mej

Si Jeongyeon at ang Lesbian Club
Please Subscribe to read the full chapter

"Uy Jeong, may narecruit ka raw?" tanong sa akin ni Momo nung sumunod na araw, few minutes bago magsimula ang klase.

"Ewan. Parang? Sana lang magpakita mamaya sa club room baka injanin lang din ako."

Hindi pa rin ako sigurado kung talaga bang interesado at may balak sumali sa club si Mina. Sinamahan ko lang naman kasi siya sa canteen kung saan siya bumili ng Nova at Chuckie. Tutal nandun naman na ako, bumili na lang din ako ng Boy Bawang nang tanungin niya ako kung wala ba akong bibilhin. Nakakahiya naman kung wala. Nakakatawa nga nung naghintay pa kami ng sukli niya. Wala pa raw silang panukli sa isang libo niya. Lowest bill na raw ‘yun ni Mina. Para hindi na lang din ma-hassle sila Manang, inoffer ko na ako na lang muna ang magbayad ng binili niya. Mukhang ayaw pa niya pero in the end, wala na rin siyang nagawa. Babawi raw siya. ‘I promise!’, sabi niya  with her American accent.

Nalaman kong transferee nga talaga siya from an all-girls school na hindi ko matandaan kung paano i-pronounce. Tinanong ko siya bakit siya lumipat dito pero sabi lang niya ay masyado raw istrikto sa dati niyang school. Parang hindi naman siya 'yung tipong hindi sumusunod sa rules? Oh well.

Nag-sign up naman si Mina sa awa ng Diyos. Pero after niya mag-sign up, nagpaalam na siya sa akin para tumingin pa ng ibang club. Isang club lang kelangan niya salihan kaya kung may nahanap siyang mas interesting na club, wala na rin akong magagawa.

"Uy, uy, may bagong dating." Siniko ako agad ni Momo sabay nguso sa pinto. At doon nga naglalakad papasok ang bagong dating. Tulad ng cliche drama, it was Mina. Speaking of the devil except she does not look like a devil at all.

Mabagal siya maglakad pero may aura ng confidence. Ang ganda rin ng pagkakaplantsa ng uniform niya at ang puti pa. At gaya ng napansin ko kahapon, maganda nga siya. ‘Yung kitang-kita sa mukha niya na mabait siyang tao? 'Yung tipo ng ganda na nakikita mo na siya 'yung laging naghuhulog sa charity box sa may counters?  'Yung laging nagbibigay sa pulubi? 'Yung gandang hindi marunong magmura? 'Yung gandang pati lamok hindi yata kaya patayin? Basta ganyan. Tipong mahihiya si Mama Mary. Forgive me, Lord.

Nag-meet agad ang mga mata namin and I gave her a courteous smile. Ngumiti rin siya pabalik sa akin. Napansin ko na lang si Momo sa gilid ko, looking confused.

"Siya 'yung narecruit ko," mabilis kong paliwanag.

"Ahhh." Tumango si Momo.

"What are the odds?" sabi sa akin ni Mina, sabay upo sa katabing upuan ko na nanatiling bakante gawa na rin nang wala akong masyadong close sa klase. "You wouldn't mind, do you? If I sit here?"

Sa totoo lang, asar na asar ako sa mga conyong tulad nitong si Mina. Bakit ba kasi sila English nang English eh nasa Pilipinas naman tayo? Hindi naman sa hindi ako makaintindi. Mahina lang din talaga ako makipag-usap using the language. Pero hindi ko rin naman magawang mainis sa kanya kung 'yan nga ang mas alam niya. Maganda rin naman kasi pakinggan ang boses niya.

"Yes, okay lang," sagot ko. Naramdaman ko ulit ang pagsiko ni Momo.

"Ano?" inis kong sabi.

Umikot mata ni Momo. "Baka naman kasi gusto mo akong ipakilala, ano?" Umikot din ang mga mata ko.

"Ah, Mina. Kaibigan ko nga pala si Momo," pagkuha ko ng atensyon ni Mina. Lumingon si Mina sa direksyon ni Momo saka siya kumaway ng maliit.

"Hi, Momo! I'm Mina. Mina Laforteza." Nginitian ni Mina si Momo. Welcoming.

"Laforteza. Wow. Ang sosyal naman," komento ni Momo. Iisipin mong nang-aasar siya pero sa itsura niya ngayon, alam mong amazed lang siya. "Momo. Momo Gomez."

