YULYEN I (Chapter 8)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yena's Pov

March na ilang araw nalang gagraduate na kami, walong buwan naman mula nung nagkagulo kaming magkakaibigan sa cafeteria *Hays, buti nalang talaga wala si Yuri nun. Mas pinili narin naming itago nalang sakaniya, tutal malalaman din naman niya yun o alam niya na?* sa mga buwan kasi na lumipas mas lalong naging close sa isa't isa yung kaibigan naming mga babae, panigurado nakwento na nila yun lalo na si Minjoo. *Maganda siya, pero madaldal siya kay Yuri lalo na kay Yujin.*

"Hey hyung, madapa ka." sumabay si Yujin sa paglalakad ko.

"Bakit naman?"

"Tulala ka kasi!!" binatukan ko siya.

"Kailangan nakasigaw?"

"Baka kasi hindi mo marinig."

"Yena, Yunjin sandali!" napalingon kami ni Yujin.

"Ow?" si Yujin.

"Pwedeng pasabay, iniwan ako ni unnie eh."

"Pwede naman, umamin ka muna kay Kkura-hyung." biro ko.

"Sira ulo." hinampas niya ako sa braso.

"Uy maayos na ulo ko ah?" si Yujin.

"Hindi naman ikaw." inakbayan naming dalawa ni Chaeyeon si Yujin.

Nang makarating na kami sa school, nandun narin yung iba. Ganun parin kasweet sila Hyewon at Yuri, pero hindi na ako nagseselos. *Bakit pa, ako yung dinidate at ipinakilalang manliligaw sa parents niya.* *Hindi tulad ni Hyewon na simula palang itinatanggi na, hahahahahaha. Hindi ako galit kay Hyewon, konti lang hahahahaha.*

Lumapit sakin si Yuri, sa totoo lang ilang buwan na kaming nagdidate sa tansya ko anim na buwan na ata. Pero nalaman lang nung iba, two months ago except kay Minjoo at Yujin na nahuli kaming nagdedate.

"Nagpuyat ka nanaman ba kagabi?" umiling ako. "Bakit ngayon ka lang?"

"Tumae pa kasi ako." hinampas niya ako sa braso. "Bakit? Totoo naman ah."

"Okay." kumapit siya sa braso ko.

"Yuri-yah?" tumingin siya sakin. "Tignan mo sila Minjoo oh?" nginuso ko sila Minjoo at Yujin na sweet na sweet sa isa't isa.

"Eh sila kasi couple na, tayo nagdedate palang."

"Kailan ba tayo magiging couple?" ngumuso ako.

"Kala ko ba maghihintay ka." tumango ako.

"Understood." lumapit na kami sa iba.

"Kkura? nasaan na yung aquamarine mong buhok." lumapit si Yuri kay Kkura at hinawakan yung ulo niya, natawa nalang ako *Inlove na inlove kasi siya dun sa kulay ng buhok ni Kkura.*

"Yena awatin mo 'to, hindi bola yung ulo ko."

"Ay hindi ba? Ang ganda kasi ng pagkaka semi kalbo." kinuskus ni Yuri yung palad niya sa ulo ni Kkura.

"Yuri-yah." tinawanan lang namin silang dalawa.

"Ganda ng pagkakatabas sa buhok mo ah." sabi ko kay Hyewon.

"Hindi ako natutuwa, masyadong itlog ang itsura ko." kinamot niya yung ulo niya.

"Ikaw kailan ka mag papagupit?" tanong sakin ni Yuri. 

"Baka pagkatapos na ng graduation." tumango siya.

"Gwapo ka parin naman kahit semi kalbo na yung buhok mo." tumawa siya.

"Love mo parin ako?" tumango siya.

"Tama na landian, may mga single." si Chaewon.

Natawa nalang kami ni Yuri at sumunod na sakanila.

"Oo nga pala, tuloy ba yung dinner bukas?" tumingin sakin si Yuri.

"Yup, sa bahay namin." 

"Okay! Dun muna ako kela Yujin, pwede?" tumango siya at lumapit na sa girls, ako naman kela Yujin na nakaupo sa railings.

"Kkura, hindi mo pa ba kakausapin si Chaeyeon?" si Hyewon.

"Oo nga, dalawang araw nalang maeenlist ka na." dugtong ko.

"Ako nang bahala, may plano na ako."

"Hindi kami kasali?" natawa si Kkura sa tanong ni Yujin.

"Hindi sa wala akong tiwala sa inyo, pero mas may tiwala kasi ako sa girls." napabuntong hininga kaming tatlong lalaki.

"Ganiyan ka na ah." sabi ko.

 "Sasabihin ko pero hindi ngayon, bukas siguro sasabihin ko sa iniyo. Huwag kayong atat pwede?" tumango kami.

"Saan mo naman nakuha yung plano mo?" tanong ni Hyewon.

"Kay Hitomi, walang jowa yun pero ang daming alam na pwedeng pampakilig." tumango nalang kami.

"Matanong nga mamaya." napatingin kami kay Hyewon.

"Kanino mo naman gagamitin?" tanong ko.

"Secret." tinulak siya ni Kkura kaya napababa siya sa railings na inuupuan namin. "Basta pag successful, sasabihin ko sa iniyo."

Tumambay lang kami sa labas hanggang mag-uwian, hindi ko nga alam bakit pinapasok pa kami wala namang gagawin.

"May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko kay Yuri, naglalakad na kami papunta sa bahay nila.

"Wala, bakit may plano ka ba?" umiling ako.

"Natanong ko lang para masamahan kita." tumango siya.

"Sa tingin mo? Pag nadischarge ka, anu nang ginagawa ko?"

"Siguro naabot mo na yung pangarap mo, yung maging isang sikat na Idol." kinurot ko yung ilong niya.

"Basta maghihintay ako, sana ikaw din." tumango ako.

"Syempre naman." hinigpitan ko nang konti yung pagkakahawak ko sa kamay niya. "Oo nga pala, may mga kailangan ka pa ba para sa mga lulutuin niyo bukas? Pwede akong pumunta sa grocery."

"Wala naman na, tsaka kung sakaling meron kasama ko naman bukas si Eunbi-unnie. Kami nang bahala dun." tumango ako.

"Ikaw may gusto ka bang regalo?"

"Bumalik ka lang sakin, sapat na yun."

"Syempre naman."

"Naninigurado lang, baka kasi pag nadischarge ka na bigla kang makahanap nang iba. Dalawang taon din yun, at hindi ako sigurado kung madadalaw kita." napakamot ako sa ulo ko.

"Family member nga lang pala ang pwede." nakangusong sabi ko.

"May koneksyon naman ako kela tita, basta gagawan ko ng paraan." tumango ako.

"Hintayin mo ako ah?"

"I will." sinandal niya yung ulo niya sa braso ko. "Babalik ka sakin?"

"I will." hinalikan ko siya sa ulo.

Nang makarating at nakapasok na siya sa bahay nila, mabilis akong tumakbo papunta sa isang pagawaan ng bracelet. *Buti bukas pa sila.*

"Miss? pwede pa po ba?"

"Uhm, Sir kayo po ba ang gagawa o magbibigay lang po kayo ng layouts?"

"Yung ako sana ang gagawa."

"Sir balik nalang po kayo bukas, malapit na po kasi kami magsara baka maabutan po kayo." tumango ako.

"Mga anong oras ba kayo magbubukas bukas, Miss?"

"Alas nuwebe po ng umaga." 

"Sige balik nalang ako bukas, salamat." lumabas na ako at pumunta sa isang pastry.

"Macaroons?" tumango ako, kilala na ako dito kasi lagi akong bumibili ng macaroons para kay Yuri *Paborito niya kasi yun.* "Naku, naubusan na."

"Pwede pong magsuggest?" tumango yung may-ari ng pastry. "Yellow at Orange po sana?"

"Ilang set?"

"Tig dalawa po?" tumango siya.

"Bukas daanan mo mga alas kwatro ng hapon." nagbow ako sakaniya.

"Thank you po." at nagbow pa ako ulit bago lumabas ng pastry shop.

