~Our Time~ 05

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Jeongyeon's Pov


Pagmulat ko palang nang mga mata ko, si Yujin na kagad yung bumungad sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dad, hindi naman pwedeng si Ryujin lang yung sinasama mo sa paghahanap kay Chaeryeong. Tsaka dad kasama naman natin si mom, kaya wala kang magiging problema." tinignan ko kung anong oras na.

"Alas siyete palang nang umaga, kumain na ba kayo?" umiling siya, bumangon na ako at lumabas nang kwarto ko. "Morning." bati ko kay Nayeon na nasa sala.

"Saan nga pala kayo susunod na pupunta ni mom?" tumabi si Yujin sakin.

"Depende sa plano ng mom mo." tumingin siya kay Nayeon bago sumunod sakin sa kusina.

"Sigurado ka dad?" kinunutan ko siya nang noo. "Na may tiwala ka sa mga plano ni mom." napabuntong hininga ako.

"Your mom knows the three of you well, but you never give yourself some time to know your mom?" ginulo ko yung buhok niya. "Tulungan mo nalang akong magluto."

"Dad? May tanong ako sayo." tumango lang ako. "Anu yung naramdaman mo nung nalaman mong triplets yung magiging anak niyo ni mom?" natawa ako.

"Syempre masaya, niloloko pa ako nila uncle mo. Ang galing ko daw kasi naka triplets kagad ako." natawa siya. "Pero may parte sakin na natakot, first time kong nagkaroon ng anak tapos tatlo kagad? Iniisip ko lagi, baka hindi ko kayanin." nginitian ko siya. "Pero kilala ako ng mom mo, alam niya kung anong makapagbibigay sakin ng lakas nang loob."

"Anu naman yun?"

"Sulat galing sakaniya." nagtaka naman siya sa sinabi ko. "Nakasulat sa sulat na yun kung kagaano ako kaimportante sa buhay niya, simple pero nakakagaan nang loob."

"Alam mo dad, naisip ko siguro nga hindi para sakin si Minjoo. Buti pa si Ryujin, may nakilala daw siya nung pumunta kayo sa park, kaya nga sumama ako ngayon kay mom, baka sakaling may makita din ako." natawa ako.

"Hindi talaga si Chaer yung dahilan mo?" alangan siyang natawa.

"Hindi naman sa ganun dad, pero pwede narin." napailing ako.

"Ilagay mo na 'to dun sa lamesa."

Pagkatapos naming maghain pinuntahan ko muna sa sala si Nayeon.

"Nayeon?" tinapik ko siya sa balikat. "Kumain na muna tayo." tumingin siya sakin.

"Nahihilo ako." tumango ako.

"Sige, magpahinga ka nalang muna dito. Tapos kami nalang ni Yujin yung aalis." umiling siya.

"Sasama ako sa inyo, iinuman ko nalang ng gamot 'to." tumayo na siya at marahang pumunta sa hapagkainan.

"Kumain ka na." sambit ko kay Yujin.

Habang kumakain kami kinuhaan ko na nang gamot si Nayeon, para pagkatapos niyang kumain makainom na siya kagad ng gamot.

Nang makapag bihis naman na ako, umalis na kami kagad.

"Saan yung susunod na pupuntahan natin?" tanong kay Nayeon na tinitignan yung mga picture na nakuha ko sa kwarto ni Chaeryeong.

"Dito." tinignan ko yung picture na sinasabi niya.

"Sigurado ka?" hininto ko muna yung sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Siguradong sigurado." napakamot ako sa ulo ko.

"Bakit dad, may problema ba?" nilingon ko si Ryujin na nasa backseat.

"Wala."

"Tara na, para makapagpahinga na rin ako nang maayos." nginitian ko sila bago bumalik sa pagmamaneho.

Sa isang resort na may retreat camp kami pumunta. Madalas doon ang puntahan nang mga estudyante kapag may retreat o field trip.

"Bakit ayaw mo bang pumunta dito?" tumingin ako kay Nayeon.

"Hindi naman sa ganun, kaso lang hindi ko ata kayang alalahanin yung alaala natin dito." naglakad na ako.

"Dad pwede ba tayong magtagal dito? Kahit hanggang bukas lang?" tinignan ko si Yujin.

"Depende sa mom mo." tumingin kami kay Nayeon.

"Hanggang bukas lang, hindi pwedeng umabsent ka ulit sa susunod na araw." agad na yumakap si Yujin kay Nayeon.

"Mom? Dad?!!" nagulat ako nang makita ko si Ryujin na tumatakbo palapit samin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Hinahanap si Chaeryeong." kinunutan ko siya nang noo.

"Paano mo namang nalaman na dito yung punta namin?" natawa siya sa tanong ko.

"Kay Yujin." ngumiti lang si Yujin at tumango.

"Magcheck-in nalang muna tayo, para makapagpahinga rin yung mom niyo." pumasok na kami sa lobby nang resort. "Tatlong kwarto."

"Teka dad, tatlong kwarto?" si Yujin.

"Kwarto niyo ni Ryu, kwarto ng mom niyo tapos kwarto ko." umiling sila.

"Sasama nalang kami sa kwarto mo dad, tsaka hanggang bukas lng naman tayo dito." tinignan ko si Ryujin at mukhang sang-ayon naman siya sa sinabi ng kapatid niya.

"Dalawang kwarto nalang, miss." inabot ko sa receptionist yung card ko. "Thank you." nag-bow pa ako sakaniya bago maglakad.

Nakasunod lang silang tatlo sakin, nagkukwentuhan yung dalawa habang si Nayeon nakakrus ang mga braso at paulit ulit na bumubuntong hininga.

"Dito na yung kwarto natin." binuksan ko na yung pintuan nang magiging kwarto namin ng mga anak ko. "Sa kabila yung sayo." inabot ko kay Nayeon yung susi nang magiging kwarto niya.

Hinintay ko na munang makapasok siya sa kwarto niya bago ako sumunod sa mga anak ko.

"Pwede naman kaming mag-swimming diba, dad?" si Yujin.

"Hmm, mamaya na siguro." humiga na muna ako sa kama, malaki naman yun at kasya kaming tatlo. "Matutulog na muna ako, kung lalabas kayo magpaalam kayo sakin o sa mom niyo."

"Okay." simpleng tugon nila.


Nagising ako dahil sa ingay na dinudulot ng cellphone ko. Bumangon ako at kinuha yung cellphone ko.

'139 missed calls from Im Nayeon'

Agad akong tumayo at tumakbo sa kwarto ni Nayeon.

"Ayos ka lang?" bungad ko pagkapasok ko sa kwarto niya. *Di man lang niya nilock yung pinto niya.*

"Nagugutom na ako." hinawakan ko siya sa noo.

"Ang taas ng lagnat mo, sabi ko naman kasi sayo magpaiwan ka nalang." pinatay ko yung aircon. "Kaya mo bang bumangon?" umiling siya. "Tatawagan ko lang yung mga bata."

"Hello Yujin?"
: Dad?
"Nasaan kayo ni Ryu? Pwede ba kayong magpadala ng pagkain dito sa kwarto ng mom niyo? Kahit anu basta may sabaw, tsaka gamot narin sa lagnat."
: Sige po.
"Kumain narin kayong dalawa, huwag lalayo at siguraduhin niyong wala kayong gagawin na kalokohan."
: Syempre naman dad.

Tinapos ko na yung tawag at tumingin kay Nayeon.

"Tutulungan kitang umupo, lalo ka lang kasing mahihilo kung nakahiga ka lang." hindi siya tumugon kaya ginawa ko nalang yung dapat kong gawin. "Sandali nalang dadating narin yung pagkain, kukuha lang ako ng mapunas sayo." tumayo na ako at naghanap sa banyo nang bimpo.

Meron naman doon na mga bagong tuwalya at bimpo na mukhang hindi pa nagagamit. Binanlawan ko muna yung bimpo bago balikan si Nayeon.

"Pupunasan ko lang yung mukha mo, tapos ikaw nang bahala sa katawan mo." pinunasan ko siya sa noo hanggang sa leeg. "Sandali andiyan na ata yung pagkain." inabot ko sakaniya yung bimpo at pinagbuksan yung kumakatok.

"Sir ito na po yung pagkain niyo, nadiyan narin po yung gamot na good for two days. Kung may kailangan pa po kayo pwede niyo pong itawag samin, salamat po." nag-bow na siya at naglakad palayo.

Nang maitulak ko na hanggang sa gilid nang kama ni Nayeon yung cart na pinaglalagyan nang mga pagkain, umupo na ako sa tabi niya.

"Humigop ka muna nang sabaw." nagsalin ako sa maliit na mangkok ng sabaw at inilapit sa bibig niya.

"Salamat." saad niya nang maubot na niya yung sabaw. "Sila Ryujin nga pala?"

"Baka nag-swimming, natulog kasi ako kanina." tumango siya. "Sorry nga pala, hindi ko nasagot kagad yung tawag mo."

"Ayos lang yun." pinahigop ko siya ulit nang sabaw. "Ang init naman dito."

"Pinatay ko kasi yung aircon, tsaka para pagpawisan ka din at lumabas yung init ng katawan mo." napangiti siya.

"Naalala ko nanaman yung nag-away tayo dati, dahil binalot ko si Ryujin sa kumot." tumingin siya sakin. "Sinabi mo na dapat hindi ko siya binabalot dahil lalo lang siyang mahihirapan, kaya ang ginawa mo binuksan mo yung heater, mainit na yung panahon pero mas lalo mong pinainit yung kwarto nila ni Yujin para pagpawisan siya." umayos siya nang pagkakaupo. "Simula nun natakot na akong hawakan sila tuwing nagkakasakit sila, lalo na si Ryujin na pinakasakitin sakanilang tatlo." pinunasan ko yung luhang tumulo sa pisngi niya.

"Huwag ka nga umiyak, lalong sasakit yung ulo mo niyan." sinubuan ko siya ng gulay. "Gusto mo bang umuwi na tayo mamayang gabi?" umiling siya.

"Kung tayo nga nahihirapan at nalulungkot dahil umalis yung anak natin, paano pa kaya yung mga kakambal niya. Hayaan na muna natin silang mag-enjoy, kahit ngayon lang." tumango nalang ako.

Nang mabusog na siya, pinainom ko na siya kagad nang gamot.

"Kumain ka na." sambit niya bago bumalik sa pagkakahiga.

Tahimik lang kami habang kumakain ako, akala ko nga nakatulog na siya pero nang tumingin ako sakaniya nakatulala lang siya sa kisame. Pagkatapos kong kumain lumabas na muna ako sa terrace nang kwarto ni Nayeon.

Tanaw ko sila Yujin at Ryujin na nakikipaglaro ng volleyball, tingin ko mga estudyante sila na tumutuloy sa retreat camp malapit dito sa resort. Base kasi sa mga suot nilang damit, may tatak yun nang pangalan ng school.

"Lalo ata akong nahilo." tumingin ako kay Nayeon na tumabi sakin.

"Bakit kasi tumayo ka? Dapat umupo ka nalang doon sa kama."

"Gusto ko nang sariwang hangin." pumikit siya.

Binalik ko sa mga anak ko yung paningin ko. Ngayon ko lang sila makita na maglaro, kasali sila sa basketball team ng campus nila. Pero ayaw ni Nayeon na manuod ako, baka nga daw kasi hindi makapagpukos sa paglalaro yung dalawa. *Mapressure dahil nandoon ako.* Si Chaeryeong naman sumali sa baseball team, pero hindi ko pa siya nakikitang maglaro dahil din ayaw ni Nayeon.

"Napaka-sporty nila, mana sayo." natawa ako.

"Pero hindi mo ako pinapayagan na manuod ng laro nila."

"To be honest, hindi sa ayaw kong mapanuod mo sila. Ayoko lang kasi na kapag pareho tayong nandun, maging sentro sila ng asaran nang mga kaklase nila." tinignan ko siya. "Ayoko na dahil sa pareho tayong nandoon, isipin nilang may pag-asa pa na magkabalikan tayo."

"Hindi ka natatakot para sakanila o sa iisipin nang mga tao sa paligid nila, natatakot ka dahil sa nararamdaman mo baka kapag nagkasama tayo sa iisang lugar, magbago yung desisyon mo." napayuko siya. "Gusto mo ba talagang magpakasal kay Jimin?" tumango siya. "Pero hindi mo naman pinipirmahan yung annulment papers natin?" umiwas ako nang tingin nang tignan niya ako.

"Anong sabi mo?"

"Hindi mo naman pinipirmahan yung annulment papers natin, kitang kita ko maski isang pirma wala ka pang sinusulat." napabuntong hininga ako. "Kung gusto mo talagang magpakasal sakaniya, bakit hindi mo pirmahan? O hindi ka parin nagbabago? Na kung anu mang mangyari basta masaya ka, kahit makasakit ka na ayos lang." humawak ako sa railings. "Hahayaan naman kitang maging masaya, pero sa ginagawa mo pareho mo kaming sinasaktan ni Jimin." naglakad na ako pabalik sa kwarto niya.

"Oo hindi ko pa pinipirmahan, pero hindi ibigsabihin nun gusto kitang saktan. Hindi ko pa pinipirmahan dahil hanggang ngayon naguguluhan parin ako, hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko." humarap ako sakaniya.

"Bakit ka pumayag na magpakasal sakaniya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
#2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.