Chapter 2
TeaseSeulgi's Pov
"Buti, tinatanggap pa ni Irene yung mga binibigay mong flowers sa kanya." Sabi ni Wendy habang naglalakad kami sa hallway.
"Di niya kasi ako matiis."
"Tsk. Assuming."
Sabay naman kaming tumawa sa nakakatuwang jokes namin.
Pero sabi nila CORNY daw :<
"By the way, nag-review ka na para sa exam?" Tanong ni Wendy sakin.
Nag-review nga ba ako? Lagi naman akong naglalaro sa bahay ng roblox tapos nahuhulog sa hagdan. Nag-review nga ba ako?
"Hindi pa." Sagot ko kaya tumango na lang si Wendy.
"Review-review pa, babagsak rin naman." Sabi ko dahilan kaya nakatanggap ako ng palo kay Wendy.
"Aray! Bakit?" I hissed at hinawakan kung saan pinalo ni Wendy.
"Ano ka ba? Yung mga ibang nagrereview nakakapasa." Sabi ni Wendy.
"Yung iba lang. Pero yung iba, bagsak parin."
"Pa'no naman kasi, kasama ka dun." Pinalo ko naman si Wendy sa braso dahil sa sinabi niya.
"Masama bang mag-laro ng roblox?" Tanong ko kaya tumawa siya. Seriously? Nakakatawa yun?
"Gosh! Seulgi, roblox?" At tumawa ulit. Nang tumigil na siya sa kakatawa, ako naman yung nagtanong sa kanya.
"Bakit? Ano ba sayo?"
"Y8."
"Pinagloloko mo ba ako? Y8? Wendy!" Tumawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya.
"Pambata yun, Wendy!"
"Atleast maraming laro."
Nagtawanan na lang kami at nag-usap tungkol sa exam, sa mga laro at kung paano nahulog sa hagdan. Hanggang sa nag-bell na. Bumalik kami sa classroom.
Ang saya ko nanaman kasi katabi ko ulit si Irene. Di parin nawawala yung happiness ko lalo na nung tinanggap niya yung mga flowers na ibinigay ko.
Habang walang teacher, tinignan ko siya at kinausap siya habang ang mga kaklase namin merong mga gera.
"Hello, Irene." I waved but she kept on ignoring me.
"Irene, did you know that we're meant to be." Sabi ko, tumingin naman siya sakin.
Yun! Nakuha na yung attention niya.
"K-kasi I'm your SEULmate." Utal kong sabi at shyly
Comments