KABANATA 5

Love and Luck
Please Subscribe to read the full chapter

Lexa's POV

Bago ako bumaba sa sasakyan ay nag thank you muna ako dun kay kuya driver. Pagkatapos dumiretso na ako sa loob.

Nadatnan ko sa loob si ate Mina na nagluluto sa kusina. Siya yung panganay saamin

"Andito ka na pala Lexa. Kamusta school?" iniwan niya saglit yung niluluto niya at tumingin sakin.

Pinatong ko naman yung bag ko sa upuan sa may counter at pumunta sa ref. Sinundan naman ako ng tingin ni ate Mina. Kumuha ako ng yogurt drink, tinusok ang straw at uminom.

"Ayos lang naman. Nakakapagod lang." nakahalumbaba ako. Naubos na ang energy ko sa pakikipag away kay Tin kanina.

"Ganun ba? Gusto mo na ba kumain?"

"Hindi na ate. Mamaya nalang siguro. Wala pa rin si kuya?" tanong ko sakanya. Bumalik siya sa pagluluto.

"Wala, sabi hindi daw siya makakauwi ngayon. May defense daw kasi sila bukas. Aayusin pa nila yung thesis nila."

"Wow naman. Parang totoo."

"Ha. Sinabi mo pa. For sure nakikipag inuman nanaman yun." umiling lang si ate. Expected naman na yun kay kuya.

"Aakyat na muna ako ate. Tawagin mo nalang ako pag kakain na."

"Sige. Magpalit ka na at magpahinga muna."

Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis muna ako bago humiga sa kama. Tumitig lang ako sa kisame habang inaalala yung mukha ni Tristan. Unti unti akong napangiti. Hindi ko akalain na makakausap namin siya kanina. Never kaming naging magkaklase. Sila lang ni Rain. Naalala ko rin na nagbye siya sakin. Nagulat ako na kilala pala niya ako.

Nagbukas ako ng facebook sa laptop at nakitang nagstatus nanaman si Tristan.

Tristan Concio
Just Now

I never knew that a time like this would come where I'll hear your laugh so closely Ms. *** . I enjoyed laughing with you.

Napahinga nalang ako ng malalim. "So, nagkita na pala sila." Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Sa dalawang taon na pagsunod ko sa posts niya, lagi nalang niyang sinasabing gusto niyang makita yung babaeng yun ng malapitan. Kung gaano niya kagustong makausap yung babaeng yun. Ngayon na nagkita at nagkausap na sila, nakaramdam ako ng sakit. Kung kelan naman akala ko may chance na akong maging malapit sayo saka ka naman naglakad palayo. Sinara ko nalang yung laptop saka ko kinuha yung diary ko.

Dito ko sinasabi lahat ng gusto kong sabihin sa mga posts niya.  Dalawang taon ko na rin itong sinusulatan. Dalawang taon ko na rin ito karamay. Pero parang hindi na siya sasapat sa ngayon. Dahil mas mabigat na ngayon. Hindi ko akalain na magiging malungkot ako dahil sa asterisks.

ENTRY #338

Believe me, all I wanted was to see you be happy Tristan. I want you to be happy, even though it brings me this much suffering.

Umiiyak na pala ako. Ewan ko ba. Bakit ba patay na patay ako sakanya kahit alam kong may mahal siyang iba. Alam ko naman eh. Pero pagdating talaga sa pag-ibig, may pagkakataon talagang nagiging tanga ka na.

Binitawan ko na ang ball pen.

Nagmadali akong lumabas. Pupunta muna ako sa mall. Kailangan kong malibang.

"Lalabas lang ako ate." sabi ko sakanya.

"Basta wag ka masyado magpagabi."

Naglakad ako palabas ng village namin saka ako nagtaxi papunta sa mall. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa mall.

Tumigil na ang taxi. Nagbayad ako saka bumaba. Pumasok ako sa loob. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.

Naisipan kong magkape. Mas okay na yun kesa naman sa beer. Saka hindi pa naman ako legal.

Pumasok ako sa isang café tapos pumila ako.  Nung ako na lumapit ako lalo sa counter.

"Good afternoon ma'am, what can I help you?"

"One iced americano."
"One iced americano."

Sabay naming sabi nung lalaki sa kabilang counter. Mukhang kasing edad ko lang din naman siya.

Napatingin ako sakanya at ganun din siya sakin. Nginitian niya ako at sinuklian ko rin siya ng ngiti. Naramdaman kong nakatitig pa rin siya. Tinignan ko ulit siya at tama nga ako. Nakatitig nga siya. Bigla nalang siyang nagsalita.

"Miss, if you won't mind me, ako nalang ang magbabayad ng coffee mo." sabi nung lalaki sa kabilang counter.

"No, hindi na kailang--" pero pinutol niya yung sasabihin ko.

"Two iced americanos." sabi niya. Medyo nahiya pa ako. Pero natuwa din ako, hindi ko alam na may swerte pa palang dadating ngayong araw after nang kalungkutan ko dahil kay Tristan.

"Excuse me." sabi nung customer sa likod ko. Nakalimutan kong nakapila pala ako. Pero nagulat ako ng hinatak nung lalaking kausap ko kanina yung braso ko palapit sakanya para bigyan ng daan yung mga nakapila sa likod ko.

Bigla niya rin itong binitawan. "I'm sorry kung nagulat kita."

"No, it's okay." nahihiya akong binaba ang tingin ko.

"Here is your iced americanos."

"Thank you." sabi nung lalaki at nginitian yung babae. Mukha namang kinilig yung babae.

Tinignan ko ulit yung lalaki, at gwapo nga siya. Pero mas gwapo pa rin si Tristan.

Mas matangkad siya sakin. Pero mas matangkad pa rin si Tristan.

Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nung inabot niya yung isang iced americano sakin.

"Thank you dito ah. Pero hindi mo naman na kailangan gawin to

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet