KABANATA 2

Love and Luck
Please Subscribe to read the full chapter

Rainie's POV

"Hey, malungkot ka nanaman. Ano bang nangyari? Kanina mo pa ako hindi pinapansin." Saad ni Nate pagkasalubong ko sakanya sa gate. Pero hindi ko pa rin siya pinansin.

Wala ako sa mood. At hindi ko alam kung bakit. Bakit ba ako naapektuhan kay Cadwell? Dapat ko nga bang maramdaman to eh in the first place ako naman ang nambalewala sa kanya.

"Bes, mauna na kami. Feeling ko kailangan niyo mag usap ni Nate." sabi ni Lexa.

"Oo nga Nate kausapin mo nga yang babaeng yan. Untog mo lang ng konti para mahimasmasan." sabi naman ni Tin. Okay na sana eh pero brutal kung magpayo.

"Hoy Tin mukha ka lang nerd pero ang bully mo girl." sagot ni Lexa.

"Sige na inaamin ko na. Arat na Lexa majinit ang panahon!" sabi ni Tin sabay hila kay Lexa.

"Oo nga! Ang haggard mo na beh!" sagot niya kay Tin "Bye Rainielabs ingatss mwah mwah!!! Hoy Nate ingatan mo yan!!" sigaw niya sakin at sumenyas na parang kokonyatan si Nate.

"BYE RAINIE! LABYU!!" sigaw din ni Tin habang naghihilaan pa rin silang dalawa papunta sa parking kung nasaan yung mga sundo nila.

Kinawayan ko nalang sila pareho. Narinig ko naman na napatawa si Nate. Hindi ko siya tinignan at nauna na akong naglakad.

Wala talaga ako sa mood.

"Rainie naman. Antayin mo ko." habol sakin ni Nate.

"Nate uuwi na ako."

"Akala ko ba kakain tayo ngayon? Last week pa natin to pinag-usapan kasi nga maaga uwi natin." pamimilit niya sakin.

"Sorry talaga Nate, medyo sumama kasi pakiramdam ko." I lied. Sa totoo lang ay gusto ko muna siya layuan ngayon. Nahihirapan ako kasi bigla akong nalito sa feelings ko. Ugh, Cadwell what did you do to me?

"Wala ding susundo sa'yo ngayon?" tanong uli niya.

"Ayokong magpasundo."

"Then ihahatid nalang kita pauwi." pamimilit parin niya.

"Wag na Nate mapapalayo ka lang."

"Hindi ako magiging kampante na umuwi ka ng masama ang pakiramdam mo. Baka himatayin ka habang pauwi." sabi niya habang alalang alala ang mukha.

"Okay." sabi ko.

Tahimik akong naunang sumakay sa bus at sumunod lang siya sakin.

Dahil maaga pa ay wala masyadong pasahero. Pinili kong umupo sa may bandang unahan. Umupo ako sa may tabi ng bintana at tumabi naman sakin si Nate. Binayaran niya rin ang pamasahe ko kahit sabi ko wag na pero mapilit talaga siya.

Tahimik pa rin kami. Gusto ko nang matapos to kasi ang awkward talaga pero matagal ang byahe papunta samin.

Nakatitig lang ako sa bintana. Tinignan ko sandali si Nate na hindi mapakali at parang may gustong sabihin. Binalik ko ang tingin ko sa labas. Maya maya pa ay nagsalita na rin siya.

"Rain?"

"Mm?" sagot ko ng nakatitig pa rin sa labas.

".....Wala. Wag nalang." sabi niya. Hindi ko na rin siya kinulit dahil wala ako sa mood.

Magulo pa rin ang isip ko habang nasa biyahe kami. Habang nakatitig ako sa labas ng bintana ay nakita ko ang reflection ni Nate na nilalabas ang phone niya at kinabit dito ang earphones. Hindi ko nalang yun pinansin at itinuon ulit ang atensyon ko sa labas.

Naramdaman kong pinasak niya yung isang earpiece sa tenga ko tas yung isa ay nakapasak sa tenga niya. Medyo nagulat ako ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sakanya. Pero nakapikit na siya at nakangiti.

Pinakinggan ko nalang yung kanta. Pero sinasabayan ito ni Nate.

Playing: Rainbow by Southborder

Fallin out, fallin in
Nothin's sure in this world, no no
Breakin out, breakin in
Never knowin what lies ahead
We can really never tell it all no, no, no

Kahit kelan talaga napakaganda ng boses niya. Isang bagay na gustong gusto ko sakanya.

Say goodbye, say hello to a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end
We can really never have it all no, no, no

Bakit ba kahit ang sarap pakinggan ng boses ni Nate ay natatamaan ako sa lyrics. Naalala ko si Cadwell at nalilito nanaman ako.

But oh, can't you see
That no matter what happens
Life goes on and on
So baby just smile
Coz I'm always around you
And I'll make you see
How beautiful life is for you and me

Hindi ko na pinansin yung lyrics at pinakiramdaman ko nalang ang napakagandang boses ni Nate. Nagiguilty ako dahil siya ang kasama ko pero si Cadwell ang naiisip ko.

Take a little time baby
See the butterflies' colors
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet