picture picture

Si Jeongyeon at ang Lesbian Club
Please Subscribe to read the full chapter

            “Ayun naman talaga oh!” sigaw ni Nayeon habang papasok ako ng classroom namin.

            Ano na naman? Pota. Bakit ba ang hilig tumambay ng kumag na ‘to sa amin eh hindi naman namin siya ka-section? Bakit hindi na lang si Momo ang tumambay sa room niya? Ang aga-aga nang-aasar eh. Akala ata niya wala akong video nung mga kahihiyang ginawa niya bukod pa sa pa-nutri jingle. Nayeon, konting-konti na lang.

            “Good morning, cutie,” sabi niya sa akin habang nakaupo siya sa upuan ni Momo. At nag-kissy face pa.

            “Tignan mo naman oh. Ang cutie naman talaga ng friend natin,” sabat pa ni Momo, sabay patong ng baba niya sa ulo ni Nayeon habang yumayakap. Cringe.

            Kumunot lang noo ko. Iniisip kung ano na naman ba bagong paandar ng mag-jowang ito. Umupo na ako.

            “Ano bang meron?” tanong ko, naiinis.

            “’Di mo ba nakita post ni Mina?” takang tanong ni Nayeon.

            “Hindi.”

            Nagtinginan sila ni Momo at sabay tumawa.

            “Ano ba ‘yan? Post saan? Friends kayo?” sunod-sunod kong tanong.

            “Kayo hindi?” sabi ni Nayeon habang nag-s-scroll sa phone niya. “Sa IG nag-post. Look!” Hinarap sa akin ni Nayeon ang cellphone niya at ayun nga. Pinost pala ni Mina ‘yung picture ko na may pintura sa ilong. Ang caption, “Had fun working with this cutie <3”. Namula ako.

            “Hala, kinilig si gago,” pang-aasar ni Momo. Agad ko silang inirapan.

            “Cutie naman pala etong beshywaps natin, babe.” Tumawa na naman sila.

            “Bakit? Bawal ba siya mag-post ng pictures ng iba?” sagot ko. “At cutie talaga ako,” pagpapanggap kong may yabang.

            “Ulol!” Tumayo na si Nayeon. “Alis na ako, beb. See you later.” At syempre, hindi nalimutang humalik kay Momo na ang laki naman ng ngiti. Pero imbes na maglakad palayo ay kumiling sa akin si Nayeon.

            “Crush mo na, ’no? Sabi ko ingat ka eh,” sabi niya na tila nagbabanta. Pagkatapos ay tumingin sa akin sabay kindat. Tangina neto. Kung anu-ano pinagsasabi.

            Maya-maya pa ay dumating na rin si Mina. Kumaway ako sa kanya at hindi ko rin alam kung bakit dahil katabi ko naman siya.

             “Morning,” bati niya sa akin with a small smile. Mukhang bored agad eh hindi pa nga nagsisimula ang klase. Hay, Miss Laforteza.

            “Sooooo, cutie pala ako?” sabi ko sa kanya, nangtritrip. Dumating na si Sir pero ano ba naman ang magkwentuhan ang seatmates.

            “Of course, you are,” sagot niya, nakangiti at may pag-wrinkle pa ng ilong. “I did call you cutie before taking the pic, didn’t I?” Ma’am, Miss Mina Laforteza is the biggest flirt.

            Ha ha ha. Ano na, Jeongyeon? You brought this upon yourself. Now, SUFFER!!!

            “Ayan, tameme ka. Kumilos kasi ayon sa ganda, Jeongyeon,” sabi ni Momo na nagpipigil ng tawa.

            Nangingiti-ngiti lang si Mina sa tabi ko, natutuwa yata sa nakikita niya. Samantalang ako, hindi na nakaisip ng comeback. I guess, this is how I die.

 

--

            “***********” biglang sabi ni Mina pagkatapos niya akong habulin, hinihingal pa ng konti. Hindi ko siya naintindihan. “You really, really should stop playing music on the highest volume especially when you’re walking,” pangaral niya.

            “Ah, sorry.” Agad kong inalis ang earphones ko. “Ano ba sabi mo?”

            “I was asking if you’re going home?” sabi ni Mina.

            “Ah, oo,” maikli kong sagot.

            “No training today?” Nasa likod niya ang magkahawak niyang kamay habang nakagilid naman ang kanyang ulo paharap sa akin at sumabay sa aking maglakad.

            “Wala eh. Kicked na ako,” pagbibiro ko. Tumawa naman siya.

            Mahigit two weeks na rin nung naabutan ko sila ni Haseul sa club room. Ewan ko ba pero after nun eh parang wala lang kay Mina ‘yung nangyari samantalang ako sobrang conscious. Tangina? Hindi naman ako ‘yung nahuling may kahalikan?

            “Si Haseul, hindi mo kasama?” tanong ko.

            “Nope.” Lumingon siya sa akin. “I’m sorry. Does it still bother you?” tanong niya sa akin, concerned.

            “Ha? Anong sinasabi mo?” pagsisinungaling ko.

            “It’s just that you seem to be awks with me after that.”

            “After what? Wala nga ako matandaan eh.” Tumawa ako at siniko ko siya. “Wala lang, ‘yun, Mina. I’ve seen worse. Kaibigan ko sila Nayeon, remember?”

            Ngumiti ng maliit si Mina. Mukhang hindi naniniwala sa akin.

            “Boom!” biglang tulak sa akin ni Sana. Hayop. Saan galing ‘to?

            “Putek!” napasigaw ako.

            “Saan kayo punta? Sama kami ni Dahyun,” sabi ni Sana. Nasa likod pala niya si Dahyun. Nakangiti lang.

            “Uuwi na,” sabi ko naman.

            “Ayieeeh. Date sila ihhh,” pang-aasar ni Sana. Napatingin ako agad kay Mina. Iniisip ko baka maoffend lalo may Haseul na siya sa buhay niya. At saka, ano ba, Sana? Straight kaya ako.

            Inirapan ko siya. “Gago.”

            “Kain muna tayo, Ate Jeong,” yaya ni Dahyun na ngayon ay kasama na namin maglakad. Silang dalawa sa gitna namin ni Mina, si Sana ang katabi ko.

            “Nice! Sige, text ko sila Momo.”

            Ano ‘to? Bakit nag-aaya pa mga kumag na ‘to?

            “Next time na lang ako. Wala na ako pera.”

            Nasaid na rin kasi ako nitong mga nakaraang araw. Ang dami kasing paganap ni Sana sa club. Saka nagsimula ng mangotong sa amin si Joy para raw may varsity jacket kami pagdating ng athletic meet. Mukha kasi kaming kawawa nung nakaraan. Jersey lang kasi inisponsor ng school. Samantalang, kumpleto lahat ang binigay sa men’s team. Ang yayabang pa man din ng mga taga-YG Academy at SM Catholic School kasi pormadong-pormado sila. Mga bano naman maglaro.

            “Ang OA.” Umirap si Sana. “Libre ka na ni Mina. Arat na.” Hinila ako ni Sana.

            “At nag-volunteer ka pa talaga ng manlilibre sa akin. Hindi ka na nahiya,” sagot ko sa kanya. Nakakahiya naman talaga kasi hindi naman obligasyon ni Mina na ilibre ang mahihirap niyang... kaibigan. Magkaibigan naman na kami, ‘di ba?

            “It’s okay, Jeong.” Hinanap ni Mina ang tingin ko at ngumiti.

            “Fishball lang naman, Ate Jeong,” sabat ni Dahyun. Oo na. Oo na. Bakit ba kumakampi k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shunkansentimental
comment kayo or i dedelete ko to chariz ahaha

Comments

You must be logged in to comment
MinariYoo #1
Chapter 8: Next agad HAHAHA
BlueMist0929
#2
Chapter 8: Iba talaga mambiktima ang mga haponesa! kkkkkkkk...

Nag-enjoy ako sa pagbabasa... tapos nabitin nadin kasi bakit sila tumigil? Halatang kulang si Jeong sa dilig kaya lagi mainit ang ulo. Charot. lol

Anyway, thank you very much for this! 🙏
NGC2237
#3
Can I write it in English, please? I cann't read the tagalog language
snowflakes
#4
Chapter 8: Ang landi mo talaga Mina pati tong si Jeongyeon naapektuhan na rin. Pero curious ako kung bakit nga ba ang landi ni Mina. Siguro connected yung pag transfer niya ng school. Baka may rumors na nilalandi niya boys sa old school niya ganun o di kaya na broken heart siya.
snowflakes
#5
Chapter 8: Hoyyy nasa school kayo. Hooyyyy hahahha. Shuta talaga tong fic na to. Yung tipong gusto mo lang tumawa because of Jeongyeon tapos bigla biglang papainitin ka na lang. Jusko po. Hahaha
snowflakes
#6
Chapter 7: Suporta talaga ako sa kalandian mo mina
padthai003
#7
support mima !! Basta kabaklaan
MinaMYooui #8
Chapter 8: saksakin mo na lang ako bhie
jeybeee
1521 streak #9
Chapter 8: Bobo mong bakla ka T.T AKO NAI-STRESS SHUTANGINA
skit_lit
#10
Chapter 8: ayan jeongyeom, straight pero hinahanap hanap si mina hahahaha pag ikaw na fall hahahaha yare ka! hahaha