Labing Pito - Drunk

My Girlfriend
Please Subscribe to read the full chapter

I have good news and bad news. The good news is baka mag update ako ng tuloy tuloy and yung bad news sa dulo nyo malalaman pag tapos nyo basahin. Enjoy reading

.......................................................................................

 

Yoona Pov...

 

Andito ako ngayon sa isa kong photoshoot. Nakauwi na kami ni Jessica kahapon at nagpahinga lang kami dahil ngayun ay sobrang dami naming gagawing trabaho halos wala nga akong pahinga.

 

Hinatid ko lang si Sica sa kanila at dumeretso na ako sa condo ko dahil kailangan ko rin magpahinga. Nagising ako ng hapon ng araw na yun at tinawagan ko rin naman agad sya at kinamusta ko sya kung ano nangyari pagpasok nya sa bahay nila.

 

Flashback.....

 

Yoona- So ano nangyari pagpasok mo?

 

Jessica- Wala.

 

Yoona- Wala?

 

Jessica- As in wala. wala naman kasi si Daddy dito pag pasok ko.

 

Yoona- Kaya naman pala. So ano nang ginagawa mo ngayon?

 

Jessica- Chinecheck ko lang yung mga papers na pinadala nung secretary ko.

 

Yoona- Kumain kana ba?

 

Jessica- Hindi pa nga eh parang wala kasi akong ganang kumain.

 

Yoona- Bakit naman?

 

Jessica- Wala kasi akong kasabay kumain dito nakakalungkot kaya kumain mag isa.

 

Yoona- Kawawa naman ang baby sica ko ano bang gusto mo kainin?

 

Jessica- Bakit dadalhan mo ko?

 

Yoona- Hmmm depende.

 

Jessica- Ganyan ka naman eh lagi mo ko inaasar.

 

Yoona- Hahahahaha

 

End of Flashback........

 

Pagtapos namin mag usap ay umalis ako ng condo at pinuntahan siya pero syempre bumili muna ako ng gusto nyang pagkain. Mahal ko eh hindi ko matiis na malungkot siya.  Sinabayan ko na rin sya kumain dahil nagdradrama pa siya sakin. Pagtapos naming kumain umuwi rin ako agad dahil ayoko naman na magpangabot kami ng daddy nya mamaya kung ano pang mangyari.

 

Ate Lin- Yoona.

 

Yoona- Ate bakit po?

 

Ate Lin- May nagpadala kasi sayo nito pero wala namang pangalan bubuksan ko sana pero baka importante kaya ikaw nalang magbukas sayo naman naka pangalan.

 

Kinuha ko yung envelope na binibigay sakin ni ate Lin at binuksan. Nakita ko palang ang nasa loob nito ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala ng mga litratong to.

 

Nagulat ako ng hugutin ni Ate Lin yung mg litrato sa kamay ko at tinignan kung ano ito.

 

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ate Lin at tinignan nya ko na parang nag tatanong kung anong ibig sahihin ng mga litrato na hawak niya.

 

Ate Lin- Yoona anong ibig sabihin nito?

 

Yoona- Ate Lin.

 

Ate Lin- Yoona! Anong ibig sabihin nito si...si Jessica ba...bakit mo kahalikan?

 

Yoona- Ate Lin mag e-explain ako.

 

Ate Lin- Teka wag mong sabihin na... Yoona! May karelasyon kang babae?

 

Yoona- Ate lin mahal ko sya.

 

Ate Lin- Naririnig mo ba sarili mo Yoona! hindi kayo pwedeng dalawa!

 

Yoona- Bakit dahil babae kami pareho?! Ate Lin walang gender sa pagmamahal. Mahal namin ang isat isa at ipaglalaban ko yun.

 

Ate Lin- Pero alam mo na hindi pwede yan sa industriyang to.

 

Yoona- Ate lin please naman.

 

Ate Lin- Yoona Model ka at si Jessica siya ang may ari ng Ice. Isa sa pinaka sikat na bilihan ng damit ang Ice ano nalang ang sasabihin nila pag nalaman nilang may relasyon kayo.

 

Yoona- Ate hindi naman kami pabaya nagiingat naman kami ni Jessica alam naming dalawa kung ano ang pwede kalabasan nito pag nalaman nilang lahat at napagkasunduan naming itago nalang to.

 

Ate Lin- Magiingat? Ano tawag mo sa mga picture na to Yoona! wala kang matatanggap na ganitong litrato kung nagiingat kayo.

 

Yoona- Ate naman... Akala ko pa naman ikaw ang unang iintindi sakin... Sa lahat ng tao ikaw lang ang nagmahal sakin simula bata ako ate lin... Kilala mo ko kung anong klase akong tao ate lin kung ano man ang meron ako pinahahalagahan ko yun at isa si Jessica doon kahit anong mangyari hindi ko sya bibitawan.

 

Ate Lin- Kahit itong pangarap mo ipagpalit mo jaan sa relasyon na yan Yoona? kahit itong nagpabago ng buhay mo? yoona sa tingin mo ba pag nalaman nilang biual ka may kukuha pa sayo?

 

Matapos sabihin ni Ate Lin yun sakin ay napatahimik ako. Hindi ko kaya pag nawala tong trabahong to sakin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin.

 

Oo may napundar na ako kung tutuusin pwede na akong tumigil dito sa pag momodel ko dahil sa laki ng pera na naipon ko pero alam ko at ni ate Lin kung anong pagod ang binuhos namin para lang makamit ko to, para lang makuha ko yung gusto kong makamit at yun ay ang hangaan ako ng maraming tao.

 

Oo natatakot ako... natatakot ako na husgahan ako ng maraming tao dahil yun ang biggest fear ko sa buhay. Ayoko nang mangyari uli ang nangyari sakin nung nerd pa ako. Ayokong apakan uli nila ang pagkatao ko tulad ng dati pero ayoko ring mawala si Jessica sakin. Ayokong iwan sya dahil lang sa takot ko dahil para sakin sya yung pinaka malaki kong premyo na natanggap sa buong buhay ko sya yung pinaka nasa taas at sya yung first priority ko ngayon.

 

Alam ko na malaki ang kapalit nitong ginagawa ko, malaki ang kailangan kong iwan once na nalaman ng marami tong sekreto ko at aaminin ko natatakot akong iwan kung anong meron ako.

 

..............

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bogoshipoyoong
#1
Chapter 21: Awww 1 chapter na lang pero bat ganun. Sana happy ending :(
HottestVIPSone #2
I always have a thing for YoonSic (:
bogoshipoyoong
#3
Chapter 12: Haha hindi boring. Gusto ko nga yan sweet sweet lang ^^
bogoshipoyoong
#4
Chapter 10: Nung unang basa ko nanibago ako kasi ngaun na lang uli ako nakabasa ng tagalog na story haha. katuwa ung wordings. Ok din ung story authornim :)
kimmie_yoonsic
#5
Chapter 5: wahh akala ko si Tiffany yung kasama ni Yoona haha. Bakit bitin huhu