Breakfast
Me and YouChapter 3: Breakfast
"Message mo ko ha" Sabi niya sakin. Kilig na kilig naman ang ate mo dahil ibig sabihin non, gusto niyang magusap pa kayo diba? Getting to know each other kumbaga. Ako naman tong si gaga, nakatitig sa phone ko, Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. "Hi? uy? Lisa nga pala to. gawa mo?" Ano na? pano na? hahaha sige na nga. Hi nalang muna para simple pero pa mysterious ng konti para di naman obvious na excited ako.
Agad naman siyang nagreply saakin ng "uy!" Akala daw niya hindi na ako mag memessage. Ano kaba Jennie nahihiya lng talaga ako pero sana bukas close na tayo.
Ayun, nagkausap na tayo tungkol sa buhay buhaym nakakatawa ka pala talaga, ang cute mo pa. Lahat ng message mo may emoji pero sa personal mukha ka talagang cold pero minsan parang mas maganda kang masungit. Hehehe
Kausap kita hanggang sa nakatulog na ako puta hindi ako nakapag reply sayo. Bumungad sakin ang bunganga ni mama sa umaga. "Lisa bumangon kana riyan! Puyat kasi ng puyat! Alam ng may pasok ang lintek na ito!" Good morning ma sa isip ko. Ang aga aga rak na rak ang bunganga ng nanay ko.
Hindi pa nakatulong na hindi rin ako nakapag charge ng phone. Shet lowbat na lowbat ako. Sige charge ko nga muna tong telepono atsaka ko na rereplyan si Jennie. Sa ngayon kaylangan ko ng maligo ng makaalis na sa bahay namin at makaiwas sa bunganga ni mama na mala rambo tuwing umaga.
Alis na ko ma! Babye!
Maaga pa ng makarating ako ng school. Antok na antok ako grabe kasi naman alas tres na ata ako nakatulog sa kakamessage namin ni Jennie. Siguro napuyat din yun hala! Tapos hindi ko pa nareplyan.
Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang phone ko. Wala dun. Pucha naiwan ko pa ata phone ko sa bahay. Badtrip naman papagalitan nanaman ako nito dahil ayaw na ayaw ni mama nagiiwan ng may nakasaksak na kuryente sa bahay. SHET IM SO DEAD.
Hindi pa nakatulong na hindi ko na talaga marereplyan si Jennie. Wala na kakaumpisa palang namin epic fail na agad ako. Teka wait kakaumpisa ng alin? Friendship? Love? Relationship? Hehehe hoy self, mag tigil ka. Ke aga aga eh kalandian nanaman ang nasa isip mo.
Papasok na ako ng school ng makita ko sila Seul. "Seul, Seul! Patext nga kay mama. Naiwan ko phone ko sa bahay eh baka pagalitan nanaman ako nun pag siya pa nakakitang naiwan ko." Sabi ko.
"Wag mo kasi masyado isipin si Jennie eto naman, nawawalanka tuloy sa ulirat mo" sabi naman sakin ni Seulgi. "Wag ka nga masyado maingay jan! May makarinig pa sayo!" Pagpigil ko naman kay Seulgi ng may kumalabit sa likod ko.
Pagkalingong pagkalingon ko, Charrraaaaan! Si Jennie pala yun. "Nakatulog kana kagabi no? Hindi kana nagreply eh." Bungad nya sakin. "Ah eh, oo. Sorry. Di rin ako nakareply kanina lowbat kasi phone ko naiwan ko sa bahay nakacharge."
"Hmp excuses." Sabi niya sakin. "Hindi,pramis nakalimutan ko talaga sorry." Sagot ko naman. "Osige na, bawi ka nalang. Kain tayo breakfast." Sabi nya sakin ng biglang nakaramdam nanaman ako ng kaba at kilig.
"Sabay tayo?" Tanong ko sakanya. "Ayaw mo?" Bali
Comments