Uno (Wendy's Dilemma)
Ligaya, my favorite destressantAng sakit na ng batok ni Wendy.
Inikot ng dalaga ang kaniyang ulo ng clockwise upang makapag inat mula sa nakakangawit na pagkakayuko. Ang baba kasi ng nakuhang nilang mesa sa lugar kung saan nila napiling mag aral ng kaniyang mga kaibigan.
Ngunit kinasanayan na rin nila ito.
Ang maliwanag na ilaw, ang halimuyak na hatid ng grounded coffee. Ang simoy ng americanong hindi hilaw at nakakapagpagising, ang kapayapaan na hatid ng katahimikan mula sa paligid na puno ng mga estudyanteng pilit inaayon ang atensyon sa kanilang mga resources at libro.
Kung si Wendy mismo ang tatanungin, mas gusto niyang mag- aral sa library kaysa sa coffee shop. Mas makakapag-focus, may access sa references, efficient at tipid dahil kahit sa vending machine na siya magkape ay ayos lang. Ang mahal kaya ng kape sa CBTL (at sa iba din namang coffee shop!) Ngunit ito ang gusto ng kanyang mga kaibigan. Group study sa typical na pinag aaralan nilang coffee shop ang nakahantungan nila dahil kailangan na nilang ma-sort out ang report nila na kailangan sa susunod ng araw.
Tinatapos na nila ngayon kahit na sa isang araw pa ang report nila dahil bilang lider, (lagi namang siya ang lider pag group work) ayaw ni Wannie ng nagccram. Ekis siya doon.
Naniniwala siyang mas maganda at maayos ang gawa ng isang tao kung hindi ito minadali. Tiwala din naman ang kaniyang mga kaibigan sa school sa work ethic ni Wendy. Siya pa ba?
"O-order na ako ng muffin, papasabay kayo?" Alok ni Jennie na tumayo na after magpasyang magbreak muna sila. Malapit naman na nilang mafinalize ang sorting ng topics nila.
Umiling nalang si Wendy, si Byul dumukot ng pera sa bulsa para magpabili ng isa pang donut kahit na yun na ang binili niya kanina habang si Irene naman dedma lang. Nakatutok sa phone.
"Grabe ano, bat parang ang bigat bigat ng sem na to? Napapahaba tulog ko eh." Bring up ni Byulie.
"Sinabi mo pa. Di ko nga rin alam. Sa bigat ng subjects? Tho magkasingdami lang naman din ng units kaysa last sem." Aakmang tamang face down lang din si Wendy. Oo nga naman. Di naman din siya nagkulang sa paghahanda sa mga subjects na tinetake nila this sem. She even advance read some of them. Pero the actual duration of the sem is still taking its toll on her. Partida higit 1 month away pa Midterms ngayon.
Nilapag ni Jennie ang tray. Ang bait niya today. "Maybe dahil nag accumulate na yung stress natin from last semesters? and the fact that we've been studying in 5 consecutive semesters in a higher degree than college itself." Nagbuntong hininga ang dalaga. "Iba talaga ang demand sayo mentally, psychologically and emotionally. Though, wala naman tayong magawa, than to study. Sana lang nababawi kahit sa sembreaks and breaks diba."
"Amen".
"Iba talaga si madam Jennie." Loko ni Byul habang nakatawang hinihiwa ang donut niya.
"-HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Shh! Gaga ka ang daming nag aaral!" Suway ni Jennie kay Irene na tinakpan nalang ang bibig niya mula sa pasabog.
Kinakatakot ni Wannie, no pero karamihan ng mga estudyanteng nasa loob ng shop ay nakatingin ng masama sakanila. Sumenyas nalang siya ng sorry na cute. Bumaling siya kay Irene. "Parang tanga."
"Landi mo Irene." Pero nakatawa si Byul sa kasama, "Sino yan?" Chismosang nakikisulyap sa phone ng kasama.
Halos idikit naman ni Irene sa mata ni Byul ang Phone niya. "Galing Tribba".
"Ha, ano raw?"
"Dating app for gay women."
"Tanginang name yan." Natatawa si Jennie.
"Hindi yung dati?" Habang sinusuri ni Byul ang app. "Iba." Sagot ni Irene habang hinablot ang phone sa kasama.
Lumiit ang mata ni Byul. Ani may iniisip. "Oh.. Ah! Sabagay, pang jejemon yung alam ko eh."
"Bat mo alam?"
"Kaya naman pala blooming ka padin ngayon sis. Kami sinasalanta na ng dagok sa buhay ikaw natawa lang dian." Natawa si Irene kay sinabi ni Wendy. "Sana all may d
Comments