YULYEN I (Chapter 10)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yena's Pov

[KINABUKASAN]

Nakatingin ako sa bintana nang biglang may dumungaw dun, batang babae na sa tansya ko nasa lima o anim na taong gulang. Lumabas ako nang bahay ay pinuntahan siya.

"Anong ginagawa mo diyan?" mas lumapit pa ako sakaniya.

"May sulat na pinapabigay yung pinagtatrabahuhan niyo." napakunot yung noo ko.

"Ikaw nagdala nito?" umiling siya.

"Naglalaro kasi ako diyan sa labasan, akala ata nung naghahatid nang sulat dito ako nakatira. Ang sabi kasi niya i-abot ko daw sa tatay ko, eh wala naman akong tatay." kinuha ko yung sobreng hawak niya.

*Anong trip nang mga magulang ko?* napakamot ako sa ulo ko.

"Kumain ka na ba?" umiling yung bata. "Sumunod ka." pumasok na ako sa bahay at pumunta sa hapagkainan. "Yunjin?! Sinabi mo ba kela mom na nagtatrabaho ako?" hinain na niya yung mga niluto niya.

"Anong tingin mo sakin? Sumbungero? Bakit ko naman sasabihin sakanila kung diyan ka sasaya? Kung diyan mo makakalimuta yung babaeng nanloko sayo." umupo na siya. "Tsaka wala naman ako nakikitang dahilan para isumbong ka sakanila." tumingin siya sa batang kasama ko. "Kaninong anak yan?"

"Nakita ko lang diyan sa labas, kumain ka na." agad naman siyang umupo sa pwesto ko. "Dun ka sa tabi nung lalaking yun." napa-irap siya at lumipat sa tabi ni Yunjin.

"Paano yan hyung? Wala ka nang trabaho, gagamitin na ba natin yung mga pera na binigay ng mga magulang mo?" umiling ako.

"Hindi ko kailangan yung mga yun." sinimulan ko nang kumain.

"Anong pangalan mo bata?" tanong ni Yunjin dun sa bata.

"Yuri po." halos ma-ibuga ko naman yung laman ng bibig ko, kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig.

"Ang panget naman ng pangalan mo." sambit ko.

"Mas panget ka." sagot niya.

"Hyung wala ka bang balak mag-shave at magpagupit ng buhok? Isang taon na 'yang buhok mo nung huling pagupit mo diba?"

"Nakakatamad kasi." natawa siya.

"Sama ka sakin mamaya, pagupit tayo." tumango nalang ako.

Pagkatapos naming kumain ako na yung naghugas nang mga pinagkainan namin, nagkasundo naman yung dalawa dahil sa ACE ONE, napatingin ako sa bintanang kaharap ko. *Miss ko na sila Yujin.* 

Wala maski isa sa mga kaibigan ko ang nakakaalam na nandito ako sa Busan, ang sabi ko kela mom kung sakaling hanapin nila ako sabihin na nasa ibang bansa at nag-aaral. Ayoko sanang gawin yun, pero kung meron kasi kahit isa lang sakanila ang makaalam paniguradong ipapaalam niya kay Yuri. Ayokong mangyari yun lalo na  hanggang ngayon sariwa parin sa alaala ko yung mga napanuod at narinig ko, ang sakit-sobrang sakit parin hanggang ngayon.

[FLASHBACK]

Masaya akong naghihintay nang bus, nakasuot pa ako ng uniform pang sundalo, ngayon kasi ang araw na nadischarge ako. Alam nila mom na ngayon ako madidischarge pero ang sabi ko huwag na nila akong sunduin, dahil namiss ko ang pagsakay nang bus. Nang dumating na yung bus na sasakyan ko nakangiti akong sumakay nang bus.

"Welcome home." yan ang sabi ng driver sakin, hindi ko siya kilala pero dahil siguro sa suot ko ay alam niyang ngayon lang ako ulit makakauwi ng bahay.

Hindi maalis yung ngiti ko habang nakaupo lalo na at nasa palabas sa t.v. sila Yuri. *Proud ako sakanila lalo na sakaniya syempre, nang ibalita ni mom sakin na nagdebut sila bilang girl group tuwang tuwa ako dahil sa wakas natupad na yung pangarap niya-nila.* napa-iling ako at tinuon ang atensyon ko sa t.v. si Minjoo na yung iniinterview.

"May pressure ba sa comeback niyo ngayon?" tanong nung host.

"Siguro yung pagkakaroon ng injury ni Eunbi-unnie, kasi hindi namin alam kung kailan siya gagaling at ayaw namin na magp'perform kami nang kulang kaya medyo nakakalungkot at nakakapressure." sagot ni Minjoo. *Yeah, ang balita ko na-injured si noona habang ginagawa yung music video nila.*

"Nakakapressure nga yun lalo na kapag ang iniexpect nang mga fans ay walo kayong map'perform, I'm happy that you're already fully recovered." tumingin yung host kay Eunbi-noona. "For the next question, Yuri-ssi totoo ba na sinagot mo na yung manliligaw mo?" napakunot ang noo ko.

"We are happy and contended, why not?" natawa siya, halata naman ang gulat at kilig nila Eunbi-noona.

"May gusto ka bang sabihin sakaniya?" bigla namang nahiya si Yuri.

"See you later..." napayuko ako. "I love you." hindi ko ma-iwasang mapa-ubo nang makaramdam ako nang bahagyang pag-sikip sa loob ng dibdib ko. *Ang sakit.* at doon na nga sunod sunod na tumulo ang luha ko.

