INTRODUCTION - Today is a Normal Day, isn't it?

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

Everything starts with a normal beautiful morning kung saan lahat ay bumabangon para harapin ang panibagong chapter ng buhay nila. Umaga kung saan nag-uumpisa nang gawin ng lahat ang mga daily routine nila, tulad ng mga workaholic na nagmamadaling maglakad papasok sa kanilang mga trabaho, mga senior, adult, or young adult na nag-istroll ng mga alaga nilang aso, mga estudyante na nag-uumpisa nang maghanda papasok ng school, 'socialization with neighborhood' in terms ng chikahan ng mga nanay habang nagwawalis ng kanilang mga bakuran, at iba't ibang klase pa ng tao na kumakayod at umuusad na para sa araw na ito. Common lang ang mga ganitong pangyayari sa Garden-Variety Village, a well known earth friendly village in which makikita mo na mga middle socialite ang mga nakatira as you entered the main gate pa lang.

Pero, sa loob ng small community na ito, may tinatawag ang mga magkakapit-bahay na 'extra-ordinary' na mga bahay. They called it The Fruity Residences - a type of two parallel duplex dormitories for Girls and Boys Students of Maxford University.

Nasa loob ang mga ito ng isang mataas na white-colored steel gate at kung saan ang dalawang bahay ay napapagitnaan ng malalagong bushes at mababang white wood fences as separator. Meron ring ilang mababang white lamp post sa bawat kanto ng gate at nang separator fences. Kung titingnan sa front view ng mga bahay, nasa left side ang Cherry Residence, all girls dormitory, at right side naman ang Peach Residence, ang all boys dormitory.

The Cherry Residence is a duplex house in which coated in a whole pink with white lining paints. Mapapansin mo na rin agad ang-obviously-girly theme nito kung saan makikita ang mga tanim na pink carnations and white lilies sa paligid ng bakuran especially sa mga plant boxes ng mga bintana nito. Kulay berde at malago ang mga bermuda grasses na nakapaligid dito at mula sa main gate ay may brick roads na leading sa main door ng bahay. May dalawang maliit na steps muna bago makarating sa cemented white porch ng white coated na main door kung saan may nakausling white mini ceiling at may nakakabit na maliit na pink bell na siguradong tumutunog pag binubuksan ito. Ang bawat glass sliding window ay nahaharangan ng mga laced na white curtain sa loob. Sa gilid naman ng bahay, makikita ang di gaanong malawak na white terrace na paharap sa gawi ng grey colored terrace ng kabilang bahay. Meron dito isang white coffee table at dalawang pink chairs - made in metal - at napapaligiran ng mga paso na, di tulad sa harap ng bahay, may tanim na mga halamang gamot at mga pansahog sa lutuin. Bilang lang ang mga bulaklak na - most likely puro pink carnation rin - sa paso na nakatanim katabi din ng ilang halaman. May tatlong maliliit na plastic pink and white elesi na nakakabit sa gilid ng harang ng beranda na umiikot pag nahahanginan. Sa pintuan ng terrace na nagcconnect sa loob ng bahay ay may nakasabit naman na pink and white capiz wind chimes na tumutunog kasabay din sa pagsalubong ng hangin ng plastic elesis sa paligid. Sa pinakataas na bahagi ng bahay makikita ang isang colored in white na heat resistance roof nito.

On the other hand, almost same features lang ang Cherry Residence sa Peach Residence, ang pinagkaiba lang ay coated in blue and gray lining ito at ang mga halaman sa paligid ay puro white lilies at blue morning glories. Malago rin ang damo at may brick road patungo sa main door. May maliit na blue bell na nakasabit malapit sa gray door nito. Mga Morning glories naman ang nasa plant boxes ng mga gray colored windows na covered ng blue silk curtains mula sa loob. May terrace rin ito na kung saan may gray coffee table and blue chairs, at marami ding halamang gamot at pang-sahog, wala nga lang bulaklak di tulad sa veranda ng kabilang bahay. May tatlong blue and gray elesis din sa gilid ng harang at blue and gray sea shells chimes na nakasabit sa pintuan ng veranda. Gray naman ang kulay ng bubong ng bahay.

Sa gawing likod naman ng dalawang bahay, maraming nakatanim na mga puno, green bushes, bulaklak, at may mini vegetable garden dito. Then, mayroong isang maliit na sementadong puting bahay kung saan nakatayo mismo sa gitna ng separator white fences ng bawat property. 'The trespasser's pathway' kung tawagin ng mga tenant dahil ito lang ang nag-iisa at nagsisilbing storage room ng dalawang bahay in which, obviously, everyone has an access to enter and to trespass sa kabilang bakod.

Ito ang nag-iisang bahay na kinaiingitan at pinapangarap tirahan ng lahat ng estudyante ng Maxford University, ngunit isa din ito sa pinakamahirap pasukin.

 

 

 

 

 

Reason?

 

 

 

 

 

...

 

 

 

 

 

Tight Security?

