Dos (Grass is Greener on the other side)

Ligaya, my favorite destressant
Please Subscribe to read the full chapter

“Nubayan antaba na nung Esme.”

“Sorry guys naglag ako.”

“Kaya pa yannn.”

 

Tatlong estudyante ang naglalaro ng ML sa di mataong hallway ng building nila. Di matao dahil oras ng klase ngayon.

 

Lalapagan na ng last skill ni Joy ang Johnson nang medyo magulat siya. 

 

“Wala kayong prof?”

 

Tanong kay Joy ng isang lalaking medyo pamilyar yung mukha pero di niya matandaan ang pangalan. Kung alam ba niya? Classmate nila sa isang subject? Di niya padin tanda yung pangalan nung binata na di na nagugustuhan ni Joy ang paglapit nito sa sakaniya. 

 

Close tayo ser?

 

Matik naman na kumunot ang kilay ni Joy. Hirap kaya mag isip ng kung ano ano at sumagot sa tanong habang nagcclash sa Brawl! (Oo, sineryoso niya yung Brawl. Wag kayo)

 

Nagpapalit palit ang tingin niya sa lalaking di niya knowing ang namesung habang pinupukpok nila yung Guin. “Ah.. eh meron.”

“Ano yan?? ML kayo?” Natatawa pa yung lalaki sa awkward niyang tanong. 

 

Tawa tawa tanong tanong ka pa dian, eh sinisilip mo na yung phone ko? 

 

Oo asar na si Ate mo Joy. 

 

Di ba alam ni kuya ang personal space?

 

Naaasar na tanong ni Joy na sinarili nalang niya. Paano ba naman halos ipatong na ni kuya baba niya sa balikat ni Joy sa sobrang lapit. Ay close tayo, Ghorl?

 

Joy’s lips are pressed in a thin line. Bat pa dumadagdag si kuya sa suliranin niya? Di naman niya pwedeng hampasin si kuya dahil mawawala sila sa hubog. Binabalikan na sila nung Esme after -in yung Guin. 

 

Needless to say, wala siyang sapat na drive para makipagdeal kay kuyang style na bulok. Kailangang matapos nila ang game na to before matapos break nila. Brawl na nga lang ang laro, tumagal pa. Di pa pala naglalaro ng ML ang mga bata ng ganito kaaga?

 

“SHET!” 

 

“Pakyu Seul!” Ramdam ni Joy na nagulat din si kuyang feeling close kay Seulgi. Siya kasi yung tank... Namatay ang tank.

 

“Oi.” 

 

Medyo nagpigil ng ngiti si Joy nang next na maramdaman niya ang paglubay ni kuya sakaniya. Rinig din niya ang mabigat na kamay ni Seulgi na naipatong sa balikat(??) ata nung lalaki. Masakit yun. “Wala kayong prof?” Nagcreate pa ng convo si Gaga.

 

“M-meron, break lang namin. Hehe.” Nagbacktrack si kuya dahan dahan palayo sakanila. “Sige, Kang. Una na ako ha... Di pa pala ako kumakain.” 

 

Tuluyan nang nakangiti si Joy. Tapos na ang laro at nanalo sila. 

 

Ang galing ni Jackson!

 

Nakita niya nalang na parang mangb-brawl na na oso ang itchura-han Seulgi. Nakatoon padin ang tingin niya sa lalaking umalis. Natawa nalang siya. “Alam mo ba pangalan nun?”

 

Nakadungaw sila sa huge window, kaya kita nila si kuya na pababa ng hagdan papuntang caf. “Hindi nga eh. Basta naging kaklase din natin yun. Leg Res ata. Close mo?” Tanong ni Seulgi sakaniya.

 

Sumali si Jackson sa usapan. Masaya padin si gagu sa panalo nila. Alam niya kasing dahil sakaniya. Siya nagbuhat. “Sino?”

 

Umiling si Joy. “Yung lalaking sumisimple kanina. Ang naman.” Sagot ni Seulgi na agagalet. Sinundan ni Jackson ang tingin ng dalawang kasama. Nakita siguro niya tinutukoy nila. “Ahhh. JB ata pangalan nun?”

 

Nagmake face si Seulgi. “Yikes. Anu ba yan. Kapangalan pa ng kapatid ko. Yak.” Natatawang nagtanong si Jackson kay Joy. “Bakit? Nilalandi ka ba nun Joy? Mabenta ka talaga. Tanda ko nakainuman natin yan dati eh? Sa Nest.”

 

May restobar sa likod ng campus nila Joy. Nest. Approximately two short kantos mula sa University. Lowkey lang siya and homely. Though meron din sila talagang restobar proper na may liveband and lights and dancefloor. Pero mas prefer padin ng mga estudyante sa school nila ang homely set ups sa outside area ng Nest. Para lang kayong nag iinuman sa bahay ng tropa mo.

 

Di strict ang Nest. Kahit naka ID pa sila galing school. Kahit umaga bukas sila, and of course given ang gabi. In return, may mangilan ngilan na estudyanteng pumapasok ng lasing sa klase. Example si Jackson minsan, pero di siya sa Nest madalas umiinom. 

 

“Di naman. Sumimple lang kanina.”

“Type mo naman?”

 

Mabilis na umiling si Joy sa tanong ni Jackson.  With matching spasms pa. Narindi si ate ghorl. “Hindi.”

 

Nagcross ng arms ang lalaki. “Ah. Baka type ka.” 

 

“Ih. Wag na. No, thanks. Di ko siya type.” Tumingin si Jackson sa paligid. May iilang students na padaan daan. Nasa hallway kasi sila. Tapat ng pinto ng room ng klase nilang nakabuyangyang sila nakatambay at hinihintay ang prof nila mula sa 20-min. break na bigay sakanilang 4-hour class.

 

Pero sa totoo lang, asa labas din sila kasi walang signal data sa loob ng room, at para mabantayan nila ang dating ng prof nila habang naglalaro.

 

“Pero may type ka naman dito sa school?” Ahhh. Kaya pala nagmasid. Chichika.

 

Nag isip si Joy. Di naman siya malihim na tao. Open siya sa mga ganitong usapan. “Wala eh.” Nanlaki ang tama ni Joy nang may maalala. “Ay minsan kamo, ka-PM ko yung poging tisoy sa Persons dati. Eunwoo?” Nanlaki din mata ni Jackson nang marealize niya tinutukoy ni Joy. “Hoy!!! Ang gwapo nun ha!” Natatawa nalang si Seulgi. Nachika na niya sakaniya to eh. 

 

Katabi kasi niya si Seulgi sa halos lahat ng subjects nila. Di niya rin alam kung bakit niya ginusto rin. Eh mas nagbebenefit naman si Seulgi sa presensya niya noh. Tinuturuan niya kasi palagi ang monolid nilang kasama pag nakapos sa recitation... which is madalas.

 

Maybe gusto rin niyang kasama si Seulgi dahil magaan ang company nito. Para silang may kasamang sun sa bawat araw na nagkaklase sila, kahit na parang tanga sila ni Lisa pag nagkatabi. Tinuturung niyang unnie si gaga dahil maalaga at may care si ate mo Seulgi sa mga nakapaligid sakaniya. 

 

(Laging nanlilibre. Engineer na kasi siya, nagdecide lang magtake ng law dahil gusto raw niya ng bagong endeavor sa buhay. Purpose daw kumbaga) Taeyeon ka ghorl?

 

Maybe dahil nakikita din ni Joy kay Seulgi ang ate figure na namimiss niya mula sa totoo niyang ate na nasa ibang bansa. 

 

O kuya? Well...

 

“Eh ano naman kung gwapo? Wala namang kwenta kausap.” “Awwwww.” Gago ni Jackson parang walang nagkaklase sa kabilang room nila. “Sinong walang kwenta kausap?” Hala, andian na si Nayeon.

 

Ngayon alam na ni Joy bakit madaming alam na chika si Nayeon sa iskul. Pati nadin sa showbiz. (Dispatch hu) Nasa kapalaran na ata ni Nayeon ang makarinig ng balita.

 

Nakatingin lang sakanila ni Nabong si Seulgi at Jackson. Salamat sa respect, friendz. “Si Eunwoo. Yung kaklase natin sa persons dati.”

 

As expected, nanlaki rin ang mata ni Nayeon sa narinig. “OOOOH. Gwapo nga nun ah. Nilalandi ka ba?”

 

Parang ang tagal naman ng prof nila? “Hmmm... pini-PM ako eh. So IDK.”

 

Nag smirk nalang si Bong. “Di mo type noh?” Di ba talaga niya type? 

 

Kung tutuusin, napag isip isip na din ito ni Joy. (Oo madami siyang time mag isip. A solid) 

 

Compared naman sa ex ni Joy. Mas okay si Eunwoo. Excuse me! Nasa law school na siya no. Halos lahat ng tao dito (except sa mga pinilit lamang ng mga magulang, god bless them) ay driven at may pangarap na kalagyan sa buhay. Maging abugado.

 

Lahat sila sa school na ito ay nagpupursige para sa end game nila. Kahit iba ibang klase pa ng grind ang meron sakanila. (Aware naman si Joy sa presensya ng nga frats at soro, pati nadin ang dark path ng pagkapit sa patalim ng prof) Di niya gaanong pinahahalagahan ang mga ito dahil in the end, magkikita kita padin naman silang lahat sa bar exams. Puhunan ang paghahanda para sa bar exams bawat take ng subject along the way.

