CHAPTER 6

CHANGING OF THE SEASONS
Please Subscribe to read the full chapter
CHAPTER 6    
"Uy, himala Seul... May baon kang lunch.." puna ni Lisa habang nilapag yung dalang tray sa mesa.
"Kaso.. itlog pa din ulam mo. Hahahaha." dagdag pa niya.   Lunch break, at nasa usual na tambayan lang naman kayo.   "Ay oo nga. Hahaha." silip naman ni Wendy sa baunan mo nang matanggal mo yung takip.   Bahagya mong tinakpan yung ulam mo. Tingnan mo ng masama.
"Pakyu kayo, ito lang kaya ko lutuin.."   After noong gabi na nag open ka kay Irene, after she knocked some senses to you, naisipan mong umuwi ng bahay kinahapunan. Kinausap ka na rin ni Wendy na you should talk to them, like a proper talk, to clear things and misconceptions. Baka kasi mali yung assumptions mo about sa parents mo.
However, nung umuwi ka kahapon, back to normal uli yung setup niyo and when you say "normal" means yung dating gawi na late nanaman sila uuwi. Main reason kaya hindi mo rin sila nakakausap. They don't seem to mind yung nagiging atmosphere sa bahay niyo: yung rift na unti-unting nabubuo between sa inyo.   Maaga kang nagising kanina, plano mong kausapin sila. Kaya nag initiate kang mag luto ng breakfast nyo, kahit itlog man lang, pero mag aalas syete na, at walang may lumalabas para mag umagahan. Usually nagigising sila simula 5am to prepare for work, then aalis ng 6am. Hindi mo na sila naabutan since 6:30 laging nagigising, tanging naka takip na breakfast ang sasalubong sayo tuwing umaga, minsan hindi ka na rin nakakapag- umagahan kasi hindi sila umuwi at walang magluluto. Ganyan yung nakasanayan mong setup araw- araw simula nang tumuntong ka ng highschool.   This morning, mukhang hindi sila umuwi. Sayang naman yung ulam na niluto mo, kaya binaon mo nalang para sa lunch. Balak mo pang pumasok ng late kaso dinaanan ka ni Irene sa inyo, at nagsabay kayong pumunta'ng campus.   "Naalala ko yung mga panahong, buong isang linggo itlog lang yung ulam mo. Mapa sunny side-up, scrambled, nilaga.." bungisngis ni Wendy sa tabi mo.   "Kaya ka bumibilog, itlog lagi ulam mo. Hahaha." gatong ni Lisa at nakipag apir pa kay Wendy.   "Anong masama sa itlog?! Kahit isang buwan ko pa ulamin yon, 'di ako magsasawa." Sabat ni Rosè.   "Kaya tayo friends Chae, ikaw lang talaga kakampi ko. Huhuhu.."   "Kaya ka ba tumigil mag-baon ng lunch kasi itlog nalang lagi ulam mo?.." tanong ni Irene which sounds more like a statement.   Humalakhak yung tatlo, nangingibabaw yung kay Lisa na pati si Irene nakitawa na rin. Iyak tawa ka nalang.
"Pota kung wala kayong ibang masabi maliban sa pagtawanan yung itlog ko, manahimik kayo." nagsimula ka nang kumain.   "Itlog nya daw.. HAHAHAHAHA"   Yung hagikgik ng tatlo lalong lumakas, mangiyak- ngiyak si Lisa, si Wendy nakahawak sa tyan niya, si Rosè naglulupasay kakatawa.   "Tangina mo Lisa!"  pinalo mo ng takip.   Tuloy lang kayo sa pagkain, maya- maya kukuha ng ulam sa mga kasama. Si Irene binigay yung kalahati ng ulam niya, si Wan binigyan ka ng sabaw ng sinigang. Si Lisa binigay yung tinik ng isda, kaya pinukol mo ng tinidor. Si Rosè binigyan ka ng 2 chicken wings. Tuwang- tuwa ka naman kasi andami mo nang ulam.     Lunch break nang kinabukasan, hindi ka na nagtanggkang magbaon kasi pagpepyestahan ka uli nila. Saktong tatayo ka na para bumili ng lunch, nang may inilapag si Irene sa harap mo na plastic ware na may lamang kanin at ulam.   Napatingin ka sakanya, may hawak pa siyang dalawang plastic ware. Nilapag niya yung isa sa gitna ng mesa saka ito binuksan, may lamang ulam.   "Ansarap naman n'yan." -Lisa "The best ka talaga renebae" -Wendy "Wait, bili lang ako kanin." -Rosé "Kuha na ako ha..." "Uy Lisa isa-isa lang, antakaw naman neto."   Yung isang plastic ware nilapag niya sa harap niya. Baon niya yata.   Nagtataka kang tiningnan siya.   "May sobra kasi sa niluto kong breakfast.." nakangiti niyang sabi at nagsimula nang kumain.   "Ah.. thanks." namumula mong sambit.   "Sanaol." -Lisa  
Ganun din nung mga sumunod na araw. Dadalhan ka ni Irene ng baon, may naka separate na ulam para sa buong tropa. You don't want to think anything special, siguro naawa siya sayo kasi itlog lang kaya mong lutuin araw- araw. ---    "Uy Rene, may nagpapabigay pala. Inabot saken kanina nung palabas tayo ng room. Sabi, ibigay ko daw sayo." paliwanag ni Wendy sabay abot ng isang box na nababalutan ng purple na gift wrap.   "Ay ano sabi?"
"Wala naman.. Ay may note yata nakadikit." turo niya sa sa sticky note na naka dikit.   "Ay wow sanaol." singit ni Lisa.   "Eto may jowa na nga 'di pa makuntento. Sumbong kita kay Heniper, kita mo." pinukol ni mo sa ulo.   "Aray naman kingina."   "Been crushing on you... for a long time. Have a nice day..." sabay sabay niyong basa sa note.   "May pa note pang nalalaman. Sino naman kaya yan?"
'Baka si Boguy, teh. Humihirit nanaman." tapik ni Rosè kay Irene.
 "Sino yun?" curious na tanong mo.
 
 "Si Bogs!"   "Bogs??"   "Shunga naman neto, tagal maka gets. Si Bogum! Yung laging may pa-sokolet kay madam." pag eexplain ni Lisa.
"Ahh.."
"Hindi yata?? Walang nakalagay na name e." Iniscan ni Irene yung box.   "Ay alam na alam teh. Disappointed ka ba?... Charot." biro ni Rosè.   Wala kasing palya yun kung magpa abot ng kung ano- ano kay Irene.   "Paano kapag.. like he'll finally ask you to go out with him? Like start an actual relationship ganun. Payag ka?" tanong ni Lisa.   "Hala chismosa naman neto. Bakit ano gagawin mo?" supalpal sakanya ni Wendy.   "Hindi kasii.. There's a possibility diba? What if ganun nga..??"   "I don't know? I'm not sure.. depends?" sagot ni Irene seryoso yung mukha.   "Anong depends? Depende kung gwapo ganun?" paglinaw ni Lisa.   "Potaena, ano ba naman yang mga tanungan mo." natatawang sagot ni Wendy sakanya.   "Seryoso nga kasiii. What if ganda lang habol diba. Dapat dumaan muna sa atin ganun."   "Ay tatay ka niya?"   "Shuta ka talaga Wendy Son, galing mo mambara. Minus 5 ka sa langit puta ka."   At nagbangayan na yung dalawa, habang ikaw ay tahimik na nanunuod sa kanila.   Tahimik at pasimpleng susulyap sa katabi mong kanina pa tinititigan yung bigay sakanya. Nacurious ka. Ano kaya nararamdaman niya ngayon?
Masaya ba siya sa tuwing nakaka tanggap siya ng mga ganito? What if she'll consider dating one of them? Mga bagay na hindi mo naman masyado pinapansin noon, ngayon lang gumulo sa isip mo.   "Ang tahimik mo kangseul ah. Musta na nga pala sa inyo?"   Naikwento mo na din sa grupo yung tungkol sa magulang mo, but hindi ganun kalalim. Atleast aware man lang sila mga ganap sa buhay mo.   "Wala namang bago do'n." matamlay mong sagot.   "Bigyan mo kayang drive max capsule??" suggestion ni Lisa, seryoso yung pagmumukha kaya hindi mo alam kung nagjojoke ba siya o hindi.   "Sira! Bat ko naman gagawin yun?!"   "Malay mo naman diba. Kulang lang sa push.." ngisi niyang sagot.   "Ayaw mo nun, may kapatid ka na uli." dagdag ni Rosè.   "Huta, pinagsasabi mo Rosas?" natatawang tapik ni Irene kay Rosè.   "Why not bigyan ko nga sila ng ganun?" seryoso mong sabi, pero nagjojoke ka lang talaga.   "Seryoso?!"
"Pota?!"   Ang tanging reaksyon nila, halos kumawala yung mga mata.   "'Di, joke lang. Hahahaha." hagalpak mo.   Umani ka ng sapak mula sa kanila. -----   "Guys wala daw si maam, nasa meeting. Mag attendance nalang daw tayo.." announce ni Irene sa harap, saka bumalik sa kaniyang desk.   "Ba't parang naalala ko sayo yung napanuod kong video sa youtube?? Yung, 'guys wala daw si maam...'" bungisngis ni Rosè nang makaupo ito.   "Nyeta ka Roseanne.."   "Anong meeting?" pabulong mong tanong sakanya.   "Meeting para sa Seniors' night ba yun?" tanong ni Wendy, bahagyang lumapit sa inyo.   "Tuloy na talaga yun? Tapos di na talaga kasama ang junior level?" singit ni
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Hinahanap niyo ba sina Joy tsaka Yeri?? Hakhak.. Soon. Salamat sa subs, huhuhu.

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 10: nakakacurious naman anong nangyari kung di na iu-update hehe
honeyblood17
#2
Chapter 10: I'm quite curious sa wenseulrene na tag. Mukhang mag erp lang sila Seul at Wendy dito pero may hints about wenseul here and there..
KZeljera26_ #3
Chapter 9: Wooohh Lodi update ulit otor hahaha
Maatt_booii #4
Chapter 8: Kung ako naging kaibigan ni seulgi.. Malala pa gagawin ko sa kanya, hahahahaha
Maatt_booii #5
Chapter 7: Tanga ka talaga ..puta hahahaha
KZeljera26_ #6
Chapter 6: Otor update kna 🤧🥺
eunxiaoxlove #7
Chapter 4: Excited!
Seulgiii_bear
#8
Chapter 4: Taena namannn, umpisa pa lang pero ramdam ko na yung sakit na mararanasan ko rito am. Salamat sa updates otornim!
Maatt_booii #9
Chapter 3: Seulgi,wendy,irene.. Yang tatlo parati, parang sa huli nito is wendy and irene.. Sila yung ikakasal based dun sa nabasa ko sa previous chapter hahahaha tas si seulgi kawawa.
Seulgiii_bear
#10
Chapter 2: Eto na naman maaattach na naman ako sa mga tropa ni seul huhu. Can't wait for the next chap, authorniiiiim