CHAPTER 2

CHANGING OF THE SEASONS
Please Subscribe to read the full chapter
CHAPTER 2     "Hoy Seulgi! Bilisan mo naman sa banyo! Hindi lang ikaw ang maliligo! Anong petsa na!" sigaw ng kaibigan mong si Wendy mula sa labas ng banyo. asabay ng pagsigaw ang malakas at sunod sunod na mga katok (kung katok pa bang matatawag yun- kalabog) sa pinto ng banyo kung saan kasalukuyan kang maliligo- naliligo supposedly, turns out kanina ka pa nakatitig sa tubig na para bang naghihintay kang kausapin nito.   "Nagsasabon na nga eh! Kakapasok ko palang gusto mo labas agad?! Ano yun, wisik wisik lang?!" agad mo namang palusot.   Ang aga- aga may ka- screaming match ka.   "Takte! Kanina ka pa sa banyo, halos mag iisang oras na!" kumalabog uli yung pinto, kulang nalang mabutas. "Sabon ko mukha mo! Wala nga akong narinig na buhos ng tubig simula nong pumasok ka!" dagdag pa niya, g na g ati mu Wendy.   "OO na! Ang lamig e!" edi napa amin ka din.   "Hutaena mo Seulgi! Huhuhu. Natatae na ako! kelan ka pa matatapos?!" rinig mo naman yung roommate ni Wendy na si Lisa, marahas na kumakatok sa pinto."-dalian mo! Dapat within 5 minutes tapos ka na!"   Parang naawa ka bigla sa pinto, kanina pa naaabuso.   "Wan! pengeng mainit na tubig!"
 
"Aba bwisit to, nakikiligo na nga lang, andami pang request! Wag kang maghanap ng wala! Takteng to, feeling richkid amp.. di mo pa bilisan bubuksan ko nang sapilitan tong pinto!" pagbabanta nya.   'Aba'y subukan nya lang, makikita nya abs ko.' "Nye nye.. richkid agad? sowey naman, 'di ba pwedeng nilalamig lang?" Di naman sa pagmamaya(man)bang everytime na malamig yung klima, may mainit na tubig kang resbak.   Hot shower? Wala kayo non, 'wag kang ano.   "Mas malamig yung pagmamahal niya sayo, kaya maligo ka na." this time si Lisa yung nagsalita, taeng tae na siguro.   "Inamo Kuto! Magbreak sana kayo ni Heniper-- shet! Ang lamig! Potaena!" napamura ka nalang nung nagsimula ka nang magbuhos, nakalimutan mong magbilang kaya parang surprise attack. Sa lamig ng tubig parang binuhusan ng sangkaterbang yelo na galing Antartica.   "Palibhasa, di naliligo araw araw." di mo nalang pinansin at nagtuloy na sa pagligo. Binilisan mo na yung pagsabon at pagshampoo baka kasi anytime talagang pasukin ka nila sa banyo sa sobrang tagal mo.Tinotoo mo nga yung 5 minuto na pagligo dahil sa lamig, minus yung almost 1 hour na pagtitig mo sa tubig.   "Huta bat ang lamig ng tubig..." nanginginig mong sambit nung makalabas ka na ng banyo. Suot mo na ang iyong uniporme, at nakapulupot yung tuwalya sa buhok.   "Langyang to, ang tagal tagal sa banyo. Taeng tae na ako..." dali- daling pagpasok ni Lisa sa banyo, hawak pa yung pwet niya. Medyo naawa ka sa part na yon.   "Kuto, bilisan mo! Malelate na tayo! 10 mins ka lang!" sigaw ni Wendy habang nakaupo sa stool, nagkakape.   "Hehe, sorry, ang lamig kasi ng tubig." Napaka kamot ka nalang at nagtuloy sa dining table, umupo ka sa tapat niya.
 
"Aminin mo nalang kasi na di ka sanay maligo, tapos kung maka buhos ng tubig akala mo may- ari ng water district." sipat niya sayo habang humihigop ng kape.   "Alam mo Wan, parang ikaw yung nanay ko sa ibang mga au, may built-in na ak-47 yung bibig.."
 
"Letse ka alam mo yun? Kumain ka na nga at malilintikan nanaman tayo pag nalate tayo, Lunes pa naman ngayon."    "Yes po ma... Uy hakdog, salamat.." Nagsimula ka nang magsandok ng kanin galing sa rice cooker, nililibot yung tingin sa naka handang ulam sa mesa. Si Wendy yata nagluto ng umagahan nyo.   "Tae may kapalit yan." seryoso nyang sabi, nakatingin lang sa mug na hawak niya.   "Seryoso?!"   "Aba'y wala nang libre sa mundo." tumingin ng nakakaloko sayo. Minsan tong kaibigan mo, 'di mo mawari.
 
"Huta naman neto, apaka garapal. Buhay nga binibigay, ulam pa kaya?!" Alam mo namang pinag titripan ka lang niya, kaya sinabayan mo na din.
 
 "Wala akong pake, libre
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Hinahanap niyo ba sina Joy tsaka Yeri?? Hakhak.. Soon. Salamat sa subs, huhuhu.

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 10: nakakacurious naman anong nangyari kung di na iu-update hehe
honeyblood17
#2
Chapter 10: I'm quite curious sa wenseulrene na tag. Mukhang mag erp lang sila Seul at Wendy dito pero may hints about wenseul here and there..
KZeljera26_ #3
Chapter 9: Wooohh Lodi update ulit otor hahaha
Maatt_booii #4
Chapter 8: Kung ako naging kaibigan ni seulgi.. Malala pa gagawin ko sa kanya, hahahahaha
Maatt_booii #5
Chapter 7: Tanga ka talaga ..puta hahahaha
KZeljera26_ #6
Chapter 6: Otor update kna 🤧🥺
eunxiaoxlove #7
Chapter 4: Excited!
Seulgiii_bear
#8
Chapter 4: Taena namannn, umpisa pa lang pero ramdam ko na yung sakit na mararanasan ko rito am. Salamat sa updates otornim!
Maatt_booii #9
Chapter 3: Seulgi,wendy,irene.. Yang tatlo parati, parang sa huli nito is wendy and irene.. Sila yung ikakasal based dun sa nabasa ko sa previous chapter hahahaha tas si seulgi kawawa.
Seulgiii_bear
#10
Chapter 2: Eto na naman maaattach na naman ako sa mga tropa ni seul huhu. Can't wait for the next chap, authorniiiiim