Labing Siyam - A happy day.

My Girlfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Enjoy reading please don't forget to leave a comment.

2/5

.......................................................................................

 

Yoona Pov

 

Andito ako ngayun sa condo ko mag isa dahil umuwi na si Ate Lin at si Jessica naman ayaw pa sana umuwi pero pinilit ko narin dahil kaninang madaling araw pa sya dito at wala pa syang pahinga. Sabi ko sakanya magkita nalang ulit kami bukas.

 

Habang nanonood ako ng T.V ay napaisip ako sa sinabi ni Ate Lin kanina nung magusap usap kami.

 

**

 

Ate Lin- Sino kaya yung tao na nagpadala nung picture sayo? saka pano nya nakuhanan yung ganung picture? Sure ako Yoona na malapit lang sayo ang nagpadala ng picture na yun kaya magingat ka.

 

**

 

Nang sabihin nya yun ay isang tao lang ang nasa isip ko at sure ako na sya ang nagpadala nito sakin dahil sya lang naman ang may lakas na loob na takutin ako ng ganito dahil alam ko na gusto nya kaming paghiwalayin ni sica.

 

Ring...Ring...Ring..

 

Yoona- Hello? Sino to?

 

???- Nagustuhan mo ba yung pinadala ko sayo.

 

Yoona- Ikaw nanaman ano bang gusto mo?!

 

???- Alam mo kung anong gusto ko Yoona

 

Yoona- Alam mo namang hindi ko mabibigay yun sayo.

 

??- Hindi? Edi makikipaghiwalay ka kay Jessica kung hindi ikakalat ko lahat ng picture nyo na nasasaakin. Hindi lang ikaw ang masisira Yoona pati sya ay masisira rin. Isipin mo nalang Yoona lahat ng umiidolo sayo ay huhusgahan ka na dahil lang sa pumatol ka kay Jessica.

 

Yoona- Tigil mo na to please lang hindi ko kayang makipaghiwalay sakanya.

 

???- Mag kita tayo sa park malapit jan sa condo mo magusap tayo ng harapan itetext kita kung kelan at saan.

 

Toot..Toot...Toot..

 

Binagsak ko yung cellphone ko sa sofa at hinilamos ko yung palad ko sa mukha ko.

 

Gagawin nya talaga ang lahat para lang makuha ang gusto nya. Pursigido talaga sya paghiwalayin kami ni Jessica. Madami syang hawak na litrato namin ni sica kaya ganun nalang ang tapang nya. Napatingala ako ng tumunog uli ang cellphone ko nakita ko na may dalawang message na pumasok sa inbox ko yung isa ay kay Jessica at yung isa ay sa tumawag kanina pero ang una kong binuksan ay yung kay Jessica.

 

From:Jessica

Yoong baby punta ako jan mamaya sa condo mo may ibibigay lang ako sayo :*

 

Napangiti kaagad ako ng mabasa ko yun kaya nereplyan ko yung text nya.

 

To:Jessica

Ok magingat ka sa pagpunta dito :* Iloveyou

 

Pagtapos nun ay tinignan ko naman yung isa pang message sakin.

 

From:09*********

Magkita tayo sa malapit na park jan sa condo mo bukas saktong 5:00 ng gabi itext mo ko pag andoon kana sa lugar ng pagkikitaan.

 

Pagkakita ko nun ay napairap nalang ako hindi talaga sya titigil.

 

........................................................................................

 

Naandito ako ngayon sa kusina nagluluto ng pwedeng kainin dahil papunta na rin si sica dito kaya ipaghahanda ko sya ng pwede nyang kainin. Bago ako magumpisang magluto ay nag earphone muna ako at nakinig ng music habang nagluluto.

 

Malapit na akong matapos magluto at hinihintay ko nalang kumulo yung niluluto ko. Habang nagaayos ako ng lamesa bigla ko nalang naramdaman na may yumakap sa likod ko kaya napatingin ako doon at nakita ko ang pinaka mamahal kong babae sa buong mundo.

 

Jessica- Anong ginagawa mo?

 

Yoona- Inaayos ko lang tong pagkakainan natin umupo ka muna dito at ilalabas ko na yung niluto ko  saglit lang.

 

Pinaghila ko muna sya ng upuan bago ako dumeretso sa kusina. Pagtapos kong ilapag lahat ng pagkain na niluto ko ay tumabi na ako kay Jessica.

