YULYEN I (Chapter 2)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yuri's Pov

Monday na, at halos hindi ko maibangon yung sarili ko kahit na nakabihis na ako, dahil sa naranasan ko sa loob ng dalawang araw na nagdaan. *Ang tanga mo naman kasi Yuri, bakit kinomment mo pa yun!!* *Oo na, self naman eh!!* 

"Yuri!! Hinihintay ka na ni Hyewon!!" napabuntong hininga nalang ako at napapikit *Andiyan nanaman siya!!*

Marahan akong tumayo at lumabas nang kwarto ko, isang minuto ata ang tinatagal ko bago ihakbang yung paa ko sa susunod na baitang nang hagdanan namin.

"Mom, ayokong pumasok." tumingin sakin si mom.

"Nakabihis ka na, papasok ka nalang anu bang problema dun? Tsaka si Hyewon naghihintay na sa labas, nakakahiya naman kung papaalisin ko siya diba?"

"Yun mom, paalisin mo muna siya tapos aalis narin ako." napakunot ang noo niya. 

"Ewan ko ba sayong bata ka." lumabas siya ulit nang bahay, sumilip naman ako sa bintana.

Kumunot pa yung noo ni Hyewon bago tumango at nagbow kay mom. *Hays salamat!*  Nang makapasok na si mom sa bahay agad ko siyang niyakap.

"Thank you so much mom." tumakbo na ako palabas. 

*At least, sa school nalang ako haharap sa kalbaryo! King meron man!! Ang galing mo talaga Yuri!*

"Tss? may sakit pero kung makangiti wagas?" napatingin ako sakaniya at sa ginagawa niya *Sinasarado lang naman niya yung gate nila, huwag kayong anu!* "Alam kong gwapo ako." agad naman akong napa-iling *Hindi dahil sa hindi siya gwapo, nagulat lang ako nang magsalita siya ulit.*

"Tss." naglakad na ako ulit,  siya naman sinabayan ako sa paglalakad. 

Tahimik lang kaming dalawa, ewan ko ba dito sa lalaking 'to sa dalawang araw kasi na nagdaan apat hanggang limang beses sa isang araw kung pumunta siya sa bahay tapos wala namang sasabihin tititigan lang ako sa loob nang sampong minuto tapos aalis sa harap ko nang hindi nagpapaalam. *Parang timang diba?*

"Hyewon!" napatingin kami parehas dun sa tumawag kay Hyewon. "Hyewon ba pangalan mo?" napa-iling nalang ako.

"Wala talagang modo, tss." iniwan ko na silang dalawa.

"Wait." hinawakan ako ni Hyewonsa palapulsuhan ko, kaya napaharap ako sakaniya.

"Oh?" 

"Thank you, sa paghatid."

"Whatever." hinila ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. 

Expected ko na 'to, halos lahat nang babae nakatingin sakin tapos nagbubulungan.

"Girl!" ang tining naman nun. "Ay ayaw mamansin." sinabayan niya ako sa paglalakad. "Ang tapang mong babae ka, good luck. By the way, Kim Chaewon." nilahad niya yung kamay niya.  

"Anu yan? Kailan lang trip mo kami ah."

"Kamay 'to girl anu ka ba, tsaka hindi naman ibig sabihin nakikipagkaibigan na ako sayo. Anu 'to ahmmm, welcoming dahil isa ka na ngayon sa mga pagseselosan nang mga babae dito sa school." kinuha niya yung kamay ko para makipagshake hands sakaniya. "Again, good luck. Sana may magligtas sayo, kung sakali." kinindatan niya pa ako bago naglakad palayo. 

"Okay, so anu yun?" bulong ko at tumuloy na sa pagpasok sa classroom namin.

"Yown!!" nagulat ako sa sigaw ni Yujin. *Parang timang.* tumayo siya at lumapit sakin. "Walang gagalaw dito sa boss ko ahh, bata ko 'to." pumunta siya sa likod at umarteng minamasahe yung mga balikat ko. "Upo ka na boss." inurong niya yung upuan ko. *Parang timang talaga.* napatingin ako kay Minjoo at umiiling siya.

'Huwag kang uupo.' yun yung binibigkas ng labi niya. Tumingin ako kay Yujin, nakangiti lang siya sakin at hinihintay na umupo ako.

Hinawakan ko yung upuan ko bago ako umupo.

"Psh, mautak ka." dinig kong usal niya, tumingin ako kay Minjoo at nagpasalamat.

Napatingin ako sa pintuan nung pumasok si Yena, *Shookt! Yung nangyari pala nung Friday.* napatingin ako sa kung saan. Hinihintay ko siyang umupo sa upuan niya pero dumiretsyo siya sa gilid ko, kaya napatingin ako sakaniya. 

"Tayo." utos niya.

"Huh?"

"Tumayo ka." tinitigan ko lang siya. "Tumayo ka na sinabi."

"Saan ako uupo?" pinitik niya ako sa noo.

"Sa upuan ko malamang, bilis na." *Wala talagang modo.* tumayo ako at pumunta sa pwesto niya. 

"Tanggalin mo yung paa mo." tinignan niya lang ako at ngumiti bago ipatong yung isa niya pang paa sa uupuan ko.

"Ayoko nga."

"Ayaw mo?" tanong ko, agad naman siya umiling. 

Tumayo ako sa gilid niya. "Ayaw mo talaga?" pag-uulit ko, sa pangalawang pagkakataon umiling siya. Tumango ako at sinipa ko paharap yung unahang paa nang inuupuan niya, dahilan para tumumba yun patalikod kasama siya. Nakita kong tumama yung ulo niya sa desk ni Yujin, pasalamat siya at nakapatong sa upuan yung paa niya at hindi siya dumiretsyo sa sahig.

Tinulungan na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((