balls ni babe

Si Jeongyeon at ang Lesbian Club
Please Subscribe to read the full chapter

“Pst,” tawag pansin sa akin ni Momo. “Layo ng tingin, ah? Ano na naman iniisip mo?”

“Wala ka na dun,” pagbalewala ko sa kanya.

“Sungit natin ah. Ganda ka?”

Umikot lang mata ko. Sa totoo lang, wala naman ako masyadong iniisip. Nakatunganga lang ako ngayon gaya ng madalas kong ginagawa araw-araw. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko at ngumuso. Bakit kaya hindi pumasok ngayon si Mina?

“Ayun naman pala,” sabi bigla ni Momo. “May namimiss ang Ate Jeongyeon natin.”

“Tigilan mo nga ako, Momo.”

“Ano ba kasi ginawa ninyo sa club room kahapon?” itinaas-taas ni Momo ang mga kilay niya, nang-aasar.

“Wala!” agad kong pagtanggi. “Sinabi ko lang naman mga perks saka club activities natin,” pagsisinungaling ko.

Kaya ba hindi siya pumasok? Dahil ba dun sa nangyari kahapon?


 

--

BALIK-TANAW

“Mina, thank you talaga nakarating ka today.”

“No problem!” sabi niya, nakangiti habang tumitingin sa paligid. “I don’t think I could find this place on my own. Sorry masyado kasing tago.”

“Ah, yes,” sagot ko habang sinususian ang club room. “Halos wala rin masyadong pumupunta dito eh. Kami-kami lang.” Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.

“Wow. This place actually looks nice! Ang spacious,” komento niya.

“Upo ka muna saglit, Mina. Parating na rin siguro ‘yung iba maya-maya.”

Kanina ko pa tinetext sila Momo at Nayeon. Hindi naman nagrereply. Nakahanap na naman siguro ng panibagong MOMOL place na hindi pa nila natatry or whatever. Si Jihyo naman nagsabi na baka hindi siya makapunta sa club ngayon at may aayusin pa raw sa council. Sila Wendy rin nagsabing pass muna, may ganap sa iba nilang clubs.

Ang awkward. Hawak-hawak ko ang phone ko habang naghihintay ng text mula sa iba habang katabi ko si Mina. Tahimik lang siya sa tabi ko, tumitingin sa paligid.

“Is it okay if I go around the room?” tanong niya habang tumatayo.

“Ah, oo! Okay lang. Sorry, Mina. Sige, tour na lang din kita.”

Pinakita ko kay Mina ang lone bedroom saka ko binuklat na rin ang mga files ng club. Hindi na siguro darating ‘yung iba. Buntong-hininga.

“Mina, may wifi tayo dito sa club room. Saka pwede ka rin matulog dun sa kama kung gusto mo mag-cut ng class.” Tumawa ako.

“You cut classes?” Narinig ko ang disappointment sa boses ni Mina. Nakalimutan ko yatang binebenta ko ang club sa isang prim and proper na tulad niya. Malamang, hindi siya matutuwang malaman na we cut classes.

“Hindi naman lagi!” pag-amin ko. “Minsan-minsan lang.”

Tumango lang siya.

“So, how do I earn service hours?”

“Ah, ‘yun ba? Pwede na rin siguro na tumambay ka dito sa club room for three hours. Wala pa kasi talaga tayong work na gagawin or pwede rin mag-submit ka ng literary works. Book reviews are welcome.” Tumingin ako sa wall namin na puno ng mga libro. Halos lahat eh binili sa mga book sale at wala naman talaga nagbabasa. ‘Yung iba, lalo ‘yung mga new titles, mga libro talaga ng mga club members.

“Jeong, can I ask you something?”

Jeong. It feels weird na tawagin akong ‘Jeong’ ng taong hindi ko naman close.

“Yeah, sure,” tumango ako habang nililigpit ang mga folders containing some of our fabricated club activities.

“Someone warned me about this club,” pagsisimula niya, tila nagdadalawang-isip kung itutuloy pa niya. “Is it true?”

“Ang alin?” tanong ko kahit alam ko naman kung ano tinutukoy niya.

“That you guys are lesbians?”

Buntong-hininga.

“Most of us. Pero hindi naman lahat,” paliwanag ko. “Ako hindi. Pati ‘yung iba hindi rin.” Inipit ko ang aking labi. “Hindi mo ba gusto?”

“No,” sagot niya. “I was just asking, really.” Ngumiti siya sabay tingin sa kanyang mamahaling wristwatch. “It’s getting late. Uwi na tayo?” aya niya.

“Sige. Bago pa dumilim.”


 

--

“Beb!” sigaw ni Momo sa girlfriend niya. Mas maaga kaming natapos ang klase kaya kami ngayon ang dadaan kay Nayeon.

“Wait lang!” sabi ni Nayeon. Mabilisan niyang siniksik ang notebook niya sa kanyang bag.

Kalapit sa amin ni Nayeon ay agad niyang hinalikan sa pisngi si Momo. “Miss you!”

Sobrang cringey talaga nilang dalawa. Iniwas ko na lang ang tingin ko.

“Ops, ano ‘to?” Kinuha ni Nayeon ang paper bag na dala ko at sinilip ang laman. “Nagbaon ka?”

Tumango ako. “Oo. Wala na akong pera para sa pa-Food Panda ni Sana.”

“Mas masarap naman luto ni Tito.” Binalik ni Nayeon ang paper bag. “Penge kami niyan. Hindi na rin kami bibili.”

