Sais

Ligaya, my favorite destressant
Please Subscribe to read the full chapter

Nakangiwing tinitigan ni Seulgi ang test booklet niya. “Powtang inang ‘yan.” Kakaalis lang ng prof nila sa subject na ito. Bago siya umalis ay dinistribute muna ang mga checked test booklets nila para sa Midterm Exam, kaakibat din nito ang test results nila.

 

Tinanaw ni Joy yung affair ng katabi na si Seulgi. Napangiwi din siya. “Hayup ka, anong nangyari?”

 

Tensed na binuksan ni Seulgi ang booklet niya sa desk niya, para din mapakita kay Joy kung bakit parang need niya din magpa alila sa prof niya para makahabol sa Finals. “Ahhh shet. May hinahanap siyang particular na sagot.” Saka binuksan ni Joy ang booklet niya para maipagkumpara ang *mas* matataas na grade per answer na nakuha niya sa exam.

 

“Tang ina mo mamaw ka talaga.”

“Gago.”

 

Habang kinikilatis ni Seulgi ang mga sagot sa booklet ni Joy eh may dejected na Lisa na lumapit sa kanila mula sa dulong upuan. Lalabas ata ng room. “Pucha, ilan kayo?”

“Sama akoooo. Lalabas ka? Kain tayo.” Nakatunog si Nayeon kaya dali dali siyang kumuha ng pera. Syempre, tropa sila kaya ganun na din ang ginawa ni Joy at Seulgi. Nakatayo na silang lahat nang napansin nila na parang kulang. Hindi si Jackson ito dahil wala naman talaga siya today.

 

“Gisingin niyo nga ‘yan. Rinig na rinig ko hilik niyan kahit nasa kabilang side ako ng room.” Senyas ni Nayeon na pinuntahan naman ni Seulgi si Kai para gisingin ito.

 

“Pucha. Nangibang bahay na naman siguro ‘yan.” Tuloy ni Joy nang makumpleto silang lumabas ng room. Kumakamot pa ng mata si Kai sa likod.

 

“Sinabi mo pa. Pucha lakas ng hilik nito kanina. Buti mabait si sir.” Dagdag ni Lisa kasi siya yung katabi ni Kai. “Narinig ni Sir?” Tanong ni Seulgi na nagseselpon.

 

“Mukha. Mabait naman siya eh. Mahirap lang magpa-exam.”

“Tanginang exam ‘yon.” May hinanakit din pala si Kai.

 

“Nest nalang tayo mamayaaaa.” Na-hype naman ang magttropa sa suggestion ni Nayeon. Pero nagbutt in si Joy. “Pass ako mamaya ha. Di ako pwede.”

 

Nakapila sila sa oorderan nila ng pagkain pero parang pati yung mga ibang nakapila na hindi naman nila friends eh napatingin din. Paano ba naman? Buti walang narinig na lagutok ng leeg sa mabilis na paglingon ng tropa ni Joy sa kanya.

 

“???? Bakit?” Nagtatakang tanong niya sa mga kaibigan.

 

“Hoy!! Saan ka pupunta? May booking ka noh?!” Nang aaway yung tanong ni Nayeon pero normal na to sa kanilang lahat.

 

Nagtagpo naman ang mga mata ni Joy at Seulgi ng mga half a second. Umorder nalang si Seulgi dahil nagets niya kung saan ang lamyerda ng tropa niya mamaya. Kakagaling lang ng pasa niya sa braso dahil sa kurot ni Joy noong lunes. Mesheket. Absent mindedly niyang hinimas ang braso dahil naging reflex na niya ito sa nagdaang linggo.

 

“Uyyy Nabs wag mo namang awayin si Joy. Parang masama namang bumooking ng Sabado?” Tanggol ni Kai sa tropa. Friday kasi ang normal na araw ng booking nila dahil mabibigat ang subjects pag Saturday. Kaya din talaga siya sumumbat dahil galing sa booking si Kai kagabi. Kaya din lowbat kahit magtatanghali na.

 

Magrereply pa sana si Nayeon pero may biglang tumapik sa kanya. “Uy, Nayeon! Later ha. May meeting tayo sa conference room.” Nakita nung kumausap kay Nayeon na kasama niya ang friends niya. Binati din sila nito. “Invite mo naman mga friends mo sa Bar Ops! May incentive din naman ‘to sa mga profs-“

 

“Incentive???” Magkasabay na nagtanong sila Seulgi na may fries pa sa bibig, si Kai at si Lisa. Nagulat yung ka-org ata Nayeon. Siya nalang tuloy ang sumagot. “Oo, di niyo alam? Nagsign up na kami ni Jackson before midterms.

