Labing Walo - Sender?

My Girlfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Good day guys keep smiling and enjoy reading.

1/5
.......................................................................................

 

Yoona's POV

 

Nagising ako na nasa kama na ako. Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng sobrang hilo kaya napahiga ulit ako. Inikot ko ang paningin ko at wala akong nakita ni isang tao kaya pinikit ko nalang ulit ang mga mata ko.

 

Sabay ng pagkapikit ko ang pagkirot ng ulo at ng dibdib ko. Natatandaan ko na naman na nasobrahan pala ako sa ininom ko pero buti nalang hindi na malala katulad nung dati.

 

Habang nakapikit ako ay bigla ko rin naalala ang sagutan namin ni Ate Lin bigla nalang tumulo ang luha ko dahil sa alaala na yun. Masakit parin sakin ang nangyari si Ate Lin kasi ang isa sa pinaka importanteng tao sakin ngayun dahil sya ang nagpalaki at umaruga sakin kaya importante sakin ang sasabihin nya. Kaya sobra akong nasaktan na pati sya ay hinusgahan ako dahil akala ko kahit papaano ay maiintindihan nya ako at kahit papaano hindi nya ako huhusgahan at hindi nya sakin sasabihin ang mga salitang katulad ng binitawan ng daddy ni Jessica.

 

Habang umaagos ang luha ko ay bigla ko nalang naramdaman na may pumupunas ng aking pisngi. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko ang babaeng pinakaminamahal ko.

 

Jessica- Yoon shhh tahan na.

 

Yoona- Anong ginagawa mo dito?

 

Umupo ako galing sa pagkakahiga ko pero dahil nga nahihilo pa ako ng onti ay tinulungan ako ni Jessica na umupo.

 

Jessica- Inaalagaan ka.

 

Yoona- Ano bang nangyari? Pano ka nakapunta dito? Sino nagpapunta sayo?

 

Jessica- Kagabi kasi biglang may tumawag sakin unknown yung no. kaya hindi ko sinasagot pero dahil makulit yung tumatawag ay sinagot ko narin at ang sabi nung tumawag ay pumunta daw ako sa condo mo dahil lasing na lasing ka at hindi ka mapigilan uminom kaya nagpunta ako agad sa condo mo at ng pagdating ko naman ay nakita ko doon sa labas ng pinto si Ate Lin tinanong ko kung bakit sya nasa labas ang sabi nya sya daw ang tumawag sakin at sabi nya pa na nagkasagutan daw kayo at pinaalis mo sya. Nilockan mo pa daw siya ng pinto kaya hindi daw sya makapasok sa loob tapos ng tanungin ko siya kung may susi siya sabi niya ay naiwan niya daw sa loob ng condo mo yung bag nya at tanging cellphone lang ang dala nya. Buti nalang daw eh may no. daw ako sakanya kaya tinawagan nya ako para matulungan daw siya mabuksan yung pinto pero habang naguusap kami bigla nalang kami nakarinig na may nabasag sa loob kaya kumatok agad si Ate Lin habang ako ay binubuksan yung pinto.

 

Yoona- Tapos?

 

Jessica- Pag bukas namin ng pinto ay nakita ka namin na nakahalandusay sa sahig tapos may basag na vase malapit sayo kaya pinagtulungan ka namin ni Ate Lin maipunta dito sa kwarto mo sabi ni Ate Lin sya na daw ang mag lilinis ng kalat mo at ako nalang daw ang mag palit ng damit mo. Nang matapos kitang bihisan ay lumabas ako para tulunagan si ate Lin pero pag labas ko tapos narin pala sya. Tapos nun bigla nya naikwento sakin kung ano yung dahilan kung bakit kayo nagkasagutan. Sinabi nya rin na alam nya na raw yung tungkol saatin at nagusap na kami about doon. Ang sabi nya nagulat lang sya kaya ganun ang naging reaksyon nya at sabi nya rin na mali ang mga nasabi nya sayo. Habang nag kwento siya sakin kaninang madaling araw ay umiiyak pa sya sinisisi nya sarili nya kung bakit ka naglasing.

 

Yoona- Nasan sya ngayon?

 

Jessica- Umuwi muna sya kanina sabi nya babalik sya dito mamaya dahil may aayusin pa sya sa schedule mo ngayong araw at saka sabi nya kailangan mo pa daw muna magpahinga kaya habang bukas icacancel nya ang mga schedule mo.

 

Yoona- Ahhhh.

 

Jessica- Nagugutom kana ba? Nagluto ako kumain ka muna para magkalaman ang tiyan mo saka para makainom kana ng gamot.

 

Yoona- Osige tara.

 

Jessica- Anong tara?

 

Yoona- kakain ako diba?

 

Jessica- Dito ka na lang kukunin ko nalang yung pagkain mo sa kusina nahihilo ka pa kaya wag ka muna tumayo. Dito ka lang kunin ko muna pagkain mo.

 

Pagkalabas ni Sica ay humiga ulit ako dahil masakit parin ang ulo ko at para syang binibiyak sa gitna.

 

Maya maya lang ay may kumalabit sakin at pag tingin ko andito na pala si Sica kaya umupo ulit ako habang sya hinahanda yung pagkain ko.

 

Yoona- Sorry.

 

Jessica- Ha?

 

Yoona- Im so sorry.

 

Jessica- Ano bang sinasabi mo?

 

Yoona- Sorry dahil sakin nahihirapan ka dahil sakin magkaaway kayo ng daddy mo ngayun tapos tignan mo ngayun inaalagaan mo ko dahil naglasing ako parang wala na akong na itulong sayo.

 

Jessica- Yoong naman wag mong isipin yan mahal kita kaya andito ako mahal kita kaya lumalaban ako. Alam ko naman na nasaktan ka sa sagutan nyo ni Ate Lin dahil parang katulad lang yun kay daddy sakin. At saka andito ako dahil alam ko rin na nasasaktan ka at andoon ka rin sa tabi ko ng nasasaktan ako andoon ka para pasayahin ako kaya ngayun andito rin ako sa tabi mo para suportahan ka kaya please wag mo isipin yun.

 

Yoona- Ok sorry.

 

Jessica- Tama na nga yang pag sorry mo kumain kana lang ok.

 

...............................................

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bogoshipoyoong
#1
Chapter 21: Awww 1 chapter na lang pero bat ganun. Sana happy ending :(
HottestVIPSone #2
I always have a thing for YoonSic (:
bogoshipoyoong
#3
Chapter 12: Haha hindi boring. Gusto ko nga yan sweet sweet lang ^^
bogoshipoyoong
#4
Chapter 10: Nung unang basa ko nanibago ako kasi ngaun na lang uli ako nakabasa ng tagalog na story haha. katuwa ung wordings. Ok din ung story authornim :)
kimmie_yoonsic
#5
Chapter 5: wahh akala ko si Tiffany yung kasama ni Yoona haha. Bakit bitin huhu