YULYEN I ( Chapter 4)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yuri's Pov

Maaga akong nagising pero hindi ibig sabihin nun maganda ang gising ko, paano ba naman kasi hindi ko alam kung bakit nasama pa si Yena sa choices kung bakit ako malungkot kahapon. Napanaginipan ko pa tuloy siya,  lalo na yung nguso niya na parang bibe!

"ARGHHH!!"

Wala pa akong kasama ngayon mag-agahan, nagkaroon siguro ng emergency sa hospital si mom kaya wala siya nang magising ako.

"Hyewon-ah?" bulong bago tumingin sa bintana para tignan kung nandun na si Hyewon, pero wala pa siya o hindi talaga siya pupunta.

Naglakad na ako palabas, habang sinasara ko yung gate namin napatingin sa direksyon kung nasaan yung bahay nila Hyewon. *Baka hindi niya talaga ako sasabayan, hayaan na nga.*

Naglakad na ako, nag-aalangan pa akong tumuloy sa paglalakad pero umiling ako *Bakit ba iniisip ko yung lalaking yun?!* halos matumba naman ako sa gulat nung bumukas yung gate nila at lumabas siyang inaayos yung necktie niya. Basang basa pa yung buhok niya tapos hindi pa nakaayos, kitang kita ko yung pagtulo nung tubig mula sa buhok niya.

"Ayos ka lang?" tumango siya sa tanong ko.

"Ayaw kasing gumising ni Minami, napuyat daw siya kakahintay sakin kagabi. Walang magdadry nang buhok ko, hindi ko alam kung paano gumamit ng hair drier." napangiwi ako.

"Ibaba mo yung ulo mo." sinunod naman niya ako, pinatuyo ko yung buhok niya gamit yung kamay ko.

"Matagal pa ba?"

"Sandali, kita mong kamay ko lang yung gamit ko diba?" bumaba pa siya nang konti para ilagay sa magkabilang tuhod niya yung mga kamay niya.

"Baby shark dud du dudu du, baby shark dud du dudu du baby shark." pagkanta niya at bahagya pa siyang sumasayaw.

"Hahahahahaha, Hyewon-ah?"

"Wae? Ang cute kaya nung kantang yun." tinuloy niya yung pagkanta at pagsayaw.

"Ayan pwede na yan." umayos siya nang tayo, kinuha ko yung suklay sa bag ko. "Baba ka nga ulit nang konti." sinuklay ko yung buhok niya.

"Naks, so what's the deal with you two?" napatingin kami ni Hyewon sa nagsalita.

"Chaewon? anu ginagawa niyo dito?" si Hyewon.

"Gigisingin ka sana namin, alam mo na lasing na lasing ka kagabi." lumapit sakin si Chaewon. "Pero mukhang may gumawa na nun." inakbayan niya ako. "Tara pasok na tayo." di ko alam kung anu nasinghot ni Chaewon, basta ayokong masubukan yun.

Nauna na kaming maglakad, napansin ko yung mga kaibigan ni Hyewon *Kumpleto pala sila.*

"Manhid ka ba?" napatingin ako kay Chaewon. "Hindi ka siguro malakas makaramdam." napalunok ako.

"Wala naman akong gusto sakaniya, kung gusto mo siya edi sayo na." natawa siya.

"Hindi yun ang punto ko, wala ka bang napapansin na nagseselos sa iniyo ni Hyewon?"

"Bukod sa  mga babae sa school at kay Hitomi, wala naman." napakamot siya sa ulo niya.

"Sa aming magkakaibigan?"

"Ikaw?" umiling siya. "Si Wonyoung?" umiling siya ulit. "Imposibleng si Yujin?" natawa siya.

"Look for yourself." inikot niya ako paharap sa mga nasa likod namin.

"Si Kkura?" bahagya niya akong binatukan.

"Manhid ka nga, tara na nga." inakbayan niya ulit ako at naglakad na sa direksyon na tinutungo namin kanina.

"Close kasi sila ni Kkura, baka siya nga."

"Alam mo maganda ka pero syempre mas maganda ako, matalino ka pero syempre ahhmm same tayo dun yun nga lang manhid ka." may mga matatalinhaga pa na salita siyang sinabi, pero hindi ko na yun pinakinggan. *Bahala siyang mapagod kakasalita.*

Hanggang makarating kami sa tapat nang classroom ko, nakaakbay parin sakin si Chaewon.

"Basta pag nakita mo na yung sagot sa tanong ko, just call me baby (plays call me baby by exo 😂)" kinindatan niya pa ako bago maglakad palayo.

"Hindi mo naman sinabing close ka na sakanila." nakangusong sabi ni Minjoo.

"Hindi ko din alam kung anong trip nila sakin, sumasakit na yung ulo ko sakanila." umupo na ako sa  pwesto ni Yena.

"Oo nga pala, ang sabi may announcement daw si Teacher Yu tungkol sa groupings."

"Anu daw?" napakunot yung noo niya.

"Aba malay ko, wala naman akong sinabing inannounce na ah." napakamot siya sa ulo niya. "Mamaya pa ata sasabihin." naglakad na siya papunta sa pwesto niya, dahil papasok na si Yujin at madadaanan yung kinatatayuan niya kanina.

"Okay class, as I said earlier baka magkaroon ng pagbabago sa groupings. First, gusto kong magsorry Jo Yuri nakalimutan kong isama ka sa bilang kaya imbes na apat na tao sa isang grupo ay ginawa kong tatlo kada grupo, sorry talaga." *Ay parang hindi ako estudyante.* napatingin naman ako sa katabi ko nang. tumawa siya.

"Isa." biglang sabi nung lalaki sa likod ko. *Si Yena.* "Dalawa, tatlo, apat, lima." napa-iling ako nababaliw na ata.

"Pwede namang apat na tao sa isang grupo tapos the rest ay tatlo." sambit ni Teacher Yu. *Pwede namang apat kada grupo.* "Naayos ko na kasi lahat, at tig tatatlo kada grupo na yung pagbabasehan ko para sa  grade niyo." *Kdot!*

"Pero Teacher Yu, parang unfair naman po yun." sabi nung isa sa kaklase ko. "Yung iba tatlong tao lang tapos yung isang grupo apat?" agad namang sumang-ayon yung iba pa.

"Ganito, may isang grupo na may apat na tao o yung merong magsosolo?"

"Magsosolo nalang Sir." sabay sabay na sabi nung mga kaklase ko *Parusahan ba naman yung kaklase? Wala talagang tulot 'tong mga 'to.*

"Sa mga pangalan na natanggap ko? Sino sa iniyo yung walang ka grupo?" nakarinig ako ng pag-urong nang upuan mula sa likod ko, tanda nang pagtayo ng naka-upo dito. *Yena? Yujin?*

"Ahn Yujin?" napatingin ako kay Minjoo, nakayuko lang siya. Nang lumingon naman ako sa likod ko *Anong titig 'yan bibeng gwapo-este ahmm gwapo nga? Papatayin mo ba ako* tumingin ako kay Yujin, nakangiti lang siya sakin. "Ibig sabihin si Ahn Yujin ang magsosolo." nagkagulo naman yung mga babae at nagrereklamo. *Yuri tulungan mo na, mag magandang loob ka.*

"Uhm

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((