KABANATA 3

Love and Luck
Please Subscribe to read the full chapter

Rainie's POV

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Agad akong bumangon at binuksan yung kurtina. Nagtaka ako bakit dalawa ang sasakyan sa parking. Nagmadali muna akong mag-ayos at magbihis bago ako bumaba.

Sakto naman at nasalubong ko si mama na paakyat din sa taas.

"Tamang tama gigisingin pa naman kita." sabi niya na nakangiti at mukhang excited.

"Ano bang meron ma? Kanino yung sasakyan sa labas?"

Hindi siya sumagot. Hinawakan niya lang ako at hinila ako papunta sa kusina.

May nakita akong lalaking kumakain. Pero nakatalikod kasi kaya hindi ko siya makilala.

"May bisita ka Rainie." sabi ni mama.

Biglang napalingon yung lalaki nang marinig ang sabi ni mama. Nagulat ako kung sino ito kaya tuwang tuwa akong tumakbo sakanya at niyakap siya.

"Marco!"

Nate's POV

Mabilis akong nakarating sa school dahil wala pa masyadong traffic. Medyo wala ako sa mood dahil ilang beses ko nang tinetext si Rainie pero hindi parin siya nagrereply.

Masyado akong nag-aalala kaya hindi muna ako bumaba sa kotse ko at hinantay lang siya sa parking. Dahil maaga akong nakarating ay wala pa masyadong tao sa campus.

Medyo naiinip na ako. Bababa na sana ako nang may magpark sa gilid ko.

Bumaba mula sa backseat ang isang magandang babae. Namumukhaan ko siya kaya tinitigan ko pa siya ng konti. Ahh siya pala yung kausap ni Rainie kahapon sa lobby.

May lumabas ding lalaki mula dun sa kabila. Napansin kong si Cadwell pala yun. Pero bakit siya nakacivilian? Bumaba agad ako para kausapin siya.

"Hey Cadwell." I tried to sound casual kasi nga we're not in good terms.

"Oh ikaw pala Nate."

"Bakit ka nakacivilian? May event ba ngayon?" pagtataka ko.

"Ah eto ba?" medyo natawa pa siya. "Walang event. Pumunta lang ako dito to get my papers."

Nagtaka ako lalo. "What papers?"

"Papers needed for his transfer." sagot nung babaeng kasama niya.

Patuloy pa rin akong nagtataka. Kaya tumingin ako kay Cadwell. "Lilipat ka na ng school? Why haven't I knew about this?" kahit na medyo sumaya ako sa balita na ito ay pinigilan kong ipakita ito sakanya.

Ngumiti lang siya. Nakakainis talaga siya. "Sige na Nate, mauuna na kami. I still have to talk to the principal." tumango lang ako at tumalikod na sila.

Tumalikod na rin ako sakanila. Saktong nakita kong naglalakad si Rainie. Napangiti siya nang makita ako pero nagkunwari akong nagtatampo at nilayo ang tingin ko sakanya.

"Hoy Panget! Anuba? Hindi mo ba ako papansinin?" sabi niya habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Wow! Ako pa ang di namamansin ha. Eh ikaw nga tong hindi nagrereply sakin." pag iinarte ko.

"Hala sorry. Hindi ko natignan yung phone ko. May dumating kasing bis---" hindi niya na natuloy yung sasabihin niya nang may tumawag sakanya.

"RAIN!" kumunot ang noo ko. Ngayon ko palang nakita tong lalaking to. Lumapit siya kay Rainie at hinawakan ang braso nito. Nanlaki ang mata ko. "Naiwan mo to sa sasakyan." at inabot ang libro kay Rain.

"Thank you, Marco." nginitian siya ni Rainie.

"Kaya pala hindi ka nagrereply sakin kasi busy ka pala." sabi ko nang nakacross arms at nakakunot parin ang noo. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Sino ka ba?" tanong sakin nung pandak na lalaki.

"Sino ka rin ba?" sagot ko sakanya.

"Hoy! Kayong dalawa magsitigil nga kayo." sigaw samin ni Rainie. Pero nagtititigan parin kami nung Marco na yun.

"BESHIE!!" rinig na rinig ang sigaw ni Tin sa buong campus. Kaya napatingin kaming tatlo sakanya. "Good Morning!! Ay---" naputol ang sasabihin niya nang mapansin si Marco. "Sino siya bes?" tanong niya.

"Uhmmm, Tin si ano si Marco." tumigil siya sandali at tumingin sakin tas bumalik ulit kay Tin. "Pinsan ko." medyo napahiya ako ng konti. Pinsan niya pala. Ang selosos ko pala no? Ang OA pala ni Nathaniel Suarez. "Marco, si Tin bestfriend ko and si Nate, kilala mo na siya."

Nagulat ako nang biglang ngumiti si Marco at nginitian kami pareho ni Tin. "Oo nga nakekwento na nga kayo sakin ni Rainie." tas tumawa siya. Tumawa din ako ng may bahid ng pagkahiya. Pero kahit nahihiya ako sakanya may parte saking gusto siyang suntukin dahil sa biro niya. "Pre, Nate binibiro lang kita kanina. Kilala na kita ilang beses ka na kinekwento sakin ni Rain."

"Ah ganun ba? Hehe. Pasensya ka na pre kanina akala ko kasi ano na." nahihiyang sabi ko.

"Ang drama naman here. Sige na tara na malelate pa tayo." sabi ni Tin. Loko loko talaga si Tin eh ang aga aga pa. "Bye pinsan ni Rainie. Nice to meet you." kinawayan niya ito at hinila kami pareho ni Rain.

"Bye Marco ingat ka pauwi ha." paalam ni Rainie sakanya.

"Oo sige. Have fun." sabay ngiti nalang ni Marco at tumungo na sa kotse niya.

Bigla nalang akong pinalo sa braso ni Rainie. "Ikaw talaga masyado kang malisyoso."

"Sorry na. Ikaw kasi eh." sabi ko nang nahihiya pa rin.

"Anong ako?!" sigaw ni Rainie.

"Wala ang ganda mo kasi eh, kaya pinagdadamot kita." natahimik siya ewan ko kung nahiya ba siya o kinilig sa sinabi ko.

"Ang landi talaga ng mga tao dito. Palamunin ko kayo ng libro eh." parinig ni Tin tas inirapan kami. Tumawa lang kami ni Rain.

"Sige na pupunta na ako sa room. Kita tayo mamayang vacant. Pupunta ako sa room niyo." sabi ko. Tumango lang siya at ngumiti. Naglakad na siya pero nung makalayo na siya ng konti tinawag ko ulit siya.

"RAIN!"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet