CHAPTER 10 PART 1

CHANGING OF THE SEASONS
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER 10 PART 1

 

 

Lisalot:
psst
may masusuot ka na?

Me:
Alaws pa
ikaw b?

Lisalot:
awts. same
peram ako :D

Me:
adik ka?
wala pa nga ako masuot

Lisalot:
jowk
bat hi blood?
manghihiram nlng ako kay jen mylabs

Me:
Hiraman mo na din ako :D

Lisalot:
utot mo green

Me:
Awts gege. Salamat nalang sa lahat

Matapos yung last reply mo kay Lisa, ibinaba mo na yung phone mo, at ibinalik ang atensyon sa mga kumpol ng damit na nakapatong sa kama mo. Kanina ka pa pabalik balik sa closet at cabinet mo, naghahanap ng pwedeng maisuot.
Halos lahat kasi ng damit mo, jeans, shirt, at hoodie lang. Mabibilang lang yung mga damit mo na pang labas, and when you say pang labas, yung damitan kung saan mukha kang tao. Ayaw mo namang bumili, kasi gastos pa ng pera.

Maaga ka pang nagising para maghanap ng damit, yung pinaka sulok- sulukan ng closet mo, hinalungkat mo na.
Since mamaya na yung event, wala kayong pasok buong araw, in preparation para sa event mamaya.

Yung iba nagpapahinga, para may beauty rest. Ikaw, kahit rest wala man lang.

Nagisip ka pa kung sino yung magme-make up sayo, tangina naman kasi, hindi ka marunong magayos ng sarili. Tanging pulbos at vaseline lip care lang yung tanging laman ng bag mo.
Pupunta ka nalang kina Wendy mamaya, para magpatulong sa pagaayos ng mukha.
Isa pa sa pinoproblema mo, sinong susundo sayo mamaya, hanggang 10pm kasi yung event, although 7pm pa yung start ng event. Hindi ka naman marunong magdrive, gamit din ng mga magulang mo yung kani-kanilang sasakyan.

Saglit kang nabalik sa realidad nang tumunog yung phone mo, may nagtext.

kras:
seul sabay tayo mamaya

Natawa ka sa contact name niya, hanggang ngayon, hindi mo pa rin pinapalitan.

Me:
sigi

kras:
daanan kita mamaya?

Me:
sure ka?

kras:
200% sure oso

Me:
hindi ka susunduin ni ano?

kras:
Nino?

Me:
Ni anoo
ni bogs

Kras:
malay ko don

Me:
umm okay

Kras:
nakapili ka ng susuotin?

Me:
wala nga ako masuot TT

Kras:
i can lend you
punta ka dito

Me:
di, oks lang.
naghahanap pa me

Kras:
Sure?
I can lend u some tux :D

Me:
Seryoso?!

Kras:
Kidding.
But i think it looks good on you
Anyway got to go for now
see u later? :*

Para kang timang na nakangiti sa harap ng phone mo. Mukhang okay naman kayo, at never mo namang brinought out yung about sa inyo.

Medyo magulo pa yung loob ng kwarto mo, nagkalat na din yung mga damit na walang habas mong pinanghahagis kanina habang naghahanap ng masusuot.

Napa buntong hininga ka nalang, na pinulot isa isa ang mga ito. Natigil yung pagliligpit mo nang may kumatok sa pinto.

Nung pagbukas mo, yung nanay mo ang bumungad sayo. May hawak na dalawang paperbag.

Nagtataka kang tumingin sakanya nang inabot niya sayo yung hawak niya.

"Tonight's the event right? I bought you something to wear."

Alinlangan mong tinanggap ito, saka siya nagsalita muli.

"Seulgi.. I-Im sorry, kung ano man yung narinig mo nong mga oras na iyon, but--"

"Mom, let's just not talk about it.. please. Not now.."

"I'm really sorry. I hope we can talk about some other time.. I mean, we need to.."

"Kayo lang naman hinihintay ko na mag open sa akin. I don't know what's going on mom, to be honest."

Tanging bunting hininga lang ang tugon sayo, kaya ikaw nalang ang tatapos ng usapan niyo.

"I-I need to go mom. Thanks, I guess..." paalam mo, tumabi siya sa gilid para makalabas ka ng kwarto.

"S-sure. Have fun."

Since lumabas ka na ng kwarto, pinanindigan mo nga na aalis ka. Dumiretso ka nalang sa boarding house nina Wendy, dala-dala ang 2 paperbag na binigay sayo.

Malakas yung loob mo, may mga naiwan ka pa naman kasing mga damit doon, wala ka nang problema sa pamalit mo.

"Oh anyare?" bungad ni Lisa sayo, siya kasi nagbukas ng pinto.

"Sabay- sabay na tayo.." mabilis mong sagot, saka nagtungo sa sofa.

"Oh ano yang dala mo?"

"Ah, di ko pa nabubuksan. Bigay ni mader.." kwento mo saka chineck yung paperbag.

"Talaga namang, sa SM pa binili. Potek.. Hahahaha.."

"Manahimik ka libag.." binato mo ng stuffed toy. "Si Wannie?"

"Ayun tulog pa.. Humihilk pa yung pwet." sagot niya saka nagtungo sa kusina, para magtimpla ng kape, "Kumain ka na?"

"Actually hindi pa..." nangisi mong sabi habang naglalakad papuntang mesa, saka chineck yung mga nakatakip na plato.

"Ge kain ka.." sabi niya sabay higop sa kape, lumiwanag yung pisngi mo.

"Geh kain ka, sa inyo." biglang bawi niya saka tumawa.

"Inamo.." mo saka kumuha na ng plato at naghukad ng kanin mula sa rice cooker.

"Kamusta kayo ni Irene?" tanong niya out of nowhere.

Nagkibit balikat kang hinarap siya.
"Okay naman.."

"Hmm.. gusto mo ba siya?" nabilaukan ka sa tanong niya, kaya agad kang uminom ng tubig.

"Pota ano iniisip mo bat mo naitanong??"

"Wala lang? Curious lang ako.. Ship ko kayo e.." ngisi niyang sabi, hindi mo naiwasang mamula sa sinabi niya.

"Paano kung oo?"

Nagulat ka, bigla siyang tumili. Parang uod na nangisay.

"Hutaena. Ano pa hinihintay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Hinahanap niyo ba sina Joy tsaka Yeri?? Hakhak.. Soon. Salamat sa subs, huhuhu.

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 10: nakakacurious naman anong nangyari kung di na iu-update hehe
honeyblood17
#2
Chapter 10: I'm quite curious sa wenseulrene na tag. Mukhang mag erp lang sila Seul at Wendy dito pero may hints about wenseul here and there..
KZeljera26_ #3
Chapter 9: Wooohh Lodi update ulit otor hahaha
Maatt_booii #4
Chapter 8: Kung ako naging kaibigan ni seulgi.. Malala pa gagawin ko sa kanya, hahahahaha
Maatt_booii #5
Chapter 7: Tanga ka talaga ..puta hahahaha
KZeljera26_ #6
Chapter 6: Otor update kna 🤧🥺
eunxiaoxlove #7
Chapter 4: Excited!
Seulgiii_bear
#8
Chapter 4: Taena namannn, umpisa pa lang pero ramdam ko na yung sakit na mararanasan ko rito am. Salamat sa updates otornim!
Maatt_booii #9
Chapter 3: Seulgi,wendy,irene.. Yang tatlo parati, parang sa huli nito is wendy and irene.. Sila yung ikakasal based dun sa nabasa ko sa previous chapter hahahaha tas si seulgi kawawa.
Seulgiii_bear
#10
Chapter 2: Eto na naman maaattach na naman ako sa mga tropa ni seul huhu. Can't wait for the next chap, authorniiiiim