Labing Isa - What the meaning of this?

My Girlfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Update!!

 

Salamat sa patuloy na pag babasa ng story. Isang update nalang matatapos na ang story so sana patuloy nyo lang siyang basahin.

Keep smiling guys.

.......................................................................................

 

Jessica Pov.

 

Nasa kwarto ako ngayon. Hinihintay kong tumawag si Yoona dahil may schedule sya ngayun at  habang naghihintay ako sa tawag niya ay nanonood muna ako ng movie para hindi ako mabored sa kakahintay sakanya.

 

Tok Tok Tok

 

Pagbukas ko ng pinto ko ay nakita ko doon na nakatayo si daddy.

 

Jessica- Dad?

 

Daddy- Magayos ka may bisita tayo mamaya at gusto ko maganda ka para sa dinner.

 

Jessica- Para saan pa dad? kakain lang naman tayo.

 

Daddy- Basta magbihis ka ng maganda.

 

Pagalis nya bigla ako kinabahan. Bakit kaya ako pinag bibihis ni daddy ng maganda eh mag dinner lang naman kami mamaya.

 

Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko at pinagpatuloy ang panonood ko pero hindi ko naman maintindihan yun dahil nasa isip ko parin yung mangyayari mamaya. Sino kaya yung bisita namin mamaya.

 

........................................................................................

 

Naandito ako ngayon sa sala namin hinihintay ko yung bisita habang si daddy naman ay busy sa pag prepare ng mesa para sa kakainan mamaya.

 

Alam kong importanteng tao tong bisita ni daddy kasi kung hindi bakit sya grabe mag prepare diba.

 

Toot Toot

 

From: Yoongie :*

Hi baby kakatapos lang ng lahat ng schedule ko free ka ba ngayun?

 

To: Jessica

Sorry babe hindi ako pwede ngayun. May bisita kasi si daddy maya maya dadating nayun baka pagalitan pa ako  pag hindi ako nahanap dito sa baba.

 

From:Yoongie :*
Ganun ba ok.

 

To:Jessica
Wag kana mag tampo. Alam mo naman na ayaw kong nagtatampo ka sakin diba.

 

From: Yoongie :*
Hindi naman ako nagtatampo ah.

 

To: Jessica
Sus hindi daw nag tatampo. Babawi nalang ako mamaya pag tapos ng dinner Iloveyou.

 

From: Yoongie

OK IloveyouSoMuch Bye na mamaya nalang uli.

 

Mag rereply pa sana ako kay Yoona ng bigla ko narinig yung Doorbell na tumunog. Lalapit na sana ako doon para buksan yung ng pinto ng biglang lumitaw yung isa naming katulong. Pinigan ko sya at sinabing ako nalang ang magbubukas at tawagin nya nalang si Daddy.

 

Pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako sa taong nakita ko. Hindi to pwede... hindi totoo wala sya sa harap ko at panaginip lang to Jessica panaginip lang to.

 

???? - Hi Sica

...............................................................................

 

Yoona Pov

 

Andito ako ngayun sa kwarto ko nagpapahinga dahil kakauwi ko lang din galing sa trabaho. Hinihintay kong tumawag si sica dahil sabi nya kanina babawi daw sya sakin. Hinihintay ko nalang sya tumawag siguro naman tapos na yung dinner nila 10 narin naman ng gabi.

 

RING RING

 

Yoona- Hello

 

Yuri- Hi Yoona

 

Yoona- Yuri napatawag ka?

 

Yuri- Mangangamusta lang sana ako.

 

Yoona- Yuri pwede ba wala ako sa mood makipag lokohan sayo.

 

Yuri- Parang hindi naman tayo magkaibigan sa tono mo.

 

Yoona- Diba hindi na naman tayo magkaibigan simula ng iblackmail mo ko.

 

Yuri- Yoona naman wala namang ganyanan.

 

Yoona- Yuri wag kana umasa please hindi ko hihiwalayan si Jessica kaya please tigilan mo na ako.

 

Yuri- Kaya nga ako tumawag.

 

Yoona- Ano nanaman ba?!

 

Yuri- Tumawag ako para mag sorry. Sorry sa nagawa ko alam ko mali ako kaya sana patawarin mo ko.

 

Yoona- Yuri wag mong aasahan na mapapatawad kaagad kita. Sinira mo tiwala at pagkakaibigan nating dalawa.

 

Yuri- Alam ko kaya nga babawi ako sayo. Yung mga picture na nasa akin na delete ko na tapos yung ibang copy tinapon ko na.

 

Yoona- Yuri.

 

Yuri- Alam ko na hindi mo kaagad ako mapapatawad pero sana hayaan mo kong makabawi sa ginawa ko sayo.

 

Yoona-  Ok hahayaan kitang makabawi sa nagawa mo yuri pero wag kang aasa na mapapatawad agad kita.

 

Yuri- Thank you Yoona.

 

Yoona- Sige na bye na may gagawin pa ako.

 

Yuri- Ok bye

 

TOOT TOOT

 

Pagtapos namin magusap ay napabuntong hininga nalang ako atlis tumigil na si Yuri at hindi nya na ipapakalat yung mga litrato pero hindi ko parin alam kung bakit bigla nalang ako kinabahan sana naman walang mangyaring masama wag naman sana.

 

Toot toot.....

 

From: Sicachu :*

Magkita tayo bukas may sasabihin ako sayo.

 

Bigla ako kinabahan ng mabasa ko ang txt nya parang may mali bakit ganun yung pagkakatxt nya sakin.

 

To: Yoona

Akala ko ba tatawag ka diba mag uusap pa tayo nag promise ka.

 

From: Sicachu :*

Basta magkita tayo bukas sa park malapit dito sa bahay.

 

To: Yoona

Bakit? ano bang meron kinakabahan ako sayo sica.

 

Hindi sya nagreplay naghintay pa ako ng 5 minutes wala parin kaya nag txt uli ako.

 

To: Yoona

Sica mag reply ka naman galit kaba? wala naman akong ginagawa ah.

 

After 5 minutes

 

To: Yoona

Sica nagaalala ako ano ba?!

 

After 10 minutes

 

To: Yoona

SICA MAG REPLY KA NAMAN GALIT KABA?!

 

Lumipas na ang 1 oras wala parin syang txt kaya tinawagan ko sya pero hindi rin naman niya sinasagot yung tawag ko puro ring lang. Ano kayang problema nun  bakit ganun yung txt nya sakin. 

 

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako kaya pinunasan ko yung tumutulong luha sa mata ko pero patuloy parin ang pagtulo kaya hinayaan ko nalang na tumulo ng tumulo.

 

Maya maya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bogoshipoyoong
#1
Chapter 21: Awww 1 chapter na lang pero bat ganun. Sana happy ending :(
HottestVIPSone #2
I always have a thing for YoonSic (:
bogoshipoyoong
#3
Chapter 12: Haha hindi boring. Gusto ko nga yan sweet sweet lang ^^
bogoshipoyoong
#4
Chapter 10: Nung unang basa ko nanibago ako kasi ngaun na lang uli ako nakabasa ng tagalog na story haha. katuwa ung wordings. Ok din ung story authornim :)
kimmie_yoonsic
#5
Chapter 5: wahh akala ko si Tiffany yung kasama ni Yoona haha. Bakit bitin huhu