Chapter 29
TeaseIrene's Pov
Bumalik na kami sa dati.
Lagi na akong binabati ni Seulgi, hinihintay at hinahatid sa room katulad ng dati.
Mali ba lang sa pagbibigay ng bulaklak, sabi ko kasi wag na kasi sayang pera niya eh.
"Irene, Musta na?" Tanong niya sakin.
"Okay lang, ikaw?" Tanong ko naman sa kanya.
"Okay lang rin. Malapit na pala ang test, nag-review ka na?" Kinuha niya naman ang dala-dala kong gamit at dinala niya ito.
Ngayon, mas lalo siyang nagiging sweet.
"Hindi pa nga eh, pero mamaya mag-rereview ako. Ikaw? Nag-review ka?" Tanong ko naman.
"Hindi pa. Review review pa kung babagsak rin naman." Pinalo ko naman siya sa braso ng sabihin niya yun.
Nag-usap lang kami hanggang sa makarating kami sa room ko. Kinuha ko naman ang gamit ko na dinala niya.
"Salamat. Sige, ingat." Sabi ko sa kanya at nagpaalam. Nagpaalam rin siya.
Pumasok na ako sa classroom at pasalamat ako ng hindi pa nakakarating ah teacher.
Umupo ako sa tabi ni Solar. Siya kasi yung katabi ko.
"Ngiting tagumpay." Pangangasar niya sakin.
Pinalo ko naman siya sa kanyang braso.
"Sino nagpangiti?" Tanong niya and wiggled her eyebrows.
"Yung taong gusto ko..."
"Sino?"
"Si Seulgi."
Comments