“Magbayad kayo sa akin,” sabi ko, pinanlisikin siya ng mata. Heto na naman sila.

“Aye.” Bumawi lang din si Nayeon ng tingin. “Alam naman nating lahat bilang kami jan sa dala mo. Ang dami-dami niyan oh! Arte neto.”

Hinawakan ni Momo ang balikat ni Nayeon. Tumahimik rin.

Habang naglalakad ay sinasabi ni Nayeon sa amin kung ano pina-quiz ni Ms. Jessica sa section niya. May quiz din kasi kami sa kanya. Ang aga-aga pa eh may pa-quiz na siya agad. Oh well.

Karating namin sa club room ay pinagbuksan kami ng taong hindi ko inaasahan.

“Mina,” sabi ko, gulat na nandito siya. Kanina pa kaya?

“Mina! Pumasok ka?” tanong ni Momo.

“Yeps,” sagot ni Mina pero nakatingin pa rin ito kay Nayeon. Mukhang magkakilala sila?

“Mina?” pagtataka rin ni Nayeon. Napatingin lang kami ni Momo sa kanilang dalawa.

“Nayeon!”

Hindi maipaliwanag pero ang awkward ng atmosphere sa kanilang dalawa. In the end, nagngitian lang sila at pumasok na rin kami lahat sa club room. Agad na umupo na sa sofa sila Nayeon at Momo.

“Akala ko hindi ka pumasok,” sabi ko kay Mina. Medyo disappointed ako sa hindi niya pagpasok kanina kasi akala ko iiwasan na niya ako, kami.

“Well, the bed in this room looks comfortable kaya natulog na lang ako.” Tumawa siya.

“What?” nangiti lang din ako. “Paano mo nabuksan? Wala ka namang susi?”

“That’s on me!” sigaw ni Sana na nakarinig ng usapan namin. Nakaupo siya sa harap ng laptop niya, may kung anong ginagawa na naman. “Nandito ako kanina para gumawa ng mga layouts. Sakto naman may parang naliligaw a.k.a. Mina.” Kumindat si Sana.

“Natulog ka buong umaga?” tanong ko habang tinutulungan niya ako ayusin ang baon ko sa mesa. Parang normal na lang sa kanya ginagawa niya.

“Hindi naman. I helped Sana with her work.”

“I like her taste!” sigaw ulit ni Sana.

“Seems like I’m part of the L club now.” sabi niya, may yabang. Sumilip siya kila Momo. “Are they a thing?”

Tumingin din ako sa dalawang busy sa panonood, like always. “Unfortunately, yes.”

Kumunot noo ni Mina. “Unfortunately?”

“Ang cringey nila,” sabi ko sabay hipo sa mga braso ko, aktong kinilabutan. Tumawa lang si Mina.

Maya’t maya ay dumating si Chaeyoung. Pinakilala ko sa kanya si Mina at ipinakilala rin niya ang sarili niya.

“Si Dahyun, ‘asan?” tanong ni Sana, ni hindi lumingon kay Chaeyoung.

“Wala, Ate Sana. Hindi raw makasama sa atin for lunch. Next time daw.”

“Psh.” Pagalit na sinara ni Sana ang laptop. “Next time. Naniwala ka naman dun.”

Tumayo si Sana at inilabas na rin ang dala niyang pagkain. Marami-rami na rin handa namin for lunch. Sapat na para sa aming lahat.

“Lovebirds, kain na,” pagtawag ni Sana, halatang wala na sa mood.

Lumapit sa akin si Mina at bumulong, “Dahyun?”

“Kwento ko na lang mamaya,” bulong ko pabalik. Tumango lang si Mina.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shunkansentimental
comment kayo or i dedelete ko to chariz ahaha

Comments

You must be logged in to comment
MinariYoo #1
Chapter 8: Next agad HAHAHA
BlueMist0929
#2
Chapter 8: Iba talaga mambiktima ang mga haponesa! kkkkkkkk...

Nag-enjoy ako sa pagbabasa... tapos nabitin nadin kasi bakit sila tumigil? Halatang kulang si Jeong sa dilig kaya lagi mainit ang ulo. Charot. lol

Anyway, thank you very much for this! 🙏
NGC2237
#3
Can I write it in English, please? I cann't read the tagalog language
snowflakes
#4
Chapter 8: Ang landi mo talaga Mina pati tong si Jeongyeon naapektuhan na rin. Pero curious ako kung bakit nga ba ang landi ni Mina. Siguro connected yung pag transfer niya ng school. Baka may rumors na nilalandi niya boys sa old school niya ganun o di kaya na broken heart siya.
snowflakes
#5
Chapter 8: Hoyyy nasa school kayo. Hooyyyy hahahha. Shuta talaga tong fic na to. Yung tipong gusto mo lang tumawa because of Jeongyeon tapos bigla biglang papainitin ka na lang. Jusko po. Hahaha
snowflakes
#6
Chapter 7: Suporta talaga ako sa kalandian mo mina
padthai003
#7
support mima !! Basta kabaklaan
MinaMYooui #8
Chapter 8: saksakin mo na lang ako bhie
jeybeee
1521 streak #9
Chapter 8: Bobo mong bakla ka T.T AKO NAI-STRESS SHUTANGINA
skit_lit
#10
Chapter 8: ayan jeongyeom, straight pero hinahanap hanap si mina hahahaha pag ikaw na fall hahahaha yare ka! hahaha