Panglima - The girl

My Girlfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Don't forget to leave a comment

......................................................................................

Jessica Pov

Pagkatapos kong makita yun ay padabog akong tumayo sa kinauupuan ko. Nakita ko pang napatingin si yoona sakin na halata sa mata ang pagkagulat. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay tinitigan ko sya ng masama. Sabi nya sakin na gusto nya ako tapos ngayun may kasama na syang ibang babae aba 2 linggo palang ang nakakalipas nung sabihin nya sakin yun kaya wag nyang sabihin na nagbago na kaagad yung nararamdaman nya sakin kasi hindi pwede yun.

 

Pagkalabas ko ay dumeretso na agad ako sa sasakyan ko ngunit bago pa ako makapasok sa kotse ko ay may humawak na sa braso ko para pigilan akong makapasok sa sasakyan.

 

Jessica- Bitawan mo ko!

 

Yoona- Bakit ka nandito? sino kasama mo?

 

Jessica- Bakit sayo ba yang restaurant na yan? Saka pwede ba ano namang pakealam mo kung sino kasama ko!

 

Yoona- Pwede ba wag kang sumigaw.

 

Jessica- Eh sa gusto ko sumigaw wala ka pake alam.

 

Yoona- Makasigaw ka naman. Saka galit kaba sakin bakit ang sama mo tumingin sakin kanina?

 

Jessica- Pano kung sabihin kong oo galit ako sayo!

 

Yoona- Ha! Bakit ka magagalit sakin dapat nga ako ang magalit sayo kasi ... kasi ano.

 

Jessica- Ano yoona Ano! bakit ikaw dapat ang magalit sakin ha!

 

Yoona- Wala.

 

Jessica- Tsk ganyan ka naman ehh hindi mo kayang panindigan yung mga salitang binibitawan mo.

 

Yoona- Ano?

 

Jessica- Bakit mali ba ako diba duwag ka naman talaga? Sasabihin mong gusto mo ko pero hindi mo naman mapanindigan.

 

Yoona- Mali yang iniisip mo. Kaya ko yun panindigan pero hindi ko na gagawin yun kasi alam ko naman na hindi mo rin ako magugustuhan.

 

Jessica- Sinong nagsabing hindi?

 

Yoona- A...Anong ibig mong sabihin?

 

Jessica- Aalis na ako magusap nalang tayo kung kelan mo na kayang panindigan yang damdamin mo sakin.

 

Pagtapos nun ay hindi ko na hinintay yung sagot nya at sumakay na ako sa sasakyan at pinaharurot ito paalis ng restaurant na yun.

.......................................................................................

Yoona Pov

Pagtapos sabihin ni Jessica yun ay napatulala ako sa labas. Anong ibig nyang sabihin doon sa sinabi nya naguguluhan ako gusto nya rin ba ako? pero diba  babaeng babae siya? pero sinabi nya kanina sino daw nag sabi? edi ibig sabihin gusto nya rin ako? napangiti nalang ako sa mga pinagiisip ko kailangan ko na talaga sya makausap para malaman ko kung bakit nya sinasabi yun kanina.

 

Yuri- Huy bakit ka tulala jan?

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bogoshipoyoong
#1
Chapter 21: Awww 1 chapter na lang pero bat ganun. Sana happy ending :(
HottestVIPSone #2
I always have a thing for YoonSic (:
bogoshipoyoong
#3
Chapter 12: Haha hindi boring. Gusto ko nga yan sweet sweet lang ^^
bogoshipoyoong
#4
Chapter 10: Nung unang basa ko nanibago ako kasi ngaun na lang uli ako nakabasa ng tagalog na story haha. katuwa ung wordings. Ok din ung story authornim :)
kimmie_yoonsic
#5
Chapter 5: wahh akala ko si Tiffany yung kasama ni Yoona haha. Bakit bitin huhu