Ex Girlfriend

Me and You
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 9: Ex Girlfriend

Lisa

Ano nga bang meron satin? Last week lang tayo talaga nag simulang magkausap. Ayokong mag madali. Gusto kong nakakasama ka at nakikita ka pero bakit parang sobrang bilis nga? Ano kayang nasa isip mo? Buong period namin, sobrang distracted ako kakaisip ng mga bakit at paano sating dalawa hanggang sa napansin na ni Seulgi na tila malayo ang iniisip ko. 

 

"Huy, wag mo isipin si Jennie masyado makikita mo naman mamaya yun." Banggit niya. alam ko gusto rin niya mang asar, pero isa si Seulgi sa mga pinagkakatiwalaan ko pag dating sa mga ganitong bagay. Somehow, pareho kami ng personality kahit na lagi kami nag aasaran, pag dating sa mga seryosong bagay, nakikinig siya lagi sa akin at nag bibigay ng mga payo. 

 

"Hindi ka ba nabibilisan sa mga pangyayari? Last week lang kami talaga nagsimula magkausap pero parang pakiramdam ko iba na ngayon." Sabi ko kay Seulgi. "Sa totoo lang, mabilis nga. pero pano kung gusto ka niya talaga?" Sabi naman ni Seulgi. "Eh, paano naman kung alam niya lang talaga na gusto ko siya tapos pinapasakay niya lang ako. Ayaw ko sa lahat yung ganon. baka naman mamaya ginagawa lang ako panakip butas nito kasi alam niyang gusto ko siya." Sabi ko naman

 

Alam ko kasi ex ni Jennie si Sowon, recently lang sila naghiwalay. Although before, wala rin naman akong pakielam sa mga dinadate niya kasi alam kong wala akong pag asa sakanya pero bakit ngayon pakiramdam ko iba? "Baka naman hindi pa siya over kay Sowon tapos gusto lang makalimot kaya kinausap ako." dagdag ko. "Ano kaba, kung ano ano iniisip mo, malay mo naman gusto ka talaga nung tao." Sabi naman sakin ni Seulgi.

 

"Bakit, ikaw ba, kung kakahiwalay lng ni Irene sa ex niya tapos biglang kakausapin ka tapos ambilis bilis sweet na siya agad sayo, anong iisipin mo?" Tanong ko kay Seulgi. "Oo na sige na, may point ka. Bakit hindi mo nalang siya kausapin para magkalinawan kayo. ano ba kasi gusto mo mangyari sainyong dalawa?" Tanong naman sakin ni Seulgi.

 

"Gusto ko naman yung mga nangyayari so far eh, kaso parang sobrang bilis, pakiramdam ko pag sobrang mabilis, mabilis rin mawawala yung feeling. Gets moba? tipong infatuation lang eh ilang taon ko ng crush to sabay isang araw nag iba nalang ihip ng hangin. May sense naman sinasabi ko diba?" Sabi ko naman kay Seulgi na tila iniintay kong umoo siya sa sinasabi ko. 

 

"Oo, may point ka naman. Hindi ko naman sinabing wala pero ang sakin, kausapin mo muna bago ka mag isip ng kung ano ano diyan. Tanungin mo kung anong gusto niya mangyari sa inyong dalawa. Tanongin mo din ng magkaharap kayo kung gusto ka nya talaga. diba sabi mo sa text niya lang sinabi yun sayo." Sabi naman ni Seulgi sakin. may point siya. Sa text nga lang niya sinabi. Nag isip-isip ako at napag decisyunan kong  kausapin siya mamayang lunch. 

 

Lunch Time:

"Bat kayo naghiwalay ni Sowon?" Tanong ko sakanya na tila ikinagulat naman niya. "Bat mo naman biglang natanong?"  Sabi niya. "Wala, curious lang ako. recent lang yun diba? Bakit nga?" tanong ko naman. "Wala, iba kasi priorities niya eh. di ako kasali dun eh, so bumitaw na ako." Sabi naman niya sakin. Sa isip-isip ko ah, so sinaktan pala siya ng gagang yon. She apparently can't give Jennie the time of the day. unbelievable. "Ah, ganun ba. Mahal mopa?" Sunod kong tanong sakanya. 

 

Syempre, hindi mo rin maaalis saking ang kabahan, natatakot rin akong marinig ang sagot niya pero para sakin, bago ang lahat, kailangan ko munang malaman. Ayoko maging panakip butas kahit pa gustong gusto ko siya. "Hindi na katulad ng dati." Sabi niya naman. Shet ansakit naman non. ibig sabihin mahal niya pa. Kahit pa s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Yung subscriber count ko dito 69 ampota HAHAHAHAHA MY MIND. MY GAD

Comments

You must be logged in to comment
Jenlisa_yah
#1
Chapter 22: <3
Jenlisa_yah
#2
Chapter 21: UWu. to forever and infinity with you! Thank you , Ganda ng story na to! :* Yes , more college Tagalog AU!
Jenlisa_yah
#3
Chapter 20: Wow haahhahaahha sana pwedeng ganyan rin irl mag balikan hahaha isang pleaseeeeee Lang tsaka pa cute :((
Jenlisa_yah
#4
Chapter 19: Minsan talaga di na cute yung sobrang selos:(
Jenlisa_yah
#5
Chapter 18: Ah sige hahaha quits na kayo . K.ok langnamna :)) ha ha
Jenlisa_yah
#6
Chapter 17: May gusto kasi SI Krystal sayo eh. Sus ayosin nyo nga yan
Jenlisa_yah
#7
Chapter 16: AY USTO KO YAN POSSESSIVE HEHE MORE CHIX MORE MORE
Jenlisa_yah
#8
Chapter 15: Ayownnnnn oh GO JENNIE KIM HAHHAHAHHAHA pa inosente inosente pa tong SI manoban eh
Jenlisa_yah
#9
Chapter 14: "YoU gaVe Me tHe RiGhT tO CalL u MiNe " okay bye sige para akong Tanga dito kinikilig ashdjjfjfk
Jenlisa_yah
#10
Chapter 13: Hahhahahah trut awkward ng fil kaya English nalang hahahhahahahah