CHAPTER 2 - Another Brand New Day... For Us?

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

tentay14's note: Hi guyz~ Thanks pala sa mga nakabasa na nung "trip" namin mag-BFF.

Enjoy~♥

******

A blessed morning happened at the second floor of Cherry Residence... kung saan makikita ang tatlong pintuan ng bawat kuwarto na lahat ay kulay pink sa isang makitid na pasilyo. Sa unang pintuan, mapapansin agad ang signage na "ChaeYooDo" kung saan tatlong babae ang mahimbing pang natutulog sa kani-kanilang higaan. Pagbukas mo ng pinto agad na mapapansin ang pink na kulay ng paligid. Mula sa pader hanggang sa kani-kanilang mga higaan maliban sa ceiling nito at pinto ng comfort room na kulay puti. A room has one bunk bed or rather say double bed... na nakaharap at ilang hakbang ang layo mula sa pintuan. And also a single bed... sa gilid malapit ng pintuan. Makikita din dito ang iilang gamit na nakakalat sa gilid ng bunk bed malapit sa nag-iisang mini cabinet nila sa kuwarto. The room has two glass sliding window covered with a white lace curtains.

Himalang nauna at maaga nagising si Yoojung sa kanilang lahat. Nag-inat ito nang dalawang braso tsaka humikab. Lingon sa kanan.... Lingon sa kaliwa muna ang kaniyang ginawa bago ito bumangon nang kaniyang higaan sa lower part ng double bed kung saan siya naka-puwesto at natutulog. Humihikab-hikab na tumayo siya at humarap sa upper part ng higaan kung saan natutulog naman ang isang babae na mala-modelo sa tangkad at may hawig kay Jun Ji Hyun. Niyugyog niya ito para gisingin.

"Doyeon~" ina-antok na sabi ni Yoojung habang niyu-yugyog niya si Doyeon para magising.

"..."

"Gising na" sabay tapik naman sa pisngi nito.

"..."

"Maaga ang pasok natin ngayon" dagdag pa niya.

"..." - Doyeon

Tatlong beses sinubukan ni Yoojung gisingin si Doyeon, pero wala pa din siya nakuhang response mula dito. Ganoon pa man pinilit pa rin niya itong gisingin. Niyugyog niya ulit ito pero wala pa rin itong reaksyon. Ni hindi man lang ito gumalaw o nag-bago ng posisyon sa pagka-ka-higa nito sa kama. Nanatiling naka-tihaya pa rin ito at naka-taas ang kanang braso sa ulo - bahagya din naka-awang ang bibig nito na animo'y humihilik. Kahit anong pag-gising ang gawin niya kay Doyeon... bigo siyang magising ito. Naiiritang umalis siya sa harap ni Doyeon at lumapit sa isang single bed kung saan natutulog ang mala-Sleeping Beauty na si Chaeyeon. Umupo siya sa tabi nito. "Unnie~" sabi ni Yoojung. At katulad nang ginawa niya kay Doyeon niyugyog din niya ito para magising. Bahagyang iminulat ni Chaeyeon ang kaniyang mga mata at pupungay-pungay na tumingin siya kay Yoojung na nasa tabi niya at patuloy siyang niyu-yugyog.

"Ummmmm~. Bakit?" inaantok na tanong niya dito.

"Unnie, bangon na" habang patuloy pa rin si Yoojung sa pag-yugyog sa kaniya. "Diba maaga ang pasok ninyo ngayon ni Pinky-Unnie?".

"Inaantok pa ako, Yoojungie~" sagot niya kay Yoojung bago siya nag-takip ng kumot sa mukha at tumalikod dito. "...5 minutes pa" dagdag pa nito.

Katulad ni Doyeon - bigo din siya na magising si Chaeyeon. Naka-pout na tumayo si Yoojung sa higaan ni Chaeyeon tsaka pa-martsang lumabas ng kanilang kuwarto na nasa una at kaliwang bahagi malapit sa hagdanan. Pumunta siya sa kabilang kuwarto na nasa gitna at pang-limahan... kung saan natutulog sina Pinky, Yeunjung, Sohye, Mina, at Somi tsaka binuksan ang pinto ng kuwarto. Katulad nang kanilang kuwarto pink na pink din ang paligid nito... maliban ulit sa ceiling at pinto ng comfort room na kulay puti din. Meron din itong two glass sliding window covered with white lace curtains and mini cabinet. Medyo malaki at malinis itong tingnan kumpara sa kuwarto nila. Mula sa pintuan mapapansin ang isa sa dalawang bunk bed na naka-horizontal line habang ang isa ay naka-vertical line at nakaharap sa pinto. At kaharap ng horizontal line na bunk bed ang nag-iisang single bed. Mapapansin din sa pader ng kuwarto ang iba't ibang wall stickers na naka-dikit dito tulad ng butterfly, bear stuff toy, candy, ice cream at penguin... na hindi na naka-ka-pagtaka kung sino ang nag-dikit. Tahimik na tahimik pa ang buong kuwarto. Senyales na tulog pa ang limang babae na umuukupa dito. Dahan-dahan siyang pumasok at lumapit sa upper part ng naka-horizontal line na bunk bed. Kung saan naka-puwesto at natutulog si Pinky.

"Unnie" pag-gising ni Yoojung sa mahinang boses. "Unnie, gising na~" habang niyu-yugyog nito si Pinky katulad nang ginawa niya sa dalawa.

Iminulat ni Pinky ang kaniyang mga mata tsaka bumangon at umupo sa kaniyang higaan bago ito humarap kay Yoojung. "Anong oras na?" tanong niya dito sabay hikab.

Tiningnan naman ni Yoojung ang naka-sabit na wall clock ng kuwarto malapit sa pinto. "4:00 o'clock na, Unnie" sagot naman nito sa kaniya.

"Okay" - Pinky

Muli itong humiga sa kaniyang higaan, nag-talukbong ng kumot at bumalik sa pag-tulog. Nanlaki ang mga mata ni Yoojung sa ginawa ni Pinky kaya muli niya itong niyugyog at tinapik-tapik na din sa pisngi para magising. Kagaya nina Doyeon at Chaeyeon... bigo din siya na magising ito. Sunod naman na ginising ni Yoojung sina Yeunjung, Sohye, Mina at Somi (na padapang nahulog pa sa kaniyang kama at kakamot-kamot nang kaniyang ulo habang pagapang na umaakyat pabalik sa kaniyang higaan para bumalik ulit sa pagtulog). Pero bigo pa rin si Yoojung na magising ang mga ito. Ganoon din ang ginawa niya sa ikatlong kuwarto na nasa dulo ng pasilyo at katulad nang kuwarto nila - ang itsura, ayos, laki at kulay nito. At sa lahat ng kuwarto na nasa second floor... ito ang pinaka-malinis at pinaka-maayos sa lahat kung saan inuukupa ito nang tatlong Maria's... este nang tatlo sa pinaka-matanda o Unnie nilang lahat na sina Sejeong, Chungha at Nayoung.

Sa sampung tao na ginising ni Yoojung wala man lang kahit isa siyang nagising. "Aiiiiissshh!" sa sobrang inis niya sa mga kasama nag-ma-martsang lumakad siya papunta sa may pintuan at padabog na sinirado ito. "Nakaka-inis!" pag-mamaktol niya habang bumababa ng hagdan. "Ayaw ninyo gumising ah" salita niya habang bumababa ng hagdanan. Napahinto siya sa pag-hakbang pababa dahil sa ideang pumasok sa kaniyang isipan. And her face plasttered with an evil smile.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Peach Residence...

Hihikab-hikab na bumangon si Jihoon nang kaniyang higaan sa upper part ng isa sa dalawang bunk bed at bumaba para lumabas nang kanilang pang-limahang kuwarto. Kung saan kasama niya dito sina Minhyun, Jaehwan, Woojin at Kualin. Agad siyang bumaba ng hagdan - nag-tungo sa sala at na-upo sa sofa. Peach Residence is an all male dormitory. At dahil male dormitory ito... the whole house is coated in blue. From walls, window curtains to the tiles on the floor. Pag-pasok mo sa kanilang main door makikita ang living room/area - na may tatlong leather sofa na kulay blue at glass center table. Katabi nito ang hagdanan papunta sa second floor. Katabi ng hagdan ang comfort room na blue din ang kulay ng pinto at sa gilid nito ang kanilang kitchen. Blue and grey naman ang kulay ng kusina, blue tiles sa lababo at grey cabinet sa upper part ng kitchen sink. Blue cabinet naman ang nasa ilalim nito. Malapit sa grey refrigerator ang isang grey marble island na kanilang kapehan - na may tatlong grey stool chairs. In the middle of their living room and kitchen area is their dinning area. In a long rectangular grey glass table has an eleven blue chairs. Malapit sa dining area ang kanilang veranda na kulay blue din ang pinto.

Napansin ni Jihoon ang naka-sabit na wall clock sa pader. "Alas-kuwatro palang pala" sabi niya. "Total maaga pa naman" dagdag pa nito. Tumayo siya sa pagkaka-upo at nilapitan ang isang pader kung saan nakasabit ang kani-kanilang mga nerf gun. Kinuha niya ang kaniyang nerf gun at muling bumalik sa sala para umupo at doon inayos ang kaniyang laruan. Nang makuntento na siya sa pag-kalikot at pag-butingting sa kaniyang nerf gun. Nagpalinga-linga siya sa paligid... at nang makita ang hinahanap tumayo siya at pumunta sa may kusina. Kinuha niya mula sa ibabaw ng refrigerator ang dalawang maliit na plastic bottle na pinaglalagyan ng asin at paminta. Tsaka muling bumalik sa sala at na-upo sa sofa. Ipinatong niya sa may center table ang dalawang bagay na nakuha niya mula sa ibabaw ng refrigerator. Matapos mai-set up ang lahat... itinaas ni Jihoon ang hawak na nerf gun at ipinosisyon ito sa harap ng kaniyang mukha. Ipinikit pa nito ang kanang mata para asintahin ang dalawang bagay na nasa ibabaw ng center table. Nang sa tingin niya matatamaan niya ito... kinalabit na niya ang trigger ng kaniyang nerf gun. Then... "Bulls eye!" saad nito ng matamaan niya ang kaniyang target.

 

 

After 30 minutes...

Bahagyang naka-tungo at nakatago si Jihoon sa likod ng sofa. Tanging mukha at ang nerf gun lang niya ang nakalabas. Muli niyang inasinta ang nasa ibabaw ng center table na ginawa niyang target. "Oh, Yeah!" nang muli niyang matamaan ang target. Umayos siya ng tayo at tumingin sa wall clock. "4:30 na pala" salita nito tsaka niya inilagay sa likod at isinuksok sa kaniyang pajama ang hawak na nerf gun at nagmamadaling umakyat ng hagdan. Sa second floor... binuksan niya ang kulay blue na pinto ng unang kuwarto na malapit sa hagdan at pumasok sa loob nito. Katulad lang din ng Cherry Residence ang features ng mga kuwarto sa Peach Residence. Ang kaibahan lang puro kulay blue ang makikita sa bawat kuwarto. Mula sa pader, higaan at kurtina. Pati ang ceiling nila blue din maliban sa pinto ng comfort room dahil kulay grey ito.

Papunta na sana siya sa bunk bed ng matapakan niya ang nakakalat na damit ni Daniel sa sahig. "Si Niel-Hyung talaga" napa-iling nalang siya dahil dito. Dadamputin na sana niya ang nakakalat na damit nang mapansin na hindi lang pala damit ni Daniel ang nakakalat dahil pati unan ni Jisung at kumot ni Seongwu - na nalaglag mula sa higaan nito... nasa sahig din. Isa-isa niyang pinulot ang mga nakakalat na bagay sa sahig tsaka nilagay sa tabi nang mga may-ari nito. Matapos mailagay sa tabi ni Seongwu ang nalaglag na kumot nito, ibinaling naman niya ang attensyon sa lower part ng bunk bed kung saan naka-puwesto at natutulog si Jisung tsaka umupo sa tabi nito. "Jisung-Hyung, Hyung! Oras na para gumising ka~" sabi ni Jihoon.

"Ummmmm~" kinusot-kusot ni Jisung ang kaniyang mga mata kahit nakapikit pa ang mga ito.

"Hyung~, kailangan muna bumangon at umalis para kumuha nang driver lisence mo".

"..." - Jisung

"Gising na~" tsaka hinimas-himas ni Jihoon ang pisngi ni Jisung. "Kailangan mo na maligo at umalis" dagdag pa niya.

Pupungay-pungay na iminulat ni Jisung ang kaniyang mga mata tsaka kinuha ang isang unan na nasa paanan nito at itinakip sa kaniyang mukha. Dahil dito, umiral ang pagka-ganster mode ni Jihoon. "Kapag hindi ka pa tumayo diyan, may mang-yayaring hindi maganda" pagbabanta niya dito tsaka tumayo mula sa pagka-ka-upo sa higaan.

Inalis ni Jisung ang naka-takip na unan sa kaniyang mukha at ina-antok na tumingin siya kay Jihoon na nakatayo sa harapan niya at may kinuha sa mula likuran nito.

"Kapag hindi ka pa tumayo diyan-" sabi ni Jihoon sabay tutok ng nerf gun nito.

"Oh!" nanlaki ang mga mata ni Jisung nang makita ang nakatutok na nerf gun ni Jihoon sa kaniya. Agad siyang bumangon tsaka nagmamadaling lumakad papunta sa comfort room at pumasok sa loob para maligo.

"Hyung! bilisan mo baka ma-late ka" bilin ni Jihoon bago tuluyang lumabas ng kuwarto tsaka isinara ang pinto at bumaba ng hagdan.

Nang mailagay na ni Jisung ang mga gamit na kailangan niya sa kaniyang bag. Lumabas na ito ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Nakita niya sa sala si Jihoon ... nasa likod ito ng sofa, naka-bend ang katawan at parang nagtatago. Napansin din niya ang dalawang bagay na nasa ibabaw ng center table. Dumaan siya sa likod nito at tinapik ito sa kanang balikat. Tumayo naman ito ng maayos at humarap sa kaniya.

"Hyung~" - Jihoon

"Tama na iyan" sabi niya dito tsaka naglakad papunta ng kusina. Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang nakitang mansanas. "...mag-ayos kana at may pasok kapa" bilin niya dito tsaka sinarado ang refrigerator. "Alis na ako" dagdag pa niya tsaka nag-lakad papunta sa main door ng bahay. Nang nasa tapat na ng pintuan si Jisung at akmang bubuksan na ito, may kung anong bagay naman ang tumama sa ulo niya mula sa likod. Dahilan para tumalikod siya at nakita si Jihoon na naka-taas ang dalawang kamay habang hawak ang nerf gun nito - na naka-tutok sa kaniya.

"Bulls eye!" sabi ni Jihoon at nag-ala James Bond pa nang hipan nito ang dulo ng nerf gun.

"YAH!" sita ni Jisung dito.

Nag-peace sign lang ito sa kaniya sabay ngiti.

"JIHOONIIIEE!" sigaw niya.

Hindi naman ito pinansin ni Jihoon at muling itinutok sa kaniya ang hawak nitong nerf gun.

"LAGOT KA SA AKIN MAMAYA!" banta niya dito at bago pa man may mangyaring hindi maganda. Binuksan na niya agad ang pinto tsaka lumabas para umalis.

Naalimpungatan at nagising naman si Woojin dahil sa sigaw nang isang lalaki mula sa ibaba. "JIHOONIIIEE!" narinig niyang sigaw nang lalaki. Pupungay-pungay na iminulat niya ang kaniyang mga mata tsaka bumangon at umupo sa kama nito. Kinusot-kusot pa muna niya ang kaniyang mga mata bago tumingin sa paligid. Napansin niya na tulog na tulog pa ang ilan sa mga kasama niya sa kuwarto maliban sa upper part ng naka-horizontal line na bunk bed dahil wala ng tao doon. "LAGOT KA SA AKIN MAMAYA!" sigaw ulit ng lalaki mula sa ibaba.

Nag-unat siya ng kaniyang mga braso tsaka humikab bago tuluyang tumayo sa kaniyang higaan. Tumalon muna siya nang tatlong beses para tuluyang magising ang kaniyang diwa bago nag-lakad sa may pintuan at binuksan ito para lumabas. Iniwan niyang bukas ang pinto tsaka nag-lakad papunta sa may hagdan at bumaba dito. Nang maka-baba... nakita niya si Jihoon na naka-upo sa sofa at abala sa pag-kalikot sa hawak nitong nerf gun. "Sino yung sumisigaw kanina?" tanong niya dito.

Lumingon ito sa kaniya tsaka ngumiti.

"Si Jisung-Hyung" sagot nito sa kaniya habang busy pa din ito sa ginagawa.

Tsaka lang napansin ni Woojin ang dalawang bagay na nasa ibabaw ng center table nang makalapit na siya kay Jihoon at umupo sa tabi nito.

"Bakit?" tanong niya ulit dito.

"Binaril ko kasi siya nito" naka-ngiting sabi nito sa kaniya at ipinakita pa ang hawak nitong nerf gun.

"Hahahaha~. Teka, may na isip akong idea" ngumiti siya dito tsaka tumayo at pumunta sa may pader kung saan naka-sabit ang iba pang mga nerf gun. Sinundan lang siya nang tingin ni Jihoon at mukhang nakuha na din nito ang gusto niyang mangyari. Kinuha niya ang kaniyang nerf gun tsaka muling bumalik sa puwesto ni Jihoon at naka-ngiting umupo ulit sa tabi nito.

"OPERATION GISINGIN ANG LAHAT!" sabay nilang pag-kakasabi tsaka sila tumayo sa pagkaka-upo at umakyat ng hagdan.

Mula sa hagdan ng second floor, unang pinuntahan ni Jihoon at Woojin ang gitna o pangalawang kuwarto kung saan dito rin sila natutulog at lumabas kanina. Nakabukas na ang pinto kaya dire-diretso silang pumasok sa loob tsaka unang tinarget ang lalaking nakahiga at natutulog sa single bed.

"LAI KUANLIN!" sabi ni Jihoon. "Gising!" dagdag pa nito.

"Kapag hindi ka pa bumangon, papuputukan ka namin" segunda naman ni Woojin

Bahagyang nag-mulat si Kuanlin nang kaniyang mga mata at tumingin sa dalawang tao na nakatayo sa harapan niya habang naka-tutok sa kaniya ang mga hawak nitong nerf gun.

"???" - Kuanlin

Binaliwala niya lang ang mga ito tsaka nag-takip ng kumot sa mukha at muling natulog. Sa puntong iyon, agad siyang pina-putukan ng Pink Sausage nang hindi ito gumising at bumangon ng kaniyang higaan. Muli nila itong pinaputukan ng tatlo pang beses. Pero bigo sila na magising ito.

"Ayaw niya gumising" - Jihoon

"Tara, next target" - Woojin

Dahil doon lumabas nalang sila sa pangalawang kuwarto at iniwang naka-bukas ang pinto nito. Sunod silang pumunta at pumasok sa loob ng ikatlong kuwarto. Kung saan tatlong lalaki ang nakita nilang tulog na tulog pa din sa mga higaan nito katulad ng iba pa. Agad silang lumapit sa single bed tsaka tinarget ang natutulog na Cloud Fairy.

"Sungwoon-ssi!" sigaw ni Jihoon. Umupo siya sa tabi nito tsaka tinapik-tapik ang pisngin ni Sungwoon para gisingin. "Hyung, gising na~" dagdag pa nito. Habang si Woojin ay nanatiling nakatayo at naka-tingin sa kanilang dalawa.

"Mamaya na... late na ako nakatulog kagabi" ina-antok na sagot nito kay Jihoon.