 

Kurap lang ang sagot ng tatlo sa sinabi ni Nayeon. Habang umoorder na pala si Joy ng pagkain niya.

 

“Ah. Bar Ops pala. Sige, kung may time ako.” Kamot ulong sagot ni Seulgi. Sabagay, busy nga naman siyang tao. Habang si Kai at Lisa eh magpapasama kay Nayeon mamaya para mag sign up sa Bar Ops registration. Napag alaman din nilang Mingyu pala ang pangalan nung nagulat nila.

 

“Sa’kin nalang kayo sumama sa Bar Ops. Para sa Hotel tayo. Tapos tutulugan natin yung rooms ng mga mag eexam after nila umalis.” Pagpaplano ni Nayeon para sa welfare nilang magttropa.

 

“Gags edi walang uwian kasi nandoon na tayo mula gabi?” Pagtatanong ni Lisa kasi taga Taytay pa siya.

 

“Edi doon na tayo maligo before pumasok kinabukasan. Anu ka ba.” Nilingon ni Nayeon ang katabing busy sa pagkain. “Sama ka samin ha wag ka muna mag asawa.”

 

Pinakyu nalang ni Joy si Nayeon.

 

Matahimik na sanang kakain ang magttropa nang makita ng katabi ni Kai na may something. “Hoyyyy- ano to??” With matching turo pa sa mismong spot. Malas niya kasi si Lisa katabi niya.

 

Nagsitinginan naman ang iba nilang friends sa tinuro ni Lisa. Mabilis na nag iba ang mga mukha nito.

 

Pinalo ni Nayeon (mahina lang naman) ang kamay ni Kai. May laman pa kasi yung bibig kaya di makatuloy ng tawa.

Si Joy halos napaurong yung ulo palikod dahil sa pagtawa.

Si Seulgi naman… “Tangina ka. Papasok nang may chikinini!”

 

Shy na pinantakip ni Kai ang kwelyo ng polo niya pero natatawa din siya. Pabebe lang. “Wala eh… Di ko rin alam.”

 

“Ulol mo. Anong di mo alam?? Di mo alam nginabngab na yung leeg mo? Hahahahaha.” Alam na yata ng buong caf na may chikinini si Kai today. Sa lakas ba naman ng boses ni Lisa.

 

Si Nayeon ang naging utak ng kanilang table today. Siya ang sumaway. “Hoy.” Tumingin siya muna sa paligid na para bang may hinahanap bago magtuloy. “Wag tayo masyado maingay. Baka marinig tayo nung may crush kay Kai dito. Mayayari tayo.”

 

Effective. Kasi nagdie down yung ingay nila. Pero yung tawa hindi. Nagpupunas na si Joy ng luha niya habang tumatawa.

 

“Ay oo. Pucha. Di mo pa ba tinatry yung si Taemin? Mukhang bet na bet ka naman nun.” Medyo tahimik yung pagtatanong ni Seulgi kay Kai. Mahirap na baka kasi nga nasa caf din yung pinaguusapan.

 

Umiling lang si Kai ng nonchalantly. “Eh. Ayoko.”

 

“Ganda ah.” Nakarecover na si Joy sa tears.

 

“Well.”

 

Tinapik ni Lisa ang mesa bago siya nagsalita. Parang nasa inuman lang. “Ganyan yan si Kai. Ayaw sa may gusto sa kaniya. Nung last week parang maglalaplapan na sila sa likod ng klase. Actually, nilalaplap na pala ni Taemin itong leeg ng tropa natin-“

 

“Hinahayaan lang naman ni Kai-“ Nag apir nalang si Lisa at Nayeon sa duktungan nila

 

“Ayus ah.” Pa almang tono ni Kai. Pero naging soft din naman. “Eh.. ayaw ko talaga eh.”

 

“Awwww.” Reax nalang si Joy habang sinasalansan ang mga pinagkainan nila.

 

“Aw aw ka dian ikaw nga tong di sasama mamaya.” Tumayo si Nayeon ng patampong fez. “Nang dahil lang sa booking!”

 

Si Kai at Seulgi naman ang nag Awww.

 

“Grabe. Nagbago na si talaga si Joy. Di na marupok.”

 

“Pokpok nalang.”

 

Pareho tuloy hinampas ni Joy si Lisa at Seulgi. Buti kamo kabilang braso ni Seulgi yung nahampas niya. Kundi lamog na yung isa.

 

Pabalik na sila sa room nila nang di parin pala tumitigil ang topic nila. “Gulat nalang tayo may jowa na yang si Joy. Yieee.”

 

“Ulol mo Kai. Maglalaplapan lang uli kayo ni Taemin sa klase mamaya eh.”

 

“Awts.”

“RIP.”

“Kai, ingat baka makita yung tinatago mong lihim sa leeg.”

 

Napa angat tuloy uli ng collar si Kai dahil sa sinabi ni Nayeon.

 

 

“Saan tayo magm-meet mamaya?” Tanong ni Jeongyeon habang naglalagay ng iiwan na gamit at iuuwi mula sa locker nila sa iskul.

 

Nakasandal si Wends sa tabi ng locker ni Jeong. Nagseselpon. “IDK. Diretso na daw ba doon si Byul?”

 

Sinara ni Jeongyeon ang locker at saka nagshrug. “Di ko rin alam eh. Text ko na lang siya maya maya?”

Nagshrug din si Wendy at umokay. “Walang klase si Jennie today ah. Sasama ba siya?” Naglakad nalang sa corridor si Wendy at Jeongyeon. Pababa ng building. Tapos na klase nila for today eh. Pero may lakad sila mamaya. Masyado pa nga lang maaga for that.

Nasa lobby na sila ng building nila nang di nasagot ni Jeongyeon ang tanong ni Wendy. Chineck niya ang phone niya bago sila tuluyang umalis ng building.

 

 

Huh? Pero kanina pa yung message. Nireplyan nalang niya yung message ni Joy. Wala naman silang usapan today. As far as she remembered-

 

Siniko niya si Jeongyeon habang nagpphone. Di kasi siya sinagot ng tropa niya. “Huy, si Jen ba?”

 

“Wow. Who’s that?”

“Baka nag iinquire. Pero sana dito pumasok ‘no. Ang hot eh.”

“Gago pare, pero true.”

 

Nilingon ni Wendy ng masama yung isang kumpol ng mga lalaki sa program nila na nasa lobby rin. Alam na niyang babae pinag uusapan ng mga ‘to. Hayst. It is always men. Parang di nakakakita ng babae every day.

 

Sunod na tinignan ni Wendy ang katabi. Di pa rin siya nasasagot ni Jeongyeon. At ayun na nga, nakalingon din pala si Jeong sa tinitignan nung mga lalaki. Pati ba naman ikaw, Jeong? Naramdaman niyang may nagmessage uli sa kanya. At si Joy nga ‘yun.

 

Napakunot si Wendy kung bakit nagtatanong si Joy. May na-plano ba sila today? Nako, may lakad pa naman siya ngayon-

 

Naramdaman niya ang nudge ni Jeongyeon sa kanya. “Dude.”

“Hm?” Nilingon niya ang mukha ni Jeongyeon. Tila ang lalim ng iniisip, pero nakatingin pa rin siya doon sa direksyon na tinitignan din nung mga lalaki kanina. “I think I’ve seen this girl before.”

 

“Sino ba?”

 

Sinenyas ni Jeong ang tinitignan ng bayan. At nilingon na din ito ni Wendy.

 

… and yeah, she’d seen this girl din before.

 

At di naglaon, she’s looking right back at her. Parang may slowmo uli ata? Pero slowly na nagspread ang ngiti sa mukha ni Joy pagkatagpo ng mata nilang dalawa.

 

Lumingon muna si Joy sa sides bago tumawid papunta sa building nila. Naramdaman din niya ang mga mata ni Jeong na nakatuon sa kanya pero kay Joy lang siya nakafocus. Hanggang sa nasa harapan na nila si Joy.

 

“Surprise!”

 

Yeah, surprise, indeed.

 

“Paano ka nakapasok dito?” Paunang tanong ni Wendy, pero nahihirapan na rin siyang pigilin ang ngiti niya.

 

“Pumasok ako sa gate?” Nakangiti pa din si Joy so she guessed na di na din siya sasagutin ng maayos nito. Narinig niyang napatawa ng slight si Jeong sa gilid niya.

 

“Ay sorry, sorry. Joy, si Jeongyeon nga pala, one of my close friends dito sa campus. Jeong, si Joy, friend ko.” Pinakilala ni Wendy ang dalawa and narecognized nila ang isa’t isa. Pero ang pangalan ng lugar ay parang mutually omitted sa kanila. A telephatic agreement, it might be.

 

After nila magsmall talk eh di pa rin natatanggal sa mukha ni Jeong ang ngiti niya. At di nagugustuhan ni Wendy na parang directed sa kanya ang mga ito.

 

“So?”

“So… what?”

 

“Uhm…”

Natawa nalang si Joy pero in a dejected format. “Ayaw mo ba ng surprise ko sayo?”

 

Biglang nagpanic si Wendy sagutin. “Ah! Of course not. I liked it! It’s just that… may prior commitment na kasi ak-“

 

“Pwede naman sumama si Joy, dude.” Hati ni Jeongyeon dahil parang di siya comfortable sa magiging direction ng usapan.

 

“Huh?”

 

“Sa party mamaya. I’m sure Byul and Solar won’t mind.”

 

Ayun!

 

Pero bago pa man mabuka ni Wendy ang bibig niya para alukin si Joy, eh umatras na yung dalaga. “Hindi na, okay lang. Saglit lang din talaga ako dito. Gusto ko lang masurprise (makita) si Wendy today.”

 

Oop.

 

Nagsink in nalang sa background si Jeongyeon dahil parang ang panget ng naging result ng pagkikita na ito. Ang ganda ng intention pero pangit ng outcome. Omg.

 

Umiling muna si Wendy bago niya masense na need niya i-verbalize ang sasabihin. “Noo. Mamayang gabi pa naman yung party. We can still go… uhh- saan mo gusto pumunta?”

 

At ayun na nga, di na din talaga nabawi ni Wendy ang sinabi niya dahil humindi na with matching kaway si Joy. Oh no. “No, no. Okay lang talaga. Gusto lang talaga kita makita kanina.”

 

Aweee.

Sa loob loob lang ‘to ni Jeongyeon na di alam kung saan na ilalagay ang mata niya ngayon.

 

“Joy, really… we can go out ngayon-“

 

Ay, yeah. Okay lang naman sa akin. You two can go. I’m fineee.

From Jeongyeon uli na nakikinig nalang sa usapan ng dalawa.

 

Napangiti nalang si Joy. Tiniis ni Jeongyeon ang namumuong “yikes” expression niya by zipping shut. “Next time nalang, Wendy. May ibang araw pa naman.” She took 1 step backward. “Just… magpahinga ka nalang sa vacant time mo.” Yeah, all that while she’s smiling.

 

“Joy…?” Wendy took a tentative step forward.

 

Nakangiti pa rin si Joy. “See you next time, Wannie.” Kumaway nalang si Joy and after a few seconds ng awkward silence, ay tumalikod at naglakad na palayo.

 

Malayo layo na at medyo di na tanaw ang silhouette ni Joy pero nakatingin pa rin si Wendy sa general direction nito. With a forlorn look, na medyo naasiwa si Jeongyeon dito.

 

“Dude, that was so dumb.”

 

Nakatingin pa rin si Wendy sa pinuntahan ni Joy. Palabas ng gate sa south. Saan kaya siya nagpark?

 

“Yeah. I am really dumb.”

 

Tinawanan nalang siya ng tropa niya pero humorless(??). “You know, I actually thought she’s waiting for you to make habol at her.”

 

Naglalakad na sila palabas ng campus. “Huh?”

 

“Ewan ko sayo, pare. Ano text me nalang if I’ll pick you up na?”

“…” Need pa sikuhin ni Jeongyeon si Wendy para lang mabalik ang ulirat nila mula sa kung saang kawalan man siya nakatingin. “Huy.”

“Ah. Yes. Text nalang kita if ready na ako.”

 

Maghihiwalay na sila ng direction dahil pupunta na palabas ng gate si Wendy at sa parking naman papunta si Jeongyeon, pero tahimik pa rin yung isa. Jeong felt the need to speak up. “Dude, yung friend mo pa rin ba?”

 

This time, nakasagot na kaagad si Wendy. Tumango siya as an answer and “IDK. Ang tanga ko nanaman kanina. Should have went ahead with her or even invited her sa party. I was just… shocked na she really went here just to see me.”

 

Nangiti nalang si Jeong sa tropa. “Okay lang yan, pare. We all have those moments. Lalo na pag gusto mo talaga yung tao.”

 

Wendy nodded as she agre- wait what-

 

Mabilis na nilingon ni Wendy si Jeong to defend herself nang she realized it’s too late dahil tinatawanan na siya ni Jeongyeon. “Hayst. You really got it bad na talaga it seems. Hayaan mo, di ito makakarating pa kina Byul na meron kang new friend na-“ Nanlaki ang mata ni Jeong before continuing, “Wan, I didn’t know you had it in you… Ang hot niya ah???????”

 

Pinalo ni Wendy at minura ang kasama niya pero maski siya natatawa na rin. Pero nakakunot ang kilay. Gets niyo ichura niya? Heheh

 

Jeongyeon was about to go. “Ah basta, don’t mind it. Enjoy ka nalang sa party later and make bawi nalang at her. Don’t sweat it, dude.” Niyakap nalang ni Wendy ang tropa at nagsabi ng kanilang mga goodbyes before going separately. Nakatingin lang si Wendy the whole grab ride pauwi sa condo niya sa kanyang phone, contemplating if she’ll send an apology through text or just go ahead and go big diretso sa susunod.

 

She thought, why not do both?

 

 

“Oh, Lisa, wag mo kakalimutan magdala ng twalya pangligo bukas. Di tayo makikigamit sa hotel.” Palabas na sila Nayeon galing last class nila ngayong araw. Unang week end na ng Bar Ops bukas. So unang attend din nila sa Hotel Ops.

 

Lam niyo yun, every year kasi (except this year and nung 2020, for obvious reasons) ay may ganitong event sa Law Schools. Bar Operations. May student-volunteers na naka-assign in different areas for the common purpose which is to take care at tulungan ang mga barista ng school nila. It happens every November, Bar month. Every weekend, may exam, different subjects. So every school has this ganap every weekend of November. All fun, the camaraderie and school spirit is everywhere.

 

One of the committees in Bar Ops is yung Hotel Operations, where yung student volunteers helps the last minute prep ng mga barista sa school nila otw to the exam site (Which is UST usually lol) so.. ayun. Eto ang ganap nila Nayeon in this part (or the next few scenes/ next chapter)

 

“Aba, tingin mo naman sa akin? Di prepared? Bibili ako bukas o kaya mamaya.” Di kita ng mga nasa harapan ang mukha ni Lisa pero palagay nila eh nakabusangot itong naglalakad sa likuran nila.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulrenism
Anw, mas gusto niyo bang Third Person o First Person ang POV ng storytelling? Let me know and yung comments niyo is very much appreciated! Mwa

Comments

You must be logged in to comment
scyxxx
#1
Chapter 13: shet wenjoy wasak ang ending
sssssiiiii
#2
Chapter 13: hay too good to be true nga naman kase start nila wendy at joy. dapat inexpect ko na na merong malalang angst jshssj naaapektuhan ako sa nangyayari ahuhu parehas sentimental irl wenjoy kaya siguro ganito ako, soft pagdating sa kanila. kahit seulrene? anyare kaya sa mga yon🤔
honeyblood17
#3
Chapter 12: Oooohh. So WenSé pala ang #shewhowasnotnamed previously. I have an inkling anong ganap pero not sure pa din..tho this looks more interesting sa pa-history ng characters. Lalo with Jennie's seeming involvement sa nangyari sa flashbacks.
honeyblood17
#4
Chapter 11: Shuta ang lande ng WenJoy chill chill lang happy yern??? Anyare sa SeulRene?? Akala ko ba okay????
jenlisaxx #5
Chapter 11: Anyare sa seulrene :(( kala ko seryoso si seulgi :((
SperoSpera
#6
Chapter 10: Cuteee 😊💚
honeyblood17
#7
Chapter 10: Ayiee akala ko soft softan lang pero may hints ng M ang ending hahahaha.
_flcty #8
Chapter 10: Ang soft naman nung yakap scene sa CR uwu
scyxxx
#9
Chapter 10: AHAFAYAFGAAHA NAGBABALIK! THANK YOU PO!
Mar857
#10
Chapter 10: Sjbdhdjskussb 👀 oh eeemmm geee

Salamat sa Ayuda otor kht bitin na bitin aku mgbasa hahaha abang abang na lan ulet☺