 

Yoona-Kain na.

 

Jessica- Bakit ang dami nitong niluto mo?

 

Yoona- Sinipag akong magluto kaya nagluto na ako ng marami saka alam ko na pupunta ka dito kaya dinamihan ko na kaya ubusin mo yang lahat.

 

Jessica- Ang dami nito tapos ipapaubos mo lang sakin lahat.

 

Yoona-Tutulungan naman kita ubusin lahat yan.

 

Jessica- Kahit na ang dami nito may matitira parin tayong pagkain.

 

Yoona- Ok lang yan tara na kain na tayo gutom na ako.

 

Jessica- ahahaha matakaw.

 

Yoona- Hindi ah gutom lang talaga ako.

 

Kumain kami ng tahimik galit galit na to gutom ako kaya hindi ko sya kinakausap. Matapos naming kumain ay niligpit ko na yung pinagkainan namin tinulungan nya akong ilagay yung natira namin sa refrigerator. Naghuhugas na ako ng plato at nung una gusto pa ako tulungan ni sica pero pinigilan ko sya at pinaupo ko na lang sya sa isang tabi. Sumunod naman sya at pinanood nalang akong maghugas.

 

Jessica- Baby dito ako matutulog ah may dala na akong damit.

 

Yoona- Nagpaalam kaba sa Daddy mo? bakit dito ka matutulog?

 

Jessica- Bakit ayaw mo?

 

Yoona- Hindi naman sa ganon pero alam mo namang mainit ang dugo ng daddy mo sakin.

 

Jessica- Galit parin sya sakin hanggang ngayon at hindi kami naguusap kaya dito nalang ako matutulog pwede naman diba.

 

Yoona- Ok mauna kana sa kwarto susunod nalang ako.

 

Jessica- Ok mag shoshower muna ako.

 

Yoona- Ok.

 

Pagkatapos kong maghugas ay dumeretso na ako sa kwarto ko wala akong nakitang jessica pagpasok ko kaya inisip ko na nasa C.R parin sya. Hinanda ko muna yung damit pang tulog ko habang hindi pa tapos si sica.

 

Maya maya lang ay narinig kong bumukas ang pinto ng C.R kaya napatingin ako sa dereksyong yun at pag tingin ko ay si sica na kakalabas lang ng C.R naka bathrobe sya habang tinutuyo nya ng twalya yung buhok nya.

 

Jessica- Anjan ka na pala mag shower kana magbibihis lang ako.

 

Yoona-Ah....o-o mag shoshower na ako.

 

Dumeretso na ako sa C.R para mag shower at pagtapos ko ay nagbihis narin ako sa loob. Lumabas ako ng C.R na pinapatuyo ko yung buhok ko nakita ko si Sica na naka upo sa kama habang nag la-laptop. Dumeretso ako sa kama at doon ko pinagpatuloy ang pagpapatuyo ko ng buhok. Nakita ko naman na napaangat ng tingin si Sica sakin pagkatapos ay tinabi nya yung laptop na nasa binti nya at lumapit siya sakin para umupo sa tabi ko.

 

Jessica- Halika dito ako na magpapatuyo ng buhok mo.

Pinunasan nya yung ulo ko at kinuha nya rin yung blower para patuyuin nya yung buhok ko at ng matapos sya ay umayos na kami para humigang dalawa. Magkaharap kaming dalawa habang yung isa kong kamay ay ginawa nyang unan at yung isa ay nasa mukha nya hinahaplos ko lang yung pisngi nya. Sya naman ay nasa bewang ko yung isang kamay at nasa bandang tiyan ko naman yung isa.

 

Magkatitigan lang kaming dalawa habang sa ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Napapikit na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bogoshipoyoong
#1
Chapter 21: Awww 1 chapter na lang pero bat ganun. Sana happy ending :(
HottestVIPSone #2
I always have a thing for YoonSic (:
bogoshipoyoong
#3
Chapter 12: Haha hindi boring. Gusto ko nga yan sweet sweet lang ^^
bogoshipoyoong
#4
Chapter 10: Nung unang basa ko nanibago ako kasi ngaun na lang uli ako nakabasa ng tagalog na story haha. katuwa ung wordings. Ok din ung story authornim :)
kimmie_yoonsic
#5
Chapter 5: wahh akala ko si Tiffany yung kasama ni Yoona haha. Bakit bitin huhu