 

PERO, going back. What differs Eunwoo sa kinarupukang ex niya noon na si Sungjae, (na pinagpalit lang siya sa kaklase niya ngayon... EWW) ay ang personality.

 

Yes. Sadly, walang special sa personality ni Eunwoo. Para siyang local ng Bumble. For display lang. Pero pag nag usap na kayo, negative na.

 

Tho kahit anak pa ng diyos yang si Eunwoo, para kay Joy, kung di naman niya kayang makipag usap ng maayos within at least 10 mins. Na di mapipilitan si Joy na magreply ng dreadly- Haha- dahil di na kinaya ang pagbubuhat sa naghihingalo nilang convo, wag nalang. 

 

No, thanks!

 

Nagpout sabay iling si Joy. “Waley eh. Di mabenta for me.” “Awwww. Sayang naman pala si papa Eunwoo.” 

 

“Crush mo, Bong?” Tanong ni Seulgi. 

“Anong ‘Bong’ ka dian? Oyy hindi ah! Masamang mapogian?”

“May sinabi bang masama?”

Nagbabangayan yung dalawa nang mapansin ni Joy na sinenyasan siya ni Jackson saka pumasok ng room. Paparating na pala prof nila. “Oi. Oi. Oi. Anjan na si sir.” 

 

Hinatay niya sa loob ang dalawang maiingay na kasama.

 

————————————

 

“Yiee Bong crush mo pala ih.”

“Nako Seulgi sinasabi ko sayo di ka na makakapasok mamayang Consti niyan. Sinasabi ko sayo.”

“Hahahahahahaha!”

 

Nagquick lunch silang magttropa sa kwek-kwekan. (Kung may word man na ganyan) Dito nalang sila naglunch dahil puno na ang caf, at masarap din naman ang tinda. Bago kasi. Malinis pa.

 

“Kuya wala pa bang kikiam?” Tinanong ni Kai si kuya kahit na nasa harap naman na niya at nakikita mismong di pa luto ang mga kikiam. 

 

Ewan ko sayo, Kai. 

 

“Kikiam pala ang gusto. Grabe kuntento ka na sa kikiam lang?” Tangina mo Lisa.

 

“Okay lang. Ang sherep keye. Kikiam nalang need ko. May hotdog naman na ako dito eh.” Pinatulan naman ni gago.

 

“Ang kakalat niyo.” 

 

Nilingon ng dalawa si Joy. “Wow ha nahiya naman kami sayo Joy Mae.” “Ikaw nga may hotdog at kwek kwek pa dian eh.” Kinuha na nung dalawa ang mga order nila. 

 

“Anong Joy Mae????”

 

Pabalik na sana sila sa pwesto nila Seulgi nang mapahinto

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulrenism
Anw, mas gusto niyo bang Third Person o First Person ang POV ng storytelling? Let me know and yung comments niyo is very much appreciated! Mwa

Comments

You must be logged in to comment
scyxxx
#1
Chapter 13: shet wenjoy wasak ang ending
sssssiiiii
#2
Chapter 13: hay too good to be true nga naman kase start nila wendy at joy. dapat inexpect ko na na merong malalang angst jshssj naaapektuhan ako sa nangyayari ahuhu parehas sentimental irl wenjoy kaya siguro ganito ako, soft pagdating sa kanila. kahit seulrene? anyare kaya sa mga yon🤔
honeyblood17
#3
Chapter 12: Oooohh. So WenSé pala ang #shewhowasnotnamed previously. I have an inkling anong ganap pero not sure pa din..tho this looks more interesting sa pa-history ng characters. Lalo with Jennie's seeming involvement sa nangyari sa flashbacks.
honeyblood17
#4
Chapter 11: Shuta ang lande ng WenJoy chill chill lang happy yern??? Anyare sa SeulRene?? Akala ko ba okay????
jenlisaxx #5
Chapter 11: Anyare sa seulrene :(( kala ko seryoso si seulgi :((
SperoSpera
#6
Chapter 10: Cuteee 😊💚
honeyblood17
#7
Chapter 10: Ayiee akala ko soft softan lang pero may hints ng M ang ending hahahaha.
_flcty #8
Chapter 10: Ang soft naman nung yakap scene sa CR uwu
scyxxx
#9
Chapter 10: AHAFAYAFGAAHA NAGBABALIK! THANK YOU PO!
Mar857
#10
Chapter 10: Sjbdhdjskussb 👀 oh eeemmm geee

Salamat sa Ayuda otor kht bitin na bitin aku mgbasa hahaha abang abang na lan ulet☺