CHAPTER 7

CHANGING OF THE SEASONS
Please Subscribe to read the full chapter
CHAPTER 7    
"Hindi daw makakasabay si Kang bansot sa atin." paalam ni Lisa nang maka rating siya sa table.    Lunch break, at medyo makulimlim yung panahon.   "Ha? Bakit daw?" tanong ni Wendy, pumwesto sa tabi ni Irene.   "Hindi ko alam prend. Wala naman siya sinabi kung saan yung ganap niya." kibit balikat niyang tugon at nagsimula nang buksan ang kaniyang lunchbox na may lamang kanin. "Kaya pala nagpahuli si shunga." dagdag pa niya.   Napayuko si Irene, pilit na itinatago yung lungkot sa kaniyang mga mata. Humigpit yung pagkakahawak niya sa hawak niyang plastic ware,  saglit na napansin ito ni Wendy at ikinabahala yung pagbago ng kaniyang ekspresyon.   "Putspang 'yon, hindi man lang nagsabi. Sayang yung lunch niya." comment niya, hoping to lighten the mood.   "Ah.. Hindi, okay lang. Kainin ko nalang mamaya pag uwi.." agad niyang sagot, at ngumiti para itago ang lungkot na nararamdaman. ".. or sayo nalang, para hindi ka na bumili ng kanin."   Nakagawian na ni Irene ang pagdadala ng lunch kay Seulgi, at extrang ulam para sa grupo, kaya kanin nalang yung bibilhin nila sa caf.   Nag aalangang tinanggap ni Wendy ang plastic ware nang inabot ito sakanya ni Irene.   "Sure ka?? Walang bawian ha."   "Yep. Ubusin mo yan." tumango ito saka ngumiti, ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.   "S-salamat."   Tahimik lang ang lahat habang kumakain, walang umimik kahit isa, ramdam nila ang bigat ng atmosphere. Hindi nila matukoy kung ano ang dahilan. Kahit si Rosè, tahimik na tinapos ang pagkain. Unusual kasi kapag wala sa mood si Irene, madalas kasi itong nakangiti at masigla, go with the flow sa trip ng barkada. Kaya kapag dumating yung time na tahimik lang at walang kibo, means something's bothering her.   "Una na ako, may tatapusin pa kasi ako. Ubusin niyo yan ha." paalam niya at niligpit yung pinagkainan, saka tumayo.   "Ah.. sige. Kami na bahala." sagot ni Wendy at tuluyan nang naglakad palayo si Irene.   "Anyare 'don?" tanong ni Wendy sa dalawa nang tuluyan nang naka alis si Irene.   Nagkibit balikat si Rosè, nalipat yung tingin ni Wendy kay Lisa.   "Aba malay. Kanina pa sila ganyan e, ni hindi nga nag- uusap. Walang kibo, as in." paliwanag niya habang ngumunguya, saka uminom ng tubig mula tumbler niya. "..Ikaw dapat naka alam, ikaw yung close nung dalawa e. Tsaka diba sabay kayo kahapon."   "Okay naman sila kahapon ah.." nagsalubong yung kilay ni Wendy kakaisip ano bang problema nung dalawa.   "Eh baka may iniisip lang ganun. Alam mo naman si Seul, minsan  ganun. Baka nagkataon lang na may pinadadaanan din si madam." singit ni Rosè, niligpit niya na yung pinagkainan.   "Pwede naman nilang sabihin sa atin a.. Hindi yung manghuhula tayo.." bulalas ni Lisa.   "Chill lang Pran, wala kang kaaway dito." kalmadong tinapik ni Wendy sa balikat.   "I mean.. it won't hurt to tell a thing or two, right?" sumandal si Rosè sa mesa.   "It's up to them, we can't force them. Baka maraming lang silang iniisip, sasabihin naman nila yun eventually. Let's give them some time, and baka nagkataon nga lang din na may bumabagabag kay Irene.." paliwanag ni Wendy.   "Sabagay.. ay ewan." kamot ulong niligpit ni Lisa yung kaniyang pinagkainan. ".. Tara na nga."   Nang makabalik sila sa classroom matapos mag ayos ng sarili sa CR, hinanap agad nila yung dalawa.   Si Irene busy sa pagsusulat, si Seulgi nakasalampak sa desk mukhang natutulog, may earphones sa magkabilang tenga.   The three exhange knowing glances. May something nga, comment pa ni Lisa.   