Nang huminto na yung bus bumaba na ako, sa susunod na bus stop pa ako dapat bababa pero hindi ko na kayang tumagal dun. Habang nakatayo ako sa bus stop na kinaroroonan ko napatingala ako sa building na nasa harap ko, isa isang lumabas ang litrato nila Eunbi-noona sa LED screen at nung picture na ni Yuri ang lumabas napakagat nalang ako sa labi. *Bakit?* *Akala ko ba maghihintay ka?* umupo muna ako at nag-isip isip. *Anong nangyari Yuri? Bakit naman ganun?*

Tumayo na ako nang mapansin kong madilim na kaninang ala una pa ako naka-upo dun, ang sakit narin sa pwet. Naghanap ako nang payphone, nakakailang ring palang narinig ko na yung boses ni mom.

"Anak nasaan ka na ba?" napatakip ako sa bibig ko *I miss you so much mom!*

"Mom?" napalunok ako. "May bahay tayo sa Busan diba?" napahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono.

"Anu bang nangyayari? Nasaan ka na? Maya maya lang nandito na yung mga kaibigan mo."

"Mom, hindi ko sila kayang harapin." napakagat ako sa labi ko. "Ayoko muna silang makita, mom." hindi ko na napigilan yung sarili ko at humagulgol na ako. "Pupunta ako sa Busan, kung sakaling magtanong o hanapin nila ako pakisabi nasa ibang bansa ako."

"Teka anu bang nangyayari? Yena?"

"Bye mom." 

Naghanap ako nang pwede kong mapagpalitan ng damit, buti nalang may malapit na gas station sa kinaroroonan ko. Nang makapagpalit na ako pumunta na ako sa computer café, nagbukas ako ng e-mail account ko at nag e-mail kay hyung.

To: Choi Min Hyung

Hyung?! Pwede mo ba ako puntahan, dala ka narin ng pera. Ikaw lang PLEASE!

Gumamit ako ng GPS para ma-auto locate ako at malaman ni hyung kung nasaan ako.

Naglaro nalang muna ako habang naghihintay, bigla namang may lumabas sa inbox ko.

Kwang_baebaes: Bro saan ka?
Kwang_baebaes: Para ka namang tanga!!
Kwang_baebaes: Walang planong magpakita samin?!!
Kwang_baebaes: Sumagot ka naman
Kwang_baebaes: Problema mo?!!
Lee_Sian666: Bro anong nangyari sayo?!
Lee_Sian666: Umalis walang paalam?!
KimfEliX: Walang balak sumagot?! Balak mo sa buhay mo?!!
Kkura-san: Anu na?!!

Ang dami pa nilang sinabi pero hindi ako sumagot, binasa ko lang lahat ng message nila.

"Yena." napalingon ako at nakita si hyung na nakatayo sa likod ko.

Nilog out ko na yung laro ko at tumayo.

"Anong problema mo?!" nakatanggap ako ng suntok mula sakaniya pagkalabas namin ng café. "Anong balak mo?!!" dinakot niya yung damit ko.

"Pwede bang kumain muna?" napabuntong hininga siya atsaka ako binitawan.

"Sakay." sumunod naman ako sakaniya.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas.

"Hindi mo siya namiss?" hindi ko siya tinignan.

"Sino?"

"Si Yuri."

"Bakit pa, kung masaya na siya sa iba." kinuwento ko sakaniya yung mga napanuod ko kanina.

"Stupido." napatingin ako sakaniya. "Tutuloy ka sa Busan?" 

"Kung yun lang ang paraan para makalimutan siya."

"Paano sila mom?" 

"Alam ko namang kaya mo nang ipaliwanag sakanila lahat." tumango siya.

"Pagbibigyan kita sa isang 'to." huminto na kami. "Kung magbago yung marupok mong utak, dito yung bagong dorm nila."

"Hindi na magbabago." napabuntong hininga siya bago paandarin ulit yung sasakyan. 

Sinamahan niya ako sa train station, habang nagwiwithdraw siya gamit yung atm ko kumain na muna ako. 

"Mamayang alas nuwebe pa yung train papuntang Busan, ito yung pera mo pang isang linggong allowance palang yan hindi kasi kakayanin nang machine kung iwiwithdraw ko lahat. Ito yung address nung bahay natin dun, sa weekends baka pumunta ako dun para dalhan ka ng mga gamit." napabuntong hininga siya. "Hindi mo talaga gagamitin yung utak mo ngayon?" umiling ako. "Yung puso mo?" umiling lang ulit ako.

Nang dumating na yung train na sasakyan ko nagpaalamanan na kaming dalawa.

[END OF FLASHBACK]

"Hyung baka naman gusto mong pataying yung gripo? Aksaya sa tubig." nabalik naman ako sa ulirat. "Naalala mo nanaman yung babae mo?" naglakad na ako papunta sa sala. "Sino ba kasi yung babaeng yun, at ganiyan epekto sayo."

"Gusto ko ngang kalimutan diba?!" napa-iling nalang siya. "Nasaan na yung bata?"

"Umuwi na, baka hinahanap na daw siya ng mama niya."

Hindi ko na kinuwento kay Yunjin lahat nang ditalye tungkol samin ni Yuri, lalo na at tagahanga siya ng grupo nila. 

"Anu palang balak mo? Hindi ka na makakabalik sa pinagtatrabahuhan mo tapos aya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((