testing the waters
Si Jeongyeon at ang Lesbian ClubPutangina. Ilang linggo ko nang tinataguan itong si Joy pero punyeta kung sino man nagsabi sa kanya kung nasaan ako ngayon, masasapak ko talaga.
“Tangina mo, Cruz! Subukan mong tumakbo at tignan lang natin kung may mukha ka pang ihaharap bukas!” sigaw ni Joy si hallway nang mag-abot ang mata namin. Dali-dali siyang tumakbo at wala na akong magagawa at naiwan na kami sa classroom. Lunch break na kasi at talagang inabangan ako ng damulag na ito.
“’Di ba nagpaalam na ako kay Coach? I quit, Garcia. Bahala na kayo jan!” sabi ko sa kanya, habang nasa likod ng isa sa mga desk, sinisiguradong malayo kami sa isa’t isa at baka bangasan niya ako.
“Ulol! ‘I quit’ mo ‘yang mukha mo! Duwag ka lang ang sabihin mo!” galit na galit siya akala mo naman may utang ako sa kanya. Pakingshet.
“Eh ayoko na nga! Bakit ba ang kulit kulit mo ha?” sabi ko. Napapalingon ang mga dumadaan pero mabuti naman at hanggang lingon lang sila. Ayoko ng audience.
“Ha? Hakdog! Tumigil-tigil ka na sa drama at umattend ka na sa training. Nagbotohan na kami sa team at ikaw ang team captain this year, sa ayaw o sa gusto mo!”
“Ang kulit! Bakit hindi na lang si Nayoung? Mas magaling naman ‘yun sa akin.” Pagod na akong sumigaw. Hinila ko ‘yung upuan at umupo ako. “Ayoko na talaga, Garcia.”
“Ano? Hindi ka pa ba tapos mag-self pity jan ha? Hindi mo naman kasalanan ‘yung nangyari.”
“Hindi nga ba?” sabi ko, sabay tingin kay Joy.
“Pwe!” Naglakad palapit sa akin si Joy. “Team sport ‘to, Cruz. Hindi lang isa responsible sa lahat. Tangina naman. Anong klaseng mindset ‘yan? Paano mo babawiin ‘yung kumag na ‘yun kung hindi ka na maglalaro? Tanga ka ba? Eh ‘di mas yumabang ‘yung gagang ‘yun ‘pag nalaman niyang nag-quit ka dahil sa kanya.”
“Ang kapal naman ng mukha niya kung isipin niyang siya dahilan.”
“’Yun na nga! Tumigil ka na sa kamumukmok mo jan. Wala sa plano ko maging motivational speaker ng tulad mong bugok. Get your back in training! Tangina, ang taba mo na!”
Pinanlisikan ko siya ng mata. Tinaasan lang niya ako ng kilay sabay tingin sa tiyan kong nagsisimula na ngang bumilog. Hindi ko mapigilang tumawa.“ you!”
“’Di kita type, ‘teh.”
Just like that, nagtawanan na kaming dalawa. Ilang taon na rin na-invest ko sa basketball. Ano ba naman ang isa pa? ‘Yung nangyari nung nakaraang finals? Bahala na. Sana hindi na maulit.
--
“Jeongyeon,” tawag sa akin ni Nayeon. Himala. Hindi niya kasama si Momo.
“Ano?” tanong ko naman, lumapit sa kanya.
Tumingin-tingin siya sa paligid, chinecheck kung may ibang tao sa malapit.
“Anmeron? Bakit ang seryoso mo? Break na kayo ni Momo?”
“Hell no! Over my dead gorgeous body!”
Nagpanggap akong nasusuka. “Eh ano nga?”
“May nasabi ba sa’yo si Mina?” tanong niya.
“Bakit? Anong meron? Ano ba ginawa mo dun sa tao ha?” sabi ko. Sa ilang club activities namin, napapansin ko na parang awkward sila sa isa’t isa. Hindi ko rin maintindihan.
“So meron nga?”
“Wala. Ano naman sasabihin ‘nun?”
Busy netong mga nakaraan si Mina. Naging active na rin kasi siya sa dance crew ni Momo saka lately parang nagiging close na sila ni Haseul. Lalo pagkatapos nung isang performance task na magka-group sila kaya hindi ko na rin siya masyado nadadaldal. Either tulog or nagkacut.
“Okay, mabuti naman.” Tumingin sa akin ng seryoso si Nayeon. “’Wag mo hayaan gumawa ng kalokohan ‘yan si Mina. Tahimik lang ‘yan pero gaga rin ‘yan,” tila banta niya sa akin.
“Woah. Anong alam mo na hindi ko alam?”
“Wala. Basta be a good friend to her.” Nayeon downplays.
“Eh mas gaga ka pala. Ikaw may kakilala dun sa tao.”
“Basta ingat ka kay Mina saka ayun nga. ‘Wag mo hayaan magkalat.”
“Hayop na yan? Mamatay tao ata?”
Tinignan ako ni Nayeon na parang walang sense ang sinabi ko. “Tanga mo.” Tumingin siya sa cellphone niya. “Nagtext na si Momo. Bye bye!” Sabay takbo agad si Nayeon.
Halos hindi mo mapaglakad pero grabe makatakbo paalis? Hayop na pag-ibig na ‘yan?
Nagsimula na ako maglakad papunta sa gym. Ngayon lang ako ulit makikipraktis. Sigurado sisigawan na naman ako ni Joy dahil mukhang malelate na ako.
Ano bang meron at bakit ako sinabihan ng ganun ni Nayeon? Hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung ano bang prior connection nilang dalawa. Napag-isip-isip tuloy ako. By now, nakikita ko ngang hindi kasing prim and proper si Mina gaya ng una kong inakala. Madalas ko siyang nakikitang natutulog sa klase. Naalala ko pa minsang napalingon ako sa kanya habang klase namin kay Sir Rick, bumulong ba naman, “Ang boring niya ‘no?” Sa sunod na lingon ko sa kanya, nasa desk na ang ulo niya. Natulog na.
“Penny for your thoughts?”
Napatalon ako sa gulat.
“Mina naman! Kailangan talaga malapit sa tenga ang bulong?”
Siniko niya ako. “Bulong nga eh.” Oo nga naman. “Where to now?” tanong niya, naglalakad na sa tabi ko.
“Gym,” sagot ko. “’Yung indoor.”
“Oh. Never been there.” Ngumiti siya ng malaman. “Sama ako?” At ganun lang, she invited herself to tag along.” Alangan naman tanggihan ko.
“Saan si Haseul?” tanong ko habang naglalakad kami pababa.
“Club activities, I guess? I don’t know. I didn’t ask. Why?”
“Ay ganun ba.”
Bakit parang ang awkward namin ngayon habang naglalakad. Tangina kasi ni Nayeon. Iniisip ko pa rin kung ano bang meron kay Mina at nasabi niya ‘yun. Paano kung mamaya bigla na lang ako itulak nito sa pader saka tutukan ng kutsilyo? ‘Wag naman sana.
“Is there anything wrong?” biglang tanong niya.
“Ha?”
“I don’t know. You started hugging yourself? Are you cold?” tanong niya, takang-taka kasi ang init naman.
“Ay.” Tumawa ako. “Wala. Wala. May naisip lang ako.”
“Share?”
“Ngek!” sabi ko na lang. Anong sasabihin ko? Wala naman. Inimagine ko lang na papatayin mo ako?
“Tss.”
Katapos nun ay patuloy lang kaming naglakad hanggang sa marating na namin ang pinto ng gym.
Huminga ako ng malalim.
Comments