 

 

 

 

 

May CCTV sa bawat sulok ng bahay pero di naman ganon kahigpit...

 

 

 

 

 

Barking of Dogs?

 

 

 

 

 

Na-uh! Walang aso ang bahay.

 

 

 

 

 

Entrance Exam?

 

 

 

 

 

School lang? ...

 

 

 

 

 

... Screening?

 

 

 

 

 

Marami naniniwala na ang mga tenant dito ay base hindi lang sa kanilang status of living but also in terms of ...

 

 

 

 

 

'Visuals'

 

 

 

 

 

Everyone's amazed every time na lalabas na ang mga tenant nito dahil talagang mga head turner ang mga ito. Mga eye candy creatures ika nang iba.

Actually, matagal nang problema at pinapaliwanag ng mga tenant nito na in reality hindi talaga sila katulad ng mga iniisip ng ibang tao. Di sila perfect pero kahit anong gawin nila, yun na ang nakatatak sa isip ng mga taga-outside world kaya at the end, di na lang nila masyado iniisip.

 

 

 

 

 

Di sila super rich, may ilan pero ilan lang talaga.

 

 

 

 

 

Di sila magaganda't gwapo, kasi karamihan sa kanila malakas lang ang appeal, nadadaan sa aura.

 

 

 

 

 

Di sila smart, dahil maraming weird sa kanila.

 

 

 

 

 

Di sila mga fine na tao, dahil mga magugulo at maiingay din sila...

 

 

 

 

 

... tulad na lang ng kasalukuyang ganap sa loob ng Cherry Residence...

ang kaninang tahimik na bahay ay nagmistulang club na dahil sa kasalukuyang - or rather mahigit 30 minutes na paulit-ulit na pinapatugtog ang latest song ni Psy na New Face.

Natseon Natseon yeojaui. Natseon hyanggie. Yes I want some new face~

"Natseon natseon yeojaui. natseon hyangjie. Yes I want some new face~..." - pagsabay sa pagkanta at pagsayaw ng isang babaeng may kaliitan at mapungay na mga mata na di mo matukoy kung depress or inaantok lang.

"Yeah yeah yeah yeah all right!" duktong ng isang babeng kumakanta at sumasayaw na di tulad ng isa, ay may katangkaran at mapapansin mo na agad ang kagandahan nito.

"New face!~" - sigaw ng isang babaeng na halatang may lahing banyaga dahil sa western feature ng mukha nito, na nakikisayaw din kasama ang dalawa.

"Yeah yeah yeah yeah all right! New face! Dugeun Dugeun Dugeun woah! new face!" - pagtatapos ng tatlo.

Nasa ikalawang palapag ngayon ang tatlo, sa loob ng isang panglimahang kwarto kung saan may dalawang bunk beds at isang single bed. Kasama din nila sa silid ang tatlong babaeng nakahiga at pilit pinipigilan ang kanilang mga sarili na batuhin ang kasalukuyang gumagambala sa tulog nila at nag-iisang babaeng tulalang pinapanood lang ang mga nagwawalang tuta.

"Aiiissshhh..." pikong reklamo ng babaeng natutulog sa nag-iisang single bed ng kwarto. - KIM SOHYE, ang isa sa pinakacute at pinakaweird sa kanila kung saan mabilis mahiya sa konting bagay at isang certified penguin freak kung saan umabot na sa punto na she sees people as penguins. Bakit? No one knows. Maybe in the way how people walks, especially sa mataong lugar kaya sa paningin niya penguins sila. Maoobvious din naman ang hilig nya dahil na rin sa mga stuff toys na penguin na nasa nakapaligid sa higaan niya.

"Yah! magpatulog kayo!" reklamo naman ng isang babaeng natutulog sa taas na bahagi ng isang bunk bed na kung saan tinakpan pa nito ang mukha ng unan. - ZHOU JIEQIONG or PINKY, isa sa mga pinakamagandang tenant at pinaka-kalog sa lahat. Konting bagay tinatawanan na nya pero wag na wag lang gambalain pagtulog dahil bigla ito sinasapian in terms bigla ito magpapacute na minsan OA or nakakasuka na.

"GIGISING KAYO O MAG-IINGAY PA KAMI!" sigaw na banta ng babaeng maliit na patuloy pa din sa pagsayaw ng paulit-ulit na kanta. - CHOI YOOJUNG, babaeng di mo alam kung seryoso o nagpapatawa... pero mostly masayahin at caring na babae. Inangkin na niya ang titulo ng Ms. Congeniality and Ms. Hyperactive tenant ng Cherry. Madalas din ito mapagkamalang pinakabata sa lahat dahil sa bubbly personality nito.

"HEY! Let's go parteh, c'mon!" sabi ng foreigner na babae at hinatak patayo ang kanina pang nakatulalang babae na nakaupo sa isang ibabang part ng kabilang bunk bed at hinawakan ang magkabilang braso nito para iwagayway pataas. - JEON SOMI, ang pinakabata pero ang pinakamature mag-isip sa lahat ng tenant, pero once in

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU