YULYEN I (Chapter 1)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yuri's Pov

Mahigit apat na buwan na ang lumipas mula nung lumipat ako sa bagong school na pinapasukan ko, ayoko man lumipat pero kailangan dahil nandito na sa Seoul ang bagong opisina ng daddy ko. *Haysssss, wala pang teacher ngayon* lalo ko tuloy namiss yung mga kaklase ko dati sa Busan.

"Psst!" inis akong napalingon sa taong nasa likuran ko, ang sakit ba naman kasi nang pakakakalabit niya sa balikat ko.

"Owww?!"

"Paabot naman kay Yena, salamat!" kinuha ko yung papel na hawak niya at kinalabit yung lalaking nasa harap ko.

"Bakit?" nakangusong usal niya, ay hindi natural na pala yun.

"Pinapaabot ni Yujin." walang gana naman niyang kinuha yung papel sa kamay ko.

Tumingin ako sa kinaruruonan ni Minjoo, siya palang yung kaclose ko sa mga kaklase ko. Tapos sa ibang section naman, sila Nako a Hitomi. Kaibigan kasi sila ni Minjoo, kaya wala akong choice kundi makipagkaibigan din sa kanila.

"Yuri?" nagulat naman ako nang nasa harap ko na si Minjoo.

"Nagteleport ka ba?" narinig ko namang tumawa yung lalaking nasa unahan ko, kaya sinipa ko yung upuan niya.

"Aray, anu ba?" nakanguso nanamang sabi niya.

"Tss. Anu pala yung sasabihin mo?" balik atensyon ko kay Minjoo.

"May gagawin ka ba mamaya?"

"Wala naman, bakit?" tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinila siya palabas ng room, nagtataka man sumunod nalang din siya. *Walang modo talaga yung lalaking yun, makinig ba naman sa usapan namin tss!*

"Nag-aaya kasi yung kambal, Friday videoke day." tumango tango ako.

"Magt'text lang ako kela mom." inilabas ko yung cellphone ko at nagtext sa mga magulang ko. "Saan tayo? doon parin ba?" tumango siya.

Sakto namang pagpasok namin sa room ay nagbell na, kinuha ko na yung mga gamit ko at lumapit kay Minjoo.

"Ang tagal mo namang mag-ayos nang gamit." pang-aasar ko, pati ba naman kasi sa pag-aayos ang hinhin parin.

"Wait lang kasi, baka mamaya may maiwan nanaman akong gamit." napakamot nalang ako sa batok ko.

"Kung may maiwan ka man, nandiyan naman si Yujin para habulin ka at iabot yung naiwan mo." natatawang sabi ko.

"Yun na nga, ayokong pagtinginan nanaman kami ng mga estudyante. Alam mo naman, sikat at maraming nagkakandarapang babae dun." sinukbit na niya yung shoulder bag niya sa balikat niya at nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad kami papunta sa room nung kambal, may nakabanggaan akong babae. *Don't tell me siya nanaman.*

"Ay sorry hindi kasi kita nakita." hindi ako makapaniwalang napatingin sakaniya.

"Ang liit mo naman kasi." napatingin ako dun sa isa pang babae na kasama niya.

"Hoy Chaewon, kung bangga-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang hilain ako ni Minjoo.

"Huwag mo nang patulan." bulong sakin ni Minjoo habang naglalakad kami palayo dun sa dalawa.

"Pagbuhulin ko sila ng pinsan niyang kapre." inis na usal ko.

"Grabe ka naman makakapre kay Wonyoung."

"Totoo naman kasi." huminto na kami sa pag lalakad nang makarating kami sa harap ng classroom nila Nako.

"Tabi!!" ako naman na nataranta halos mapayakap kay Minjoo, parang hangin na dumaan si Kkura sa harap namin.

"Kkura salo!" sigaw nung Hyewon at may hinagis kay Kkura, sa likuran naman ni Hyewon nakasunod si Chaeyeon.

"Ito talagang dalawang 'to ang lakas mantrip." bulong ni Minjoo.

Pinagpasa pasahan naman nila yung ID ni Chaeyeon at nakisali narin pati si Yena at Yujin.

"Anong meron?" napatingin kami ni Minjoo sa kambal.

"Anu pa nga ba, edi pinagt'tripan nanaman nung dalawa si Chaeyeon." sagot ko.

"Omo, ibig sabihin nandiyan si Hyewon?" tumingin si Hitomi sa limang naglalaro at si Chaeyeon ang taya.

"Miyawaki Kkura! Kang Hyewon-ah!!" para namang tumigil ang paligid namin, lalo na nung apat na lalaki.

Napatakbo si Yena at Yujin palayo sakanila *Tsk, kalokohan niyo kasi.* sinundan ko ng tingin si Eunbi-unnie habang palapit siya kela Hyewon.

"Ayaw niyo talagang tigilan yung kapatid ko?" hinampas niya yung dalawa sa braso.

"Tumakbo pa yan galing College Building." usal nung isang estudyanteng nakikinuod din.

"Noona sorry na." si Hyewon, binatukan lang siya ni Eunbi-unnie.

"Ito na nga isusuli ko na." nag-aalangan namang lumapit si Kkur

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((