Aftermath (BONUS)

Ligaya, my favorite destressant
Please Subscribe to read the full chapter

Nagpipigil si Joy ng ngiti. 


Di naman sa malakas ang tiwala niya sa sarili, pero parang ganun na nga. 


Binagalan niya ang mga hakbang niya tungo sa dancefloor. Pero di niya sinipat kung may nakasunod sakanya dito.


Kung sumunod nga ba ang gusto niyang sumunod or mananapak na talaga siya.


Once she felt herself. She started dancing.


Dancer si Joy noong high school. Naging go to dancer din siya noong pre-law years niya tuwing may dance emerut sila sa PE, and other pabebe subjects. But she never did join a formal group dahil malayo ang bahay niya sa campus nila. Mamamatay siya sa pagod if she did.


Pero alam niyang magaling siya sumayaw.


Magaling parin siyang sumayaw… dahil she got the center of attention of people around her. Looking at her na para bang they wanna join her at what she's doing.


Bago pa man mangyari yun, naramdaman na niyang sinamahan na siyang sumayaw nung taong inaasahan niya. 


A silly smile played on Joy's lips.


Di naglaon ay hinarap na niya ang kasayaw niya.


Then, she locked her eyes sa mga labi ng kasayaw niya…


"I’M O- KAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYY"


Napahimod si Joy ng laway na tumulo na pala sa labi niya. "Tssssk POTA NAMAN!"


"I'M OKAYY NOWWWW (I'M OKAY NOWW)"


Kinapa kapa ni Joy ang phone na pinanggagalingan ng nakakarimarim na alarm. Phone pala ni Lisa na wala pading bakas ng pag gising. Bat kasi ganito ang alarm? Pang basag.


Buti wala siyang hangover ngayon.


Natawa nalang si Nayeon na nagtutuyo ng buhok. "Buti nga ngayon ka lang nagising eh. Pangatlong alarm na ata niya yan mula kaninang 9."


Napaupo si Joy. "Bakit?? Anong oras na ba?"


"Mag 11 na ghurl."


Tuluyan nang tumayo si Joy mula sa kama nila ni Lisa para mag ayos. Nakita naman niya agad yung twalya. Natouch siya ng konti dahil talagang nag asikaso pa si Jackson sakanila. Nagpatulog na nga sa bahay nag asikaso pa.


"Nandoon lang sa CR yung iba mong kailangan. Hinanda nung kapatid ni Jackson."


"Pffft. Ah… Okay." 


Pasalamat talaga si Joy sa santo ng mga alak dahil wala talaga siyang hangover. Kundi, mamayang gabi pa siya makakapag ambag sa group work nila na sila sila rin magkakagrupo. 


Kaya G din siyang makipag inom sa Manila kahit malayo talaga bahay niya kasi sama sama sila ngayon para sa isang report. Pamajor kasi isa nilang subject na 2 units. Pero keri naman, matitino naman kagrupo itong mga kasama niya. 


She believes so.


Dumeretso na si Joy sa dining area nila Jackson. (Oo, malaki bahay nila. Businessman ba naman magulang eh) Andon na sila Nayeon at Lisa na nagkakamot pa ng mata. Halatang ginising nalang. Si Kai din nandoon na. 


Dapat talaga kumpleto sila sa bar kagabi. Kaso di pinayagan si Kai lumabas ng nanay niya. Mama's boy kasi si Kai at unico hijo siya. Gabi na din daw kasi at apparently, nagamit na ni Kai sa mga booking niya ang palusot na group study… so ayon. Hopia siya.


"Good morning Joy. :)))" Bati sakaniya ni Jackson na naghahanda ng mesa. Inaayos ang delivery mula sa KFC. Salamat sa dios.


May isa pang babae na tumutulong kay Jackson sa pag aayos at nakatoka naman siya sa mga pinggan. Nahuli ata siya ni Nayeon na nakatingin. "Ngayon mo lang ba nakita si Chewie?"


"Huh?"


Napaclap si Jackson. "Ay shet. Joy si Chewie pala, kapatid ko."


Oh so siya pala yung nabanggit nila sa iskul nung last time. 


"Hi po. :))" Magalang na bati kay Joy nung kapatid ni Jackson na parang mas matangkad pa ata sakanya. 


