Chapter 27
TeaseIrene's Pov
Maaga akong pumasok sa school kasi ine-expect ko na nandun na si Seulgi at magbibigay ng flowers sakin. At baka mag sorry pa sa hindi niya pagpansin sakin kahapon.
Pero ni isa walang natupad nang makarating ako sa school without any signs of Seulgi.
Bakit nagiging cold siya? Bakit di niya ako pinapansin? Bakit lumalayo siya sakin?
"Irene,"
Tumingin ako kung saan galing ang boses na yun, bumalik ulit ang galit ko sa kanya.
"Kibum."
"Hula ko... Wala yung hinihintay mo noh? Kaya ka mag-isa diyan." Sabi niya at nagsmirked.
"Pake mo?" Sabi ko at inirapan siya.
"Sabi ko kasi sayo, ako na lang. Bakit siya pa? Mahina naman yun at bulaklak lang ang kayang ibigay." Sabi niya.
"Atleast hindi manloloko at hindi nangiiwan kagaya mo." Pinagtatanggol ko lang si Seulgi, sumusobra na kasi siya eh.
"Anong ginagawa niya ngayon? Iniwan ka nga niya kaya ka mag-isa." He spat back.
Hindi na ako sumagot kasi totoo naman. Pero alam ko ay babalik ulit siya. Mahal ko na yun eh.
"Ako na lang kasi Irene, hindi naman kita lolokohin at iiwan ulit. Promise ko na mamahalin kita ulit." Sabi niyang nagmamakaawa at hinihinigi ang aking kamay.
Nagulat na lang ako ng dumaan si Seulgi samin. Dumaan siya ng mabilis na para bang may ayaw siyang makita.
Bakit siya nagmamadali?
Dahil ba ay nakita niya kami magkasama ni Kibum?
- - -
Natapos ang lahat ng klase ng hindi ako pinapansin ni Seulgi. Hindi niya rin ako binigyan ng bulaklak, hindi niya rin ako binati.
A
Comments