Jealousy
Me and YouChapter 17: Jealousy
Inulan ako ng pang-aasar nila Seulgi mula nung makita nila ang namumulang marka na ginawa ni Jennie. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na inangkin niya na talaga ako o maiinis sa sobrang kahihiyang inabot ko sa mga kaibigan ko. Isa pa don eh, hindi ko alam kung papaano ko to ipapaliwanag sa mama ko na mala-armalite ang bibig.
Lalagyan ko nalang siguro ng band-aid para naman kahit papano matakpan. Hindi ko kayang mag turtle neck ng dalawang linggo. Sa init ba naman sa Pilipinas, ano ako? Sira-ulo? Saktong Sakto, uwian na pero may practice pa kami. Meaning, kailangan kong magpalit ng damit at nagkataon namang yung practice clothes ko e bare to minimum ika nga. Ibig sabihin, kitang kita tong leeg ko mamaya.
Hindi na nga lang ako mag tatali ng buhok kahit na sobrang init. Andami pa namang taong nanonood samin lagi pag practice na deputa naman.Ito ang gustong mangyari ni Jennie eh. Kasi naman tong mga lintik na lowerbatch laging present pag practice. Pati kay Tal na tropa ko mukhang selos din siya although, cute naman din talaga si Krystal pero hindi kami talo. Hanggang asaran lang talaga.
Sa mga mata ni Jennie though, that's not the case. Para siyang predator. Kung sino ang lumapit sa prey niya eh malamang patay. FYI, ako yung prey niya and I feel so honored. HAHAHA. Tang ina bakit ba ang landi ko?
"Hoy tara na practice na di mo matatago yang chikinini mo na bigay ni Nini hahaha wag kanang inarte diyan." Sabi ni Seulgi sabay tawa. "Tangina mo Seul karmahin ka sana." Sagot ko naman sakanya.
"Bakit naman kasi sa leeg? Haha sobrang obvious naman" tanong niya sakin. "Eh para daw malaman ng lahat na taken nako eh." Nahihiya ko namang sagot. "Bakod na bakod ka na nga.haha" pang aasar niya naman sakin pero napaisip lang din ako.
"Pero bakit ganon? Hindi ko naman siya lolokohin, hindi ko lang gets kung bakit kailangan niya ko kagyan ng ganito.hindi ko rin inexpect eh." Sabi ko kay Seul. "Baka naman din kasi binibigyan mo siya ng reason para mag selos. Ang dami kayang babaeng nakapaligid sayo tapos puro ka ngiti diyan panong hindi magseselos yung tao." Explain naman ni Seulgi sakin.
"Hello naman kasi, bakit ano naman masama kung ngumiti ako? Edi kung sumimangot naman ko, ang feeling ng dating diba? O anong gagawin ko?" Sabi ko naman.
"Wala naman nagsabi na sumimangot ka. Wag mo lang entertainin. Ineentertain mopa kasi pati si Tal ineentertain mo bobo." Pag sabi naman sakin ni Seulgi.
"Tanga ka ba? anong ineentertain, alam mo naman tropa din si Tal, saka asaran lang meron kami"
"Bobo mo Lisa di ko alam kung tanga ka o tanga tangahan. Gusto ka rin ni Krystal tanga. Ganyan lang yan sayo kasi ayaw masaktan dahil alam na may Jennie ka tanga gusto mo pumusta?" Tanong ni Seul sakin
"Pumusta na ano? Na gusto niya ko? Kelan kapa naging imbentor ha? Dami mong alam oso ka." Tatawa tawa ko naman sinabi pero mukhang seryoso naman tong osong to sa kabaliwan niya.
"Ah basta sabi ko sayo Lisa. Magiging cause ng away niyo yan si Tal balang araw. Kung di mo lalayuan yan si Tal." Warning niya sakin.
"Ano bang problema mo, gusto mo ba si Tal? Kala koba si Irene gusto mo? Hindi ko kasi gets kung san mo nakukuha yang opinion mo kasi para sakin platonic friends lang
Comments