Nakakatuwa naman. Mukhang mabait itong batang 'to. Sabi ni Joy sa sarili niya. "Hello…

 


... ang ganda mo."


Nangiti naman with matching hiya si Tzuyu. "Syempre, mana sa kuya eh." Epal ni Jackson na nagsenyas na magsimula na silang kumain.


May napansin si Joy. "Teka, Wala parin si Seulgi?"


Napansin ng ever mapagmasid na mata ni Joy ang mabilis na pagsulyap ng mata ni Nayeon kay Tzuyu. Si Kai ang sumagot. "Sunod nalang daw siya dito afterlunch. May important meeting daw sila sa office niya eh. Dapat nga sabay kami at sinundo niya ako."


"Chicks ka ba? Ikaw pa susunduin."


"Badet ka talaga."


Di na nakatagal pa sa pang aapi nila si Kai. "Eh siya yung may motor eh!" 


"Sige na Kai, kumain ka nalang. Marami pa yung fries oh." Awat ni Jackson sakanya pero sa totoo lang ganito talaga ang ugali ni Wang pag sabay sabay sila kumain. Gusto niya kain kung kain lang.


Hindi nila kasama umuwi si Seulgi kagabi. Supposedly, sama sama dapat sila uuwi kina Jackson pero biglang nagpaalam si Seulgi na kailangan niyang umuwi. Work purposes daw. Pero di convinced si Joy. 


Para siyang gagu for this, pero may something funny about kay Seulgi kagabi. After niya hayaang umalis ang probably TOTGA niya (yes, yan na ang tawag ni Joy doon sa babaeng nagredefine ng ideal type niya in just a few moments) sa club kagabi, Seulgi began to act weird and eventually nagpaalam. 


Though, di na inisip iyon ng mabuti ni Joy dahil iba ang naka-occupy sa utak niya right now. 


Nakay Joy pa pala yung salamin niya.


and most importantly,


Hindi niya manlang nakuha ang name ng TOTGA niya. 


Nagslump si Joy sa kinauupuan niya. Nasa balcony na sila ng bahay nila Jackson. Aral sesh na pero naka-sukbit sa shirt ni Joy ang specs. Somehow, she found herself attached to it. Drama niya, eto nalang daw ang piece of memory na meron siya mula sa one sided niyang TOTGA. 


Wala siyang pakialam kung hindi talaga totally bothered about sakanya s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulrenism
Anw, mas gusto niyo bang Third Person o First Person ang POV ng storytelling? Let me know and yung comments niyo is very much appreciated! Mwa

Comments

You must be logged in to comment
scyxxx
#1
Chapter 13: shet wenjoy wasak ang ending
sssssiiiii
#2
Chapter 13: hay too good to be true nga naman kase start nila wendy at joy. dapat inexpect ko na na merong malalang angst jshssj naaapektuhan ako sa nangyayari ahuhu parehas sentimental irl wenjoy kaya siguro ganito ako, soft pagdating sa kanila. kahit seulrene? anyare kaya sa mga yon🤔
honeyblood17
#3
Chapter 12: Oooohh. So WenSé pala ang #shewhowasnotnamed previously. I have an inkling anong ganap pero not sure pa din..tho this looks more interesting sa pa-history ng characters. Lalo with Jennie's seeming involvement sa nangyari sa flashbacks.
honeyblood17
#4
Chapter 11: Shuta ang lande ng WenJoy chill chill lang happy yern??? Anyare sa SeulRene?? Akala ko ba okay????
jenlisaxx #5
Chapter 11: Anyare sa seulrene :(( kala ko seryoso si seulgi :((
SperoSpera
#6
Chapter 10: Cuteee 😊💚
honeyblood17
#7
Chapter 10: Ayiee akala ko soft softan lang pero may hints ng M ang ending hahahaha.
_flcty #8
Chapter 10: Ang soft naman nung yakap scene sa CR uwu
scyxxx
#9
Chapter 10: AHAFAYAFGAAHA NAGBABALIK! THANK YOU PO!
Mar857
#10
Chapter 10: Sjbdhdjskussb 👀 oh eeemmm geee

Salamat sa Ayuda otor kht bitin na bitin aku mgbasa hahaha abang abang na lan ulet☺