"Ganoon ba"

Hindi na sila nag-tangka pa na gisingin ulit ito bilang respeto na rin sa nakakatanda. Resulta, bigo sila na magising din ito. Kaya tumayo nalang si Jihoon mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Sungwoon at lumipat sa kabilang higaan - sa double bed - kasunod si Woojin para targetin naman ang natutulog na si Daehwi. Wala ng sali-salita pa at agad nila itong pina-putukan pero hindi din ito nagising.

"Paano ba natin sila gigisingin?" tanong ni Jihoon kay Woojin. "Tulog na tulog sila" dagdag pa nito.

At dahil nabigo silang magising ang mga ito. Nag-pasiya nalang silang lumabas ng kuwarto.

"Nagutom ako bigla, kumain nalang tayo" pag-aya ni Woojin kay Jihoon habang nasa hallway sila at naglalakad. Sa lakas ng boses nito... narinig ito ni Kuanlin na agad bumangon na naka-upo sa kaniyang higaan.

"AKO DIN!" sigaw ni Kuanlin mula sa pangalawang kuwarto.

Kasalukuyang naglalakad ang dalawa sa pasilyo. Nasa unahan si Woojin habang nasa likuran nito si Jihoon.

"IGAWA NIYO RIN AKO NG PAGKAIN!" - Kuanlin

"MAKE YOUR OWN FOOD, KID!" sigaw ni Woojin tsaka bumaba ng hagdan kasunod si Jihoon.

Matapos marinig ang salitang 'pagkain'... napa-balikwas naman ng gising ang iba pa tsaka nagmamadaling tumayo sa kani-kanilang kama. Tumayo na rin si Kuanlin sa kaniyang higaan at lumabas ng kuwarto tsaka bumaba ng hagdan. Sa baba, nakita niya si Woojin at Jihoon sa may kusina at gumawa nang ramen. Lumapit siya sa mga ito at nakigawa na din ng ramen. Habang ang iba naman ay isa-isa na ding lumabas ng mga kuwarto at mag-kakasunod na bumaba ng hagdanan.

Sa dining area - nakita nila ang tatlo na naka-upo at busy sa pagkain nang hawak-hawak nilang mga ramen. Isa-isa silang nag-silapit sa kusina para gumawa nang kani-kanilang mga ramen. Habang busy ang lahat sa pag-gawa at pag-kain, may dalawang tao naman ang nanatiling tulog sa kani-kanilang higaan.

"Bakit kulang tayo nang tatlo?" tanong ni Minhyun sa kanilang lahat at tiningnan sila isa-isa. "Nasaan sina Sungwoon-Hyung, Jisung-Hyung at Daniel?" dagdag nito.

"Si Jisung-Hyung maaga umalis para kumuha ng driver license niya" sagot ni Jihoon at pinagpatuloy ulit ang kaniyang pag-kain.

"Yung dalawa?" tanong ulit ni Minhyun sa kanila.

"Baka tulog pa Hyung" sagot ni Jaehwan na busy sa paghalo sa hawak niyang ramen. "Teka, gisingin ko na din para makakain" dagdag nito. Iniwan ni Jaehwan sa marble island ang hawak na ramen tsaka naglakad papunta sa hagdan at umakyat dito. Nang makarating sa second floor... pumasok siya sa unang kuwarto na naka-bukas ang pinto. Nakita niya si Daniel na natutulog pa sa higaan nito. Lumapit siya dito at ginising ito.

"Niel-ah" niyugyog niya ito. "Gising na, kumakain na kami".

"Mamaya nalang" sagot nito sa kaniya. "Ina-antok pa ako".

"Okay" - Jaehwan

Wala siyang nagawa kundi ang lumabas nalang ng kuwarto at lumipat sa pangatlong kuwarto. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob para gisingin si Sungwoon. Lumapit siya dito at tinapik-tapik ang pingi nito.

"Hyung, gising na" pag-gising niya dito. "Kumakain na kami. Hindi ka ba kakain?" tanong niya dito.

"Tirahan niyo nalang ako nang pagkain" ina-antok na sagot nito sa kaniya.

Wala din siyang napala kaya lumabas nalang ulit siya ng kuwarto at naglakad papunta sa hagdanan tsaka bumaba dito. Pagbaba, nakita niya na busy pa rin ang lahat sa pag-kain na ngayon ay naka-upo na sa kani-kanilang upuan sa may dining area.

"Mamaya nalang raw sila kakain" sabi niya sa mga ito. Pero ni isa walang sumagot sa kaniya. Tahimik lang ang mga ito habang kumakain. Lumapit siya sa may marble island para kuhain ang iniwang pagkain doon. Nang hawakan na niya ang lagayan ng ramen, nagulat siya na wala ng laman ito. "YAH!" sigaw niya tsaka humarap sa mga ito.

"........"

"Sinong kumain nang pagkain ko dito?" tanong niya sa mga ito.

"........"

Nanatiling tahimik ang lahat na busy-busihan sa pagkain. "Aigoo~". Naiinis man, bumalik nalang ulit siya sa kusina para gumawa ng ramen.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Meanwhile... Pagkarating ni Yoojung sa sala, agad niya binuksan ang TV pati ang DVD player. Iki-nabit niya sa DVD player ang microphone bago nilakasan ang volume ng speaker. Cherry Residence is an all female dormitory. At katulad ng Peach Residence ang set-up ng loob nito. At dahil female dormitory ito... the whole place is coated in pink. Like walls, sofa, floor tiles, comfort room door, marble island and eleven chairs in a long white rectangular glass table. Maliban sa kulay na pink, makikita din ang kulay puti... tulad ng mga kurtina, dining table, refrigerator at kusina na may pink cabinet sa itaas at ibabang bahagi nito. Pink din ang kulay ng pinto nila sa veranda na malapit sa dining area.

"Ewan ko nalang kung hindi pa kayo magising dito sa gagawin ko" habang busy pa rin ito sa kaniyang ginagawa.

Nang ma-i-set up na ni Yoojung ang lahat. Tumikhim muna siya sandali at huminga ng malalim bago niya tinapat ang bibig sa microphone. "Mic check!" panimulang salita niya.

 

 

...

 

 

...Hingang malalim

 

 

...

 

 

Inhale...

 

 

...

 

 

...Exhale

 

 

...

 

 

Pikit mata...

 

 

...

 

 

...Sabay yuko ng ulo

 

 

...

 

 

At...

 

 

...

 

 

...

 

 

...

 

 

"MAY SUNOOOOOOOOOOOG!" sigaw ni Yoojung sa tapat ng microphone. "SUNOOOOOOOOG!~".

 

 

...Sa Second floor ng bahay

First room - Naalimpungatan si Doyeon sa sigaw na narinig. Bumangon siya sa kaniyang higaan at pupungay-pungay na bumaba mula dito.

"SUNOOOOOOOG!~" sigaw ng isang babae na nasa ibaba ng bahay.

"Sunog..." wala sa sariling turan niya tsaka kinusot-kusot ang kaniyang mga mata. Pauli-ulit naman sa pag-sigaw ang babae. "Sunog..." ulit niya sa sinisigaw ng babae mula sa ibaba.

Nang mahimasmasan at matauhan... nanlaki bigla ang mga mata niya nang ma-realize ang sinisigaw nang babae. Natatarantang pinagkukuha niya ang mga gamit na unang niyang nakita tsaka nagsisisigaw. Napa-balikwas agad ng tayo si Chaeyeon mula sa kaniyang pagkakahiga nang marinig nito si Doyeon na patuloy sa pagsigaw.

"SUNOOOOOG!~" sigaw ni Doyeon.

Katulad ni Doyeon, natatarantang pinaghahakot din niya ang mga gamit habang paulit-ulit na sinasabi ang.... "Sunog... sunog..". At dahil sa ingay nang paligid agad nagising ang lahat at natatarantang hinakot ang kani-kanilang mga gamit ng ma-realize nang mga ito ang nangyayari.

Second room - "Waaaaah!~" sigaw ni Yeunjung habang nagmamadali sa pagligpit nang kaniyang mga gamit sa ibabaw nang kaniyang kama, hindi na napansin ang nalaglag na kumot nito sa sahig.

Nagmamadali naman sa pagbaba sa hagdan nang higaan nito si Pinky. "Aray!" sigaw niya matapos matisod sa kumot na naka-kakalat sa sahig.

Nanatiling tulog naman si Mina sa kaniyang kama dahil late na ito naka-tulog kaka-Facebook at Instagram kagabi.

"Tulong! Ang mga penguin ko!" sigaw naman ni Sohye habang isa-isang hinahakot ang kaniyang mga penguin stuff toys.

"Oh, my gosh!" sigaw naman ni Somi. "Sunog! Sunog!" sigaw niya ulit habang paikot-ikot ito sa buong kuwarto.

Huminto siya sandali nang ma-realize na hindi niya pala alam kung anong ibig sabihin nang kaniyang sinisigaw. Humarap siya kay Sohye na busy sa mga penguin stuff toys nito.

"What's 'Sunog' means?" tanong niya dito.

Humarap naman sa kaniya si Sohye.

"Sunog?" sandali itong nag-isip bago sumigaw. "FIRE! FIRE!" sagot nito sa kaniya at muling pinag-patuloy ang ginagawa.

"Waaaaaah!~" sigaw ni Somi.

Third room - Habang nagkakagulo sa dalawang kuwarto. Natataranta at nagsisisigaw din ang tatlong babae sa loob nang kanilang kuwarto.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Nasa kalagitnaan nang kanilang pag-kain ang mga taga-Peach Residence ng marinig nila ang ingay mula sa kabilang bahay.

"Ano na naman kaya ang pinag-gagagawa nang mga iyon" sabi ni Minhyun sabay higop ng kape. "Jaehwan, silipin mo nga sa may veranda" utos niya kay Jaehwan.

"Ako na naman~" reklamo nito at tinuloy ang pagkain.

"Sige na. Babantayan ko iyang pag-kain mo nang hindi na makain ulit ni Woojin" tsaka tumingin kay Woojin at ngumiti.

Automatikong humarap si Jaehwan kay Woojin at tiningnan ito nang masama. Patay malisya naman si Woojin na patuloy lang sa pag-subo nang pagkain. Tumayo sa kaniyang kinauupuan si Jaehwan at naglakad papunta sa may veranda. Pagdating doon, sinilip niya ang kabilang veranda. Wala siyang nakitang tao pero malinaw niyang naririnig ang sigaw nang isang babae. Nagmamadaling bumalik siya sa dining area at sumigaw.

"SUNOOOOG!" sigaw niya sa mga kasama nang nasa harapan na siya nang mga ito.

 

!!!

 

"Sa kabilang bahay..." panimulang salita niya. "...SUNOOOOOG! narinig kong sigaw nang isang babae mula sa loob" dagdag pa niya.

Sabay-sabay na nagsitayuan mula sa kani-kanilang pagkaka-upo ang pitong lalaki at nag-mamadaling nag-lakad papuntang pintuan tsaka lumabas. Naiwan si Jaehwan na naka-tayo pa rin sa may dining area.

 

♀♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♀

"SUNOOOOOG! SUNOOOOG!" patuloy pa rin sa pagsigaw si Yoojung sa tapat ng microphone. Ilang sadali pa... narinig na niya ang mga boses nang mga kasama. Tumigil siya sa pag-sigaw at humarap sa may hagdanan. Doon nakita niya ang mga ito na nagkakagulo at nag-uunahan sa pagbaba ng hagdan.

"Aray!" sigaw ni Pinky. "Huwag niyo ako ipitin Doyeon! Unnie~!" dagdag pa nito. Nasa gitna o pagitan siya ni Doyeon at Chaeyeon.

"YAH!" sigaw naman ni Sejeong. "Kung mag-iipitan lang kayong tatlo diyan tumabi nalang kayo!" dagdag pa nito at rhinawi ang tatlong naka-harang tsaka dumaan kasunod sila Nayoung at Chungha. Nang maka-daan na ang tatlo. Bumalik naman ulit ang tatlo sa pag-gi-gitgitan.

"Ako unang bababa!" sigaw ni Doyeon habang gini-gitgit ang dalawa pa kaliwa.

"Hindi! Ako unang bababa!" sagot naman ni Pinky na pilit kuma-kawala sa pagitan ng dalawa.

"Mag-si-tigil kayong dalawa!" sigaw ni Chaeyeon. "Ako unang bababa dahil ako ang pinaka-matanda!" dagdag pa nito. Habang pilit na gini-gitgit ang dalawa pa kanan.

"Ako!" - Doyeon

"Ako nga!" - Pinky

"Ako sabi!" - Chaeyeon

Tuloy pa rin sa pag-gi-gitgitan ang tatlo. Maya't maya lang...

BOGS! BOGS! BOGS! BOGS!

Nahulog ang tatlo mula sa hagdanan. Kasunod naman nila ang tatlo din na nag-mamadaling bumaba ng hagdan.

"Ouch!" - Doyeon

"Ang sakit!" - Pinky

"Aray!" - Chaeyeon

"Ang tagal niyo kasi!" sigaw ni Somi nang makababa sa hagdan na siya ring nagtulak sa tatlo kaya nahulog ang mga ito. Nasa likod nito si Yeunjung at Sohye na naka-baba na din ng hagdanan.

"YAH!" sigaw ni Doyeon dito habang hinihimas-himas ang puwetan na nasaktan mula sa pagkakahulog nito sa hagdan.

Nang makababa na ang lahat sa hagdanan. Narinig nila ang isang babaeng tumatawa nang malakas.

"HAHAHAHAHAHAHA~" pagtawa nito. "Edi nagising din kayo" dagdag pa nito.

Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa babaeng tumatawa na naka-tayo sa may sala at hawak-hawak ang microphone. "HAHAHAHAHAHA~. Girls ang eepic nang mga itsura ninyo" sabi ni Yoojung habang naka-tingin sa kanila isa-isa.

Nayoung - poker face.
Chungha - gulo-gulo ang buhok.
Sejeong - naka-tulala habang bitbit ang kaniyang bag.
Chaeyeon - naka-upo sa ibabaw ni Pinky at poise na poise pa din ang dating kahit nahulog na sa hagdanan.
Pinky - nakadapa at na-u-upuan ni Chaeyeon. Sa kanilang tatlo ito ang masaklap ang sinapit dahil na rin sa posisyon nito ngayon.
Sohye - tulala din at bahagyang naka-awang pa ang bibig habang bitbit ang kaniyang mga penguin stuff toys.
Yeunjung - tulala at may tuwalyang naka-patong sa kaniyang ulo.
Doyeon - naka-upo sa sahig at hinihimas-himas pa din nito ang puwetan.
Somi - gulo-gulo ang buhok at baliktad pa ang pag-ka-kasuot nito sa kaniyang pantalon.

Nasa ganiyang ayos silang lahat ng biglang bumukas ang kanilang pinto. Sabay-sabay silang napatingin dito.

"Anong nangyayari dito?" bungad ni Minhyun pagkabukas ng pinto. Kasama nito ang anim na lalaki na nasa kaniyang likuran.

!!! - girls

??? - boys

Natauhan lang ang lahat nang biglang tumawa si Yoojung ng malakas. "HAHAHAHAHA~".

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Nayoung sa mga taga-Peach.

"Narinig kasi namin kayo na sumisigaw" sagot naman ni Daehwi dito.

Wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Nanatiling nakatitig lang ang mga taga-Cherry sa mga taga-Peach.

"Bakit ganiyan ang mga itsura ninyo?" - Seongwu

Nagka-tinginan sila sa isa't isa.

!!!!!!!!! - girls

Dahil sa naging reaksyon nang mga taga-Cherry. Tinawanan naman sila nang mga taga-Peach pati ni Yoojung. Nang ma-realize nila na mukha pala silang mga tanga sa harapan ng mga ito. Nagkaniya-kaniya sila nang ayos sa kanilang mga sarili.

"Okay lang ba kayo?" - Jihoon

"Hahahaha~. Okay na okay sila" si Yoojung na ang sumagot na patuloy pa rin sa pag-tawa. "Hahahahahaha-Aray!" reklamo niya nang tamaan siya sa ulo ng unan na binato nang kung sino sa kaniya. "YAH!" sigaw niya sabay tingin ng masama sa mga kasama. Nakita niya si Doyeon na may hawak na unan sa kaliwang kamay.

"Yah, ka din!" at muling binato ng unan ni Doyeon si Yoojung na tumama naman sa mukha nito. At dahil doon, tuluyan ng nag-kagulo ang lahat. Habang nagbabatuhan at nagkakagulo ang mga taga-Cherry. Ina-awat naman sila nang mga taga-Peach.

"Anong meron?" takang tanong ni Mina habang pababa ito ng hagdanan na halatang kagigising lang.

Hindi siya pinansin nang mga ito na patuloy pa rin sa pagbabatuhan ng unan. Napansin niya na pati ang mga taga-Peach nakikipagbatuhan na din sa mga taga-Cherry. Binaliwala niya ang mga ito tsaka dire-diretso na nagtungo sa kusina at gumawa ng ramen.

At the moment...

1. Doyeon binabato pa rin ng unan si Yoojung.
2. Minhyun at Sejeong ina-awat si Doyeon.
3. Yoojung binabato din ng unan si Doyeon.
4. Seongwu at Chungha ina-awat naman si Yoojung.
5. Somi nakipag-batuhan na din ng matamaan ni Yoojung ng ibabato nitong unan kay Doyeon.
6. Daehwi ina-awat si Somi.
7. Jinyoung pino-protektahan si Daehwi.
8. Pinky binato ang mga penguin stuff toys ni Sohye at tinamaan si Jihoon.
9. Jihoon binato pabalik kay Pinky yung penguin stuff toys.
10. Woojin rumesbak para kay Jihoon at nakipag-batuhan na rin.
11. Sohye sigaw ng sigaw dahil pinag-babato ng tatlo ang kaniyang mga penguin stuff toys.
12. Nayoung poker face habang naka-tingin sa kanilang lahat.
13. Kuanlin, Yeunjung at Chaeyeon tumatawa habang pina-panood silang lahat.
14. Mina busy sa pagkain at walang paki-alam sa lahat basta siya ay kumakain.
15. Biglang sumulpot si Sungwoon sa may pintuan at gulat na gulat sa kaniyang nakita.

 

 

After 30 minutes...

"YAAAAHH!" sigaw nang isang babae mula sa itaas na bahagi ng hagdan.

Nahinto silang lahat sa pagbabatuhan ng unan at sabay-sabay na tumingin sa may itaas ng hagdanan. Nanlalaki ang mga mata na tumingin silang lahat kay Mina. Naka-school uniform na ito at nasa likuran na rin nito ang kaniyang pink na bagpack.

"HINDI PA BA KAYO MALILIGO, KAKAIN AT MAG-AAYOS PARA PUMASOK SA SCHOOL!" naiiritang sigaw ni Mina sa mga ito na ngayon ay nasa ibaba na ng hagdanhagdan.

!!!!!!!! - all (both Cherry and Peach Residence)

"Yeah! Tama si Mina" pag-sang ayon naman nang isang lalaki na nakatayo sa may pintuan - Sungwoon.

Napatingin din silang lahat dito.

"Hyung! kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Daehwi dito.

"Oo. May 30 minutes na rin ang nakakalipas" sagot nito sa kaniya. "At para sunduin na din kayo" dagdag pa nito.

"Guys! 5:00 o'clock na!" - Mina

Nataranta naman ulit ang mga taga-Cherry at nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Nangunguna dito sina Yeunjung, Sohye at Somi. Kasunod nila si Pinky na pinipigilan nila sa pag-akyat.

"Sohye~! Bilisan mo!" - Yeunjung

"Nandiyan na si Pinky-Unnie!" - Somi

"Hindi siya puwedeng mauna sa comfort room!" - Sohye

"YAH!" - Pinky<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU