Cinco (Part 2)

Ligaya, my favorite destressant
Please Subscribe to read the full chapter

There are many things left unsaid.

 

And sasagutin naman yan ni Joy. If makikipagusap lang ng maayos sa kanya si Wan ngayon.

 

As in usap… like, a whole decent convo?

 

Naninibago tuloy si Joy. May mga moments naman na ganito ang mga meet ups niya before. Pero… iba ang kinahinatnan ngayong araw na to.

 

The moment na makita niya ang taong di mawala sa isip niya the past month na naghihintay sa tapat ng pagkikitaan nila ng kausap niya sa dating app.

 

Di niya sasabihin mamaya kay Wan pero nanlamig ang kamay niya nung na-confirm niyang si Wan Wan pala ay ang the same “Wan” na tinawag ng tropa niya nung nagmomol sesh sila sa Mosaic some time ago.

 

Honestly, there is a tiny bit part sa 5’6 na stature ni Joy that hopes na si Wan Wan ay ang the same “Wan”.  After all, identical nicknames. Sobra lang ng syllable.  At yun lang din naman ang naalala niyang significant na impormasyon tungkol sa TOTGA niya, and at the same time, nagdownload at nakipagsapalaran lang naman din siya sa Tribba dahil gusto niyang mahanap si “Wan”. 

 

That move may have been her last hope but di siya pinanganak at pinalaki ng mama niya na Asado.  Kaya naman she shook those delulu thoughts away and lived her life in Tribba. Swertihan na lang din talaga if makita niya si Wan niya.

 

And then, alam niyo naman ang human nature ng mga law student… and things that Wan-Wan and her had been talking about got risky too.  Kaya this meet up happened. Di niya rin alam. Pero seriously, balak niyang magtouchmove sa kausap niya last minute if hindi niya magustuhan ang paunang kainan experience niya sa legit na restaurant.

 

And Guess what… this is more than what she has been wanting to see right now.

 

Yun nga lang, again. Joy wishes that her and Wan will have a proper conversation.

 

Ngayon.

 

Dahil malapit nang pagselosan ni Joy ang server ng Ippudo na nag attend sakanila.  Buti pa siya, kinausap na ni Wan.  Siya, kahit na nakakapit na siya sa braso ng kasama the whole time na papunta sila dito mula sa Uniqlo, ay di pa siya kinakausap.

 

Malapit na siyang mag overthink.

 

Actually, nag ooverthink na siya.

 

“Anong sayo?”

 

Bago pa maisiwalat ni Joy ang creeping unwanted thoughts na nagsisimulang bumagabag sa isip niya, ininterrupt na ni Wan ang internal monologue niya.

 

Nilingon siya ni Joy. Nakapalumbaba na pala siya. “Hm?”

 

Wan cleared . “Anong gusto mong kainin?”

 

??? Seriously.

 

Di natiis ni Joy ang ngiti na namumuo sa mga labi niya. Wag niya kamo siya matanong tanong ng mga ganitong bagay.

 

Itinuon ni Joy ang atensyon sa nagtanong sakaniya.

 

“Ikaw.”

 

At ayun na nga.

 

Kung di lang alam ni Joy ang ginawa niya, ay aakalain na niyang makati ang lalamunan ni Wan.

 

Pero alam niya. Kaya natatawang pinainom ni Joy ng tubig si Wan na nasamid ata sa sariling laway.

 

“Joke lang.” Nakangising sabi ni Joy. “Penge na lang ako nung menu ako na pipili nung akin.” Matapos uminom si Wan ay inabot niya kay Joy ang menu ng resto.

 

Kabisado na rin ni Wendy ang oorderin niya dito. Kaya naman imbis na tumingin sa menu ay nagnanakaw siya ng tingin kay Joy na abala sa pag suri ng menu.

 

Ang ganda pala talaga ni Joy ano?

 

Yes, maganda siya that night. Pero para kay Wendy, ibang circumstance yun.  Hazy. Dim. May loud blaring noises mula sa bar. Isama mo na rin ang booze ng drinks nila.

 

Maganda si Joy.

 

Sobra.

 

Di parin nagbabago ito ngayong nasa well-lit dining place sila.

 

Maganda parin si Joy.

 

Sobra.

 

Yung buhok niya, parang ang lambot? Shiny even. Ano kayang shampoo niya?

 

Yung mga mata niya, parang ang daming kwentong masasabi. Kahit na ang dami na nilang napag usapan sa dating app.

 

Yung ilong niya, wala siyang pores????

 

And lastly, yung lips

 

 

.

.

 

 

“HOY!!”

 

Kumalansing yung utensils na nasa gilid ni Wendy dahil sa gulat niya. Di na pala niya namalayang napatitig na pala siya kay Joy na nangingiti nalang sa harap niya.

 

But for how long?

 

Paano. Di naman niya din matanong yun kay Joy dahil dumating na rin ang kukuha ng order nila.

 

Matapos makuha ang order nila ay inabot na nila ang mga menu sa nag attend ng table nila.  Nagtagpo ang kanilang mga mata at nginitian siya ni Joy. “Why?”

 

Napakunot ng kilay si Wendy. “Huh?”

 

“Ba’t ka nakatingin sa akin?”

 

Medyo natigilan si Wendy sa kung ano mang ginagawa at napatitig kay Joy, na napatawa na sa itsura ni Wendy ngayon.

 

Yeah, she knows this. Paano? Eh nakatingin mismo sakaniya….

 

“Oh. Bakit? Hindi ganyan itsura mo kanina. Smile~” Naramdaman nalang ni Wendy ang tips ng mga daliri ni Joy sa mga gilid ng labi niya.

 

“So I was smiling kanina?” Tinanggap nalang ni Wends ang kapalaran. Habang sinasalinan ang glass ni Joy na napansin niyang walang lamang water.

 

A smile that briefly reaches the eyes graced Joy’s face. Nag-hum siya ng “Oo.”

 

Well… that was easy.

 

Tutal, andito na rin naman silang dalawa, (which Wendy is truly thankful for) why not just, live through it?

 

That is what Wendy thought that moment. Di ba she wanted this so bad? Ngayong natupad na ito, why is she walking on eggshells? 

 

 

“Nakakain ka na ba dito?”

 

Sawakas, nakapag bukas na rin ng convo si Wendy. Kaya mo yan bhie kahit mapurol.

 

Bumaling ang atensyon ni Joy sakaniya. Na siya namang nakatingin sa displays. Bored na rin siguro. Di rin siya masisisi ni Wendy. “Hmmm. Di ko maalala, pero parang Oo.”

 

Mag iisip na sana si Wendy ng panibagong itatanong nang biglang may pafollow up question si Joy. “Bakit ikaw? Madalas ka dito noh?” With matching smile.

 

And syempre, nadamay si Wendy sa ngiti na ‘yun. “Yup. Favorite ramen resto ko ito. Kahit medyo mahal yung nasa menu sulit naman. Paano mo pala nasabi?”

 

“Na?”

 

“Na madalas ako dito?”

 

Napahawak si Joy sa batok niya habang yung siko niya ay nasa ibabaw ng mesa. Pucha! Ang attractive. Sabi ng nagpupumiglas na baklang puso ni Wendy. “Halos di ka na kasi tumingin sa menu kanina.” Nag pause si Joy at saka tumingin sa mismong mga mata ni Wendy. Napa atras naman si Wends ng bahagya sa pagiging intense ng tingin ni Joy sa kaniya. Di niyo kakayanin bhie.

 

“Ako nalang kasi yung tinitigan mo.”

 

Wala. Tanggap ni Wendy ang L niya today mula sa mga ebas ni Joy ngayon. Pero ngiti nalang ang palag niya dahil gustong gusto din naman niya ito. Hello? Si Joy na to! Aangal pa ba?

 

Mukhang pleased ang itsura ni Joy sa nakuha niyang reaksyon mula kay Wendy. Di naman talaga siya ganito sa mga ka-meet up niya before. Mabibilang mo hanggang 20 sentences ang masasabi niya mula sa mga dates na napuntahan niya. Usually short phrases lang, sagot sa mga tanong na basic for getting to know and kung nagttry din ba mag engage ng convo yung ka-date niya.

