unang araw

Si Jeongyeon at ang Lesbian Club
Please Subscribe to read the full chapter

                “Hoy, Jeongyeon. Aba, alas-otso na! Bumangon ka na jan at may pasok ka na!” pabulyaw na sabi ni Mama.

                Hawak-hawak na ni Mama ang walis na kanyang marahang hinampas sa aking binti habang ginigising niya ako. Heto na naman tayo.

                First day of school ngayon. Sa totoo lang, medyo excited din naman akong pumasok kahit papaano. Nakakabagot din pala ang dalawang buwang bakasyon. Nung isang araw lang, namili na kami ng mga bagong gamit para sa eskwela. Amoy na amoy ko na ang halimuyak ng pasukan noon pa lang: amoy ng gitnang pahina ng bagong libro at notebook. Ewan. Iba-iba talaga ang simoy ng hangin para sa akin: tuwing pasukan, kapag malapit na ang Pasko, kapag malapit na ang bakasyon…

                “Jeongyeon! Bumangon ka na jan at maligo ka na. Hindi lang ikaw ang maliligo sa bahay na ito!” sigaw ni Mama mula sa kusina.

                Ganito naman lagi eksena sa umaga. Si Mama naglilinis ng bahay, si Papa nagluluto ng ititinda sa karinderya, si Ate Seoyeon nakaalis na ng bahay papasok sa office at si Ate Seungyeon naman, ayun, tulog na tulog pa. Bakasyon pa kasi niya dahil nga kasi may academic calendar shift na sila sa university niya.

                Kinuha ko ang phone ko sabay bukas ng aking Twitter account. Ano kayang bago sa buhay ng KathNiel? Scroll down. Scroll down. Wala pa ring handang pumasok sa mga kaibigan ko. Bukod kay Sana.

                Umagang-umaga ay nakita ko na ang tweet niya para sa kanyang pinakamamahal na Grade 9.  Mali. Grade 10 na nga pala ‘yun ngayon. Si Dahyun. Ewan ko ba dito kay Sana at kung bakit hindi pa nito tinitigilan ‘yung bata. Hindi ko alam kung kelan pa siya nahilig sa kiddie meal kasi dati naman puro mas matatanda sa amin nilalandi niya. Pero ayun, siguro nga wala siyang type sa amin sa Senior High kaya naghanap na lang siya sa kalapit na building.

                “Hoy!” Malakas na hinampas ni Mama ang pinto sa aking kwarto. “Sinabi na’ng gumising na at maligo! Cellphone ka nang cellphone!”

                “Eto na nga po. Lalabas na.” Agad kong ibinaba ang aking cellphone at nagmadali ng pumasok ng banyo.

                “MAAAAA!!!” Marahan kong binuksan ang banyo at nilabas lang ang aking mukha. Nakahubad na kasi ako. “Paabot nga ng tuwalya~”

                “Bwisit ka talagang bata ka!”

 

--

                Karating ko ng school ay nagsisimula nang umayos sa pila ang mga estudyante para sa pinakaunang flag ceremony sa taong ito. Usually, nakaayos dapat ang Junior High by grade level at section. Kami namang mga Senior High ay nakapila ayon sa aming strand. Syempre, bilang ako ay isang modelong estudyante ng JYPNHS, pumila na lang ako sa dulo. Basta ang alam ko, pila naman ng SHS ito. Matangkad naman ako. Okay na ‘to.

                “Jeongyeon!” Narinig ko ang lakas ng sigaw ni Nayeon. Hinanap ko kung nasaan siya. Napailing na lang ako dahil hindi na siya nahiya. Buti na lang ay maingay pa kaming lahat sa gym. Hindi siya masyadong naka-attract ng atensyon.

                “Hoy, Jeongyeon. Dito ka!” ulit niyang sigaw sabay turo sa linya kung saan nandun siya at si Momo. Ngayon pa lang nakikita ko na ang pagpipigil niya ng tawa. Ayaw ko na silang puntahan ngunit umakto siyang sisigaw pa.

                Lumapit na lang din ako at baka gumawa pa ng eksena itong unanong ito. Wala sa plano ko ngayong taon ang maging bida-bida sa school. Pumuwesto ako sa likod ni Momo at sa harap naman niya ay si Nayeon.

                “Tangina, Jeongyeon! Ladlad ka na rin pala,” agad niyang komento kalapit ko. Si Momo na katabi niya ay nagpipigil din ng tawa. “’Yung naggupit ba sa’yo eh buhay pa ba?”

                “Tigil-tigilan mo nga ako,” inis kong sabi.

                Alam ko naman na itong buhok kong ito ang pupunahin ng mga demonyong ito. One week bago ang pasukan, naisipan kong ipaunat itong buhok ko. Uso naman kasi ‘yun eh, bagong rebond tuwing pasukan. Dahil medyo kapos sa budget at ayaw akong bigyan pa ng pera, naghanap ako nang may promo. Imbes na makatipid, sinunog pa nung baklang ‘yun ang buhok ko. Apparently, bagong parlorista pala nila ‘yun. Malay ko bang pagprapraktisan pa pala ako.  Eto tuloy ang resulta. Coconut head akong pumasok. Pakshet.

                “Gago kasi. Sinong papatol sa rebond na 500? Tanga lang? Tanga mo,” pang-iinis muli ni Nayeon. “Pero in fairness,” pagtutuloy ni Nayeon sabay titig sa akin nang may katagalan.

                “Bagay mo rin naman pala.” Medyo gumaan pakiramdam ko. Sabi rin naman nila ate bagay ko rin naman kahit papaano.

                “Ganap ka nang tomboy.”

