No Labels
Me and YouChapter 8: No Labels
Sunday na! Isang araw nalang bago kami magkita ni Jennie ulit. HIndi parin nako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Hanggang ngayon, Wala parin sa mga kaibigan ko ang may alam sa mga pangyayari sa buhay ko. Siguro sa Lunes patay nanaman ako sa asar nito pero sa ngayon, Papasok kami ng sabay bukas, papano pag dating namin ng school? Hahawakan ko ba ang kamay niya? HHWW ganon?
Iniisip ko palang kinakabahan na ako. Hindi kasi ako ma PDA na tao. Kahit sa mga naging ex ko, isa sa mga rason kung bakit kami nag hihiwalay eh dahil sa kakulangan ko maging sweet. Hindi naman dahil sa ayaw ko lang. Hindi lang ako komportable ng ganon. Medyo natakot din ako nung maisip ko to. Papano kung maging ganon din ako kay Jennie?
Teka lang naman, advance rin naman ako mag isip. Ni hindi ko pa nga alam kung anong meron saming dalawa. New friends? New friends with a little landi? New friends with a lot of landi? more than friends? agad agad? hahaha masyadong mabilis diba? kahit ako medyo nabibilisan sa mga pangyayari. Kasi sa experience ko, may courting stage muna bago magka something. tipong win the girl first before landi. pero sa sitwasyon ko ngayon, parang ang nangyari eh crush from afar to instant landi. hahaha ang bilis talaga!
habang nakahiga sa kama, naisipan ko naman magbukas ng IG. Hindi rin kasi ako masyadong ma social media. most of the time, nakikinig lang ako ng music kaya minsan, inaasar din ako ng mga kaibigan ko. napaka dalang ko raw mag post samantala si Jennie naman, sobrang active niya sa social media. benefit din sakin yun kasi madalas na iistalk ko ang feed niya. wala talagang tapon sa babaeng ito sa isip ko. nag scroll ako sa feed nya ng marealize ko, hindi ko pala siya finafollow. buti nalang naka public ang profile niya kaya madaling tignan.
Magkakilala na kami ngayon kaya finollow ko na siya. Hanep! Yes matapang kana Manoban congrats! Hindi rin naman nagtagal, naka receive ako ng notification sa phone ko. jennierubyjane started following you eeeeeehh finollow niya din ako. hahaha kahit mga simpleng notification lang na ganto kilig na kilig ako. hanggang sa nakareceive na ako ng sunod na sunod na notification mula kay Jennie.
hineart ba naman niya lahat ng post ko. eh wala pang sampu yon hahaha. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sarili ko bakit ba kasi ganon? Ang konti ng post ko nakakahiya hahaha. sige bukas mag popost na ako pero puro picture mo nalang. hehehe joke. Kapal ko no? Pagkaharap ko naman siya ambait ko sobra.
J:Bakit naka disable comments ng IG mo? dami mo siguro talagang babae no?
L:Hala ka naman imagination mo Kim. hahahaha
J: Suuus, para hindi ka mahuli no?
L:Hoy ano kaba hahaha jusko.
J: Eh gusto ko mag comment eh. :(
L:Ano ba i-cocomment mo? Sabihin mo nalang kasi sakin hahaha
J:Walang thrill pag ganun.
L:Sige na i-eenable kona.
J: :)
L:Ok na.
jennierubyjane commented on your post
jennierubyjane: :* :*
L: Kim!!!
J: Hahaha
Alam kong hindi lang ako ang makakakita ng comment na yon hayop talaga hindi pa ako nakakapasok ng school naririnig ko na ang pangangantyaw ng mga kaibigan ko. Wala ako masyadong post sa IG pero andami kong follower kahit sampu lang ang post ko. Isa sa mga rason kung bakit nag dissable ako ng comments kasi andaming makulit masyado. Pero isang tao lang ang rason kung bakit inenable ko ulit. Si Jennie yon at sa simpleng comment nya na ganon alam ko talagang maraming makakapansin nun. Kiss shet toto kaba Lisa hayop haba ng
Comments