just that

Si Jeongyeon at ang Lesbian Club
Please Subscribe to read the full chapter

MINA LAFORTEZA IS EVIL.

 

Oo, sigurado ako. Kung ano man ang kina-anghel ng kanyang mukha ay siya namang kabaliktaran ng kanyang pag-uugali.

 

Two weeks na magmula nung…. nung kiss namin sa bahay. Pagkatapos niya akong asarin bago mag-start ang practice game namin, hindi na siya ulit nagparamdam pa. I mean, kinakausap pa rin naman ako ni Mina pero… pero hindi na kami ulit nagkaroon ng ganung moment.

 

Minsan tinititigan ko na lang siya, telepathically gusto kong iparating sa kanya, “Uhmm hi Mina. So about the make-out sesh…” pero syempre hindi naman umaabot ‘yun sa kanya.

 

Nakakainis si Mina. Ang tagal na kasi nun tapos never namin in-address. Iniisip ko ngayon kung panaginip lang ba ‘yung nangyari? Nag-momol ba talaga kami sa kama ko? Nangyari ba talaga ‘yun? Bakit parang totoo lang siya sa akin? Parang wala namang naalalang ganun si Mina?

 

Ang hirap sa ganito, wala akong makausap. Hindi ko alam kung pwede ko ba i-disclose kay Momo o kay Nayeon ‘yung nangyari. Iniisip ko nga ngayon na sabihin kay Nayeon. Sabihin ko kaya, “Huy, Nayeon. Nag-momol kami ni Mina tapos hindi na naulit.” Ay wow. Gustong maulit, Jeongyeon? Walang ganun! Nagtataka lang ako what was that even about.

 

Nagising na si Mina at unti-unting nag-aayos ng upo. Humarap siya sa akin at ngumiti.

 

“Jeong, wala pa si Ma’am?”

 

Wala pa. May nakikita ka ba? Gusto ko sanang isagot kasi mejo naiinis ako kaiisip kung bakit hanggang ngayon, umaarte pa rin siya na walang nangyari.

 

“Wala pa,” tipid kong sagot.

 

“Ohhh…” sabi niya sabay labas ng phone niya. “Text ko nga si Sakura.”

 

Sakura. Ayan. Isa pa ‘yang pangalan na ‘yan. Sino si Sakura, tanong niyo? Wala. Isang nobody. Pero para kay Mina, siyang bago niyang ka-something. Minsan naabutan ko sila sa club room, minsan sa may hagdanan, minsan sa likod ng gym. Kumpara sa mga nakaraang babae niya, mas hamak na matagal at showy sila Mina at Sakura. Nevermind the rumors.

 

Nginitian ko lang si Mina nung sumenyas na lalabas muna. Siguro lalandiin na naman niya si Sakura. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako. Pero hinala ko dahil sa mga naririnig ko mula sa ibang tao.

 

Ang dami-dami kasi nilang sinasabi kay Mina na hindi naman totoo. Sabi nila, parang pokpok daw si Mina at kung sino-sino raw nilalandi. May iba-ibang pangalan silang binabanggit every time. Karamihan pa mga athletes na lalaki. Sinasabi nila na Mina swings both ways pero kaya lang daw siya lumalandi ng mga babae ay para malayo atensyon nila at masolo niya ang mga boys.

 

For the record, Mina never showed interest with these boys. Oo, totoo, there were times na Mina would interact with them. She would laugh at their jokes at sige, siguro nga iisipin mo na flirty ‘yung interactions. Pero bilang ako naman ang kasama ni Mina madalas sa tuwing lalapitan siya ng mga boys, trust me, Mina doesn’t want to do anything with them.

 

Sunod-sunod pero Mina flirts one at a time, ayan sigurado ako. Nakikita ko naman kasi at Mina is very honest sa akin. Sa ngayon, talagang si Sakura lang.

 

“Tumayo ka na jan. Wala raw si Ma’am,” siko sa akin ni Momo pagkatapos magbasa ng chat sa kanya.

 

“Ay weh.”

 

“Oo nga. Nabasa nga ni Sana. Sabi niya sakto raw kasi wala ring klase ‘yung iba kasi nagprapractice para bukas. Time to deliver the letters sabi.”

 

Hay. Bukas na nga pala ang Buwan ng Wika celebration at tinuloy namin ‘yung idea ni Wendy. Most men asked us to write the letters for their girlfriends. Sa bagay, dahil puro bakla mga kasama ko kaya malamang magagaling sila magpakilig.

 

Pero sila Nayeon at Momo, ayaw sumali. Sabi kasi ni Nayeon, dapat daw lahat ng romantic words at letters nila ni Momo ay dedicated lang sa isa’t isa. Kaya heto kami ngayon at magiging messenger na lang.

 

Muntik ko nang hindi masalo ‘yung mga papel na hinagis sa akin ni Sana karating ko ng club room.

“Tangina naman. Ang bastos lang!”

 

“Prez.”

 

“Ha?”

 

“Ang bastos lang, Prez. Address me properly or you’ll get sanctions,” seryosong sabi ni Sana pero mapaglaro ang mata.

 

“Utot mo. Bwisit ka. Ang dami naman nito oy!” Reklamo ko habang inaayos ang mga letters.

 

“Ay, teh. Kalahati naman niyan kay Mina kaya ‘wag kang mag-alala. Hindi ka mapapagod maglibot. Puro ka reklamo.”

 

Mina na naman. Rindi na ako. Sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos puro na lang Mina, Mina, Mina. Paano ba ako makakawala sa demonyong ‘to?

 

Itinabi ko muna ‘yung mga letters para sa kanya pero hindi ko nakalimutang umirap sa mga ilang nabasa kong nagpadala. Sunugin ko na lang kaya? Wala namang pag-asa itong mga ‘to sa kanya. Parang tanga lang.

 

At ayun na nga, nilibot ko ang ganda ko sa JYP NHS para maghatid ng mga corny letters. Gulat na lang ako nung lumapit sa aking si Dahyun.

 

“Ate Jeongyeon!” bati niya, halatang maraming energy. Sana all.

 

“Oh Dahyun. Anmeron?”

 

“Delivery for you,” sabi niya sabay abot sa akin ng letter.

 

“Weh?” sabi ko habang inaayos ang letter para basahin. “Jimin?” tanong ko. Sino ‘to?

 

“Oo, ate. Hindi mo kilala? Kasama ‘yan nila Ate Momo at Ate Mina sa dance troupe. Galing niyan sumayaw!”

 

Kumunot na lang noo ko. Sino ba doon? Pasensya naman na kung wala akong kilala. Tuwing nanonood kasi ako ng practice nila, kay Mina lang nakabaling ang atensyon ko. Siya lang naman magaling dun. Joke. Si Momo rin syempre pero ‘wag niyong sabihing sinabi ko ‘yan. Eww. Off brand!!!

 

“Ah, sige. Haha. Galing. May mokong na may gusto sa akin,” sabi ko natatawa.

 

“Grabe si ate sa mokong oh. Pogi kaya ‘yan.”

 

“Hehe. Joke lang. Sabihin mo sa kanya size 7 ako. Gusto ko bagong basketball shoes,” pagbibiro ko.

 

“Ngek. Bye, Ate Jeong,” huling sagot ni Dahyun, ipinakita ang mga dala pang letters.

 

Napatingin ako sa ibang letters pa na hawak ko. Ito ‘yung mga natirang para kay Mina. Matignan nga.

 

Bambam?  Haha. Eto ‘yung mayamang benchwarmer ng basketball team ah. Pormado lagi sapatos pero wala yatang isang minute playing time. Ngek. Kahit one on one pa kami nito, talo ‘to eh.

 

Gio? Isa pa ‘to. Ito ‘yung nerd sa chess team ah. Don’t get me wrong pogi naman ‘tong nerd na ito pero pramis mga beh super weird niya.

 

Ayoko ng basahin ‘yung iba pa. Puro naman mga basketball, baseball at volleyball players na nakausap na ni Mina noon pa. Why can’t they take the hint kaya? Number nga ni Mina hindi binigay sa kanila.

 

Ay nalungkot ako. What can’t I take the hint din? Maybe Mina did not want to do anything with the kiss. Baka gusto niya kalimutan na lang namin ‘yun and stay as we are as friends. Sa bagay, wala namang mali!

 

--

 

Hindi ko na mahagilap si Mina kahapon. Kabalik ko kasi sa classroom, wala na rin gamit niya. Nagkasalisihan naman kami sa club room. Kaya heto ako ngayon, hinahanap siya sa crowd ng mga estudyanteng walang klase at busy na naghahanda dahil Buwan ng Wika celebration ngayon.

 

“Jeongyeon,” narinig kong may tumawag sa akin. Agad naman akong lumingon.

Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko siya kilala.

 

“Sabi sa akin ni Dahyun, nareceive mo na raw ‘yung letter?”

 

Kikita ko sa mukha niya ‘yung hiya, habang nasa batok ang kamay at umiiwas ng tingin. Ito ba si Jimin? In fairness, mga teh. Ang pogi naman pala nitong nabingwit ko. Hehe. Hindi ko rin nararamdaman na mayabang siya o nakakainis gaya nung ibang mga lalaking lumalapit noon kay Mina. Mejo may space sa harap namin at magalang naman siyang humarap sa akin.

 

“Ohhh. Jimin, right?” sabi ko. “Oo! I read it last night. Thank you pala ha,” sagot ko. Hmmm. Sa tingin ko malambing yata akong sumagot. Napansin ko ang malumanay. Nahihiya rin nga yata ako. Enebe. Ang gende ke leng.

 

“Oh, okay,” sabi niya, this time tumingin na siya sa mata ko. “Just making sure you know na I admire you and I really think you’re kind,” dagdag niya. Telege be…

 

“Kind lang?” pang-aasar ka. Nakita kong nanlaki mata niya, natataranta.

 

“No. Of course, you are kind and also pretty. Maganda ka. I said that! It’s in the letter!” halos mautal niyang sagot. Kita kong namula ang pisngi niya na sinubukan niyang itago sa pagyuko niya, pasimpleng nagtatakip ng bibig. Natawa ako pero hindi ko nilakasan. Cute din nito ni koya, in fairview.

 

At oo nga. Sinabi naman niya sa letter na nagagandahan siya sa akin. Sa totoo lang, mejo kinilig din naman ako nung binasa ko ‘yung letter kasi hindi niya pinasulat sa orgmates namin. Sulat-kamay talaga niya at maganda pa ang mga sinabi. Ang haba lang ng buhok ko, beh!

 

“Kalma. I know naman. Gusto mo lang ata ako kasi maganda ako eh,” habol kong pang-aasar.

 

“No!” agad niyang paglilinaw. “I mean, dati pa kita napapansin. Sa basketball team pa noon saka tuwing kasama mo sila Momo… kaso hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shunkansentimental
comment kayo or i dedelete ko to chariz ahaha

Comments

You must be logged in to comment
MinariYoo #1
Chapter 8: Next agad HAHAHA
BlueMist0929
#2
Chapter 8: Iba talaga mambiktima ang mga haponesa! kkkkkkkk...

Nag-enjoy ako sa pagbabasa... tapos nabitin nadin kasi bakit sila tumigil? Halatang kulang si Jeong sa dilig kaya lagi mainit ang ulo. Charot. lol

Anyway, thank you very much for this! 🙏
NGC2237
#3
Can I write it in English, please? I cann't read the tagalog language
snowflakes
#4
Chapter 8: Ang landi mo talaga Mina pati tong si Jeongyeon naapektuhan na rin. Pero curious ako kung bakit nga ba ang landi ni Mina. Siguro connected yung pag transfer niya ng school. Baka may rumors na nilalandi niya boys sa old school niya ganun o di kaya na broken heart siya.
snowflakes
#5
Chapter 8: Hoyyy nasa school kayo. Hooyyyy hahahha. Shuta talaga tong fic na to. Yung tipong gusto mo lang tumawa because of Jeongyeon tapos bigla biglang papainitin ka na lang. Jusko po. Hahaha
snowflakes
#6
Chapter 7: Suporta talaga ako sa kalandian mo mina
padthai003
#7
support mima !! Basta kabaklaan
MinaMYooui #8
Chapter 8: saksakin mo na lang ako bhie
jeybeee
1521 streak #9
Chapter 8: Bobo mong bakla ka T.T AKO NAI-STRESS SHUTANGINA
skit_lit
#10
Chapter 8: ayan jeongyeom, straight pero hinahanap hanap si mina hahahaha pag ikaw na fall hahahaha yare ka! hahaha