                PUTANGINA PA RIN TALAGA NITONG SI NAYEON.

                “Sinabi nang hindi ako tomboy,” mariin kong sabi. “Tangina mo rin, eh noh?” Tumawa lang siya sabay sandal sa jowa niyang si Momo.

                Ewan ko rin ba dito kay Momo at pinatulan niya ‘tong ugok na ‘to. Oo na, maganda naman talaga si Nayeon at crush siya ng lahat pero may tama talaga ‘to sa ulo. Hindi rin naman katalinuhan ‘tong babaeng ‘to. Ganda lang talaga.

                “Si Sana, asan?” tanong ko. Nakapagtataka lang at hindi siya ang mas unang nakita nila Nayeon.

                “Ayun.” Lumingon si Nayeon sa kanan at sabay nguso sa direksyon ni Sana. “Nanliligaw na naman.”

                At ayun nga ang dakilang bakla, binabakuran na naman ang bata. Ilang ulit na naming sinabi kay Sana na wala siyang pag-asa kay Dahyun lalo na’t nalaman naming anak pala ‘yun ng pastor. Suntok sa buwan na lang talaga itong ginagawa ni Sana pero pilit niyang sinasabi na bakla si Dahyun at lalandiin din siya pabalik. Napailing na lang ako ulit. Kung saan siya masaya.

                Maya’t maya pa ay inihahanda nang itaas ang watawat. Nakahanda na ring kumumpas si Mrs. Diaz sa harap kaya’t dali-dali nang tumakbo papunta sa amin si Sana.

                “Bayang Magiliw~” simula ni Mrs. Diaz. “Handa. Awit!”

                Sabay-sabay na naming sinimulan ang kumanta. Habang kumakanta ay patingin-tingin ako sa paligid, nanghahagilap ng mga kaklase. Nakita ko na rin naman na ‘yung iba kanina. Mukhang dumadami na naman ang students dito sa school. Wala na rin akong pake kasi mas pinili ko naman talagang mag-aral dito kesa sa mga malalaking university sa malapit. May senior high school na rin naman na kasi sa mga university na malapit at hindi na rin masyadong problema ang tuition kasi may pakulong voucher ang gobyerno. Ewan. Siguro nga hindi pa ako handang iwan ‘tong school na ‘to.

                Natapos na rin ang pagkanta.

                “Ang aga-aga Sana, landi agad inuuna mo,” bungad kong bati sa kanya. “Ano? Straight pa rin si Dahyun?” Umikot lang ang mata ni Sana.

                “Tch. Ang nega mo talaga,” inis niyang sabi. Wala siyang puna sa aking buhok. Mabuti naman.

                “Pero alam niyo kasi guys,” pagkukuha niya ng atensyon namin nila Momo. “Nafifeel ko talagang bakla si Dahyun. Alam kong type niya rin ako,” determinadong sabi ni Sana.

                “Malay naman talaga natin ma-fall din siya kay Sana.” Ngumiti si Momo.

                “Ayun naman talaga! Momo, my real friend, I love you.” Umaktong kinilig si Sana sabay nguso ng halik kay Momo.

                “Ulol! Akin lang siya.” Hinila ni Nayeon si Momo palapit sa kanya sabay ismid kay Sana.

                “Ang possessive neto. Iyong-iyo na ‘yang jowa mo. May Dahyun ako!”

                “Talaga!”

                Maya’t maya pa ay narinig na namin ang nakabibinging static ng microphone. Meron pa kasing maiksing program ngayong umaga. Sa taas ng stage ay nakita na naming naghahanda si Jihyo. Siya kasi ang President ng Student Council namin sa Senior High School. Hindi man kapani-paniwala ay kaibigan namin siya. Kaya naman kahit na may pagkapilya kaming mga magkakaibigan ay nag-iingat kaming ‘di siya madamay sa mga kalokohan n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shunkansentimental
comment kayo or i dedelete ko to chariz ahaha

Comments

You must be logged in to comment
MinariYoo #1
Chapter 8: Next agad HAHAHA
BlueMist0929
#2
Chapter 8: Iba talaga mambiktima ang mga haponesa! kkkkkkkk...

Nag-enjoy ako sa pagbabasa... tapos nabitin nadin kasi bakit sila tumigil? Halatang kulang si Jeong sa dilig kaya lagi mainit ang ulo. Charot. lol

Anyway, thank you very much for this! 🙏
NGC2237
#3
Can I write it in English, please? I cann't read the tagalog language
snowflakes
#4
Chapter 8: Ang landi mo talaga Mina pati tong si Jeongyeon naapektuhan na rin. Pero curious ako kung bakit nga ba ang landi ni Mina. Siguro connected yung pag transfer niya ng school. Baka may rumors na nilalandi niya boys sa old school niya ganun o di kaya na broken heart siya.
snowflakes
#5
Chapter 8: Hoyyy nasa school kayo. Hooyyyy hahahha. Shuta talaga tong fic na to. Yung tipong gusto mo lang tumawa because of Jeongyeon tapos bigla biglang papainitin ka na lang. Jusko po. Hahaha
snowflakes
#6
Chapter 7: Suporta talaga ako sa kalandian mo mina
padthai003
#7
support mima !! Basta kabaklaan
MinaMYooui #8
Chapter 8: saksakin mo na lang ako bhie
jeybeee
1521 streak #9
Chapter 8: Bobo mong bakla ka T.T AKO NAI-STRESS SHUTANGINA
skit_lit
#10
Chapter 8: ayan jeongyeom, straight pero hinahanap hanap si mina hahahaha pag ikaw na fall hahahaha yare ka! hahaha