"Nice to meet you!" masayang bati ni Mina.
 

“Hehe. Same to you.”


Just then, pumasok na rin ang teacher namin. Panibagong yugto ng kalbaryo na naman.

---

Nakatambay na si Nayeon sa may pinto, nakasandal habang hinihintay si Momo. At pati na rin ako, pero alam nating si Momo lang talaga hinihintay nitong baklang 'to. Inaya ko si Mina for lunch kanina but she politely declined, meron daw siyang imemeet for lunch. Next time na lang daw. Kung totoo man 'yun or excuse niya lang, hindi ko alam. Wala naman akong pake. Inaya ko lang naman siya out of courtesy.

"Momo, bebe kooo~" paglalambing ni Nayeon sa kanyang girlfriend. Nag-cringe ako pero wala naman ng paki si Nayeon at this point.

"Kelan ba kayo titigil sa landian ninyo? Kaya kayo pinaghihiwalay ng section eh," komento ko.

"Alam mo, Jeong. Bitter ka lang. Ganyan siguro talaga 'pag tigang. Galit sa mundo," naiinis na sagot ni Nayeon na nagsimula ng kumapit sa braso ni Momo. Napatingin ako kay Momo. Ngumiti lang siya, siguro nacute-an sa nakakairita niyang girlfriend. Whatever.

"Saan tayo today? Canteen o sa labas?" tanong ko habang inaayos ko sa balikat ko ang strap ng bag ko.

"Hindi mo nabasa chat ni Sana?" sabi ni Nayeon. "Club room daw tayo. Padeliver na lang."

Sumimangot na lang ako. Laking bawas na naman sa allowance ko itong padeliver na ito ni Sana.

Mahaba-haba rin ang lakaran pababa. Nasa 4th floor pa kasi kami at wala namang elevator sa school. Mejo nasa secluded area pa ng school ang club room namin kaya nakakapagod din . Katabi kasi siya nung lumang building na nasunog noon. In fairness, hindi yata kumpleto history ng isang malaking school kung walang nasunog na building. Although, hindi naman siya part ng nasunog at separate building naman siya, wala na rin ginawa ang school at ginawang stock room na lang. Syempre, not until Sana had the 'brilliant' idea na i-convert siya sa club room. Mga dalawang linggo rin naming pinagpagurang ayusin at linisin para magamit namin.

It is actually really spacious. Dati kasi itong Home Economics room and it resembles a house very much. Nag-petition na rin ang ibang clubs to oust us sa room (highly likely because of jealousy) pero in

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shunkansentimental
comment kayo or i dedelete ko to chariz ahaha

Comments

You must be logged in to comment
MinariYoo #1
Chapter 8: Next agad HAHAHA
BlueMist0929
#2
Chapter 8: Iba talaga mambiktima ang mga haponesa! kkkkkkkk...

Nag-enjoy ako sa pagbabasa... tapos nabitin nadin kasi bakit sila tumigil? Halatang kulang si Jeong sa dilig kaya lagi mainit ang ulo. Charot. lol

Anyway, thank you very much for this! 🙏
NGC2237
#3
Can I write it in English, please? I cann't read the tagalog language
snowflakes
#4
Chapter 8: Ang landi mo talaga Mina pati tong si Jeongyeon naapektuhan na rin. Pero curious ako kung bakit nga ba ang landi ni Mina. Siguro connected yung pag transfer niya ng school. Baka may rumors na nilalandi niya boys sa old school niya ganun o di kaya na broken heart siya.
snowflakes
#5
Chapter 8: Hoyyy nasa school kayo. Hooyyyy hahahha. Shuta talaga tong fic na to. Yung tipong gusto mo lang tumawa because of Jeongyeon tapos bigla biglang papainitin ka na lang. Jusko po. Hahaha
snowflakes
#6
Chapter 7: Suporta talaga ako sa kalandian mo mina
padthai003
#7
support mima !! Basta kabaklaan
MinaMYooui #8
Chapter 8: saksakin mo na lang ako bhie
jeybeee
1521 streak #9
Chapter 8: Bobo mong bakla ka T.T AKO NAI-STRESS SHUTANGINA
skit_lit
#10
Chapter 8: ayan jeongyeom, straight pero hinahanap hanap si mina hahahaha pag ikaw na fall hahahaha yare ka! hahaha