Naglakad ako papunta sa bookstore na malapit lang dito samin.

"Red? Black? Green?" pinagdikit ko yung tatlong notebook. *Bakit pumipili pa ako kung pwede ko namang bilhin pare pareho?* kinuka ko yung tatlong notebook at kumuha narin ako ng brown na paper bag.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si hyung sa sala na nanunuod.

"Ang aga mo ah?" hindi ko siya pinansin at naglakad na paakyat sa kwarto ko. *Excited na ako para bukas.*

Naglaro nalang muna ako ng online game, sakto naman na naglalaro din si Hyewon at Kkura. 

Kkura-san: Nag-invite si Minjoo accept ko ba?
Kwang_baebaes: Pagbigyan niyo na
Yena_ni_Yuri: Sige accept mo na Kkura

Magkakampi kaming apat, sinuot ko yung headphones ko.

"Minjoo takbo ka palapit samin!" sigaw ko.

"Teka lang, malapit nang mamatay 'to." sagot niya.

"Okay na yan, balikan mo nalang mamaya!!" sigaw ni Kkura.

"Umalis ka na diyan Minjoo, malapit na sayo yung master!!" sigaw ni Hyewon.

"Minjoo takbo, pag napatay ka nang master talo na tayo!!!" sigaw ko.

Nagulat ako nang gumamit ng special skill si Minjoo at namatay yung character na pinapatay niya kanina tapos lagpas kalahati ng life span nung master yung nabawasan sa ginawa niyang attack.

"Stupid!!" dinig kong sigaw ni Hyewon. "Minjoo paano mo na gawa yun?!!"

"Lumalakas ka nah!!" si Kkura. 

"Ako muna pupwesto sa jowa ko, ang hina eh!!" dinig naming sigaw ni Yujin.

"Kaya naman pala!!" sigaw naming tatlo nila Kkura at Hyewon.

Alas otso na kami natapos sa paglalaro, hinilot ko yung pagitan nang mga kilay ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring yun. *Mahgahdnis!*

"Hello Yuri?" kabadong sagot ko.
:Anu tapos ka na?!
"Sorry, ang galing kasi ni Yujin eh."
:Hindi pwedeng ipause kahit sandali?
"Sorry na."
:Kumain ka na ba?
"Ito na pababa na."
:Huwag ka nang magpupuyat diyan.
"Ne."
:Sige na kumain ka na, bye.
"Bye."
Binabaan na niya ako.

Pagbaba ko naghahain na si mom.

"Akala ko tatawagin pa kita." yumakap ako sakaniya.

"Di ko naman po kasi alam na nandito na kayo, sorry na." humalik ako sa pisnge niya.

"Paano mo malalaman, eh may nakasuot na headphones diyan sa tenga mo tapos panay pa ang sigaw mo." natawa ako.

"Tinawagan niyo po ba si Yuri?" umiling siya. 

"Siya ang tumawag sakin, tinatanong kung nakauwi ka na raw ba? Dahil hindi mo sinasagot yung tawag niya." umupo na ako. "Ang sabi ko oo, ayung kaharap yung computer niya." napakamot ako sa ulo ko *Kaya naman pala galit, hahahaha.* pumwesto narin si hyung hinihintay nalang namin si dad na nagpalit lang daw ng damit.

"Kailan graduation niyo?" tumingin ako kay hyung.

"Sa susunod na araw."

"Bukas?" tinitigan ko siya.

"Sa susunod na bukas."

"Bukas nga."

"Bukas pagkatapos ng bukas." natawa siya, *Trip talaga ako lagi.*

"Oh!" may hinagis siyang  susi. "Hindi ko kasi alam kung kailan graduation mo kaya bumili na ako, tsaka mukhang sira na yung dati mong motor hindi mo kasi laging ginagamit kaya nabulok na." tinignan ko yung susi may nakaukit na pangalan sa  susi *Yuri?* tapos sa kabila *Yena?*

"Kela dad galing 'to noh?" natawa si hyung.

"Ayaw ka ngang bilhan ng motor tapos sakanila g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((