 

Take note, they are guys. This is the first time na rin na Joy is in a date with a woman. A woman she liked at that. Kaya din siguro ganito ano? Halos kulang nalang-

 

“Grabe ah. Ganito ka ba usually sa mga nakakasama mo kumain sa labas?” Nakangiting tanong ni Wendy sakaniya habang binubuksan ang kasunod na butones ng kanyang polo. Di naiwasan ni Joy na mapatingin sa ginawa at resulta nito.

 

Wala nang hiya hiya pero iba lang kasi ang dating kay Joy… parang ano, parang ang init lang sa area nila ngayon.

 

After niya mag lag ng ilang segundo eh naka recover din si Joy. Tinaas siya ng kanyang matinong self. Di pa naman purong kamunduhan ang nasa utak niya ngayon. Though yun ang original na pakay niya today sa lakad na ito… Hindi ba?

 

“Huh? Grabe ka naman sa akin. Mukha ba akong malande?” Sabay turo sa sarili niyang mukha si Joy.

 

Natawa na ng tuluyan si Wendy sa pinag gagawa ni Joy. Nanlumo naman yung isa. “Ah ganon?” At bigla nalang kinuha ni Joy ang bag niya sa tabi at tumayo papa alis. Nabigla naman si Wendy sa kaganapan.

 

“Luh. Joy! Wait lang.” Tumayo na rin si Wendy sa kinauupuan niya para awatin ang kasama niya mula sa pag alis.

 

Nasa entrance na sila ng resto nang maabutan niya si Joy. Hinawakan niya ang braso nito at buti naman kasi huminto din naman si Walk Out girl. Pumunta siya sa harap nito at tinignan ang babaeng mas matangkad sa kaniya sa mata. “Joy. Sorry kung na-offend kita. Nagbibiro lang ak-“.

 

“Anong sabi mo?” Nakakunot ang noong tanong ni Joy sakaniya. Napatigil si Wendy ng ilang segundo bago ulitin ang mga nasabing salita “Sorry if I offended you. Of course hindi ganun ang-“.

 

Umiling si Joy. Andoon padin ang kunot sa kilay niya. Ano ba ang gusto mo marinig? Tanong ni Wendy sa sarili. What do you wanna hear from me? In-english lang.

 

“Hindi. Hindi ‘yun.”

 

“Eh ano?” Tanong ni Wendy habang halos tinutunaw ang mukha ni Joy sa diin ng tingin niya sa kaniya. Para silang nasa Drama. Nasa malapit pa sila n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulrenism
Anw, mas gusto niyo bang Third Person o First Person ang POV ng storytelling? Let me know and yung comments niyo is very much appreciated! Mwa

Comments

You must be logged in to comment
scyxxx
#1
Chapter 13: shet wenjoy wasak ang ending
sssssiiiii
#2
Chapter 13: hay too good to be true nga naman kase start nila wendy at joy. dapat inexpect ko na na merong malalang angst jshssj naaapektuhan ako sa nangyayari ahuhu parehas sentimental irl wenjoy kaya siguro ganito ako, soft pagdating sa kanila. kahit seulrene? anyare kaya sa mga yon🤔
honeyblood17
#3
Chapter 12: Oooohh. So WenSé pala ang #shewhowasnotnamed previously. I have an inkling anong ganap pero not sure pa din..tho this looks more interesting sa pa-history ng characters. Lalo with Jennie's seeming involvement sa nangyari sa flashbacks.
honeyblood17
#4
Chapter 11: Shuta ang lande ng WenJoy chill chill lang happy yern??? Anyare sa SeulRene?? Akala ko ba okay????
jenlisaxx #5
Chapter 11: Anyare sa seulrene :(( kala ko seryoso si seulgi :((
SperoSpera
#6
Chapter 10: Cuteee 😊💚
honeyblood17
#7
Chapter 10: Ayiee akala ko soft softan lang pero may hints ng M ang ending hahahaha.
_flcty #8
Chapter 10: Ang soft naman nung yakap scene sa CR uwu
scyxxx
#9
Chapter 10: AHAFAYAFGAAHA NAGBABALIK! THANK YOU PO!
Mar857
#10
Chapter 10: Sjbdhdjskussb 👀 oh eeemmm geee

Salamat sa Ayuda otor kht bitin na bitin aku mgbasa hahaha abang abang na lan ulet☺