot ni Sana.

 

“Sakin rin. Una ka na alam ko pagod ka na.” sambit ni Wendy. “Okay ka na ba?”

 

 Tumango lang naman ako. “Sige. basta chat kayo ha if nasundo na kayo.Ingat kayo!” niyakap ko sila at lumakad na ako.. “Thank you pala Sana at Wendy!”

 

“Walang anuman. Thank you rin!!”


 

“Mukhang pagod na pagod ah. Bakit parang namamaga mata mo?” pang aasar ni Yeri ng sinalubong niya ako.

 

Niyakap ko na lang naman siya bigla…

 

nabago naman ang mood ni Yeri at niyakap niya ako pabalik...

 

“Nandito ka na, magiging okay ka na. Tara na. Pinagluto ka ni ma ng ramen mo, pinilit pa namin ni dad yan.”

 

“Thank you, Yeri.” 

 

Pumasok na kami sa sasakyan….

 

Tiningnan ko phone ko..

 

New message: Chaeng  photog

Chaeyoung: [sent a photo]

Sorry kung natagalan isend...naghahang laptop ko...

Wrong timing rin pagsesend ko sayo...sorry ulit.

Me: AHAHAHA ano ka ba wala yun thank you pa rin kasi sinend mo.

.

.

.

“huwag mo nang pigilan

ang sinisigaw ng puso mo

'di ka bibitiwan

kahit ano pa ang sabihin mo

huwag nang mangatuwiran-”

 

“Ma paki off po yung radio.”

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

E N D

 

 

 

“Zettai” minention siya ni Mizuki Shida sa ending ng Sigurado MV meaning /unconditionally/absolutely/without a doubt/…...ending rin dito ay Sigurado so for now hulaan niyo na lang pwede mangyari!

 

Bonus: Namention rin ni Irene na fave ‘to ni Seulgi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
For now....paalam na muna! :)

Comments

You must be logged in to comment
iamSoshiLover #1
Chapter 22: been looking for the sequel turned out di na siya nahahanap? niways, thank you for this story, otor. ganda ng pagkakasulat. u da best 👊
Moksy23
#2
Sequel po author (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)
nicamyoui
#3
Chapter 21: Sequel ung di bitin hahaha ung sure na si irene! Hina naman pala neto ni irene tsktsk
iana013
#4
Chapter 21: Bitin... ヽ((◎д◎))ゝ more!! More!!
(╯ರ ~ ರ)╯︵ ┻━┻ kekekeke
gomtokki_23
#5
Chapter 20: eh???
2014605911
#6
Chapter 21: Kung lalagyan pa ito ng sequel or epilogue please yung joyful reunion na nila. A short piece. Not another open-ended scene. In fairness though, hopeful nga talaga yung tone nung story sa huli 👌. Kinda bittersweet nga lang kasi hindi rin naman pala ready si Irene. Definitely rooting for them to get together already if ever na may kasunod nga.
eunxiaoxlove #7
Chapter 21: Sequel :)
Tiny_Angel14 #8
Chapter 21: Author, SEQUEL PLEASE!!!!
gomtokki_23
#9
Chapter 19: bawal po ang kiss pag walang label hihi
Jihnjihn #10
Chapter 19: Harot naman pala irene. Hahahaha