Chapter 11
Tease1. Give her more flowers.
"Sure ka Jimin?"
Tumango naman siya.
"Dadamihin ko ba talaga yung mga flowers na ibinibigay ko sa kanya?"
Tumango ulit siya.
"Baka magalit siya.."
"... Malay mo sabihin niya na masyado ng madami yung flowers." Sabi ko naman.
"Hindi yan." Sagot niya.
Nilagay niya naman yung kamay niya sa balikat ko at pinat ito. Ngumiti rin siya at sinabi,
"Tamang cheesy lines lang at tatanggapin niya yan."
Tinaas niya yung isang kamay niya na nakapatong kanina sa balikat ko, para siyang nag-propromise.
Pero sakin, para siyang baliw.
Tamang charot lang mga pre.
"Promise." Dugtong pa niya.
Ngumiti na lang ako at tumango.
- - -
"Irene!" Tawag ko sa kanya, tumingin siya sa akin habang nakangiti.
Wow, kailan pa siya natutong ngumiti? Diba lagi siyang nabwibwisit kapag nakikita ako?
"Why, bear?" Nakangiti niyang sagot sakin.
"Bear?" Nagtataka kong tanong.
She giggles, "You look like one." Sabi niya.
"Ah," I scratch the back of my neck and shyly smiled.
Cute naman.
Bear.
"So what is it?" Tanong niya kaya natauhan na ako.
"Ito nga pala, oh." Sabi ko at ibinigay sa kanya ang bonquet of flowers. Purple flowers actually.
"Thanks, bear." Sabi niya at tinanggap naman ito.
"Welcome." Sabi ko.
Napansin kong tumingin siya sa akin kaya tumingin rin ako sa kanya.
Comments