KABANATA 4

Love and Luck
Please Subscribe to read the full chapter

Rainie's POV

Last subject na namin ngayong araw. Ramdam na ramdam ko na sobrang haba ng araw ko. Andami nang nangyari.

Nakwento ko rin lahat kay Lexa at Tin ang nangyari, pati sila nalilito na rin para sakin. Ang sabi lang nila, ako lang daw ang makakasagot nito.

Pero maayos na ako ngayon. Lalo na't kinomfort ako ni Nate kanina. Hindi ko talaga alam kung ano mangyayari sakin kung wala siya.

Nasabi din ni Nate na may training siya ng volleyball simula mamaya kaya baka hindi niya na ako mahatid sa mga susunod na araw. Inaya niya akong manood ng training niya ngayon kaya pumayag naman ako.

"Bye ma'am." ngumiti lang si ma'am Santos sa bati namin nila Lexa at lumabas na kami. Tatawagan ko na dapat si Marco para sabihing malelate ako ng uwi. Sakto namang nakasalubong namin ang student council president at mukhang may sasabihin siya samin. Binalik ko nalang yun phone ko sa bag. Mamaya ko nalang siya tatawagan.

"Rainie!" tawag niya sakin. Suot suot nanaman niya yung wierd Harry Potter glasses na wierd din dahil bumagay sakanya. Suot suot niya din yung Student Council vest kaya litaw na litaw siya kahit maraming estudyante dito.

Bigla nalang akong kinurot ni Lexa. Mukhang kinikilig nanaman siya. "Aray." Sabay tapik ko sa kamay niya. Ang sakit mangurot leche.

"Bakit Tristan?" Kaklase ko siya last year kaya magkakilala na kami. Pero bigla nalang akong nairita nang makita ang step sister niyang si Pen na nakaaway na namin dati nila Lexa at Tin bago pa man sila maging step siblings ni Tristan. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Nabalitaan daw kasi ni Ms. Tina yung application mo for Student Assistant. Tamang tama daw kasi kailangan niya ng makakatulong sa office niya. Nagresign na kasi yung assistant niya. Gusto mo ba mag-apply?" napangiti naman ako. Chance ko na to. Kailangan ko ng extra-curriculars ngayong namomroblema ako na baka hindi umabot yung general average ko sa standards ng school na gusto ko pasukan sa college. Ayos to.

"Oo gustong gusto ko." sabi ko ng nakangiti.

Bigla nalang sumingit sa usapan si Pen. "Buti naman at may naitutulong ka na sa kapwa. I didn't know na you're useful afterall." nakangisi niyang sabi saakin.

Sasagutin ko na sana siya nang sumabat si Tin. "Alam mo Pen mas okay na yun kesa sayo na polusyon lang at allergy ang dulot sa mundo at sa ibang tao."

"What did you say?!" narinig namin na nagsitawanan yung ibang estudyante. Nahiya si Pen sa sinabi ni Tin. "Arghhh! Hindi pa tayo tapos." dinuro niya kaming tatlo at irita siyang umalis sa harapan namin.

"Ano ka ba?!" galit na bulong ni Lexa kay Tin pero narinig ko naman. "Nandyan si Tristan!" bulong parin ni Lexa.

"Wala akong pake epal siya hindi naman siya kasali sa usapan." malakas na sabi ni Tin. "Kita mo to?" sumenyas siya na para bang pader. "Hanggang dito lang oh. Hindi siya kasama."

Tinawanan lang siya ni Tristan. Akala ko nga magagalit eh dahil syempre step sister niya si Pen. Pero hindi na ako magtataka kung hindi din sila magkasundo. Mahirap talagang pakisamahan yung babaeng yun.

"Rainie tara samahan na kita kay Ms. Tina." aya ni Tristan samin.

"Osige. Salamat Tristan." sabi ko at ngumiti naman siya.

"Sama daw kami ni Lexa!" sigaw ni Tin.

"Ano?!" galit na bulong nanaman ni Lexa saming dalawa ni Tin.

"Girl chance mo na to. Wag maarte. Wala ka nang mata oh." bulong ni Tin. Natawa naman ako sakanilang dalawa.

Sumunod nga kaming tatlo kay Tristan.

Pumunta kami sa office ni Ms. Tina. "Hello Rain." ngumiti siya sakin. Bata pa si Ms. Tina at hindi rin nalalayo ang edad samin. Siya ang secretary ni principal Gomez. Maganda siya at medyo malaman. Mahinhin siyang magsalita, idagdag mo pa ang malalim na boses niya. Ang caring ng aura niya. Kaya hindi kataka takang maraming nakakakilala sakanya.

Kinausap namin ni Tristan si Ms. Tina at sabi nito ay bukas na ako magsisimula.
Sakto namang 2 hours daw yun after class. Swerte nga naman. Baka sabay pa kaming umuwi ni Nate. Naeexcite na akong sabihin sakanya. Hindi na siya malulungkot dahil sa training niya.

Lumabas kami ni Tristan mula sa office ni Ms. Tina at nadatnan naming nagbabangayan pa rin ang dalawa.

"Uuwi na ako Tin! Andyan na ang sundo ko!" sigaw ni Lexa kay Tin. Pero pinipigilan pa rin siya nitong makaalis.

"Sige Guys. Mauuna na ako. Marami pa kaming trabaho dun sa SC room." paalam ni Tristan samin.

"Salamat pala sa pagsama sakin dito Tristan." pasasalamat ko sakanya.

"You're welcome." nginitian niya ako. "Bye Lexa." sabay ngiti. Tas tumingin si Tristan kay Tin ng medyo nahihiya. "Bye Tin."

"BYE TRISTAN!!" paalam ni Tin kay Tristan. "Hoy babye daw!" sabay kalabit kay Lexa.

"Ay. Ah. Bye." nahihiyang tugon ni Lexa.

Tinanguan lang sila pareho ni Tristan at umalis na.

"Ay. Ah. BYE?! Girl yun na yon?! Chance mo na yun para magpaimpress sakanya! Dapat sinabi mo, 'Bye Tristan, I'll see you in my dreams' tapos may kindat! Pak!" sigaw ni Tin kay Lexa.

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo Tin. Wala na siya kaya pwede na kitang mabugbog! Kanina ka pa!" sigaw din ni Lexa.

Natawa nalang ako sakanila.

Naghahatakan na naman sila ng bag. "BYE RAIN! BYE!!!" sigaw ni Tin.

"BYE RAINIELABS! BUBUGBUGIN KO LANG TONG BRUHANG TO!" sigaw ni Lexa at ngumiti nalang ako.

Hinayaan ko na silang umalis. Tinignan ko yung phone ko at nadatnan ko na nagtext si Nate at si Marco.

From: Nathaniel Panget

Rainie magtet

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet