Number

Me and You
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 2: Number

“Oi, Lisa! Number mo daw!” Bukambibig ng kaibigan kong si Wendy. Iniaabot niya yung phone niya saakin. Jusko po. “Ayaw mo?” Tanong sakin ni Jennie. “Hindi! Gusto.” Sabi ko naman. Fail ko talaga eh ano? Pagka save na pagkasave ko ng number ko sa phone nya, di-nial nya naman agad ito.

 

Nung makita niyang umilay ang phone ko saka niya ito ibinaba. “Chineck ko lang. Baka maling number binigay mo eh.” Sabi naman ni Jennie. Ano naman kayang nasa isip nitong babaeng ito. Bakit ko naman siya bibigyan ng maling number? Baka gusto niya pati address ko at number ng bahay naming isave ko rin para sa future naming dalawa. Hehe nag imagine nanaman ako.

 

Nakakagago din talaga tong mga kaibigan ko eh, panay ang hagikgikan ng dalawa habang kinakausap ako ni Jennie. Siguro rin dahil first time talaga itong mangyari. Kung kelan Juniors na kami, saka palang kami nag usap.

 

“Bakit ba kasi hindi kayo nag uusap?” Tanong ni Seulgi samin at nanlaki naman ang mata ko dahil alam kong alam niya ang rason ko kung bakit. “napatingin naman sakin si Jennie at ngumiti. Walang sumagot saming dalawa kung bakit, habang ito naman si Jisoo kinakalabit nya si Chaeng at sabay na nagbulungan ang dalawa.

 

Sa mga oras na to, wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit hiningi ni Jennie ang number ko. Bored siguro sya kaya niya tinanong. “May crush ka?” tanong niya sakin. Sasagutin ko sana ng meron, Ikaw. Hehehe kaso diba torpe nga pala ako. Kaya sabi ko wala.

 

“Eh bakit tumatambay kayo dito?” Sabi niya sakin. “Wala lang nagpapahangin lang. mainit e.” Sabi ko sakanya sabay tawa ng mga kaibigan ko. Grabe walang wala na talaga akong pride sa dalawang ito. “Jennie may crush yan si Lisa pero secret kasi.” Sabi ba naman ni Seulgi.

 

“HOYYYY ANO BA” pagsigaw ko naman kay Kang habang unti unting namula nalang ang pagmumukha ko sa hiya. Ito naman si Jennie mukhang good mood ngayong araw kaya nakisakay narin kela Seulgi. “Bakit? Nahihiya ka? Sige bulong mo nalang sakin para secret.” Sabi ba naman niya.

 

Jusko ang kaba ko. Pakiramdam ko talagang maninigas nalang ako nung hinawakan niya ang kamay ko para lumapit saakin at making sa ibubulong ko. Reading-ready siya sa sasabihin ko samantala ako parang nauubusan na ng hangin sa katawan dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

 

Kasi naman Jennie, Ikaw talaga yung crush ko. Ahehehe. ~~

 

“Wala nga. Pramis” Sabi ko sakanya. “Bakit, Ikaw ba? Sinong crush mo, may type ka?” Tanong ko sakanya. Kunwari casual pero takot na takot akong marinig ang sagot kasi baka mamaya kilala ko pala yung crush niya tapos syempre magsesenti ako.

 

“Di mo naman sinabi sakin kung sino crush mo e. Di ko rin sasabihin yung akin.” Sabi nya sakin. Aba, akalain mo yun, ngayon lang kami nakapag usap pero close na pala kami. Crush agad ang topic. Hayop.  Edi ngumiti nalang ako at umiling.

 

Biglang banat nama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Yung subscriber count ko dito 69 ampota HAHAHAHAHA MY MIND. MY GAD

Comments

You must be logged in to comment
Jenlisa_yah
#1
Chapter 22: <3
Jenlisa_yah
#2
Chapter 21: UWu. to forever and infinity with you! Thank you , Ganda ng story na to! :* Yes , more college Tagalog AU!
Jenlisa_yah
#3
Chapter 20: Wow haahhahaahha sana pwedeng ganyan rin irl mag balikan hahaha isang pleaseeeeee Lang tsaka pa cute :((
Jenlisa_yah
#4
Chapter 19: Minsan talaga di na cute yung sobrang selos:(
Jenlisa_yah
#5
Chapter 18: Ah sige hahaha quits na kayo . K.ok langnamna :)) ha ha
Jenlisa_yah
#6
Chapter 17: May gusto kasi SI Krystal sayo eh. Sus ayosin nyo nga yan
Jenlisa_yah
#7
Chapter 16: AY USTO KO YAN POSSESSIVE HEHE MORE CHIX MORE MORE
Jenlisa_yah
#8
Chapter 15: Ayownnnnn oh GO JENNIE KIM HAHHAHAHHAHA pa inosente inosente pa tong SI manoban eh
Jenlisa_yah
#9
Chapter 14: "YoU gaVe Me tHe RiGhT tO CalL u MiNe " okay bye sige para akong Tanga dito kinikilig ashdjjfjfk
Jenlisa_yah
#10
Chapter 13: Hahhahahah trut awkward ng fil kaya English nalang hahahhahahahah