good luck

Si Jeongyeon at ang Lesbian Club
Please Subscribe to read the full chapter

            “Huy, ano ginagawa mo sa SHS Building kahapon?” tanong ko kay Joy habang nagpapalit kami para sa praktis. Nawala sa isip kong magtaka kung bakit ba andun na naman sa building namin itong si Joy.

            “Ano naman pake mo?” sagot ni Joy habang nagpapalit ng t-shirt. “Nabili mo na ‘ba tong school? ‘Di naman ah.”

            “Defensive masyado neto.”

            “’Yaan mo na ‘yang si Garcia, Cruz,” sabat ni Doyeon. “Malamang sa malamang sumilip lang ‘yan sa crush niya, ‘di ba Joy?” Tinaas-taas ni Doyeon ang kilay niya kay Joy.

            “Alam niyo, ‘wag ‘yung buhay ko pinag-uusapan natin dito.”

            “Sino ba ‘yun, Joy? Si Eunwoo ba?” pang-aasar ni Somi habang nagdridribble ng bola.

            Hindi sumagot si Joy. Sumimangot lang. Maya-maya pa narinig na namin ang pito ni Coach. Simula na ulit ng practice. Kalbaryo na naman ito.

Marami naman talagang perks ang pagiging isang student athlete. Exempted sa quizzes o ‘di kaya, may plus points pa kami sa exam. Kahit papaano, nakakalibre din naman kami sa mga uniforms kahit pa mejo nag-e-effort kaming mag-solicit. Ayos lang. Mas nabubuo naman ang bonding ng aming team.

            Pero hindi naman din kasi puro sarap lang ang buhay namin. Lalo ngayong training season pa lang. Hindi pa kami binibigyan ng consideration ng mga teachers dahil wala pa naman daw kaming mga laro. Biruin mo, araw-araw after class, pupunta kami dito sa gym para magsanay. Ilang oras din kaming magpapatibay ng stamina sa katatakbo, footworks, hand and eye coordination at kung ano-ano pa. Hindi naman kami puro ‘laro’ lang sa basketball. Sa totoo lang may mga araw na sukang-suka na ako. Tipong kapag nakakakita ako ng bola eh gusto kong magtago na lang.

            Bukod sa mahal ko ang basketball ay tinitignan ko rin na baka ito ang maging ticket ko para makapasok sa magandang university para sa college. Hindi rin naman kasi ako kasing-talino ni Jihyo o ‘di kaya kasing galing ni Sana sa computer. Average student lang ako at wala halos achievements para ma-consider sa magandang school. Si Mina kaya saan mag-co-college? Iniisip ko pa lang na isang taon ko lang pala siyang magiging kaklase nasasayangan na ako. Mas makikilala ko sana siyang mabuti kung magkakasama pa rin kami hanggang college. Oh well. Bakit ko ba siya biglang naisip?

            At ayan na nga siya habang palabas ako ng gym, nag-aabang. Hindi naman ako araw-araw hinihintay ni Mina after practice. Ganito lang kapag nasa mood siya. Ang hirap din niya intindihin pero hindi rin naman kasi ako busy kaya wala rin akong ibang ganap at kaya ko siyang i-accommodate parati. Kris Aquino voice: Walang alarm, walang anything. Bigla ka na lang niyang hahatakin sa kung anong trip niya.

            “Sa’n yung akin?” tanong ko sa kanya. May Chuckie kasi siyang iniinom.

Inabot lang ni Mina sa akin ‘yung isa pang Chuckie na hawak niya na parang usual routine na namin ‘yun. Hinila ko ‘yung straw sa likod saka ko tinusok sa box.

            “Do you think Chaeyeon’s pretty?” tanong niya. Bakit ba niya ako tinatanong ng ganito?

            “Oo naman. Maging muse ba ‘yun kung hindi.”

            “Right?!” Ngumiti si Mina. “I really think she has a shot.”

            “A shot?” tanong ko. Anong sinasabi nito? ‘Di ba kalandian niya?

            “Yeah. With her crush. Cathy, was it?”

            Muntik ko ng maidura ‘yung iniinom kong Chuckie. Anong crush at bakit si Cathy? (Wait? Si Cathy? ‘Yung ate-atehan niya na minsan nang na-guidance after sampalin ‘yung nagpakalat ng chismax na nilalandi ni Chaeyeon mga football team members?)

“Anong sinasabi mo? Hindi ba may something kayo?”

            “Something.” Tumawa siya. “That’s what you get from us making out?” sabi niya na parang walang sense ang sinabi ko. Mina, naghahalikan kayo. Anong conclusion ang dapat na meron ako?

“Eh ano?”

            “Just girls having fun.” Tumingin siya sa akin na nananatili pa ring lost sa mga sinasabi niya. “What? Like you never had fun with the other girls in the L Club?”

            Tinignan ko lang siya pabalik, nakakunot ang noo habang prinoproseso pa rin ang sinasabi niya. “Fun? I have fun with them. Pero hindi ‘yung ganyan sa fun mo.”

            Ngumisi siya. “Maybe I can bring some culture to the group.”

            Anong culture? Ganito ba sila sa sosyal niyang all-girls school dati? Is this their definition of… fun? Wala akong nasabi.

            “Say, how about I start with you?” Kumindat siya (pero fail and that’s what made it cuter.)

            “Mi-mina…” na lang ang nasabi ko habang lumalapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko na naman na nag-iinit ang pisngi ko. Nakatingin lang si Mina sa labi ko habang lumalapit pa siya. Hindi ako nakagalaw. Napapikit na lang ako.

            “Boop,” narinig ko na lang na sinabi niya sabay ng marahang pitik sa aking ilong. “You looked so cute I almost really kissed you.” At nagtuloy na siyang maglakad na parang walang nangyari.

            Naiwan akong nakatayo habang tinitignan siya. Ganun pa rin ang init ng aking mga pisngi pero ngayon naririnig ko na rin ang kabog ng aking dibdib. Gaya na lang nung unang beses niya akong hinalikan sa aking pisngi noon.

            “Pst, Jeongyeon!” sigaw niya ng lumingon sa akin. “Don’t tell me you’re just gonna stand there? Buy me something in exchange for the drink,” utos niya sa akin.

            I shook my head. “Saglit lang kasi!” Hinabol ko siya.

 

---

 

            “Ate Jeong!” masayang bati sa akin ni Tzuyu karatin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shunkansentimental
comment kayo or i dedelete ko to chariz ahaha

Comments

You must be logged in to comment
MinariYoo #1
Chapter 8: Next agad HAHAHA
BlueMist0929
#2
Chapter 8: Iba talaga mambiktima ang mga haponesa! kkkkkkkk...

Nag-enjoy ako sa pagbabasa... tapos nabitin nadin kasi bakit sila tumigil? Halatang kulang si Jeong sa dilig kaya lagi mainit ang ulo. Charot. lol

Anyway, thank you very much for this! 🙏
NGC2237
#3
Can I write it in English, please? I cann't read the tagalog language
snowflakes
#4
Chapter 8: Ang landi mo talaga Mina pati tong si Jeongyeon naapektuhan na rin. Pero curious ako kung bakit nga ba ang landi ni Mina. Siguro connected yung pag transfer niya ng school. Baka may rumors na nilalandi niya boys sa old school niya ganun o di kaya na broken heart siya.
snowflakes
#5
Chapter 8: Hoyyy nasa school kayo. Hooyyyy hahahha. Shuta talaga tong fic na to. Yung tipong gusto mo lang tumawa because of Jeongyeon tapos bigla biglang papainitin ka na lang. Jusko po. Hahaha
snowflakes
#6
Chapter 7: Suporta talaga ako sa kalandian mo mina
padthai003
#7
support mima !! Basta kabaklaan
MinaMYooui #8
Chapter 8: saksakin mo na lang ako bhie
jeybeee
1521 streak #9
Chapter 8: Bobo mong bakla ka T.T AKO NAI-STRESS SHUTANGINA
skit_lit
#10
Chapter 8: ayan jeongyeom, straight pero hinahanap hanap si mina hahahaha pag ikaw na fall hahahaha yare ka! hahaha