It's really unusual for the two, na nagiiwasan, na hindi nag uusap. Seul would even avoid looking, and ganun din si Irene. Pansin nila na sa buong maghapon, walang pag uusap na naganap. Usually kasi, si Seulgi pinag titripang asarin si Irene, and the latter would playfully go with the flow.   Buong maghapong pirmi lang yung dalawa sa kanilang pwesto, maya- mayat magsasalita ang isa sa kanila, may itatanong sa kanilang tatlo, but aside from that, walang pansinan na nagaganap kahit pa magkatabi lang  ang mga ito.   "Wala ba talagang may sinabi si Seul sayo?" tanong ni Lisa nang makalabas sila ng room para pumunta ng CR, saka inakbayan si Wendy.   "Kulit nga, edi sana sinabi ko na sayo..." napakamot ng ulo si Wendy. "Kahit ako, naguguluhan sa dalawang yun..."   "Baka may nangyari..??"   "Eh ano naman sa tingin mo??"   "Kasi diba, laging magkasabay yung dalawa pag naglalakad tayo pauwi.."   "Oh tapos??"   "Erp naman eh, akala ko ba matalino ka?"   Tumigil sa paglalakad si Wendy, tumingin ng masama kay Lisa.   "What I mean, baka may nangyari nung time na sila nalang yung naiwang naglalakad pauwi, kahapon. May possibility kasi diba.." paliwanag ni Lisa, gamit pa yung dalawang kamay sa pag eexplain.   "Eh ano nga kasi sa tingin mo yung nangyari.."   "Yun yung tanong.. Ano yung nangyari.." nagtuloy na sa paglalakad si Lisa, sumunod si Wendy.
Nang makabalik sila sa room, saglit na nagulat sa mga kaklaseng naghihiyawan. Mukhang tuwang tuwa sa mga kaganapan.   "Anong meron?" tanong ni Lisa kay Rosè nang makabalik siya sa desk.   "May teacher naman ah, bakit ang ingay pa rin..??"   "Arrggghh. Sakit sa ulo.." sagot ni Rosè saka inuntog ang ulo sa desk.   "Huy, anyare???" tanong ni Wendy kay Seulgi nang hindi na sumagot sa Rosè.   "May special number daw lahat ng class officers sa senior's night." tipid niyang sagot, sumandal sa braso at deretso lang ang tingin sa harap.   "Pota seryoso?!" yugyog ni Lisa kay Rosè.   "Oo nga.. by partner pa. Hutaena naman.." sumubsob sa desk.   "Wait.. so ibig sabihin.. lahat ng class officers sa buong senior level, sasayaw? Ganun?! Tapos by pair?!" tarantang bulalas ni Lisa.   "Mukhang ganun nga.."   "Yung by pair, tapos magkahawak, tapos babae-lalaki, ganun ba?!" tanong niya uli.   "Ang ingay mo, tumahimik ka nga muna. Hindi ka naman class offi
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Hinahanap niyo ba sina Joy tsaka Yeri?? Hakhak.. Soon. Salamat sa subs, huhuhu.

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 10: nakakacurious naman anong nangyari kung di na iu-update hehe
honeyblood17
#2
Chapter 10: I'm quite curious sa wenseulrene na tag. Mukhang mag erp lang sila Seul at Wendy dito pero may hints about wenseul here and there..
KZeljera26_ #3
Chapter 9: Wooohh Lodi update ulit otor hahaha
Maatt_booii #4
Chapter 8: Kung ako naging kaibigan ni seulgi.. Malala pa gagawin ko sa kanya, hahahahaha
Maatt_booii #5
Chapter 7: Tanga ka talaga ..puta hahahaha
KZeljera26_ #6
Chapter 6: Otor update kna 🤧🥺
eunxiaoxlove #7
Chapter 4: Excited!
Seulgiii_bear
#8
Chapter 4: Taena namannn, umpisa pa lang pero ramdam ko na yung sakit na mararanasan ko rito am. Salamat sa updates otornim!
Maatt_booii #9
Chapter 3: Seulgi,wendy,irene.. Yang tatlo parati, parang sa huli nito is wendy and irene.. Sila yung ikakasal based dun sa nabasa ko sa previous chapter hahahaha tas si seulgi kawawa.
Seulgiii_bear
#10
Chapter 2: Eto na naman maaattach na naman ako sa mga tropa ni seul huhu. Can't wait for the next chap, authorniiiiim