YULYEN I (Chapter 9)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yena's Pov

Ala sais palang halos magwala na si mom dahil tulog pa ako, samantalang mamayang alas nuwebe pa yung graduation namin. 

"Mom? Ang aga aga pa." umupo ako at tinignan siya.

"Anong oras mo balak mag-ayos? Kapag isang oras nalang bago yung graduation mo?"

"Ito na." tumayo na ako at pumasok sa banyo.

Habang naliligo naalala ko yung eksena namin ni Yuri kagabi. *Iiyak kaya yun?* *Awayin ko kaya para hindi na sumama sa paghatid sakin, hahahahaha.*

Bukas na maeenlist si Hyewon at Kkura, tapos sa susunod na araw ako, huling huli si Yujin. *Baka mabaliw ako kapag hindi ko nakita nang isang linggo si Yuri.* tinapos ko na yung pagligo ko at lumabas na ng banyo.

Sinuot ko na yung uniform ko, March palang kaya medyo malamig pa. Sinuot ko yung uniform kong suit, tumingin ako sa salamin. *Bakit parang ang gwapo ko?* hinubad ko muna yung suit ko at nilagay yung necktie ko.

"Anong oras mo balak lumabas diyan." naglakad na ako papunta sa pintuan tsaka yun binuksan.

"Palabas na kasi ako mom." sabay kaming naglakad pababa.

Pagdating sa school agad akong tumakbo palapit sa mga kaibigan ko, at syempre kay Yuri. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"Yena anu ba." mahina niya akong hinampas.

"Namiss kasi kita."

"Si Hyewon?" napatingin ako kay Kkura nang nagtanong siya samin.

"Hindi ko napansin, nakasakay kasi kami sa sasakyan papunta dito kaya hindi ko siya nasilip." paliwanag ni Yuri.

"Hindi kasi sinasagot yung tawag ko." napabuntong hininga siya.

"Baka napuyat kagabi." nilabas ko narin yung cellphone ko para tawagan si Hyewon.

"Teka anu? Paanong wala diyan? Umalis ako natutulog pa siya, imposibleng wala siya diyan." napatingin ako kay Yujin. "Sige tatawagan ko." lumapit samin si Yujin. "Napansin niyo ba si Wonyoung?" umiling kaming tatlo. *Anong nangyari dun sa dalawang yun?* 

Naghiwa hiwalay muna kami para mahanap  yung dalawa, may dalawang oras pa naman kami pero sa dami nang tao ngayon baka mahirapan kami sa paghahanap. Napahinto ako sa paglalakad nang mag-ring yung cellphone ko.

"Yujin?"
:Malapit na daw si Wonyoung.
"Sige pabalik na  ako diyan."
Bababaan ko na sana siya nang magsalita siya ulit.
:Sila na ba ni Hyewon?
"Kung sila na, siguro magsasabi naman sila." narinig ko yung pagbuntong hininga niya.
:Tama ka, sige punta ka na dito
Binabaan ko na siya ng tawag at bumalik kung saan kami nagkita kita kanina.

Paglapit ko sakanila sakto namang naglalakad na si Wonyoung palapit samin.

"What happened to her?" tanong ko.

"Lalaban ata sa Miss Universe." si Kkura.

Nagmemake up si Wonyoung pero hindi ganitong parang, parang hindi siya si Wonyoung.  Sobrang pula ng labi niya, tapos yung eyeliner niya pinagmukha siyang galit na pusa. Yung pilikmata niya mas mahaba pa ata sa pasensya namin nila Kkura.

"Hindi ka naman nagsabi na may pa-fashion show pala, edi sana sumali kami." natatawang sabi ni Chaewon.

"Do I look better." napabuntong hininga nalang ako sa narinig ko mula kay Wonyoung. *She's never been better, because she's always the best.* napatingin ako kay Yuri, napangiti siya ng mapait.

Nang magsimula na ang seremonyas ng graduation namin, wala parin si Hyewon.

"Kang Hyewon." pang-ilang beses nang inuulit nang principal namin yung pangalan niya,*Kung sino pa yung merong pinakamataas na award na makukuha, siya pa yung wala.* "Kang Hyewon." nagulat naman ako nung nasa stage na siya.

Pagkatapos ng seremonyas nagsimula na kaming magpicture ni Yuri gamit yung cellphone naming dalawa.

"Yena may ibibigay ako sayo." humarap ako kay Yuri. "Sorry yan lang talaga nakayanan ko eh, pinagpuyatan ko pa yan. Wala na kasi akong maisip na pwedeng iregalo sayo." kinuha ko yung scrap book na binibigay niya.

"Anu ka ba? Isang regalo lang naman ang gusto kong matanggap mula sayo at hihintayin ko yun." binuklat ko yung scrap book na binigay niya, picture naming magkakaibigan yun mula kay Eunbi-noona hanggang kay Wonyoung. Korteng heart yung scrap book [Iz*One chu S2 kagaya nung nakuha ni Yuri sa locker niya] may picture ni Eunbi-noona nung bata siya tapos ngayong college na siya. "Saan mo nakuha yung baby pictures namin?" natawa siya.

"Kay Yujin, diba sabi ko nga sayo siya yung source ko." tumango ako.

"Sabi ni mom huwag na daw ako magpuyat kasi isusumbong niya ako sayo, tapos ikaw pala 'tong nagpuyat." natawa siya.

"Kuhaan natin ng litrato yung bracelet natin." inayos muna namin yung bracelet na suot namin bago pagdikitin tsaka niya kinuhaan ng litrato. "Ayan, gagawin ko 'tong profile picture sa lahat ng social media account ko."

 
Lumapit na kami sa mga kaibigan namin.

"Okay pwesto na." senyas ni hyung nang matapos na niyang kuhaan yung iba ng litrato kasama yung pamilya nila, nakisuyo naman s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((