Pangsiyam - Flashback

My Girlfriend
Please Subscribe to read the full chapter

........................................................................................

Jessica Pov

Halos limang buwan na ang nakakalipas simula ng maging kami ni Yoona. Nakakatuwa na hanggang ngayun ay hindi pa kami nagkakaproblema na malala lalo na ngayon na halos busy kaming pareho at minsan halos 1 linggo kami hindi nagkikita dahil sa ka busyhan namin. Natatandaan ko nanaman tuloy yung nangyari nung nag celebrate kami ng first montsary namin.

...............................................................

 

Flashback

 

Naandito ako sa office ngayon dahil marami akong nakatambak na trabaho. 1st Monthsary pa naman namin ni Yoona ngayun ang problema hindi kami makapag celebrate dahil narin sa busy kaming dalawa tapos nasa probinsya pa sya ngayon dahil may shinoshot syang isang commercial pero nagusap na naman kami kaninang madaling araw at sabay pa namin sinalubong ang monthsary namin at pagtapos nun ay nag usap kami hanggang umaga.

 

Ngayon nga inaantok ako dahil onti lang ang tulog ko kanina. 4 kasi kami natapos magusap kaya 4 din ako nakatulog at 8 naman ako gumising dahil nga marami akong trabaho na nakatambak ito nga at kakaumpisa palang ng araw ko pero inaantok na agad ako parang wala akong energy.

 

"Ring, Ring, Ring"

 

Tinignan ko kung sino yung tumatawag sa cellphone ko. Napangiti nalang ako ng makita ko na si Yoona ang natawag.

 

Jessica- Hello?

 

Yoona- Sica!!

 

Jessica- Yah! wag mo kong sigawan.

 

Yoona- Hahahaha

 

Jessica- Bakit napaka energetic mo ngayung araw.

 

Yoona- Syempre unang buwan natin hehe.

 

Jessica- Yun nga eh unang buwan natin tapos hindi man lang tayo magkasama.

 

Yoona- Sorry Sica na delay kasi kami. Sorry talaga pero babawi naman ako sayo.

 

Jessica- Ok lang. Saka busy rin naman ako ngayon araw.

 

Yoona-  ahmm Sica pwede ka ba mamayang lunch?

 

Jessica- Ha? bakit andito ka?

 

Yoona-Ah.. hindi ah nandito parin ako sa probinsya tama andito pa ako.

 

Jessica- Oh eh bakit mo tinatanong kung free ako mamaya?

 

Yoona- Ah kasi sabi ko nga diba babawi ako sayo ngayon. So pwede ka bang pumuntang condo ko andoon kasi yung regalo ko sayo pwede bang ikaw nalang din yung kumuha?

 

Jessica- Ha? ganun ba? ok kunin ko nalang nasaan ba banda?

 

Yoona- Ah nasa sala sya pag punta mo doon makikita mo na kaagad yung regalo ko sayo.

 

Jessica- Ok punta nalang ako ahm Yoona hang up na ako ah marami pa kasi akong gagawin kailangan ko na to maumpisahan.

 

Yoona- Ok byeee sica babe Iloveyou

 

Jessica-Hahaha ok bye babe Iloveyou so much.

 

"Toot, Toot, Toot"

 

Pagtapos naming magusap ay tinuloy ko na yung ginagawa ko. Nang mag lunch na ay lumabas na ako ng office ko at nakita ko doon yung secretary ko na busy sa kaka type sa computer nya.

 

Jessica- Shiela aalis lang ako ah may pupuntahan lang ako saglit.

 

Shiela- Ah sige po ma'am ako na po bahala dito.

 

Jessica- Teka hindi ka pa ba kakain? kumain ka na rin wag ka magpalipas ng gutom mamaya magkasakit ka pa nyan.

 

Shiela- opo ma'am tatapusin ko lang tong ginagawa ko tapos kakain na ako.

 

Jessica- Mamaya mo na yan tapusin lunch na kumain ka na. sige na alis na ako text nalang kita.

 

Shiela- Osige po ma'am.

 

Sumakay ako sa elevator at may mga iba pa akong empleyado na nakasabay halos lahat sila binati pa ako ng magandang hapon.

 

Pagkadating ko sa parking lot ay sumakay na ako sa sasakyan ko at umalis na papuntang condo ni Yoona. Habang nasa byahe ako ay tinawagan ko narin si Yoona para sabihing papunta na ako sa condo nya.Sa unang tawag ko hindi pa sya sumagot pero sa pangalawang tawag ko doon nya lang sinagot.

 

Jessica- Hello?

 

Yoona- Sica?

 

Jessica- Bakit hindi mo sinasagot agad yung phone mo?

 

Yoona- May ginagawa kasi ako kaya di ko namalayan na tumatawag ka pala.

 

Jessica- Ah sasabihin ko lang sana na papunta na ako sa condo mo.

 

Yoona- Ah ganun ba.

 

Jessica- Yup actually nag da-drive na ako papunta doon.

 

Yoona- Ok basta tignan mo nalang doon sige na bye na baka maaksidente ka pa.

 

Jessica- Ok bye Iloveyou

 

Yoona- Iloveyou

 

Maya maya lang ay nakarating na ako sa condo ni Yoona. Pagpark ko ng sasakyan ay dumeretso na ako kaagad sa elevator at pinindot yung floor nya.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bogoshipoyoong
#1
Chapter 21: Awww 1 chapter na lang pero bat ganun. Sana happy ending :(
HottestVIPSone #2
I always have a thing for YoonSic (:
bogoshipoyoong
#3
Chapter 12: Haha hindi boring. Gusto ko nga yan sweet sweet lang ^^
bogoshipoyoong
#4
Chapter 10: Nung unang basa ko nanibago ako kasi ngaun na lang uli ako nakabasa ng tagalog na story haha. katuwa ung wordings. Ok din ung story authornim :)
kimmie_yoonsic
#5
Chapter 5: wahh akala ko si Tiffany yung kasama ni Yoona haha. Bakit bitin huhu