lookie here
Si Jeongyeon at ang Lesbian Club“Hellooo. Pagod na ba kayo?” tanong ko kila Chaeyoung habang papalapit sa pwesto namin. Napatingin lang si Tzuyu habang naghahalo ng harina at malunggay para sa kwekwek.
“Ate Jeong? That was fast?” sabi niya na parang nagtataka. “Thought magpapahinga ka pa muna?”
“Ah, oo nga,” sabi ko, nagkakamot ng ulo. Alangan namang sabihin kong ‘nakita kong may kahalikan si Mina kaya balik na lang ako dito.’ “Ang daming tao,” sabi ko na lang.
Tunay nga. Iba talaga karisma nitong si Tzuyu. Kung kanina ay kailangan namin ilibot ang paninda namin, ngayon may mga tao ng pumipila sa pwesto namin. Mabuti na rin siguro na bumalik ako agad dito. Kawawa naman ang mga bata.
“Oo nga, Ate Jeong,” sabi ni Chaeyoung. “Biglang dumami tao kaalis mo eh. Nasarapan siguro.”
Napatingin ako kay Chaeyoung. Clueless ba siya sa impact ni Tzuyu? Obviously, dahil nandito si Tzuyu kaya dumami ang tao. Nakita kong mga student council pips din ang iba. Dinidiyos ata nila si Tzuyu.
“Syempre nandito si Tzuyu,” pagsabi ko ng nakangiti. “Iba ka talaga,” sabi ko kay Tzuyu. Yumuko lang si Tzuyu, nahihiya.
Tumingin lang ulit si Chaeyoung kay Tzuyu. “Sikat ka na pala talaga,” sabi niya.
“Magkakilala na ba kayo dati?” tanong ko habang sinusuot ang apron ko para tumulong.
Tumango naman si Chaeyoung habang naglalagay ng kikiam sa kawali. “We’re classmates nung Grade 7,” paglilinaw niya. “Pero di tayo naging close, ano?” Sinilip ni Chaeyoung si Tzuyu na tumango lang ng minsan.
“Ahhh,” maikli kong sagot. “Buti pala nagmeet kayo ulit sa L Club.”
“Buti nga po,” sabi ni Tzuyu, nakangiti.
Nagsimula na ulit kaming magtrabaho. Maya-maya dumating na sila Nayeon at Momo.
“Naubos na agad ‘yung paninda?” tanong ko sa kanila. Marami-rami rin kasi ‘yung binigay ko sa kanila bago sila umalis kanina.
“Oo,” sagot ni Nayeon habang nilalapag ‘yung tray. “May utang sa club si Momo.” Napatingin ako kay Momo at natawa lang siya na parang wala siyang ginawang mali. No regrets.
“Pakain ka nang pakain jan, Nayeon. ‘Pag nawala abs niyan, ikaw din iiyak,” sabi ko na lang. Tumawa naman sila Chaeyoung at Tzuyu.
“Anong tingin mo? Katawan lang habol ko sa kanya? Tangina mo, Jeongyeon!” malutong niyang banat. Tumawa lang din ako.
“Awat na, beb,” sabi ni Momo bago pa ako bangasan ni Nayeon. “Nag-e-exercise naman ako lagi,” pagbibida niya.
“Wow! Blockbuster!” bungad ni Sana habang naglalakad sila ni Dahyun palapit sa amin. Ubos na rin paninda nila. Sana and her charms, I guess. Isama mo pa si Dahyun. “Anmeron bakit ang daming tao?” tanong niya kalapit sa amin.
Lumingon na lang kaming lahat kay Tzuyu na agad naman naconscious.
“Iba ka talaga, Prez,” sabi ni Dahyun. “Mukhang mauubos na ngayong umaga lahat ng stocks ah.”
“Every day, I thank Jihyo for bringing you to us,” dramatic na sabi ni Sana.
Nagtulong-tulong na rin kami sa pagtitinda kahit na mejo nag-lecture si Sana nung malaman niyang halos inubos ni Momo ‘yung pinatitinda sa kanila. It went somewhere along these lines, “Ina naman, Momo! Magpurga ka nga. Puro bulate na ata ‘yang tiyan mo.”
Tuloy-tuloy naman ang pagdating ng customers. Napansin kong napakasipag at napakabait ni Tzuyu. No wonder sikat at gusto siya ng lahat. Nagsabi si Tzuyu na last ten minutes daw at aalis na rin siya nung sinabihan naming baka hinahanap na siya sa council.
“Ate Tzuyu, may problema tayo sa council.” May dumating na lang bigla sa booth at agad dumiretso kay Tzuyu.
“Anong nangyari?” mahinahon na tanong ni Tzuyu habang nagpupunas ng kamay. “Maayos na lahat kahapon ah.”
“’Yung tarpaulin kasi para mamaya, hindi raw aabot.”
“Ha? Anong hindi aabot?” takang-taka niyang tanong. “Hindi ba sabi ni Yael kahapon okay na? Nakuha na niya? Paanong hindi aabot?” Mejo tumaas ang boses ni Tzuyu, kitang-kita na nagsisimula na siyang ma-stress. Balitado kasi na perfectionist itong si Tzuyu.
“Sorry daw po, Ate Tzuyu,” sabi nung babaeng mukhang grade 7.
“Bakit ikaw nagsosorry?” sumimangot si Tzuyu at marahang hinawi ang buhok nito. “Wala ka namang kasalanan. ‘Wag ka mag-sorry. Ako na bahala. Balik ka na sa council.” Tumango ang batang babae at tumakbo paalis.
Kaalis niya ay napabuntong-hininga naman si Tzuyu. Halatadong nag-iisip kung anong gagawin niya. Mamaya na kasi ‘yung event sa gym kaya panigurado ay nagpapanic na siya on the inside.
“Tzuyu, okay lang na bumalik ka na sa council. Mukhang kailangan ka na talaga eh,” offer ni Sana sa kanya. Mejo nag-aalala din ako kay Tzuyu lalo na’t ito ang first event na handle niya bilang President magmula nung ma-elect siya bago matapos ang school year last time.
“Dito po muna ako, Ate Sana. Baka kung ano pa masabi ko sa mga nasa council,” pagtatapat niya. “May alam po ba kayong alam na kaya mag-rush ng backdrop size na tarpaulin?”
Nagtinginan kaming lahat, nag-iisip. Ako nagpapanggap lang kasi wala naman talaga akong alam jan. I’m so sorry, Tzuyu.
“Meron,” sabi naman ni Sana. “Kaso hindi na ‘yun aabot for this afternoon.” Napakagat ng labi si Sana habang nag-iisip.
“Si Chaeyoung,” biglang sabi ni Dahyun. “Ayan si Chaeng, marunong magdrawing niyan. Mano-mano na lang?”
Napatingin si Chaeyoung ng walang buhay kay Dahyun, hindi yata natutuwa sa sinasabi ng kaibigan niya.
“Oh ano?” hamon na sabi ni Dahyun. “Eh di ba marunong ka naman sa mga drawing drawing na mga ‘yan?”
“Tanga ka ba? Paano ko naman magagawa ‘yun mag-isa. Ang laki nung stage,” sagot ni Chaeyoung.
“Syempre, tutulungan ka namin. Alangan naman talagang matapos mo ‘yun mag-isa.”
Napahinga lang ng malalim si Chaeyoung.
“Okay lang if ayaw mo, Chaeyoung,” mahinang sabi ni Tzuyu. “I’ll just find a way or something. Kaya ko naman sigurong gawan ng paraan,” pagsisigurado niya.
“Oh ano? Hindi ka na naaawa sa tao, Chaeng! Tignan mo oh pagod na pagod na ‘yung tao tapos tatanggihan mo pang tulungan. Asan ang puso natin, Chaeng? Asan ang sinasabi mong sining para sa masa?” pagdradrama ni Dahyun habang kumukumpas pa.
Nakatingin lang kami sa kanila, amused sa takbo ng usapan at natatawa sa pagdradrama ni Dahyun.
“Oo na. Oo na,” napipilitang sagot ni Chaeyoung. “Tangina mo, Dahyun. Kung ano ano pa sinasabi mo.”
“Oh Tzuyu, problem solved,” tinaas-taas ni Dahyun ang kilay niya kay Tzuyu, proud sa ginawa niya.
“Chaeng, is it really okay? I mean, really sorry sa abala.” Kitang-kita na nahihiya si Tzuyu na humingi ng pabor. “Plus we still have the booth until this afternoon.”
“’De. Okay lang,” sabi ni Chaeyoung. “Mauubos na rin naman na ‘yung paninda natin ngayong umaga dahil sa’yo. Ano ba naman ‘yung konting tulong sa’yo sa council.”
Comments