Pangalawa - Ang Pagkikita

My Girlfriend
Please Subscribe to read the full chapter

New update i hope magustuhan nyo.

-----------------------------------------------------------------------------------

Yoona POV

Nandito ako ngayon sa isa kong endorsement photoshoot na damit.

Ice ang pangalan ng company, actually hindi ko pa nakikita ang may ari nito sabi nila busy daw dahil nag aaral pa at graduating pa kaya baka daw imposible ko syang makilala.

Mapili ako sa mga endorsement ko pero itong company na ito hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matanggihan para kasing meron saking pumipigil na tanggihan ko ang alok nila, di ko rin talaga kasi alam sa sarili ko naguguluhan din ako eh, saka sikat din naman kasi tong Ice nato.

Nalaman ko pa nga na meron pa tong ibang branch sa ibat ibang lugar kaya bilib na bilib ako sa may ari nito dahil nag aaral palang siya ay success na kaagad yung bussiness nya at hindi lang yung business niya ang success kung hindi siya mismo. Hindi na rin sya mahihirapan mag hanap ng trabaho pag katapos nya mag aaral dahil may successful business na agad siya.

Ate Lin- Yoona handa kana ba? mag start na daw yung photoshot? may inaayos nalang na onti dun sa gagamitin nila.

Yoona- Ok na ako Ate Lin paki sabi sa kanila tawagin nalang ako pag ready na yung team.

Ate Lin- Osige
 

Siya nga pala si ate Lin ang manager ko. Siya ang nag aayos ng schedule ko at siya rin yung kinakausap ng mga client na gusto ako kunin para mag endorse ng produkto nila. Si Ate Lin na rin ang kasama ko sa buhay dahil wala na akong pamilya.
 

Namatay ang parents ko sa isang car accident nung bata pa ako and wala naman akong kapatid kaya ako nalang ang magisa sa buhay. Si ate Lin ang kumupkop sakin nung bata pa ako. Pinakain, binihisan, at pinasikat nya ako kaya ang laki ng utang na loob ko sa kanya at pinangako ko sakanya na hindi ako maglilihim sa kanya kahit anong mangyari.
 

Maya maya lang ay tinawag narin ako ni ate Lin dahil mag start na daw ang shoot. Pagkalabas ko palang sa tent na naka provide sakin ay lahat na sila nakatingin sakin kaya ang ginawa ko ay dumeretso nalang ako doon sa pwesto kung saan ako kukuhanan at hindi nalang sila pinansin. Sanay na ako na laging tinitignan ng tao hindi na siya bago sakin.
 

Pag ka pwesto ko palang ay nag umpisa na agad kami sa shoot. Nag pose lang ako ng nag pose, ngiti dito ngiti doon. Halos lahat sila nanonood sa ginagawa namin. Halos lahat sila dito lang nakatitig sa pwesto ko. Habang patuloy ang photographer sa pag kuha sakin ng picture bigla akong may napansin na isang tao na napakagandang nakatayo sa pinto. Nakatayo lang siya doon habang seryoso ang muka at para bang nag babantay sa mga galaw namin. Hindi ko napansin na sa kakatitig ko sakanya napatigil na rin pala ako sa pag pose ko sa gitna kaya pati sila napatigil din sa pag titig sakin at tinignan sin ang tinititigan ko. Halos lahat sila ay nagulat at bigla nalang nag balikan sa area nila ng makita yung tinititigan ko.
 

Bakit kaya sila biglang nagulat? Kilala ba nila yun magandang babae sa pinto? Sino kaya sya?
 

.....................................................................................

Jessica Pov

Kakatapos lang ng class namin ng maisipan ko na dumaan muna sa shop  ngayun. Alam ko kasi na may importanteng nagaganap na photoshoot doon at dahil bored din naman ako at wala naman akong gagawin sa bahay dahil kakatapos ko lang ipasa lahat ng project ko mas magandang bisitahin ko sila doon.
 

Bago ako pumuntang shop bumili muna ako ng kape dahil inaantok  ako ayoko naman na bigla akong mabangga habang nag da-drive.
 

Pagka ubos ko ng iniinom kong kape ay dumeretso na ako sa shop ko na malapit lang naman sa kinaroroonan ko. Pagkarating na pagkarating ko sa shop ay binati agad ako ng mga empleyado ko pero hindi ko sila pinansin at derederetso lang ako sa likod kung saan nagaganap ang photoshoot.
 

Napatigil ako sa pinto

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bogoshipoyoong
#1
Chapter 21: Awww 1 chapter na lang pero bat ganun. Sana happy ending :(
HottestVIPSone #2
I always have a thing for YoonSic (:
bogoshipoyoong
#3
Chapter 12: Haha hindi boring. Gusto ko nga yan sweet sweet lang ^^
bogoshipoyoong
#4
Chapter 10: Nung unang basa ko nanibago ako kasi ngaun na lang uli ako nakabasa ng tagalog na story haha. katuwa ung wordings. Ok din ung story authornim :)
kimmie_yoonsic
#5
Chapter 5: wahh akala ko si Tiffany yung kasama ni Yoona haha. Bakit bitin huhu